As long as you love me

By xxakanexx

3.2M 111K 30K

Hindi na matandaan ni Mona Liza Arandia kung kailan niya hindi minahal si Juan Alfonso Birada. Basta ang alam... More

As long as you love me
Prologo: Kahit Kailan
Kapitulo.Uno
Kapitulo. Dos
Kapitulo. Tres
Kapitulo. Quatro
Kapitulo. Sais
Kapitulo. Siete
Kapitulo. Ocho
Kapitulo. Nuebe
Kapitulo. Diez
Kapitulo. Once
Kapitulo. Doce
Kapitulo. Trece
Kapitulo. Catorce
Kapitulo. Quince
Kapitulo. Deiciseis
Kapitulo. Diecisiete
Kapitulo. Dieciocho
Kapitulo. Diecinueve
Kapitulo. Veinte
Kapitulo. Veinteuno
Kapitulo. Veintedos
Kapitulo. Ventitres
Kapitulo. Veintequatro
Kapitulo. Veintecinco
Epilogo

Kapitulo. Cinco

100K 4K 1.3K
By xxakanexx


Dito ka lang

Juan Alfoso Birada's

"Pero hindi naman sinabi na si Mamang ang nanay dito. Ang isa sa apat ay Arandia, namatay ang sikreto kasama ni Papang pero hindi malinaw kung si Mamang ang ina ng Arandia sa atin, baka naman si Celeste ang nanay ng isa sa atin."

"That's bullshit." I told Pepe.


"So, hindi ko na nga tatay si Papang, hindi ko pa rin nanay si Mamang." Biglang sabi ni Jufran. Naniniwala talaga siyang hindi siya ang anak ni Papang dahil siya ang panganay. Tawa naman nang tawa si Toto. Nag-appear sila ni Pepe tapos ay inasar na si Kuya.

"Kawawa ka naman. Hindi ka pala namin kapatid. Pangit ka kasi."

"Mga putang ina ninyo! Kung bumara ako sa matress ni Mamang patay kayong lahat!" He hissed.

"Paano ka nga babara doon! Sa ibang matres ka galing!"

"Hahaha! Pangit!" Sigaw ni Pepe.


"Paano pala kung ikaw ang hindi anak ni Mamang at Papang." Binanatan ni Jufran si Pepe natahimik naman siya.

"Hindi kasi iyan totoo! Ako ang bunso, ako ang paborito."


"Oo, ikaw din iyong huling nagpatuli." Natatawang sabi ko.

"At least tuli pa rin." Sagot niya. Tiningnan ko si Jufran. Puno siya ng pag-aalala. Alam kong marami na siyang alinlangan tungkol sa isyu na ito. Hindi nga namin ito pinag-uusapan kundi lang talaga dumating si Celeste. Gusto kong magtanong kay Mamang, gusto kong siya mismo ang magsabi sa amin ng katotohanan kaya lang ayokong isipin niyang kinukwestyon namin siya. Hindi naman kami nakadama ng kakulangan ng pagmamahal mula sa mga magulang namin at kung sakaling magkatotoo nga iyong sinasabi ni Pepe na isa sa amin ang hindi talaga anak ng mga kinalakihan naming magulang sa tingin ko naman matibay na ang kapatiran namin para magkasira pa kaming apat.

"Walang kwenta itong usapan natin." Inis na sabi ko. Tumayo ako para kumuha pa ng gin at magtimpla ng pineapple juice. Nakakailang bote na kami pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Si Mona.

Ano kayang ginagawa nila ng Lance na iyon ngayon. Anong oras na, alas onse nang gabi pero hanggang ngayon, naroon pa rin iyong kotse ni Lance sa tapat ng bahay nila. Alam ko dahil nasilip ko sa binoculars kanina. Sa fourt floor kasi ng bahay namin, kitang – kita ang bahay ng mga Arandia kasi nakita kong naroon pa rin ang mga Hermogenes.


