Tsina: The 15M Wife

By TsinaLee

763K 17.9K 254

A marriage for convenience that is not convenient at all. More

Tsina: The 15M Wife
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
Last..

9

15.8K 351 11
By TsinaLee

Kinabukasan

Pag dilat ko, maliwanag na, nakatulugan ko na yung pag-iisip sa company nila Franco, well, back up lang naman ako pero mas maganda na talaga yung mapag aralan hanggang maaga, teka? Ano to? Continuation nung iniisip ko kagabi? Tsk! Makaligo na nga at ng makapasok na sa office, napakadami ko din inaayos sa office ni Zandro, hati na nga kami ng PA ko eh, pagbalik nya, tatambakan ko sya ng trabaho, Psh.. ang daming iniwan na trabaho habang nagliliwaliw sila ni Ven, "hello? Ikaw may idea ng bakasyon nila?" sagot din ng utak ko. aishhh! Kaya ayaw ko mag manage ng company ehh! Mapapraning ako!. Kaya sana wag masyado masarapan sila Zandro sa bakasyon nila! Hahahah, naligo na ko at paglabas ko ng bahay, guess who's here?


"Oh Mark, napadalaw ka ng ganito kaaga?" –ako, sabay ngisi sa kanya


"Where's Grace Tsin?" sagot nya, ang itim ng ilalim ng mata nya, mukang walang tulog tong isang to.


"It' classified, Military Secret." Ako, na nagpipigil ng tawa. Hahaha


"Tsin, be serious naman," –Mark, na naiinis na, halos sabunutan na sarili


"At bakit ko naman sasabihin sayo?" tanong ko.


"She cannot get away that easy Tsin! Gaganti ako" galit na sagot nya.


"Then my answer is no Mark!. Ganti your face! Wala kang makukuhang info sakin" sabi ko, sira ulong yun, bata lang? may ganti ganti pang nalalaman, medyo bakla eh ano po? Alam ko babae lang mahilig sa ganun.


"Fine! I'll find her on my own!" –sya, aba at tinakot pa ko.


"You can't but if you insist then you can go ahead, make your day! As if naman mahahanap mo." Sagot ko, duh? Kung mahanap nya, sinamaan ako ng tingin, nginisian ko lang, well di ako takot.

"You're impossible Tsin!" inis nyang sabi sabay walk out. Makapag ayos na nga at madami pa ako aasikasuhin.


I'm about to leave my house when the doorbell ring, pag silip ko, I saw James kaya binuksan ko agad yung pinto, yes! Pinto agad, walang gate ehh, open garage ang meron ako. "Oh J, ang agang bisita naman?" bati ko


"L, daan ko lang tong report, I have a flight to catch today, tinapos ko muna kasi bago ako umalis, baka matagalan ako eh, may emergency sa Davao." Sya, mabilis talaga syang kumilos kung gugustuhin nya.


"Okay, thanks J! Kaya mo na ba yan or you need my help?" pag-uusisa ko


"Under control na L, I already use some of your connections, I hope you don't mind." Nahihiyang sagot nya habang kumakamot sa noo nya, mannerism nya yan pag nahihiya sya, I just rolled my eyes habang nakangiti,


"Yeah, I don't mind and as if naman may magagawa pa ko, you already used it eh!" I joked


"Thanks L, Got to go bye!" sya, then kissed me on my cheek bago umalis.


"Bye! Keep safe, madami pa ko ipapatrabaho sayo pagbalik mo!" pahabol ko then pumasok ulit ako sa bahay, binasa ko na yung report nya, di na ko makapaghintay na makarating sa office, kating-kati na yung pagkatao kong usisera, hahaha pero habang binabasa ko yung report, unti-unting nawawala yung ngiti ko, ang siksik lang nung report, lahat ng info nandito na, ewan ko lang kung may kulang pa to, buong-buo na yung kwento eh, pati sikreto ng company, kung paano nabili yung stock secretly, kung sino ang bumuli na dummy lang naman pala, Their agenda for buying that share and as early as this, they were doing something behind Madrigal's back. I also have on my hand the list of all share holders of the company, I scanned it and smiled when I saw someone's name. Gosh J! Mahahalikan kita! James really is the best! Every page of this report is useful.


Napasandal ako sa couch after ko mabasa yun, pipikit na sana ako when I heard my phone ring, I fished it out of my bag and answer it without looking at the screen. "Yes, hello?" patamad kong sagot


"Babe, I need your help" Zandro said on the other line


"About what? Babe if it is about the company, shut it okay?." Sagot ko sakanya


"Babe I just proposed again to Vennisse, it's a grand church wedding this time and I want it as soon as we come home." Masayang sabi nya but with urgency in his tone na nakakapagtaka pero excited ako, di ko na pinansin.


"OH my God Zandro!  Is that for real?" excited kong tanong, high pitch pa. The news lift up my mood ten time higher!


