Twisted and Turned. { NashLen...

By skepticfool

28.5K 1.1K 486

[ slow update ] 8 years from now, what if the management suddenly decided to switch back to the original love... More

PROLOGUE.
TAT. [ 1 ]
TAT. [ 2 ]
TAT. [ 3 ]
TAT. [ 4 ]
TAT. [ 5 ]
TAT. [ 6 ]
TAT. [ 7 ]
TAT. [ 8 ]
TAT. [ 9 ]
TAT. [ 10 ]
NOTE.
TAT. [ 11 ]
TAT. [ 12 ]
TAT. [ 13 ]
TAT. [ 14 ]
TAT. [ 15 ]
TAT. [ 16 ]
TAT. [ 17 ]
TAT. [ 18 ]
TAT. [ 19 ]
TAT. [ 20 ]
TAT. [ 21 ]

TAT. [ 22 ]

1.1K 43 25
By skepticfool

Alone Together

Hindi ko alam pero sinunod ko ang utos ni Nash sa akin. I brushed my teeth for the nth time that day and gargled bottles of mouth wash before returning on set. Siyempre, dahil ako naman ang may kasalanan ay ako na lang ang mag-aadjust, para sa ikakatahimik naming dalawa.

"Ano raw ang problema ni Donny, Shar?" bungad sa akin ni Direk Mac pagdating na pagdating ko sa set.

Medyo natigilan ako sa kanyang tanong dahil hindi ako prepared sa isasagot sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pumunta dito si Donny para lang unahan si Nash. They'll flip, if they knew.

"Uhh, may emergency lang na ipinaalam si Donny sa akin, direk." pagrarason ko.

Shit for sure may follow up question ito.

"Anong emergency?" Direk asked, his brow raised.

Sabi na eh!

"Emergency sa condo ko po. Bigla kasing nag-on ang smoke detector kaya basang-basa po lahat ng gamit ko doon." Gosh, I'll be burning in hell with all these lies I'm spouting.

"Paano niya nalaman? Magkalapit ba kayo ng unit?"

Hindi ba talaga matatapos 'to? Nasa investigation room ba ako? Bakit sunod-sunod ang mga tanong niya sa akin?

"Opo."

"Oh," aniya with matching tango-tango pa. "Sige na, let's get back to taping na." at naglakad na ito pabalik sa kanyang upuan.

As difficult as it may seem, inulit namin ang lahat mula sa simula. I had to stare at Nash again and hold his hand again. And this time, matutuloy na talaga ang kasuklam-suklam naming scene. Mabuti rin at hindi siya sumali sa q&a portion ni Direk Mac, dahil alam kong mas gugulo lang ang lahat kapag sumawsaw pa siya.

Kahit na hindi kami bati ni Nash, I still trust him. Hindi siya ang tipo ng tao na nagkakalat ng chismis, kaya alam kong ligtas ang nangyari sa amin ni Donny kanina.

Professional mode on ako nang mag-umpisa na kaming magtaping. I left our misunderstandings outside the door and came as a different person. Mahirap, pero sa tagal ko sa industriya, nalaman kong wala nang iba pang paraan kundi ang magpakunwari at maging propesyunal.

Katulad kanina ay dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. I slowly closed my eyes and anticipated for his kiss.

I froze on my feet when his lips finally met mine. Ramdam na ramdam ko ang bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy patungo sa akin mula sa kanyang labi. I wanted to push him away, because I did not like how it was making me feel. His kisses just reminds me of the years I spent yearning for his love. The years I spent crying and hurting over him.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha sa sobrang sakit. Our kiss was long and painful. Mababaw lamang iyon pero pakiramdam ko ay naabot ng kanyang mga labi ang aking kaluluwa.

We separated when we were breathless, but our foreheads still touching. He stared deeply into my eyes and said. "I love you."

May tumulo muling luha mula sa aking mata. "I... love you too." tugon ko. I could hear my heart breaking upon uttering those words. How melancholic. Before, I could kill just to be able to exchange these three words with him.

We stared at each other for a few more seconds before we finally heard Direk Mac's cut.

Agad akong lumayo sa kanya at pinunasan ang aking mga luha. Shit. Baka pagalitan na naman ako dahil out of the script iyong pag-iyak ko. Bakit ba kasi hindi ko magawang maging professional?

