Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.4M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 26

389K 15.3K 5.3K
By justcallmecai

Chapter 26

The Truth

"Paige is not an Aeris. She's not just sponsored by our VP Beau, but she is not other than, his one and only sister. This truth only came out when the incident happen. Reasons might be confidential, but please do understand the Santiagos."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang paakyat sa stage. All my plans are now ruined! Nangako pa naman ako sa sarili ko na si Kai ang unang makakaalam pero ito, nabunyag sa lahat nang hindi pa ako nakakapag explain kay Kairon.

"And because Beau will not be around for a while, I will assign Paige to be the student body Vice President!" sunod na anunsyo ng head mistress.

Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng stage ay nawindang na naman ako.

Ako bilang Vice President?!!

Hindi rin nalalayo ang ekspresyon ng lahat sa akin. Pati ang mga estudyante na nandito ay gulat na gulat din.

Kitang-kita ko rin sa aking harapan ang pagkagulat ng mga Flamma. Lalong lalo na si Stephanie.

"Hija, please sit on the chair next to our Commander." dagdag pa ni Mrs. Montecillo.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya at mabilis nang pumunta roon sa malaki at vintage na upuan.

This is Kuya Beau's chair.

Pag-upo ko ay kakaiba ang pakiramdam. It's all foreign to me... sitting up here. Mas sanay ako roon sa mga bleachers. Parang mas komportable roon kasama sila Lia.

"What happened is a tragedy. But rest assured that we will do the best that we can to protect this school and our students. The very reason that you are all here is for the protection, guidance and lesson that we can provide all of you. And we promise to give you that. This incident will never happen again. And of course, with the help of our student council." hayag ng head mistress

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

Tumikhim si Kairon kaya agad din akong napatingin sa kanya.

"Kaya pala nabalik na ako sa pwesto." aniya na hindi nakatingin sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanya ngayon, kabado sa lahat.

I can see how his thick brows furrowed.

"Kinuha mo na ba ang mga gamit mo sa kwarto ko?" tanong niya pa sa isang malalim na tono.

"Mamaya pa lang." mahinang sagot ko.

"Good then," sabi niya tapos ay tumayo na at umalis.

H-he's mad at me... I can feelt it.

Agad nalungkot ang puso ko dahil doon. Tatayo na rin sana ako para sundan siya pero napigil ako nang magsalita si Stephanie.

"Hindi ako makapaniwala! This is so pathetic! Well, anyways... Kaya siguro una pa lang ayoko na sa'yo. Fake ka nga talaga."

Kahit na pinaggigitnaan kami ni Kuya Mac ay dinig na dinig pa rin ang maarte niyang boses.

"May mga rason kung bakit namin 'to nagawa ni Kuya." giit ko.

"Whatever. You're still a fake ass bitch! I just really hope na bumalik na si Beau. I can't stand seeing you on that chair. Hindi bagay, eh."

"Stop it, Stephanie." sita ni Kuya Mac. Parang si Kuya Beau lang kung magtanggol.

Magsasalita pa sana itong si Stephanie pero bigla nang nagdismiss ang head mistress kaya nagsitayuan na ang lahat.

Pagkakataon na sana para mahabol ko si Kairon pero si Ate Thea naman ang pumigil sa akin ngayon.

"Paige." tawag niya. "Hindi pa rin ba maayos si Beau hanggang ngayon?"

"Hindi pa rin siya nagigising." sagot ko.

Tumango-tango siya. Bakas ang matinding kalungkutan.

Nagulat ako nang bigla niya akong yinakap. "Now I understand everything... Kaya pala ganoon siya sa'yo. Magkapatid pala kayo. I thought that he likes you..."

Natawa ako at umiling. "Protective lang talaga 'yun si Kuya."

Napangiti si Ate Thea. "Balitaan mo na lang ako, ha? Please."

"Oo naman, Ate." sagot ko.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Lia kaya naman nagpaalam na ako kay Ate Thea.

Tumakbo ako hanggang sa maabutan ko na ito.

"Lia!" I called.

Agad namang humarap si Lia sa akin. I saw how her expression changed. Is she mad at me, too?

"Lia... I'm sorry. Hindi ko gustong magsinungaling sa inyong lahat." sabi ko tapos ay hinawakan ko ang dalawang kamay ni Lia. "Naisip lang namin ni Kuya na mas magiging safe ako kung mag-iiba ako ng Casa. Pero dahil sa nangyari, clearly, mali ang naging desisyon namin." pagpapaliwanag ko kahit hindi naman niya ako tinatanong.

Nagulat ako nang makita ko siyang maluha-luha.

"Ano ka ba! Hindi naman ako galit, eh." aniya. "I was just extremely shocked. I mean, ikaw na kaibigan ko... Isang Flamma!"