"Yes, and I want you to prepare everything babe. The date of our wedding will be two days after our arrival." Sabi nya sa tonong inuutusan ako.


"What? Why me? Anong alam ko dyan?" sunod-sunod kong tanong


"Kailangan kasi maikasal agad kami pagkadating namin dyan."


"Why the rush Zandro? Eh kasal na naman kayo? Spill it." I said in a tone that I am using when I want to know something. Nagseryoso na ang mukha ko kahit pa hindi nya nakikita. I smell something bad. Unti-unti na ding nawawala ang excitement ko.


"Uhm babe, remember my New PA?" sya na parang kinakabahan


"Yeah, I already fired her, why?" sagot ko, subukan lang nito ibahin yung usapan, pupuntahan ko to sa US para kutusan.


"I don't know how it happened but she has pictures of us kissing in the office, she emailed it to me last Friday and she's blackmailing me." Kabadong sabi nya.


"What the hell Zandro!" sigaw ko


"Tsin, listen, it happened on my last day on office before Ven & I left for the states, bigla na lang syang pumasok sa office then she sat on my lap and kissed me, nabigla ako pero naitulak ko naman sya eh! And hindi ko alam na nakuhanan yun" mabilis nyang paliwanag as if his life defends on it.


"F*ck Zandro! Baka naman nasarapan ka pa kaya nakuhanan pa ng picture? And one more thing! I told you to f*cking removed that bitch in your office pero di mo ako sinunod! Hindi ka marunong makinig! F*ck that!" galit na galit kong sigaw sa kanya, nakakabwisit! Pag si vennise na ang masasaktan talagang nagtatransform ako into monster eh! Mas matatanggap ko pa kung sinabi nyang edited ang mga photos na iyon!


"Tsin, hindi ko naman alam na mangyayari to eh! Di ko yun ginusto" sya


"Yeah! I know that, dahil hindi to mangyayari kung alam mo! At lalong hindi to mangyayari kung nakinig ka sakin!" sigaw ko padin, sobrang nanggagalaiti ako sa galit eh, lalo na si Vennisse ang involve at masasaktan. Protective ako dun eh.


"I'm sorry Tsin, I know it's my fault, I am trying to fix it as soon as possible."


"And you think marrying her in church will fix it all? I asked sarcastically. Nakakabwisit lang na iyon ang naisip nyang sagot sa problema nya.


"No, but that would make our bind stronger babe" sagot nya.


"What does she wants Franco?" tanong ko sa medyong mababang tono na.


"She wants a secret affair with me, yun lang daw ang gusto nya." Sagot nya


"At ano? Habang buhay ka nyang ibablackmail? Fck! Subukan mo lang pumatol dyan Zandro!" galit na ulit ako, that bitch! May kalalagyan yan sakin eh!


"Of course not though I am offering her other deal.." sabi nya


"Don't you dare give her anything, offer lang ang gagawin mo. Ako na bahala sa wedding nyo at ako na din bahala dyan sa babaeng yan!. Gigil kong sabi


"Tsin, baka bigla nya ilabas yung mga pictures.." nag aalalang sabi nya


"Di ba sabi ko ako na ang bahala? Basta libangin mo sya sa mga offer mo okay? – ako


"Sige, lagot ako kay Ven pag nalaman nya to." Kinakabanhan sya


"Mabuti alam mo! At lagot din ako kay Ven nito Zandro! To think na alam ko. Anong Sh*t naman kasi yung ginawa mo?" Gigil na gigil ko pa ding sabi.


"Sorry na Tsin, di ko naman..."

"Isave mo yang sandamakmak mong sorry! Ughhh! You should have known better Zandro! Hang up na! Ayaw kitang kausap! Just send me your flight schedule, Bye!" putol ko sa sinasabi nya sabay pindot ng end call button. Wala pa naman si James to work on it. Wrong Timing! Tumayo na ko, pupunta ako sa office, I need to be there, I have lots of pending documents that needs my signature, and one more thing, papanuorin ko sa showroom kung  paano nangyari na na set up ng ganun si Zandro. Humanda sakin yang Zandro na yan, tumatag sya sakin, pag naakita ko lang na nasarapan sya. Walang kasalang magaganap.