"Pinagod na nga at lahat hindi pa rin nakatulog. Dapat pinatulog ko na lang. Bwisit. Ay putang ina!"

Napasigaw ako nang makita ko si Pan sa may kusina na may kung anong kulay itim sa mukha. May nakalagay pang towel sa ulunan niya kaya lalo akong nagulat.

"Putang ina you rin! You're the one that's nagulat pa! You thought I was a white lady no?! I hate you ha! Like four grrr grrr grr grrr."

"Hindi! Akala ko multong bakla ka." Sabi ko sa kanya.


"Multong bakla! I hate you na talaga! I was just making hanap my aloe vera drink because I'm nauuhaw! Plus I'm gonna make tawag pa Towhtowh kasi nga I'm gonna facial him no." Pumilantik pa ang daliri ni Pan habang kausap ako. Natawa ako.

"Alam mo iyong facial na ano..." Hindi ko tinuloy kay naalala ko si Mona kanina. Nag-react naman si Pan.

"Oh my god, you're so bastos! But I know that and it's true it's nakakakinis ng face but I'd rather swallow."

Nagkanda – ubo – ubo ako. Pan made a face. "You're asking me about things and when I'm honest about it you're like. Duh, super conservative, but I bet you're fucking Mona on the side." Nanlaki ang mata ko. How the fuck did she know?!

"Oh my god!" Sumigaw si Pan. "I'm just making you huli but oh my god! Your reaction is priceless like so many fuck fuck fuck fuck fuck fuck fuck fuck fuck! Oh my god!"

"Shut up, Pan!"

Kinuha ko iyong kwatro kantos pati na rin iyong pitsel na may dalandan. Lumabas na ako sa porch at muling tinagayan ang mga katapid ko. Umisa pa si Towhtowh pero bumalik na siya sa loob dahil nga tinawag na siya ni Pan. I sat there, si Jufran ay malungkot. Alam kong iniisip niya na naman ang katauhan niya but frankly, it doesn't matter to me.

Tinapik ko ang balikat niya. "Mahal kita kahit anong mangyari, okay?" Sabi ko sa kanya. Uminom ako ng gin at saka nilabas iyong phone ko. May apat na text ako galing kay Monalisa. Pinapupunta niya ako sa kamalig. Agad naman akong umalis. May tama na si Pepe at Jufran kaya hindi nila ako napansin. Si Towhtowh naman ay siguradong bumibirada na naman kay Pan kaya lalong hindi niya mapapansin ang pag-alis ko. I took my pick up and drove, ten minutes later, naroon na ako, si Mona ay nakaupo sa malaking bato sa labas lang ng kamalig. Napansin kong may hinahawakan siyang kung ano sa mga kamay niya.

"Ano, isa pa?" I grinned. She looked at me.

"Gago ka, bakit mo ako nilagyan ng kissmarks?" Mahinahong tanong niya. Naupo ako sa tabi niya.

"Ano iyan?" Tanong ko. Binuksan niya iyon at may nakita akong singsing sa loob.

"Wala akong kaibigang babae Fonso, hindi naman kasi ako palalabas ng bahay kaya noong ibigay sa akin ito ni Lance kanina, ikaw ang una kong naisip na puntahan at pagsabihan."

Napatitig lang ako sa kanya.

"Ang sweet naman ni Lance, binigyan ka ng singsing. Birthday mo na ba?"


"He was asking for my hand in marriage, Fonso." Wika niya. Alam ko naman iyon, hindi naman ako tanga at hindi rin ako ipinanganak kahapon.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko. Siya naman ang napatitig sa akin. Napabuntong – hininga siya.

"Wala ba talaga, Fonso?" May hinanakit na sa boses niya. "Kahit five per cent lang? Kasi I can live with that five per cent."

Tumayo ako. "Wala nga."

"Talagang parausan lang ako?" Mangiyak – ngiyak na sabi niya.