"Tissue, Shar oh." inabutan ako ni Sofia ng tissue na agad kong tinanggap.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

I wiped my tears and shook my head. "Oo."

"Ha? Umiling ka tapos okay ka lang?" naguguluhang tanong ni Sofia.

"Hindi ko rin alam kung okay ako, Sof. Naguguluhan din ako." I said.

Hindi nagtagal ay lumapit sa amin si Direk Mac. Inihanda ko na ang aking sarili sa apoy na ibubuga niya sa akin.

"Job well done, Shar." aniya at tinapik pa ang aking balikat.

Ha? Pinuri niya ako kahit na may ginawa akong out of the script?

"Po?"

Ngumiti siya sa akin. "Ang galing nong pa-iyak-iyak effect mo. It made the scene magical."

"Ah. Salamat po." ngumiti rin ako ng alangan. Wow, who would've thought that my unprofessionalism would turn as an advantage?

"Pahinga muna kayo, then proceed tayo sa next scene." aniya bago kami iniwan.

Ang sunod na pinuntahan ni Direk ay si Nash. Tinapik din niya ang balikat nito at pinuri. I immediately peeled my eyes off of him and asked Sofia to join me in my dressing room.

Walang Donny ang sumalubong sa amin pagdating sa dressing room. Subalit isang bouquet ng rosas ang nakapatong sa aking folding bed. Napasinghap si Sofia nang makita iyon. Agad ko itong kinuha at binasa ang card na nakadikit doon.

Thanks for earlier. To more moments like that in the future.

Donny x

"Anong sabi? Patingin nga." akmang aagawin ni Sofia sa akin ang card ng agad ko itong itinago sa aking bulsa.

"Wala." I said and passed her the bouquet. "Pakilagay na lang sa vase, Sof."

I dived on my folding bed and immediately closed my eyes. Gosh, hindi pa nangangalahati ang araw na ito pero ubos na ubos na ako. I need me some power nap.

"Idlip muna ako Sof ha? Gisingin mo na lang ako kapag taping na ulit." I mumbled as I made myself comfortable.

"Oo na madam." was the last I heard before I drifted to sleep.

I woke up to a muffled shar. I stretched before opening up my eyes. The first person I saw was Sofia, who was all over the room. May mga inaayos ito sa bag ko. Sa sobrang pagod ay hindi ko magawang tuluyang buksan ang aking mga mata.

"Anong meron, Sof?" I mumbled while forcing myself to wake up.

"Pack up na daw sabi ni Direk." sagot niya habang abala pa rin sa pag-aayos ng aking mga gamit.

Doon na ako tuluyang nagising. I sat up from my bed.

"Ha? Bakit daw? Akala ko may scene pa?" naguguluhan kong tanong.

"Sumama kasi pakiramdam niya. Bukas na lang ulit daw." Tugon ni Sofia sa akin.

Napangiti ako. Yes! To more sleep for me. Hoy, baka sabihin niyo nasisiyahan ako dahil nagkasakit si Direk ha? I'm happy dahil wala siya, hindi yung fact na may sakit siya. Sa pagod ko ngayon, I really need a long and deep sleep.

I grabbed my phone and sent a get well soon text to Direk, before lying down again.

"Mamaya na tayo umuwi, Sof. Tulog muna ako." I mumbled and closed my eyes again.

"Sige."

Naalimpungatan ako sa tunog ng aking deadbatt na cellphone. I lazily opened my eyes and scanned the room. Wala na ang mga bag ko pati na rin si Sofia. Where did she go? Kunot noo akong tumayo at naghanap ng charger sa handbag ko.

I grunted when I found none. Great, so what now?

Napagdesisyunan kong lumabas na lamang sa dressing room at maghanap ng kahit sinong pwedeng mahiraman ng charger. Saan ba kasi nagsuot iyong si Sofia? Did she leave me behind?

Lalong kumunot ang aking noo nang tila naging ghost town ang hallway. Where's everybody? From the big glass window, I saw the blue sky turning red. Matagal-tagal din pala akong nakatulog. Mag-aala una pa lang kasi nung umidlip ako.