*Office*


Dirediretcho lang ako ng lakad, di ko pinapansin yung mga empleyado na nag goodmorning sakin, pag pasok ko sa office, pinirmahan ko na yung mga documents at cheke, tapos lumabas na ko ng office


"Sis sa showroom ako, No Phonecalls & Visitors okay? Ayoko ng abala" habang inaabot sa kanya yung mga pinirmahan ko then diretcho na ko sa taas, I opened my mini theatre and tap something on the keyboard & presto! Pinapanuod ko na yung scene nung araw na yun, madali lang naman tandaan ang araw kung kailan nangyari iyon. Natuwa naman ako ng konti kay Zandro dahil malakas ang pagkakatulak nya kay bitch, ayun, tumama sa table nya saka na out of balance kaya napaupo sa sahig, natatawa ako sa itsura nya, buti nga sa kanya, knowing Zandro, medyo rude talaga and ungentleman. Pumapatol talaga sa babae itong isang to eh. Nice one! Dahil kung nagkataong nagustuhan nya yun, hindi nya magugstuhan ang gagawin ko sa kanya! Nakita ko na yung gusto ko makita kaya I copied it on my usb then delete it in my cctv. Bumalik na ko sa office ko,


"Sis pakitawag si Mr. Herrera" utos ko sa PA ko bago ako pumasok sa office ko. After ilang minuto


"Ma'am, nandito na po si Mr. Herrera" PA ko, ganyan talaga yan pag may tao


"Let him in, thanks." Maikli kong sagot.


"Good morning po ma'am, may kailangan po kayo sakin?" tanong nya na parang kinakabahan, Oh yes! Kabahan talaga sya dapat. Sya ang pinaka malapit na abot ng galit ko sa ngayon.


"Have a sit Mr. Herrera, I have some questions for you" –ako


"A-ano po b-ba yun Ma'am? Ma-may nagawa po ba kong ma-mali?" utal-utal nyang tanong, kitang kita nya siguro sa mukha ko ang galit.


"Di ba dapat ikaw ang nakakaalam nyan? May ginawa ka bang mali?" matigas kong tanong but still, I'm trying to hold on my temper

"Ma'am? Hi-hindi ko po a-alam ang si-sinasabi nyo?" utal utal padin nyang sagot na lalo kong ikinainis, tatanggi pa eh! I took a deep breath trying to calm my nerves, sorry, maikli lang talaga pasensya ko lalo na pag si Ven ang pinag-uusapan.


Sarap balian ng buto neto, "Sigurado ka? Kahit tanggalin pa kita sa trabaho at ipatanggal ko din ang pamilya mo sa mga trabaho nila?" tanong ko, I know, medyo unfair, oh sige! Unfair na talaga but fairness be damned!


"Teka lang ma'am, wala naman pong damayan ng pamilya" nahihintakutang sabi nya, yan! Matakot ka! Isa pa tong hindi nag-iisip.


"Oh walang damayan? Alam mo ba kung sino-sino ang nadamay at madadamay sa ginawa nyo? Gusto mo pala mag photographer, di mo sinabi agad, We shouldn't have hired you!." Galit na galit kong sabi, sira ulo eh!


"Ma'am maawa po kayo, kinulit at inakit lang naman nya ko eh!." –sya, takot na takot yung itsura. At alam nya ang tinutukoy ko! Huling-huli sa bibig nya mismo nanggaling!


"Ah, so it's the good f*ck eh? Tignan natin kung may ipakain yang kakatihan mo!" Naniningkit na mata ko sa galit sa taong to, dinampot ko yung intercom,


"Paul, please call the accounting and prepare everything for Mr. Herrera's termination, today is his last day, and put a red mark on his 201 file." Di ko na inantay sumagot yung PA ko, binaba ko na yung intercom, pagtingin ko kay Herrera, mangiyak ngiyak na sya,


"Ma'am, maawa po kayo sa'kin, may pamilya po ako." sabi nya

"At sa pamilyang binalak nyong sirain hindi ka naawa? This is the least I could do, mas maaawa ako sayo pag naabutan ka pa ni Zandro dito, alam mo yan. You can go now, sa tagal mo na dito, dapat alam mo kung paano kami magalit lalo na if it's about Zandro." Sabi ko sabay ikot ng swivel chair ko patalikod, naramdaman ko naman na tumayo na sya at sunod kong narinig yung pagsarado ng pinto ng office ko. Pinapainit nila ang ulo ko, lagot ako neto kay Ven pag nagkataon, wala pa naman si James para umasikaso sa bitch na yun! Urgghhhh!


I will have to wait for James. Pumikit na lang ako still trying to calm my nerves, medyo pakalma na ko nung napadilat ako dahil narinig kong bumukas ulit yung pinto ko at yung boses ng PA ko,


"Sir, hindi ho kayo pwede basta pumasok"


"Eto na, nakapasok na nga eh, Chill ka lang, ako bahala sayo"


"So what brought you here?" tanong ko ng di ngumingiti, tinanguan ko lang yung PA ko as a sign na okay na kaya umalis na sya.


"May dala akong food, let's eat?" naka ngiting sabi nya sabay taas ng paper bag


"Sige, kuha lang akong utensils and drinks" sabi ko sabay tayo at kuha ng gagamitin namin, grabe, bigla ako nagutom, ngayon ko lang naalala ang food.


"What's with the face Tsin? So serious, di ka naman mukang busy, wala ngang kalaman laman table mo eh?" takang tanong nya.