"T-talaga? Hindi ka galit?" pagkukumpirma ko.

Umiling siya, naluluha pa rin. "Shocked lang talaga ako, Paige. Isa kang Flamma! Tapos malapit kitang kaibigan."

"Ano ka ba? Ano ba ang pinagkaiba natin? Tara nga rito..." sabi ko at umamba ng yakap kay Lia.

Mataas talaga ang tingin ng ibang mga Casa sa mga Flamma dahil sa mga pribelehiyo na ibinibigay ng eskuwelahan na ito sa mga katulad nila... Namin. Na hindi dapat. Dahil 'di ba dapat ay pantay-pantay lang?

"Tara, kain tayo?" aya ni Lia.

Sasangayon na sana ako pero agad kong naalala na dapat ko nang kunin ang mga gamit ko sa kwarto ni Kairon.

"Sige, Lia. Mauna ka na muna. Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko, eh."

-

Papunta na ako sa kwarto ni Kairon ngayon para kunin ang mga gamit ko. I can't even walk properly because of nervousness. I can feel my knees shaking!

Nandoon kaya siya? If he Is, then I'll take that chance to talk to him!

Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at sumilip sa kwarto pero wala akong Kairon na nakita.

Ang kaba ay unti-unting napawi pero ang lungkot naman ang namutawi.

I sighed as I entered my room.

Isa-isa kong nilabas ang mga gamit para malagay ang lahat sa maleta at bag ko. I will definitely miss my room here. Kahit maliit lang ay parang nagkaroon na rin ng sentimental value ito sa akin. Hindi ko ata kakayaning makita na may magkakwartong iba rito kung sakali man.

Habang naglilikpit ay sinusubukan kong mag-ensayo ng mga sasabihin kay Kairon. I don't even know where to start!

It took almost an hour before I finished packing. Niligpit ko pa ang kwarto bago lumabas doon.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko habang tinitignan ang buong kwarto ni Kairon. Sadly, I will miss everything around here. I will miss seeing him on his bed, on the couch, going around... I will miss hearing him talk with his Mom. I will miss his singing voice when he's on the shower... Mga bagay na mukhang hindi ko na ulit makikita at maririnig.

Bitbit ang aking maleta at bag ay nagsimula na akong humakbang para makalabas na. I was suddenly stopped when Kairon entered the rom. My heart started to beat extremely fast once again.

"Naligpit mo na ang mga gamit mo?" tanong niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos. He didn't even look at me.

"O-oo." maikling sagot na lamang ay nautal pa ako.

"Buti," aniya sa malamig na tono.

Hindi ko alam kung bakit parang may sumasakit sa aking dibdib. Mas naramdaman ko pa iyon nang nilagpasan ako ni Kairon, papunta sa comfort room.

I don't know, but I immediately grabbed his hand to stopped him.

"Kai, let's talk."

"About what?" tanong niya at saka humarap sa akin.

Binitawan ko siya at diretsong hinarap. "I'm sorry... Hindi ko naman gustong magsinungaling sa-"

"I don't want to hear it, Paige." aniya. Halos madurog ang kung ano sa loob ko.

"Kairon naman..."

"I'm willing to do and sacrifice anything for you. For us... But at the end, I have no idea that I'm just being fooled." aniya sa isang malalim na tono.

Natikom ang bibig ko. Pakiramdam ko ay magluluha na ang mga mata ko ano mang minuto sa ngayon.

"Sinadya n'yo ba 'to ni Beau? Ang gawin akong tanga?" ani Kai na mas lalong dumurog pa sa akin.

Wala kaming ganyang intensyon ng Kuya Beau! Kahit kailan man ay hindi namin 'yan inisip!

"Wala kaming ganyang intesnyon! Hindi 'yan totoo!" giit ko.

"Ano ba ang totoo, Paige?" Kairon asked. Lumalambot ang kanyang tono. "May alam ba ako tungkol sa'yo na totoo? O puro kasinungalingan lang ang lahat?"

Gustong-gusto kong sabihin ang lahat, pero parang napipipi ako. Parang hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.

"And you know what cuts me?" he asked in a very soft tone that makes my little heart crumble. "Is that you know every single thing about me... Yet I know nothing about you."

I tried so hard to stop my tears from falling.

"I'm sorry." maikling sabi ko, pilit na pinipigilan ang paghikbi.

"Umalis ka na sa kwarto ko." aniya at tuluyan na akong nilagpasan.

Continue Reading

You'll Also Like

63.6K 6.6K 163
KF BOOK 1: AN EPISTOLARY Date Published: April 8, 2021
503 78 35
Sabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in lov...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.