A Not So Secret Love Affair (...

By xxcalvinkleinxx

4.4M 73.5K 4.4K

Si Mariel ay isang simpleng babae lamang na walang ibang hangad kundi ang makakabuti sa kanyang pamilya. Sya... More

A Not So Secret Love Affair
Love Affair no. 1
Love Affair no. 2
Love Affair no. 3
Love Affair no. 4
Love Affair no. 5
Love Affair no. 6
Love Affair no. 7
Love Affair no. 8
Love Affair no. 9
Love Affair no. 10
Love Affair no. 11
Love Affair no.12
Love Affair no. 13
Love Affair no. 14
Love Affair no. 15
Love Affair no. 16
Love Affair no. 17
Love Affair no. 18
Love Affair no. 19
Love Affair no. 20
Love Affair no. 21
Love Affair no. 22
Love Affair no. 23
Love Affair no. 24
Love Affair no. 25
Love Affair no. 27
Love Affair no. 28
Love Affair no. 29
Love Affair no. 30
Love Affair no. 31
Love Affair no. 32
Love Affair no. 33
Love Affair no. 34
Love Affair no. 35
Love Affair no. 36
Love Affair no. 37
Love Affair no. 38
Love Affair no. 39
Love Affair no. 40
Love Affair no. 41
Love Affair no. 42
EPILOGUE

Love Affair no. 26

84.1K 1.4K 71
By xxcalvinkleinxx

"Magagalit talaga sayo 'yon!" Ani Caesar matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa akin noong nakaraang linggo.

Nasa Mall kami ngayon dahil nag aya itong mag gala. Wala daw syang trabaho ngayon at nabobored daw syang mag isa.

Bago ako pumunta dito ay nag text muna ako kay Jake na makikipagkita ako kay Caesar. Mahirap na. Baka sa iba pa nya malaman at umandar na naman ang pagiging seloso ng isang 'yon.

"Walang wala kasi talaga ako nung time na 'yon. Ayun lang ang alam kong paraan para mag ka pera." Sabi ko habang tinitignan ang mga taong nakakasalubong ko. Bilang lang ang tao dito sa mall, Lunes kasi kaya kalimitan ng mga tao ngayon ay nasa trabaho at school.

"Kay Jake! Sa Boyfriend mo." Ngumisi ito sa akin.

Alam na nyang may relasyon kami ni Jake. Sinabi ko ito noong isang araw na magkatext kami. Noong una ay hindi sya makapaniwala hanggang sa ipinaka usap ko na sa kanya si Jake para ito na mismo ang mag sabi ng totoo.

Tumigil ito sa paglalakad ng makarating kami sa tapat ng Mcdo.

Hinila ako nito papasok sa loob. "Tara! Kain tayo." Yaya ni Caesar sa akin.

Habang kumakain ay patuloy pa din ang pagtatanong nya ng mga kung ano ano. Pag tinatamad akong sagutin sya  ay tango at iling lang ang sinasagot ko dito.

"So, Kamusta na ang relasyon nyo ni Jake? Yung pakikitungo nya sayo, Nagbago na ba?" Tanong nya habang sinasawsaw ang fries sa barbeque sauce.

Napangiti ako ng maalala ang ginawa ni Jake kaninang umaga. Ipinagluto ako nito ng paborito kong tapsilog bago sya umalis. Inihanda na din nito ang isusuot kong damit pagkatapos kong maligo. Natawa ako sa aking isipan. Dapat ata ay ako ang gumagawa ng bagay na 'yon. Mukhang nabaliktad talaga ata ang sitwasyon.

Simula ng mag away kami ay mas naging sweet ito sa akin. Sya palagi ang nag luluto ng aalmusalin ko at ginigising na ako nito bago umalis. Tuwing gabi naman ay pinipilit nitong umuwi ng maaga para sabay kaming kumain ng hapunan.

"Uyy. Nakangiti. Ngiting inlove." Tukso ni Caesar sa akin at sinundot sundot pa ako sa tagiliran.

"Tumigil ka nga." Natatawang sabi ko at binato ko sya ng gamit na tissue.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito sa seryoso na tono. Tapos na kaming kumain at hinihintay na lang dumating yung take out nyang large fries.

"Hindi ko alam. Bayad na naman ako sa utang sa pagkakahospital kay Biboy kaya lang sa susunod na buwan panibagong bayarin na naman. Kulang na kulang talaga ang sweldo ko bilang katulong." Natawa ako sa huli kong sinabi. Tuloy pa din ang sweldo ko kahit wala na akong naitutulong sa Mansyon.

Napabuntong hininga ako.

"Kung papayagan ako ni Jake. Gusto ko sanang maghanap ng ibang trabaho. Tutal wala naman akong ginagawa sa Mansyon. Pa tambay-tambay lang ako doon." Ayoko kasing iasa ang lahat kay Jake. Kahit na sabihin na kayang kaya nyang bayaran ang lahat ng gastusin ng mga kapatid ko, parang hindi pa din naman tama iyon.