"Gutom lang, let's eat!" pinasigla ko yung boses ko saka pinilit na ngumiti.

"Wait!" sabi nya, sabay kiss sa lips ko! "Advance ko na yung dessert" sabi nya sabay kindat, ako naman, napatulala lang, ang bilis ng heartbeat ko. Umupo na sya sa tabi ko, "close your mouth Tsin!" bulong nya sakin sabay ngisi, inirapan ko sya,


"Hmp! Magdadala lang ng food, kulang kulang pa, bakit walang dessert?" sabi ko, pigil pigil ang kilig, some good kiss to ease the bad mood eh?


"Say ahhhh!" sabi nya sabay subo sakin na tinanggap ko naman dahil sa gulat.


"Hey, I can manage!" ako, pagkalunok ko nung sinubo nya.


"Nakatulala ka kasi! Halikan kita dyan eh!" nanunuksong sabi nya.


"Not here Franco!" I hissed then sumubo na ko, baka subuan pa ko ulit eh!


"Why not here? It's your private office?" tanong nya.


"Exactly my point, office to! At hindi ko talaga to office, kay Zandro to!" –ako


"Sorry hah? Oo nga naman, baka madumihan ko tong office nya." Sarcastic nyang sabi.


"It's not like that Franco, though.."


"Just eat Tsin, pwede ba? You'll irritate me more if you talk." He said irritated kaya di na ko sumagot, nabanggit lang si Zandro galit agad? Eh yung cctv naman talaga yung inaalala ko, alam nyo na? Baka masarapan? Ayoko nga mapanuod yung sarili ko! Ooopppss layo na ng naiisip ko, medyo manyak na, hihhihihii


"Anong ngiti yan Tsina?" inis padin nyang tanong


"Nasarapan lang .." sh*t! buti na lang, napigil ko yung bibig ko.


"Tsk! Palusot! Anyway, pupunta tayo ng company party mamaya, kaya ako nandito dahil bibili tayo ng susuotin" sabi nya


"Bakit? Wala ka susuotin? Di ako pwede, may mga appointment ako ngayong hapon." Ako, ang dami ko aasikasuhin, saka imimeet ko yung wedding planner.


"It's a semi-formal gathering Tsin, Can't you cancel your appointments?


"I can't, my 4pm meeting is kinda rush, what time ba yung party?" I asked


"7pm, call me pag tapos na yung meeting, okay lang naman kahit malate tayo" sabi nya na tumayo na, paalis na ata.


"Okay, sunduin mo ko ng 7pm dito, ako na bahala sa susuotin ko." sabi ko


"Tsin, it's a semi-formal .." pinutol ko na yung sasabihin nya, kairita eh.


"I know, narinig ko kanina, hindi mo kailangan ulit-ulitin" pagsusungit ko, anong akala nya? Wala akong semi-formal na damit? Hindi naman ako pupunta dun with my jeans and boots na usual kong sinusuot.


Magsasalita pa sana sya pero di natuloy dahil sa katok,


"Excuse me ma'am, James is on Line 1!" – PA ko.


"I'll take it, thanks and please do me a favor, ihanap mo ko ng pang SEMI-FORMAL daw na outfit and heels to match it, thanks!" Sabi ko then sinagot ko na yung phone.


"Hi J! When are you coming back?"


"Seriously L? My plane just touch down Davao!." Natatawang sagot nya.


"Sorry, I need you eh! Something came up, kanila lang pag ka alis mo lang ng bahay" sagot ko tapos napatingin ako kay Franco na nanlilisik na ang mata ngayon, Tsk! Ano na naman kaya? Topak talaga. Psh! Di pa umalis kung aalis.


"Pero L, baka two weeks pa ko dito" nag-aalangang sabi nya.


"it's okay J! take your time! Bye!" sagot ko then hang up, nahihiya din naman ako sa pang-aabala ko sa kanya, on leave sya eh.


"What?" inis kong tanong, makatingin eh, parang laki ng galit.


"Sino naman yun?" tanong nya


"James is one of my PA." maikli kong sagot na ikina kunot-noo nya.


"Bakit dalawa ang PA mo? At bakit sya nasa bahay mo kaninang umaga?" tanong nya, makatanong lang kala mo may krimen akong ginawa. Pshh!


"Actually, tatlo yang PA ko, nakaleave lang yung isa, dumaan lang sya sa bahay kanina kasi may inabot syang important documents" sabi ko


"Bakit tatlo? At bakit puro lalaki?" tanong nya sa nanlalaking mata, di makapaniwala,


"Babae kaya yung isa" sabi ko ng nakangiti sabay nguso kay Paula, hahahaha, "saka gusto ko lalaki para may inspirasyon naman habang nagbabanat ng buto" dugtong ko sabay ngisi.