"Tsk, napag-usapan na natin ito noon diba?" Tanong ko sa kanya. "Bakit ba ang clingy mo? Alam mo kung hanggang saan lang tayo. Kung gusto mong magpakasal diyan sa Lance na iyan di magpakasal ka, kung ayaw mo, wag mo pero wala sa akin ang desisyon mo, Mona."

"Nasa iyo ang desisyo ko, Alfonso kasi mahal kita at kung sakaling kahit katiting lang, mahal mo ako bakit ako magpapakasal kay Lance? Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay." I shook my head. "This is pointless." I told her.

Tumalikod ako at bumalik na sa pick up. I sat inside my car looking at her. Kitang – kita ko nang itakip ni Mona ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Kitang – kita ko kung paano umalog ang mga balikat niya at kung paano niya inayos ang sarili niya matapos ang ilang saglit. Sumakay siya sa kabayo niya at umalis na. Ako naman ay naiwan roong nag-iisa. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I have a feeling that I had hurt her yet again pero hindi ko talaga siya kayang mahalin.

xxxx

Mona Lisa Arandia's

Hindi ako natulog. Iyak lang ako nang iyak habang nakatanaw sa bintana ko buong gabi. Ano nga ba naman kasi ang naisip ko at tinawag ko pa si Fonso para makipagkita sa kanya sa kamaliga gayong alam ko naman kung anong sasabihin niya sa akin. Para akong baliw na pumulot ng bato at ipinukpok iyon sa ulo ko. I sighed again. Hindi ko alam kung bakit napakatigas niya. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pinagsamahan naming dalawa ay wala siyang maramdamang kahit na ano.

College pa lang ako nagpapakabaliw na ako sa kanya – na kahit alam kong may girlfriend siya noon, pumupunta ako sa tinutuluyan niya para ipaglaba siya, ipagplantsa ng damit, ipagluto at ipaglinis ng bahay. Mukha akong tanga na naghihintay sa kanya sa apartment niya buong magdamag, iniisip kung anong oras siya darating o kung kailan matatapos iyong date niya.

Dumating pa kami sa puntong, tumira ako sa apartment niya. Hindi naman siya nagsabi na ayaw niya. Naroon ako, para kaming mag-asawa. Pinagsisilbihan ko siya, ikinakama niya ako, umaakto kaming parang magsyota tapos out of the blue sasabihin niya sa akin bigla na; Mona, alis muna ako. Kasama ko si Sydney, girlfriend ko. O kaya man, may date siya kasama ang bago niyang nililigawan. Iyong tipong nasa cloud nine na ako tapos bigla niya akong ibabagsak tapos ako naman si tanga, maghihintay na naman sa kanya.


Awang – awa na ako sa sarili ko. Ilang beses na niya akong iniiwan sa ere pero heto pa rin ako hindi ko mapigilang hindi umasa sa kanya. Paasa si Fonso, alam kong imposibleng mahalin niya ako pero heto ako, umaasa pa rin.

"Mona... Mona..."

Pinahid ko ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Papa. Kumakatok siya sa pinto ko. Binuksan ko naman iyon.

"Oh, bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?" He asked me. Hindi pa nga. Ito pa rin iyong suot kong dress kagabi pa. I smiled at him.

"Nakatulugan ko na, Pa. Bababa na po ako at pupunta sa kwadra."

"Naroon na si Ross." Sabi niya sa akin. "Si Sabelo, pinapunta ko sa Asukarera, magpahinga ka na. Maya-maya darating ang Uncle Emman mo kasama ang mga pinsan ninyo at ag mga asawa nila."

"Okay po." Wala sa loob na wika ko. Napabuntong – hininga si Papa.

"Ayokong isipin mong pinepressure kita sa pagsagot kay Lance, anak, but he is a good man. I want you to be happy."


And I know that too. Alam kong kay Lance, sasaya ako dahil sabi nga niya kagabi ay mahal niya ako pero hindi ko pa kayang sikmurain ang mga sinabi niya sa akin kagabi.

"Opo, Pa." Sabi ko.