"Bakit hindi ka magtrabaho dun sa Restaurant na pinag tatrabahuhan ni Jake? For sure matatanggap ka agad don. Tsaka mas makakasama mo pa sya ng matagal, 'di ba?"

"Hindi pwede. Mga nakapag tapos ng pag aaral ang mga nagtatrabaho don. Pang mayaman 'yon. 'Di ako pwede. Hindi nga ako nakapag tapos ng highschool e." Sagot ko dito. Naisip ko na din kasi dati ang bagay na 'yon. Kaya lang noong nakita ko kung gaano kaganda ang lugar na pinagtatrabahuhan nya ay naisip kong hindi ako nababagay sa ganong klaseng lugar. Pag pumasok ako doon ay para akong nasa isang exam na may instruction na Find the difference.

Sumimangot ito. "Ang hirap sayo Mariel, masyado mong dinodown ang sarili mo." Tumigil ito sa pag sasalita ng dumating na yung hinihintay naming take out.

"Tara na nga." Aniya at nauna ng maglakad patungo sa parking lot.

Nakasunod lang ako sa kanya. Napailing na lang ako.

Nabadtrip ata sa sinabi ko.

Habang nag mamaneho ito pabalik sa Mansyon ay tahimik lang ito kaya nagulat ako ng walang ano-ano'y nagsalita ito.

"Yung friend ko naghahanap ng pwedeng magtrabaho sa coffee shop nya. Maliit lang 'yong coffee shop kaya panigurado maliit lang din ang sweldo. Gusto mo?" Mabilis na tiningnan ako nito at agad ding tinutok ang atensyon sa kalsada.

Agad naman akong napangiti. Nakahinga din ako ng maluwag. "Akala ko galit ka!" Natatawang wika ko at hinampas sya sa kabilang braso.

Napakunot naman ang noo nito. "Bakit ako magagalit?" Nagtatakang tanong nito

"Akala ko nagalit ka sa sinabi ko kanina kaya binilisan mo ang paglalakad mo."

Nagtaka naman ako ng humalakhak ito ng sobrang lakas. "Baliw! Najejebs ako kanina kaya binilisan ko ang paglalakad." Hindi ko napagilang matawa sa dahilan nito. "Nawala na ngayon kaya kinausap na ulit kita" Sabi nito habang hindi pa din natatapos sa pagtawa.

Nang makabawi ay agad din nitong binalik ang topic namin kanina.
"So? Payag ka?" Tanong nito.

"Hindi ko alam. Magpapaalam muna ako." Gustong gusto ko sana kaya lang ay hindi pa ako makakasagot ngayon. Ipinangako ko sa sarili ko na sa tuwing magdedesisyon ako ng kahit na anong bagay, dapat alam ni Jake. Ayokong masira ang tiwala nya sa akin ng dahil sa maling desisyong gagawin ko.

Nasa tapat na kami ng mansyon kaya itinigil na nya ang kotse. Humarap ito sa akin at agad na ngumiti. "Well, Goodluck." Sabi nito bago ko buksan ang pinto ng kotse.

Bumusina muna ito bago umalis. Nang hindi ko na matanaw ang kotse ay tsaka lang ako pumasok ng naglakad papasok sa Mansyon.

Laking gulat ko ng makita ko si Jake na nakaupo sa may Sala. Napakunot ang noo ko. Bakit andito 'to? Alas kwatro pa lang ng hapon at Karaniwang Alas otso pa ang uwi nito.

"Bakit ka andito?" Tanong ko ng makalapit dito.

"12:30PM nagtext ka sakin. 4:39PM na ngayon. Anong ginawa nyo sa loob ng 4 hours. 9 Minutes and 8 seconds?" Napanganga ako sa tanong nya. Seryoso ba sya?

Tumayo ito at lumapit sa akin. Hawak na hawak nito ang ang kanyang cellphone sa kaliwang kamay. "4:28PM  narinig kong may tumigil na sasakyan sa tapat ng gate. 4:34PM narinig kong nagbukas ang pinto ng kotse. So ibig sabihin 6 minutes and 29 seconds kayong nasa loob ng sasakyan habang nakatigil ito sa tapat ng gate. Anong pinag usapan nyo? May ginawa ba kayo?" Kung kanina ay napanganga lang ako ay ngayon naman ay namilog na din ang mga mata ko.

"Babe! Sumagot ka naman. Ilang beses kitang tinatawagan kanina pero cannot be reached yung cellphone mo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Mahal mo na ba sya? Kaya hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kasi-- Ouch!" Hindi na ako nakapag pigil kaya binatukan ko na ito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Kaya naman pala hindi ito nagrereply sa text ko kanina ay namatay pala ang phone ko. Sa sobrang kalumaan nito ay palagi na itong nagloloko. Palagi din itong lowbat kaya laging naka charge.

