My Playlist

By jozetto

567 70 219

Short Stories Compilation More

Feels Like Home (p1)
Feels Like Home (p2)
Two Ghost (p1)
Two Ghost (p2)
Too Much To Ask (p2)
Hate To See Your Heartbreak (p1)
Hate To See Your Heartbreak (p2)
A Thousand Years (p1)
A Thousand Years (p2)
If I Cried A Thousand Tears (p1)
If I Cried A Thousand Tears (p2)

Too Much To Ask (p1)

66 6 23
By jozetto

This story is dedicated to
Mikastick_101

"And tell me there are things that you regret
'Cause if I'm being honest I ain't over you yet"

***

"Mikaela! Gumising ka na nga dyan. Hinihintay ka na ni Justin." nag-unat-unat muna ako bago tumayo.

Para akong zombie na naglalakad sa aking kwarto, at dahan dahan kong binuksan ang pinto.

"Mommy, pahingi ngang kiss." sabi ko dito habang nakapikit pa din. Ganito ako lagi, super sweet sa mommy ko.

"Mommy, kiss mo na ako. Alam ko hindi pa ako nag-toothbrush pero hindi naman ako bad breath." angal ko sakanya kasi hindi niya pa ako hinahalikan sa cheeks.

"Really?"

Napamulagat ako sa boses na narinig ko. Hindi si mommy ang nasa tapat ko ngayon!

"Justin? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sakanya. Tinaas niya lang yung kilay niya at pinakita niya yung oras sa phone niya.

Tinignan niya ako ng matalim at naglakad siya papunta sa living room namin habang nakatingin doon sa orasan na nakasabit doon.

Waaah lagot ako kay Justin! 8:00 A.M nga pala ang klase namin ngayon! At 7:32 A.M na!!!!

Lagot ako sakanya kapag nalate kami sa school.

Agad agad kong kinuha yung uniform at yung hygiene kit ko at nagmadaling pumasok sa C.R at naghilamos.

Bahala na, wala na munang ligo ligo ngayong araw. Malalate na kami at malalagot ako kay Justin kapag nangyari iyon.

Humarap ako sa salamin at inayos ko yung buhok ko. Para na akong bruha kaya naman mabilis ko itong sinuklayan gamit ang daliri ko.

Lalabas na sana ako sa loob ng C.R kaso napansin ko na wala akong kaamoy-amoy kaya naman hinanap ko agad yung perfume ni Mama sa hygiene kit niya na nasa C.R

"Pahiram muna nito Mommy huh? Ayokong nangangamoy ewan sa tapat ni Justin." sabi ko sa sarili ko.

Oo matagal ko ng crush si Justin. And Bestfrie-- childho--neighbor nalang nga!

Oo kapit bahay ko si Justin at hindi ko alam kung bestfriend ko ba siya o childhood friend. Basta close lang kami.

Ay joke! Hindi ko din alam kung close kami eh. Basta nag-uusap lang kami---este ako lang pala ang laging kumakausap sakanya.

Napakasungit niya kasi at hindi siya masyadong nagsasalita.

And... Lagi niya akong kasabay pumapasok sa school dahil obligasyon niya 'yon. Wahahaha.

Gusto kasi ni Mama niya na lagi kaming sabay pumasok. Bet na bet ako ni Mama niya para maging future Daughter-in-law niya. Waaah.

Paglabas namin sa bahay. Bumungad sa akin yung bike niya.

Waaah heto na yun! Aangkas na ako sa bike niya.

Sumakay na nga siya doon sa bike at akmang sasakay na din ako kaso bigla niya itong pinaandar dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Tinignan niya ako at ngumisi ng nakakaloko tapos pinaandar na niya ulit yung bike niya.

Grabe diba? Never niya pa akong pinasakay doon sa bike niya. Kaya heto ako ngayon tumatakbo at hinahabol ko siya.

Hingal na hingal ako nang makarating kami sa tapat ng gate ng school namin. Inayos ko yung sarili ko at pinunasan ang pawis na tumutulo sa mukha ko.

Pinark ni Justin yung bike niya at sabay kaming pumasok sa school, yun nga lang lagi siyang nauunang naglalakad sa akin.

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang nakapamulsa siyang naglalakad.

Noong makarating na kami sa building namin, wala ng gaanong students na nakalabas kaya kinabahan na ako.

Well magkaklase pala kami ni Justin. Kaya same classroom lang kami na pupuntahan.

Noong nasa tapat na kami ng classroom namin. Nakita ko sa harapan ang pinaka-terror naming teacher sa Math. Waah kaiyak!

Unang pumasok si Justin at nakisabay ako sakanya. "Sorry Ma'am were late." sabi nito.

"Dahil late kayo, hindi kayo makakapasok basta basta sa classroom na ito kung hindi nyo masasagot itong math problem na nasa board." masungit na sabi ng math teacher namin na mas lalong nagbigay ng kaba sa akin.

Lumapit na nga si Justin sa blackboard at kumuha na siya ng chalk. Mabilis niyang sinagot yung math problem na binigay sakanya nung terror teacher namin.

"Excellent Justin. Napakagaling mo talagang bata ka. Pwede ka ng umupo." pagpuri nung math teacher namin kay Justin at mapayapa na nga siyang umupo sa kanyang pwesto.

"At ikaw. Sagutin mo ito!" sabay turo ng terror teacher sa akin. Waah lagot na ako.

Manginig-nginig pa akong lumapit sa kanya at kumuha na ng chalk.

Lumapit na ako sa blackboard kung saan nakasulat yung math problem.

x-16=8
Find X

'Yan lang naman ang nakalagay sa blackboard. Waaah. Saan ko mahahanap yung X na yun?