"Are you trying to make me jealous?" inis nyang tanong, napatingin naman ako sakanya na nakakunot-noo,


"Are you?" tanong ko.


"No, kung sa tingin mo, nagseselos ako, then your wrong! I was just setting boundery to my property, remember, I bought you for 15 Million?" sagot nya


"Yeah! And jealousy is for lovers only!" sang-ayon ko sa sinabi nya kahit na inis na inis ako, kailangan talaga ipapamuka sakin lagi na binili nya ko?


"You go ahead, I have lots of thing to do, Pick me up later, I'll be ready at 7." Sabi ko saka nagkunwaring busy sa binabasa ko, para umalis na sya, nung naramdaman kong umalis na sya, sumandal nako sa swivel chair ko at pumikit, I also took a deep breath, hoping to calm and ease this unfamiliar feeling within me, bakit parang nasasaktan ako sa sinabi nya? No! It can't be! Pagod lang siguro ako at sobrang tense sa nangyayari kaya ganito, na drain lang siguro ang energy ko, I really can't be falling for him! Hindi pwede! Napadilat ako bigla when I heard a warning knock


"Sis, the wedding planner is here" sabi ng PA ko na nakasilip lang sa pinto, "Are you okay? You want me to reset your meeting?" nag-aalala nyang tanong.


"Nah! I'm okay, let her in sis" sagot ko na may pilit na ngiti at umayos na din ako ng upo.


"Afternoon L, haggardness lang ang peg?" bati nya sakin, psh! Am I that obvious? Si Franco may kasalanan neto ehh..


"Basta maganda padin ako cess" Biro ko. "I want you to personally prepare a grand church wedding, it's kinda rush, here's the document you will be needing, alam mo na gagawin okay? Update me from time to time." Sabi ko sabay abot sa kanya ng envelop na kinuha naman nya agad.


"No problem, I'll update you on everything L" masigla nyang sagot


"Wait, may iba ka pang appointment?" tanong ko


"Wala na, akala ko kasi mahaba pag-uusapan natin eh" sagot nya


"If that's the case, tulungan mo ko, I have a party to attend in a couple of hours, tara sa taas!" sabi ko sabay tayo at hatak sa kanya, yes hatak talaga, halos kaladkarin ko sya palabas ng office ko.


"Sis sa showroom kami!" sabi ko sa PA ko


Sa tatlong pinili ng PA ko, I settled for a red chiffon tube dress and 3-inch killer heels. Then yung make up ko, light lang but cess insist that I wear a harlot red lipstick, then yung hair ko is in big O curls yung tawag nya.


"Perfect! Sabi ko sayo ikayayaman mo ng bongga pag nag model ka L!" malanding sabi ng malanding baklang si Princess habang umiikot sakin.


I just rolled my eyes, lagi nya sinasabi yan, biglang my kumatok


"Wow sis! Nakakalalaki ka ah!" he kidded in a masculine voice "Anyway, Franco said he'll wait for you at the parking." Dugtong pa nya sabay wink sakin. Hindi ko namalayan na ganoon kami katagal nag-ayusan.


"Okay, baba na ko! Next time ko na pakilala sayo Cess!" sabi ko sabay beso sakanila bago ako bumaba sa parking.


Pagbaba ko sa parking, nakita ko sya agad sya, leaning on his car, looking so dapper in his suit, lumingon sya, naramdaman sigurong may naka tingin sa kanya, umikot pa ko bago lumapit sa kanya na nakatulala sa beauty ng lola nyo, "Okay naba to o magpapalit pa ko?"I tease him, I know naman na okay na to.


"Close your mouth Franco, your drooling!" ako ulit sabay punas ng gilid ng lips nyang may imaginary laway. Hahahaha, maka ganti man lang ng inis.


"Beautiful! For the lack of a better word to describe you wife." hindi padin inaalis yung tingin sakin.


"Shall we?" tanong ko na nagpipigil mapatawa.. ppffttt


"Ah yeah!yeah!" sabay ikot sa passenger seat para pagbuksan ako. Habang nagdadrive sya, palingon lingon padin sya sakin, hinayaan ko na lang.


"Where are we heading exactly?" tanong ko, naiilang na kasi ko sa tingin nya.


"La Briza Hotel" sabi nya


"Regular customer huh!" sabi ko


"Yeah, most of are company gatherings are done there." Paliwanag nya.


"They have the best service offered" dugtong pa nya na nakapag pangiti sakin.


La Briza is one of our business pero nakapangalan to kay Vennisse. Papasok na kami ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, pag angat ko ng mukha, nakita kong pasalubong samin ang mother nya at si Pinky, kahit na ayaw ko, bumati padin ako,


"Good evening po." Pero di nila ko pinansin bineso lang nya si Franco then after nya, hinalikan ni Pinky si Franco sa lips na ikinagulat ko naman. F*ck! Sa harap ko pa talaga! Buti na lang tinulak sya ng bahagya ni Franco, sapat para maputol ang halik.