Pinuntahan ko na lang ang set upang tignan kung may tao pa roon. But I didn't see a single soul there. Tanging mga kamera at kable na lamang ang laman ng kwarto.

Nag-umpisa na akong kabahan. Don't tell me hindi lang si Sofia ang umalis kung hindi ang buong staff?

In panic, I ran outside the set and searched for any human being. Ilang dressing room at kwarto rin ang pinasok ko, pero ni isang tao ay wala akong nakita.

What is happening? Possible bang maiwan ako sa building na ito?

Naubos ko na ang lahat ng kwarto sa floor, pero wala pa rin. I was starting to feel anxious. Isang dressing room na lang ang natitira - it was Nash's. If this was a different day, you would never see me set foot in his turf. But today, I have no choice.

I was practically panting when I finally reached my destination. In desperation, I did the sign of the cross. Lord, please kahit ngayon lang I need Nash.

I slowly swung the door open with closed eyes. I was uttering a prayer while doing so, just to make amends with the Heavens.

Hindi ko alam kung ilang santo ang pinasalamatan ko nang madatnan ko si Nash na mahimbing na natutulog sa folding bed nito. I awkwardly stood in his doorstep, contemplating on whether or not I should wake him.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may kalabog akong narinig sa hallway. Ano yun? Akmang lalapitan ko na sana ito nang may kumaluskos naman. It was getting louder and louder every second.

Sa kaba ay agad kong isinira ang pinto. I held my chest that was resonating the fast beating of my heart. Bakit biglang naging horror house itong building?

Don't tell me...

Natuptop ko ang aking bibig sa naisip.

Yung kumalabog at kumaluskos, iyon ang dahilan kung bakit nawala ang mga tao. Yung tulad sa horror movies, na bigla na lang may halimaw na lilitaw and everybody else starts disappearing, dahil either kinakain niya o pinapatay.

Napaupo ako sa kaba. Bigla akong nanghina sa posibilidad na ano mang oras ay pwede akong mamatay. Jusko, ang dami ko pang pangarap sa buhay. At ayaw kong mamatay sa kamay ng isang halimaw.

Hindi pwede. I have to live. Nash and I have to live.

With that as my motivation, I crawled towards Nash. Sa sobrang takot ay namanhid ang buo kong katawan. Nakakabingi na rin ang lakas ng kabog ng aking puso. I can feel my sanity slowly slipping away. No matter how hard I fight fear, it still is slowly swallowing me whole.

"Nash," paggising ko sa kanya.

He stirred in my direction, giving me a good view of his face. He may be a jerk when he's awake, but when he's asleep and vulnerable like this, he's reminiscent of his younger self. Back when we're still friends.

Physically, nothing much changed in him. He's still as enthralling as in the past. But he feels like a stranger to me now. Hindi tulad dati na kabisadong-kabisado ko ang bawat paghinga niya. Lately, Nash have me guessing.

"Ay shit." I jumped back in surprise when his eyes fluttered open. But before I hit the floor, Nash was quick to hold my hand that prevented me from falling.

"Shar..." usal nito habang kuryuso akong pinagmamasdan.

I bit my lip. Dumadaloy na naman ang pamilyar na kuryente na dala ng kanyang hawak. He sat up and pulled me up with him. Napaupo rin ako sa sahig dahil sa kanyang ginawa.

"Thanks." I mumbled and immediately sat up. We're too close. Too close for comfort.

"Anong... ginagawa mo rito?" taka niyang tanong. His eyes still looked sleepy. Paano siya nagising? I was hella careful to not knock him up.

Dahil sa kanyang tanong ay naalala ko ang dahilan kung bakit naroon ako.

"Wala nang tao dito sa floor kundi tayo na lang." I told him.

Kumunot ang noo niya. "Weh? Kinalimutan lang nilang tayong lahat ganun?"

"Oo nga kasi. Wala si Sofia, si Kate, ang staff - everybody!" I said, my voice a pitch higher.

"You didn't try calling them?" tanong pa niya.

"Deadbatt na ako. Ikaw?"

He looked around in search for his phone. Kinapkap din nito ang bulsa pero wala ang kanyang cellphone.

"Fuck." mura nito bago tumayo at hinanap sa buong kwarto ang telepono.

Tinulungan ko na rin ito sa paghahanap pero bigo kami. It was nowhere to be found.