Ang sabi ng mga classmates ko easy lang daw mahanap si X. Eh nahihirapan ako eh!

"Maria Mikaela Herrera Sinsay!" sigaw ng teacher namin sa buong klase dahilan para matawa ang mga classmates ko.

Grabe! Completed name pa talaga teacher?

"Ano? Mahahanap mo ba ang X?" tanong nito sa akin tapos dahan dahan akong umiling habang nakayuko.

"Wala pa po kasi akong naging boyfriend Ma'am kaya hindi ko pa makita si X." sagot ko dito tapos napuno na naman ng tawanan ang buong klase. Grabe classclown na ba ako?

"Labas! Mag squat ka doon!" sabi ni teacher tapos nagmadali na akong lumabas ng classroom.

Bago pa man ako lumabas, tinignan ko muna ang reaksyon ni Justin. Waah nahihiya ako sakanya! Bakit ba kasi napaka-slow ko sa math?

Pagtingin ko, nakatingin lang siya sa blackboard. Hindi man lang siya tumingin sa akin.

Nagsquat na nga ako dito. Grabe 2 hours pa man din ang math namin tapos break time pagkatapos. Hahaha yung favorite subject ko!

Uy pero wag kayong ano dyan! Hindi lang talaga ako pinagpalaan ng karunungan sa Math pero magaling ako sa English at Filipino! Bwahaha.

After 2 hours....

*kriiiing*

Ito naaa! Ang favorite subject ko sa lahat! Ang break time!! Waaah.

Tumayo na nga ako sa pagkaka-squat ko at inayos ko ang sarili ko. Hinimas himas ko ang aking braso kasi sobrang hapdi na.

Ang tagal ko kayang nag-squat dito no!

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at tinitignan nila ako habang tumatawa. Tsk! Inggit lang kayo kasi di niyo pa na-experienced ang squat hehe!

Hinintay kong lumabas si Justin habang hinihimas himas ko ang braso ko.

Pinakahuli siyang lumabas sa klase at paglabas na paglabas niya may hinagis siya sa aking kulay puti na bagay tapos naglakad na siya papalayo sa akin.

Agad agad ko naman pinulot iyon at isa palang pain relief patch ang hinagis niya sa akin.

Agad agad kong nilagay ang mga iyon sa braso ko at mabilis akong tumakbo para mahabol ko siya.

Sabay kaming kakain!

Noong nasa canteen na ako. Nakita ko siyang nakaupo doon sa dulo habang kumakain siya ng burger. Agad agad na din akong bumili ng limang sandwich at pumunta doon sa pwesto niya.

"Justin. Pahingi ng fries no?" sabi ko dito at hindi pa man siya nakakasagot kumuha na ako. Wahaha food is life kaya!

Lamon lang ako ng lamon dito habang siya ay busy na nagbabasa doon sa libro habang kumakain.

"Anong binabasa mo?" tanong ko sakanya tapos tinignan niya ako.

"Binabasa ko ang mga katulad mo." sagot nito dahilan para mamula ang pisngi ko.

Waah. Gusto niya ba akong makilala pa ng maayos? Ihh. Kinikilig talaga ako.

"Patingin nga." sabi ko dito at kinuha ko yung libro na binabasa niya para tignan ang title nito.

Pagkabasa ko doon sa title.... "How to rid a psychopath." parang yun yung first time kong makaramdam ng heartbreak.

Ang babaw ko na ba?

Napabuntong hininga nalang ako sakanya at tinuon ko nalang ang sarili ko sa foods.

Lamon lang ako ng lamon hanggang sa..."Tu....b...bi....big." Tapos hinahampas hampas ko ang dibdib ko. Kyaah may dibidib pala ako?

"Ano?" tanong nito.

"Tub...bi---" hindi ko na kaya kaya naman kinuha ko na yung iniinom niyang juice ngayon.

"Akin yan eh." angal nito noong kinuha ko yung juice niya tapos agad agad na akong uminom doon.

"Waaah. Salamat!" sabi ko dito noong makahinga na ako ng maayos. Tinignan ko siya tapos nabigla nalang ako ng namumula yung pisngi niya.

Waaah first time kong makita siyang mamula. Pero bakit ba siya namumula?

"Indire---" waah pabitin! Hindi niya tinuloy yung sinabi niya kundi nagfocus nalang ulit siya doon sa binabasa niya.

Grabe, ganoon ba siya kadesidido na mawala ako sa buhay niya?

Pero ano daw yung sinabi niya? Inire ba? Hindi ko narinig ng maayos.

"Inire ba yung sinabi mo?" tanong ko sakanya pero naka-focus pa din siya sa libro. "Oo inire talaga ako ng nanay ko." sabi ko dito dahilan para mapatingin siya sa akin at ngumisi.

"Elaaa!!" napatalon ako sa sumigaw sa buong canteen. Paglingon ko nakita ko si Angela!

"ANGELAAA!" sigaw ko pabalik tapos tumakbo ako papunta sakanya.

Nagyakapan kami sa gitna ng canteen. Kyaah namiss ko siya!

Ilang linggo din siyang absent. Ngayon may magtatanggol na sa akin.

"Oy kayo, kapag tinawanan nyo ako ulit kapag math na lagot kayo sa BFF ko!" sigaw ko sa mga kaklase kong tumawa kanina. Nandito din kasi sila sa canteen.

"Ano na Ela? May progress na ba ang relationship nyo ni Justin?" tanong ni Angela sa akin.

Napayuko nalang ako sa tanong niya. "Wala pa eh." sagot ko dito.

"Hayaan mo, may plano ako." sabi nito then she grinned.

Continue Reading

You'll Also Like

45.9K 197 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
166K 9.5K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
Gapang By vhfc_13

Short Story

13.1K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
69.2K 164 15
SPG