"Pinks, what are you trying to do?" inis na tanong ni Franco


"Bakit? Anong problema? Lagi naman natin ginagawa yun ah?" sagot nya na nakangisi, tapos tumingin sakin, halatang nang-aasar kaya nginisihan ko lang din


"Ikaw lang ang laging gumagawa. And can't you see? I'm with my girl" gigil na sagot ni Franco, napa ngiting tagumpay naman ako sa sinabi nya. Nice one!


"So pag wala sya pwede?" mapanuksong sagot nya, not minding me.


"Shut up Pinky!" inis na sabi ni Franco, halatang nagpipigil ng inis, habang ako, nakangiti ng maganda, I won't give them the satisfaction of seeing me pissed.


"Franco! Tsina! Good to see you!" si lolo sabay tingin ng masama sa mama ni Franco, nakita siguro nila yung nangyari, hahaha kakampi ko talaga si lolo.


"Same here po lolo" magalang kong sagot, at nakiki lolo talaga ako ng bongga


"Excuse us, kakain po muna kami" malamig na sabi ni Franco, inis padin siguro


After naming kumain, inaya nya ko umikot, palakad na kami sa isang table nung may bumati samin na ikinagulat ko. "Tsina? Is that really you hija?" tanong nya


Ngumiti naman ako nung nakabawi sa gulat. "The one and only ninong kamusta po kayo? Asan ang ninang?" masigla kong sagot sabay nag mano at nag beso


"Mabuti hija, may ibang lakad ang ninang pero may late date kami mamaya, ikaw? Kamusta? Paano mo nga pala nakilala tong si Franco?" tanong nya, sasagot na sana ako ng bigla kaming napalingon sa makeshift stage nung nagsalita ang mother ni Franco.


"May we call on stage our President/Ceo Mr. Franco Madrigal together with Pinky, his fiancé and soon to be wife. Let's give them around of applaus!" masiglang sabi ng mama nya. Naramdaman ko naman na humigpit yung hawak sakin ni Franco kaya tinignan ko sya at tinanguan, halatang nagulat sa mama nyang masyadong redundant, Fiancé na soon to be wife pa huh! ASA naman sila eh asawa ko na yung mokong na to. Bumitaw ako kay Franco nung nakita kong papalapit sa pwesto namin si Pinky na may ngiting tagumpay, well sige lang, ingiti mo lang yan, as if naman may mapapala ka, nginitian ko din sya, si Franco, nauna na lumakad at iniwan si Pinky, natawa ako ng mahina pero sinigurado kong maririnig nya, inirapan lang nya ko, pag lingon ko, si ninong, naka kunot ang noo at nag hihintay ng explanation,


"He's my boyfriend ninong, lets hear him first." Sagot ko sabay kapit sa braso nya.


"Good evening ladies and gentlemen, maikli lang to, lo, pa, I hope you don't mind if you're not the first on my list to acknowledge tonight." dumako ang tingin nya sa pwesto ng lolo at papa nya na tumatango tango naman pero seryoso ang mukha. Halatang hindi nila nagustuhan ang ginawa ng Mama ni Franco.


"I want to acknowledge first the lady I came here with, Miss Tsina Gomez, the gorgeous lady wearing red dress, my girlfriend" then tumingin sya sa direction ko, I just noded and gave him a sweet smile, di ko ineexpect na sasabihin nya yun, nakakakilig lang. hahaha "Mama is just kidding about the fiancé and soon to be wife thing, I just want to make that clear, second, to my family, for their endless support and also to you guys who made time for this gathering especially our share holders na alam ko namang busy din. Again! Thank you for coming and enjoy the party, lugi po kayo sakin dahil ako, papunta pa lang, nag eenjoy na, ayoko na nga sana ishare sainyo ang magandang view na kasama ko eh, kaso naisip ko si lolo, I know, there will be hell to pay if hindi kami pupunta dito." Biro pa nya na ikina pula ng mukha ko at ikinatawa ng mga tao, almost all of the are glancing at my place, napayuko na lang ako pero napa angat din agad sa sinabi ni ninong,


"That was sweet of Franco, Lee I like him for you."


"Ninong, it's Tsina, he doesn't know" bulong ko habang papalapit si Franco


"Franco, I want you to meet Mr. Antonio Yul, my ninong" pakilala ko pagkalapit ni Franco samin, inunahan ko magsalita si ninong na ikinatawa nya.


"Of course I know Mr. Yul Tsin, he's one of our share holder, how come ninong mo sya?" tanong ni Franco na ikinatawa ulit ni ninong Tony, aliw na aliw sya.


