Crazy Little Thing Called Love

By ssdreamcatcher

416K 4.5K 373

Sa henerasyon na 'to kapag may crush ka para kang hindi makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo sa mal... More

Crazy Little Thing Called Love
CLTCL - 1
CLTCL - 2
CLTCL - 3
CLTCL - 4
CLTCL - 5
CLTCL - 6
CLTCL - 7
CLTCL - 8
CLTCL - 9
CLTCL - 10
CLTCL - 11
CLTCL - 12
CLTCL - 13
CLTCL - 14
CLTCL - 15
CLTCL - 16
CLTCL - 17
CLTCL - 18
CLTCL - 19
CLTCL - 21
CLTCL - 22
CLTCL - 23
CLTCL - 24
CLTCL - 25
CLTCL - 26
CLTCL - 27: Daniel Padilla's Point of View
CLTCL - 28
CLTCL - 29
CLTCL - 30
CLTCL - 31
CLTCL - 32
CLTCL - 33
CLTCL - 34
CLTCL - 35
CLTCL - 36
CLTCL - 37
CLTCL - 38
CLTCL - 39
CLTCL - 40
CLTCL - 41
Epilogue
Author's last note.
Special chapter 1
Special chapter 2
Special chapter 3
Last special chapter

CLTCL - 20

8.3K 95 10
By ssdreamcatcher

CLTCL 20 ❤


Kathryn's POV






Kinabukasan gumising ako ng maaga para makapag-luto ng umagahan namin.


Kumatok ako sa kwarto ni Daniel, "Deej kain na."


"Ah sige Kath susunod na ako." Rinig kong sabi niya.


Nauna na ako sa dining room.


"Oh bat di ka pa naunang kumain?" Kasi hinihintay kita? Duhhh.


"Eh hinihintay kita."


"Ah sorry kung natagalan ako, kain na tayo." Tapos umupo na siya.


Nilagay ko na yung pinag-kainan ko sa lababo pati na rin siya. Tapos nag-uurong na pala siya.


"Huy ba't ka nag huhugas ng pinggan! Ako na! Eto bigla bigla na lang gumagawa!"


"Okay lang sa'kin ano ka ba! Manuod ka na lang doon.."


"Eh kasi! Bisita ka kaya."


"Manuod ka na lang dun please?"


"Sige na nga."


Nanunuod akong TV sakto si Joaquin Manansala agad bumungad. :""">


"Huy naka ngiti ka diyan?" Biglang sulpot ni Daniel.


"Eh andito kasi yung crush ko."


"Asan? Eh ikaw lang naman andiyan ah? Wag mo sabihin meron kang nakikita na hindi ko nakikita ah."


"Baliw! Si Joaquin Manansala nasa t.v."


"Mas pogi pa ako diyan eh." Daniel.


"Mas pogi siya noh! Sana nga ako na lang si Chichay eh."


"Sus! Uuwi na ako. Punta na lang ulit ako dito mamaya." Daniel.


"Sige."


Natapos na akong maligo aayain ko sana pumunta ulit sa playground si Daniel eh nag dadalawang isip akong wag na lang. Baka kasi wala siya sa bahay nila eh. Papalabas ako ng gate kasi napagdesisyonan ko na ako na lang mag-isa.

Pag-labas ko ng gate........


Si Daniel may ka-beso at kayakapan na babae..


Ay teka ba't lumalabo paningin ko?


Tumakbo ako papasok ng bahay namin..


Pesteng luha to oh!! Hindi naman ako halatang masyadong affected noh?


Nag-dive ako sa higaan ko.. Hindi pala kumuha muna pala akong panyo bago ako mag-dive sa higaan ko. Siguro yun yung sinasabi niya sa'kin na mahal niya.


Habang nagda-drama ako may nag-doorbell.


Binuksan ko na yung pintuan at bumungad sa'kin si Daniel na may dalang Reese Ice cream. Reese..... Ang mahal kong reese....


"Oh Kath binilan kitang ice cream sabi kasi ng Mommy mo na favorite mo yung ice cream." Daniel.


"Ah eh.. Busog pa ako eh." Sabi ko ng naka-yuko mugto kasi mata ko.. >.< Pero ang totoo gusto ko ng kainin yung ice cream! Kahinaan ko yun eh!


"Nahiya ka ba sa'kin?" Sabay angat niya nung ulo ko. Yumuko naman ako agad.


"Hi-hindi a-ahh!"


"Teka umiyak ka ba?" Inangat niya yung mukha ko, "Sino nag-paiyak sayo?! Reresbakan ko!" Ikaw kaya nag paiyak sa'kin! Sige resbakan mo sarili mo!