"Charger. May charger ka?" I asked a little bit hopeful.

Please sana may charger siya.

He looked around again before turning to me with sorry eyes. "Nasa bag ko yun eh, kaso wala dito yung bag ko."

Napaupo ako sa folding bed niya. Fuck. What now? Our only ray of light is dimmed.

"Bakit hindi ka bumaba and asked help?" umupo na rin ito sa isa sa mga couch.

Oo nga no. Bakit hindi ko naisip iyon kanina? Mas inuna ko pang ubusin ang mga kwarto kaysa sa ang bumaba.

"Or you stayed because..." may mapaglarong ngisi sa kanyang labi. "Hinintay mo ako?" he continued, his tone malicious.

I scoffed at him. Grabe, ang hangin-hangin na niya.

"Of course not! Nagbabaka sakali lang ako na may iba pa akong kasama rito." I said in order to burst his bubble.

Kung hindi lang talaga ako natakot, baka iniwan na kita rito. I couldn't care less about you. Pero dahil good citizen of the Philippines ako, I checked up on every room to make sure nothing bad happened.

As if. Truth is, sa sobrang takot, hindi na ako nakapag-isip ng matino.

"Sus, deny pa." he stood up. "Halika na, ililibre kita dahil hinintay mo ako." anito at inilahad ang kamay.

I glared at him. "I can afford my own food."

Anong tingin niya sa akin, pulubi? Para saan pa't tinitiis ko ang mukha niya kung wala akong pera?

At teka nga. Why is he acting like everything's okay? Kung makapang-asar ito, kala mo walang nangyari. Pasalamat siya, I have no time to correct the way he treats me. All I want right now is to get out of this place as soon as possible.

"Okay." he shrugged and stood in front of me. "Halika na. Uwi na tayo." aniya at muling inilahad ang kanyang kamay.

I looked at his hand with contempt. Kanina, pulubi ang tingin niya sa akin. Ngayon naman, pilay? Baka sa susunod, alien na?

I was about to stand on my own nang umugong ang malakas na kalabog na narinig ko kanina. Sa sobrang gulat ay napayakap ako sa kanya.

"My god!" I cried while tightly embracing him.

Natunton na ba ako ng halimaw? Kakainin na ba niya kami?

My train of death thoughts were interrupted when Nash hugged me back. He even had the audacity to rest his chin on top of my head.

"My god." gaya niya sa ekspresyon ko.

Marahas ko itong itinulak palayo. "Ano ba." ismid ko rito.

Bilib din ako sa ngisi niya, may kumalabog na at lahat ay nandyan pa rin. Hindi ba pumapasok sa isip niya na baka halimaw iyon o kahit na anong peligro man lang?

"Anong ano ba? Ikaw kaya ang yumakap sa akin. Dapat ako ang magreklamo sa ating dalawa." he said, he looked so entertained with how our conversation was going.

"Paano ka magrereklamo eh, gustong-gusto mo naman yun." I said while rolling my eyes.

He pretended to be blown away by what I said. "Grabe."

Hihirit pa sana ito nang unahan ko. We're wasting time here. Ang dami kong pwedeng paglaanan sa oras na sinasayang namin. Tsaka paano kung pasukin kami nung halimaw?

"Alam mo, imbes na magbangayan tayo rito, lumabas na lang kaya tayo?" I suggested, pointing at the door.

"Okay po."

×××××

I would like to address some of the questions and comments on the previous chapter.

Originally, short lang sana ang appearance ni Donny dito and I know, fuck me for giving him more airtime than Nash. Sorry for that. It came to my mind kasi na sana medyo realistic ang length and speed ng moving on stage ni Shar and I want Nash to slowly appease her too. But again, I admit, masyado akong na-immerse sa Shardon kaya pati dito nadala ko.

I promise to concentrate on Nashlene more now and speed things up between them. Thank you for your comments, ginising niyo ang nalilito kong kaluluwa. Lablab still for putting up with my story. 💚

Continue Reading

You'll Also Like

464K 31.5K 47
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
206K 4.3K 47
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
73K 1.7K 32
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...
108K 3.2K 31
"she does not remind me of anything, everything reminds me of her." lando norris x femoc! social media x real life 2023 racing season