"Ganito kasi yun Franco, nung bininyagan ako, kinuha sya nila dad na ninong ko." sagot ko na nagpipigil ng tawa, muntanga lang yung tanong eh, hahaha


"Of course, sorry for such question" napahiyang sagot ni Franco sabay tingin ng masama sakin tapos ang ganda ng ngiti kay Ninong! Bakit ako lang sinamaan ng tingin? Pinagtatawanan din naman sya ni ninong ah! Napaka unfair!


"I understand you Mr. Madrigal, kinabahan ka siguro sa biro ng mama mo." Sagot ni ninong na nangingiti padin, "Anyway, I'd better go, may date pa kami ng esposa ko at ikumusta mo ako sa mommy at daddy mo" dugtong pa nya


"Sure ninong, I'll arrange your vacation there. Pakisabi po kay ninang punta po ako sa house nyo one of these day, and kiss ninang for me" I said grinning, kumindat naman si ninong at bumeso tapos umalis na, I just waved at him.


"Your speech was great Franco" sabi ni lolo habang tinatapik tapik yung braso ni Franco, I almost roll my eyes, like duh? Nag acknowledge lang at enjoy the party lang naman ang sinabi, asan ang great dun? Sabihin nyo nga sakin? ASsaaannn?

"We better go pa, ma, lo, Tsin has prior commitment too" sagot ni Franco


"Sure! Anyway, thank you for coming hija, I know you're a busy person." Sabi ni lolo sabay beso sakin, ganun din ang papa nya, "Thank you for your time hija, it is much appreciated and sorry for my wife's not-so-funny joke."  Papa ni Franco


"No big deal tito..."  di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil ang bastos nyang anak, halos kaladkarin na ko palabas ng hotel, seriously? What's his problem? Daig pa ang may PMS eh, hanggang sa kotse di padin sya nagsasalita, nakakahawa mood neto grabe! Hinatid na nya ko sa bahay, pababa n asana ako ng kotse nung nagsalita sya


"Sorry for my mom Tsin and sorry for my mood too." Sabi nya


"If this is about your so called joke by your mom Franco then get out of that mood you're in now, wala sakin yun" naiinis kong sagot, bwisit eh!nakakahawa


"No, not that, Sorry for my mood , it's just that, things are not going according to my paln, you see, lolo ang papa are not supposed to like you!" frustrated nyang sagot na lalo kong kinainis! Matutuyuan ata ako sa taong to! Urrgghhhh!


"God Franco! Your mom dislikes me so much! Isn't that enough? You want your whole family to hate me? Tapos pinagtatanggol mo ko and nagsosorry ka din for your mom's behavior? What are you really up to? Anong gusto mong palabasin? You're a  knight? Anong sh*t yun?" I burst out, nakakaubos ng pasensya eh!


"No! hindi mo naiintindihan Tsin!" sigaw nya sakin.


"Eh di ipaintindi mo! At wag mo kong sigawan na parang ang layo ng kausap mo, katabi mo lang ako! Kahit bumulong ka lang maririnig ko!" Galit ko ding sabi


"I married you to pissed my lolo and papa off, that's why I don't want them to like you!" Inis nyang paliwanag, siraulo talaga pala to eh.


"Eh bobo ka pala talaga eh! Sana nagpakasal ka sa bakla sa ibang bansa, ewan ko lang kung di ka nila itakwil tarant*do ka! Pati kasal dinamay mo sa kalokohan mo!" inis kong sabi sa kanya, konti na lang tatamaan na to sakin eh, Isipin nyo naman? Sinong matinong tao ang magbabayad ng kasal para lang asarin ang ama at lolo nya? Sino?


"That is not gonna happen in this lifetime Tsina!" sabi nya habang nanlalaki ang mata at di makapaniwala sa suggestion ko, nakakapeste eh, gusto lang mang-asar kasal agad? Nung inalok nya ko ng kasal sabi nya mana daw nya nakataya tapos ngayon gusto lang nyang mang pissed off? Sarap bugbugin ahh!.


"Oh I have a better idea! Bakit di tayo maghiwalay? I'm sure your lolo and papa wouldn't like that!" gigil kong sagot, ako ata mauunang ma pissed off neto eh!


"Hell no! That is not an option! I paid you 15M for this!" mabilis nyang sagot.


"Then suffer the consequence of your doings Franco" sabay labas ng kotse nya at balibag ng pasenger door, lumabas din sya at sumunod sakin.


"Oh san punta?" tanong ko ng nakataas ang isang kilay.


"Pa kape naman Tsin, di ako gaano nakakain sa party eh" sabi nya, Pshh! ang bilis mag palit ng mood ng mokong na to, natalikod lang ako iba na mood.


"Mag-intay ka dyan, magluluto ako, mabilis lang to" sabi ko habang papunta sa kitchen.


"Mag palit ka kaya muna?" pahabol pa nya.