"Wala to.. Na-miss ko lang parents ko.."


"Ako rin naman eh.. Wag ka na umiyak ha?" Hinawakan niya yung pisngi ko. Tapos yung thumb niya yung pinang punas ng luha ko.


"Tara kainin na natin yang ice cream.." Okay ka na agad Kathryn? Wow di mo talaga matiis si Daniel.


"Akala ko busog ka? Ako ba ay pinagloloko mo?" Daniel.


"Syempre joke ko lang yun.." Kinuha ko yung ice cream sa kanya tapos pumunta ako agad sa kusina para kumuha ng spoon.


"Inagaw talaga sa'kin yung ice cream." Daniel.


"Eh kahinaan ko to eh." Tapos ngumiti ako sa kanya.


"Pati ako kahinaan ko yan." Pero sa'kin siya nakatingin.


"Uhhmm.. Kainin na natin toh." Tapos inabutan ko siya ng kutsara.


Kumain na kaming dalawa syempre kwentuhan na rin. Tawa ng tawa si Daniel kasi ang kalat ko daw kumain. -____-


"Gusto mo pakilala kita sa mga barkada ko?"


"Sige ba! Pakilala rin kita sa mga kabarkada ko sa province namin sa bakasyon."


"Oh sige. Ako na mag-uurong nito." Kinuha niya yung kutsara ko.


"Ikaw nanaman mag-uurong. Baka masanay ako niyan?"


"Nagre-ready lang." Biglang nag-iba yung mood ko.


"Pag-uuwi ka na pakisara yung pinto and gate.. Matutulog lang ako." Naalala ko kasi yung kanina. Siguro nagre-ready siyang maging husband nung kayakap niya kanina.


"Sige, babalik na lang ako mamaya."


Nung nakapasok na ako sa kwarto ko naupo ako sa edge ng higaan ko, at nakaramdam ako ng kirot. Eh bakit ba ako nagse-selos? Eh wala naman akong karapatan. :(


Habang nagda-drama ako bigla na lang kumidlat ng sobrang lakas.

Bigla akong nag-talukbong sa kumot ko.. At niyakap yung teddy bear ko . Takot kasi talaga ako sa kidlat. Pag may kidlat lagi ako tumatakbo papunta kay Mommy eh wala naman si Mommy paano yan! Mag gagabi pa naman! Tapos baka nakauwi na rin si Daniel edi ako na lang mag isa dito sa bahay. Okay lang yan Kathryn. Face your fears.


Biglang may kumatok.


"Sino yan!!??"


"Kathryn okay ka lang ba diyan?!" Buti naman andito pa siya. Teka nga diba galit ako sa kanya. Pero wala naman akong karapatan magalit kasi hindi naman ako girlfriend.


Binuksan ko na yung pintuan.


"Oh akala ko nakauwi ka na?"


"Umulan nga diba tapos kumikidlat pa.. Sa tingin mo makakauwi ako?" Daniel.


"Oo lapit lang kaya ng bahay niyo."


"Eh malakas nga ulan wala pa akong dalang payong saka baka makidlatan pa ako." Daniel.


"Takot ka sa kidlat? HAHAHAHAHA!" Wow Kathryn parang hindi ka rin takot ah. Eh kasi naman lalaki siya tapos takot pala siya sa kidlat.


"Ewan ko sayo. Punta na lang ako dun sa kwarto." Tapos umalis na siya.


Pagka-alis niya nagsunod sunod yung tunog ng kidlat.


"WAAAAAAHHHH!!! AYOKO NA!!!!!" Tumakbo agad ko sa higaan ko.


"KATHRYN! Anong nangyari sayo!?" Tapos lumapit siya sa'kin.


"Nami-miss ko-ko na si Mo-mommy."


"Kathryn andito ako. Wag ka na matakot. Kanina nga inaasar mo pa akong takot sa kidlat eh mukhang ikaw ata yung takot eh." Tapos nag smirk siya.


"Heh! Huy Daniel dito ka lang ah?"


"Oo na. Hindi ako aalis sige na matulog ka na." Daniel.


"Thank you talaga."


Nung nagising ako madalim pa rin sa labas tiningnan ko yung orasan alas dose pa lang ng gabi.


Tatayo sana ako para kumuha ng tubig pero nakita kong nakahiga si Daniel sa sahig. Humiga siya sa malamig na sahig para lang masamahan ako.


******

VOTE AND COMMENT PO THANK YOU

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
9K 85 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."