"Ang baby girl ko, malaki na. Dati ang pinoproblema mo lan ay kung paano ipapasok si Bliss sa kwarto para tabi kayong matulog, ngayon iniisip mo na kung paano mo pakakasalan si Lance. Kung ayaw mo, Mona, hindi kita pipilitin."

"Alam ko po, Pa." I smiled. Bigla kong naisip si Celeste. "Pa, sino si Celeste? Anak niya ba iyong hinahanap niya? Naisip kong ako iyon pero dinala mo na ako sa puntod ng nanay ko." Sabi ko sa kanya. Ngumiti si Papa.

"Lalaki ang anak ni Celeste, Mona. At hindi ikaw iyon." Hinalikan niya ako sa noo tapos ay umalis na. Nagkibit – balikat ako. Sabi ko nga, hindi ako iyon. Noong college ako, panandalian akong nabaliw, nagpatulong ako kay Fonso na hanapin ang nanay ko, akala ko kasi buhay pa siya, nalaman ni Papa na hinahanap ko ang nanay ko, siya na mismo ang nagbigay sa akin ng address kung saan nakalibing ang nanay ko.

Iyak ako nang iyak noon. Ang kwento ni Papa ay nakita niya lang ako sa ampunan nang minsang mag-out reach siya kasaa ng mga batchmates niya. Seven months old daw ako noon tapos ang payat - payat ko, wala nga daw sound iyong pag-iyak ko. Naawa siya sa akin at dinala ako sa ospital. May sakit ako sa baga. Kinailangan nga akong operahan noon, si Papa ang nagprovide sa akin ng lahat at talagang gumaan ang loob niya sa akin kaya he ended up adopting me.

And the rest was history.

Nang umalis si Papa sa silid ko ay saka ako nagpasyang maligo na. Nagbabad ako sa bathtub. Ayokong isipin si Lance o si Fonso pero alam ko sa sarili kong kailangan ko nang magising sa katotohanang hinding – hindi maibibigay ni Fonso sa akin ang kailangan ko.

Nang matapos akong mag-ayos ay kinuha ko ang phone ko at saka itinapon sa toilet. Okay lang kahit wala na akong phone, hindi na niya ako matatawagan, hindi ko na siya makakausap.

I went outside my room, pagbaba ko sa sala ay dumating na ang mga pinsan ko. Una kong nakita si Clara – ang anak ni Paolo at Clarita. Naging kaibigan ko si Clarita dahil ako iyong gumamot sa sugat niya noon, nakakatuwa dahil magto-two years old na iyong anak nila tapos buntis na naman siya ngayon.

Si Yves ay naroon rin kasama iyong asawa niya pati na rin si Mcbeth at si Pia. Si Uncle Emman ay kausap na ni Papa. Nagmano ako sa kanya. Pati na rin kay Auntie Elisa.

"Gumaganda ka, Mona ha." Sabi sa akin ni Auntie.

"Ay, hindi naman po."

"Ano, ampon kamusta?" tanong ni Kuya Paolo.

"Paolo ano ba?" Inis na sabi ni Ate Clarita. "Pasensya ka na. Bumait siya in someways pero gago runs in the blood. Kamusta na, Mona, you're looking good, ang blooming mo! Humaba na iyang hair mo."

Buti pa si Ate Clari napansing mahaba na ang buhok ko samantalang si Fonso, hindi man lang napansin na humaba nga ang buhok ko. I grew my hair for him pero walang nangyari, he didn't even notice it.

"Hi, ako si May Laurence." Pakilala noong kasama ni Yves.


"Kilala kita, nakikita kita sa Tv." Sabi ko pa.

"Yes. Akala ko wala silang pinsang babae."

"Wala nga, ampon si Mona," Sabi na naman ni Kuya Paolo.

"Paolo isa pa!" Sigaw ni Clari.

"Masamang magsabi ng totoo? Alam naman niya iyon. Gutom na ako." He said. "Anak, lika na kakain na tayo." Yakag niya kay Clara na naglalakad – lakad lang. As if on cue nang marinig niyang kakain na ay bumalik siya at tumakbo papunta sa Daddy niya. Kinarga agad siya ni Paolo at nagpunta na sila sa dining area kung saan nauna na iyong mga magulang namin.