"OA ha. Namatay ang phone ko kaya hindi ko alam na tumawag ka pala." Sabi ko at nag tungo na sa taas. Magpapalit na ako ng damit pambahay dahil kanina pa ako kinakati sa suot ko. Ramdam ko ang pagsunod nito sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Anong ginawa nyo nung baklang 'yon?" Inirapan ko ito. Napaka init talaga ng dugo ng lalaking 'to pagdating kay Caesar.

"Wala. Wag ka na ngang magselos! Naiirita ako." Sabi ko at kinuha ang damit sa cabinet. Pansin kong mataray ako ngayon at paiba-iba ng mood. Ang hirap talaga pag may monthly period. Hindi mo makontrol ang emosyon mo.

"Babe naman. Bakit pag ikaw nagseselos kinikilig ako. Tapos pag ako naman ang nag seselos naiirita ka? Daya! Dapat kiligin ka din." Napairap ako sa sinabi nito. Bumabalik na naman sa asal bata.

Hindi ko ito sinagot. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng maisusuot kong damit.

"Bakit hindi sya kinikilig? F-uck. Hindi kaya one sided love lang ang meron samin? Damn!" Bulong nya pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ko.

Biglang may naisip ako. Dahan dahan akong lumapit dito at ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa kanyang batok.

"Sige. Kikiligin na ako. Pero sa isang kondisyon." Sabi ko at nginitian sya ng napaka tamis.

"Ano?" Kunot noong tanong nya.

"Papayagan mo kong magtrabaho. Sa coffee shop --"

"NO." Bigla biglang nagbago ang mood nito. Bumalik na naman ang seryosong aura nito.

"Okay." Sagot ko at tangkang lalabas na ng kwarto ng pinigilan ako nito.

"San ka pupunta?" Tanong nito habang hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa akin sa braso ko.

"Garden lang. Papalipas ng sama ng loob." Sagot ko. Paawa effect na rin. Nagbabakasakaling magbago ang isip nya.

Gusto ko lang talagang magpahangin. Ayoko naman na magkulong na naman dito sa kwarto. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.

"Hindi pwede!" Nagulat ako ng sumigaw ito.

"Hindi pwedeng magpahangin?" Anong plano nya ikukulong nya ako dito sa kwarto?!

"Hindi pwedeng sumama ang loob mo sa akin." Napangisi ako sa aking isipan dahil sa sinabi nito. Nagkunwari akong walang pakealam sa narinig. Mukhang kelangan kong umacting ngayon ah.

"Edi pagbigyan mo ang gusto ko." Sagot ko at iniwan syang mag isa.

Habang naglalakad ako papuntang garden ay hindi naaalis ang ngisi ko sa labi. Nararamdaman kong hindi matatapos ang araw na 'to na hindi nya ako mapapagbigyan.

Maya maya pa ay naramdamam ko na ang pag sunod nya sa akin.

"Masama pa din ang loob mo sakin?" Tanong nito at hinarap ako.

Naging seryoso muli ang mukha ko ng tingnan ko ito.

"Oo nga." Kunyari ay napipikong sagot ko.

Hay nako, Jake. Kelan ka kaya mananalo sakin?

"Sige na nga!" Sabi nito na para bang naghihimutok na bata.

"Anong sige na nga?" Tanong ko kahit na alam ko na kung ano iyon. Gusto ko lang makumpirma.

"Payag na ko." Sabi ni Jake habang ang mukha ay parang nalugi sa negosyo.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi ko.

Kung ano anong pang itinanong nya na tungkol sa pagtatrabahuhan ko tulad ng kung mahihirapan daw ba ako doon, At kung ano ano pa.

"Oo nga pala, Sinong nag suggest sayo na mag trabaho sa coffee shop na yan?" Tanong nito at inakbayan ako.

"Si Caesar." Napansin kong unti unti nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Patay. Baka bawiin pa ni Jake ang sinabi niya kanina ah.

"Caesar na naman." Bulong nito. "Ipasalvage ko na kaya 'yon. Para mawalan ako ng karibal." Sabi ni Jake na para bang kinakausap ang kanyang sarili.

"Jake hindi magandang biro yan ha." Suway ko sa kanya.

"Hindi kaya ako nagbibiro." Sagot nito.

"Jake!" Sabi ko at sinamaan ko ito ng tingin.

"Mariel!" Sabi nito at ginaya pa ang boses ko. Napairap na lang ako. Bumalik na naman sa pagiging asal bata nya.

***

Hello kay leopadgirl :)) Thanks you sa vote at comment. Godbless :))

Continue Reading

You'll Also Like

90.6K 3.3K 23
https://www.ebookware.ph/product/monica-raketera/ "Mahal kita, kahit gaano ka pa kaoportunista." Basta marangal na raket, asahan mo, si Monica, alway...
419K 5.6K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
1.2M 36K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...