"Pwede na to, nagmamadali ako, para maka alis kana agad." Sagot ko habang hinuhubad and heels ko at nag simula ng magluto, adobong manok lang, para mabilis, nagsaing na din ako sa rice cooker then coffee maker naman ang hinarap ko. Nung nakaluto na ko, tinawag ko na sya, aba at nanonood ng tv, at home masyado to ha. Pagpasok nya sa dining room ko nagulat sya.


"You've done all this?" di makapaniwalang tanong nya.


"Oh bakit? May iba pa bang gagawa nyan? Tinulungan mo ba ko habang at home kang nanonood ng tv?" pamimilosopo ko, tatanong pa eh!


"Hindi mo naman sinabi eh! Sana tumulong ako!" kakamot kamot sa ulo nyang sagot.


"Tapos na eh, aapela pa? Kumain kana! Bilisan mo nang makapahinga na tayo pareho." Pagsusungit ko, di pa kumain kung kakain eh.


"Dito ako matutulog?" sabi nya habang nakangisi at tinataas baba ang kilay, sinamaan ko lang sya ng tingin, kapal ng face! Makikain na makikitulog pa!


"Joke lang! Kahit pagod na pagod na ko, uuwi padin ako" Paawa nyang sabi


"Teka, kumain ka din! Ang payat payat mo!" dugtong pa nya.


"Excuse me? Sexy ako no! Maganda na Sexy pa! Idagdag mo pa na genius ako! Package deal na! San ka pa?" pagmamayabang ko na parang nagmamarket ng kung ano, sabay flip ng curly hair ko, pumunta ako sa ref at kumuha ng ref cake.


"Hahahaha, wow! Ngayon lang kita narinig na nagsalita ng ganyan ah!" sabi nya


"Syempre! Obvious na eh! Ipagsasabi ko pa ba? Sayo ko lang sinabi kasi mukhang di ka aware." sagot ko habang naglalagay sa plate ng kakainin kong ref cake.


"Ano yang kinakain mo?" tanong nya habang nakatingin sa palte ko.


"Ref cake, pang maganda at sexy lang to, yan lang ang sayo, di ka pwede nito." Sabi ko sabay subo, well, naumpisahan ko na magyabang, iderecho na natin.


"Ayoko na nito, penge ako nyan!" hyper nyang sabi na ikinagulat ko.


"Hoy! Ubusin mo yan! Madaming batang nagugutom!" sabi ko


"Oo na! Pero penge ako nyan" sabi nya sabay sumubo ng sunod sunod


"Seriously Franco? What are you? A 26 years old businessman or an eight-year old kid?" tanong ko, parang bata eh! Nagmadali talaga sya ubusin yung food nya tapos bigla nya kinuha yung lagayan ng ref cake na parang may kaagaw sya. Napailing na lang ako tapos kumuha sa cup board ng mug at nilagyan ng kape.


"Grabe! Sarap dito sa bahay mo Tsin! I'm full! San mo nabili yung ref cake na sinasabi mo? Favorite ko na yan ngayon!" Masigla nyang sabi pagkalapag ko ng kape sa harap nya. Humigop muna ko ng kape bago sumagot


"Ngayon lang yan, bukas may bayad na yan. Home made yang ref cake, di pwedeng wala ako nyan sa ref para kay venisse." Paliwanag ko.


"Di ba ko pwede matulog dito? Madami naman kwarto dito eh? Or gusto mo tabi tayo?" pacute nyang sabi pero may halong pang aasar. Kapal nito!


"No." maikli kong sagot, abusado to! Binusog na, hihirit pa!


"Please Tsin? Pagod kasi ako eh!" paawa nyang sabi


"No! Binusog ka na nga eh, Makikitulog pa? Alis na! Para makapahinga na din ako! Abusado to!" masungit kong sabi, mapilit eh, nasabi ko tuloy yun naisip ko.


"Fine! Hatid mo ko sa pinto" makulit padin nyang sagot, tumayo na ko, matutuyuan ata ako dito sa lalaking to! Napakakulit parang batang paslit.

"Bye wife" sabi nya nung nasa pinto na kami sabay kiss sakin sa lips na tumagal for God knows how long dahil pinalalim pa nya yung halik at nadadala na nya ko, naramdaman ko na lang sa dibdib ko yun kamay nya na ikinagulat ko kaya naitulak ko sya.


"Goodnight." Bulong na lang na lumabas sa bibig ko yun.


Tumango lang sya, "Nyt, alis na ko." sabi nya sabay tumalikod na at pumunta sa kotse nya, umakyat na ko sa kwarto para mag shower at matulog, I am so tired.

Continue Reading

You'll Also Like

35K 1K 38
Ilang beses ka mang mainlove...sa iisang tao mo lang talaga mararamdaman ang tunay na true love! Cassy is a hopeless romantic. Gusto nyang maranasan...
112K 1.1K 37
It's about time to tell the truth from the heart. Published : September 2013 Completed : February 2018
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
349K 5.3K 44
What if that "what if one day" will happen...