"Pasenya ka na, Mona ha. Alam mo naman si Paolo." Sabi niya pa.

"Okay lang. Halina kayo, Hi, Pia!"

Napansin kong nagkakasatan na naman sila ni Mcbeth pero noong batiin ko ay ngumiti sila.


"Hello. Mcbeth ha, mamaya nga kasi!"


"Sige ha. Love you."

Pagdating namin sa hapag ay nakaupo na sila. Si Clara ay nakatayo sa isang silya habang hawak ni Paolo sa baywang. Kumakain siyang nagkakamay. Kanin at sabay lang iyong kinakain niya tapos tinututuro niya pa kay Paolo na maglalagay ng sabay sa kanin niya.

"Dada, baw!" She said. Tumawa si Clari.

"Pao, tingnan mob aka may malilit na buto iyong sabaw niya."


"Yes, Boss, pero wala naman. Ang cute – cute ng baby peanut ko."

"Iyong baby B2 ko matakaw. Aray!" Sabi ni Yves. Napatingin siya kay May Laurence. "B3 kasi iyon, B2, mali lang slip of the tongue ba."

"Ikaw Mcbeth wala pa ba iyang laman?" Tanong ni Papa sa bunso nila Paolo.

"Meron na Uncle! Kaya nga matakaw si Commander ngayon!"

"Isa ka pa!" Sigaw ni Pia. "Mama oh!" Sigaw ni Pia. Tumawa si Auntie Elisa.

"Ikaw Mona, wala ka pa bang boyfriend?"

"Wala po." Sabi ko.

"Nandyan pa ba ang mga Birada sa kabila?" Tanong naman ni Uncle Emman kay Papa.

"Oo."

"Birada? Like si Pedro Birada?" Sabi ni May Laurence.


"Wala patay na iyon." Inis na sabi ni Yves.

"Ang harsh mo." Sabi ni Mcbeth. "Nakita ko kaya kanina nagbabike kasama iyong kapatid niya."


"Hindi dapat pinag-uusapan ang mga taong walang papel sa buhay natin, May Laurence."

"Bakit ka ba nagagalit?" Tanong niya pa kay Yves.

"Basta! Kumain ka diyan at nagugutom ang anak ko!"

"Nabaliw na naman si Yves." Sabi ni Auntie Elisa. Ako naman ay tumingin sa pagkain ako. Sabi ko hindi ako mag-iisip pero naiisip ko si Fonso. Ano nga kayang kulang sa akin? I sighed.

"Don Paeng, pasensya na po pero ---" Napalingon ako nang magsalita si Ria, iyong maid namin. Ang sumunod na pangyayari ay pumasok si Ma'am Nadia kasama si Celeste Andales.

"Wow..." Sabi ni Uncle Emmanuel. "Ano ito battle of the exes?"

"Anong sabi mo, Emman?" Tanong ni Auntie.

"Nasa mga Birada ang anak ko, tama ba, Paeng? Maling teritoryo pala ang sinisino ko. Dapat pala kay Luisa ako magdemand."

"Hindi moa lam kung anong sinasabi mo!" Sigaw ni Papa. "Anong ginawa mo Nadia?"

Umalis ang dalawang babae. Si Papa ay sumunod kaya sumunod na rin ako. Naiwan sa bahay sila Paolo pero sumama sa amin si Uncle Emman. Pagdating sa lupa ng mga Birada ay saka nag-eskandalo si Celeste.

"Luisa, ilabas mo ang anak ko?! Napakatagal nang panahong itinago ninyo siya sa akin! Ilabas mo ang anak ko?!"

Naglabasan ang mga Birada. Si Papa ay agad na pumagitna sa kanila.


"Ano hong nangyayari?" Tanong ni Jufran.

"Pasenys na, Juan Francisco, hindi na ito mauulit. Bumalik na tayo sa bahay, Celeste!"

"Bakit ba ipinagkakait ninyo sa akin ang anak ko?!"

"Tama,." Sabi ni Ma'am Nadia. "Dapat niyang malaman na isa sa mga iyan ang anak mo sa kanya."

"What?" I gasped. Maya-maya ay bumukas ang pinto at lumabas si Mamang Luisa – na may dalang rifle. Nanlaki pa ang mga mata ko nang paputukin niya iyon sa ere. Lahat kami ay nataranta!

"Mang!" Sigaw ni Fonso.


"Lumayas ka sa lupa kong babae ka!" Sigaw niya kay Celeste. "Ang lakas ng loob mong magpunta dito at guluhin ako at ang pamilya ko?! Bakit hindi ka na lang manahimik sa La Union at maging asawa sa asawa mo?! Ibinaon na ni Juan sa hukay ang sikretong sinasabi mo!"

"Nasaan ang anak ko Luisa?!" She hissed.


"Wala kang anak dito! Lahat ng barakong iyan ay galing sa matres ko! Lahat iyan ay anak namin ni Juan kaya umalis ka na!"


"Sinungaling!"

"Umalis kayo sa lupa ko bago ko kayo tadtarin ng bala!"

"Mang tama na!" Sabi ni Fonso. Nag-aagawan sila ng baril finally nabitiwan ni Mamang Luisa iyon.

"Umalis kayo dito!" Sabi niya pa. "Bumalik ka sa asawa mo at h'wag na h'wag kang mangugulo dito."

"Karapatan kong malaman kung nasaan ang anak namin ni Paeng."

Tumalikod na si Mamang pero bumalik siya at tumingin kay Don Paeng, Ma'am Nadia at kay Celeste.

"Thirty years later, pero heto kayo at pinagkakaisahan pa rin ako. Hindi ka pa ba masaya, Paeng? You cheated on me with Celeste. I got on with my life and married the father of muy children, bumalik ka noon muntik ko nang iwanan si Juan. Buti at hindi, pinakasalan mo si Nadia, pero bakit bumabalik pa rin kayo sa buhay ko?"

She turned away again.

"Alam mo kung bakit, Luisa?" Si Celeste iyong nagsalita. "Kasi thirty years, later, ikaw pa rin ang mahal ng lalaking minahal namin ng lubos ni Nadia."

Bumaling siyang muli. "Anong magagawa ko kung napakaganda ko pala?" Muli niyang kinuha ang baril kay Fonso. "Magsilayas kayo sa lupa ko!"

Nakita kong kinalabit niya ang gatilyo. Medyo nakababa ang rifle niya at may tatamaan. Napasigaw ako ng humarang si Fonso. Tinamaan siya sa braso.


"Alfonso!" Sigaw ni Mamang!

"Fonso!" Napasigaw rin ako. Halos magkapanabay naming dinaluhan siya.

"Anak, jusko! Balak kitang barilin kapag nakabuntis ka pero hindi pa ngayon?!"

Natataranta ako dahil ang daming dugong lumabas sa kanya.

"Mona, Mona halika na!" Sumigaw si Don Paeng. "Mona!"

Aalis na sana ako pero bigang hinawakan ni Fonso ang kamay ko.

"Dito ka lang..." He whispered. "Dito ka lang..." 

Continue Reading

You'll Also Like

27.2K 1.8K 32
Nawawalang anak, revenge plot, heart attacks, isang amang namatayan ng asawa at mga anak, Marxism and Wollstonecraft--welcome to teenage soap opera. ...
26.9K 968 15
ONGOING Allany Merandela. Kahit saang sulok ng Isla de Kastilyo ay kilala si Allany dahil sa taglay nitong kabaitan at naging tagapagtanggol ng buong...
1.3M 42.7K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa...
7.2M 155K 36
Camille Fontanilla is a love child--a product of her mother's affair. She vowed she would never be a homewrecker like her, but when she finds out she...