CLTCL - 20

8.3K 95 10
                                    

CLTCL 20 ❤


Kathryn's POV






Kinabukasan gumising ako ng maaga para makapag-luto ng umagahan namin.


Kumatok ako sa kwarto ni Daniel, "Deej kain na."


"Ah sige Kath susunod na ako." Rinig kong sabi niya.


Nauna na ako sa dining room.


"Oh bat di ka pa naunang kumain?" Kasi hinihintay kita? Duhhh.


"Eh hinihintay kita."


"Ah sorry kung natagalan ako, kain na tayo." Tapos umupo na siya.


Nilagay ko na yung pinag-kainan ko sa lababo pati na rin siya. Tapos nag-uurong na pala siya.


"Huy ba't ka nag huhugas ng pinggan! Ako na! Eto bigla bigla na lang gumagawa!"


"Okay lang sa'kin ano ka ba! Manuod ka na lang doon.."


"Eh kasi! Bisita ka kaya."


"Manuod ka na lang dun please?"


"Sige na nga."


Nanunuod akong TV sakto si Joaquin Manansala agad bumungad. :""">


"Huy naka ngiti ka diyan?" Biglang sulpot ni Daniel.


"Eh andito kasi yung crush ko."


"Asan? Eh ikaw lang naman andiyan ah? Wag mo sabihin meron kang nakikita na hindi ko nakikita ah."


"Baliw! Si Joaquin Manansala nasa t.v."


"Mas pogi pa ako diyan eh." Daniel.


"Mas pogi siya noh! Sana nga ako na lang si Chichay eh."


"Sus! Uuwi na ako. Punta na lang ulit ako dito mamaya." Daniel.


"Sige."


Natapos na akong maligo aayain ko sana pumunta ulit sa playground si Daniel eh nag dadalawang isip akong wag na lang. Baka kasi wala siya sa bahay nila eh. Papalabas ako ng gate kasi napagdesisyonan ko na ako na lang mag-isa.

Pag-labas ko ng gate........


Si Daniel may ka-beso at kayakapan na babae..


Ay teka ba't lumalabo paningin ko?


Tumakbo ako papasok ng bahay namin..


Pesteng luha to oh!! Hindi naman ako halatang masyadong affected noh?


Nag-dive ako sa higaan ko.. Hindi pala kumuha muna pala akong panyo bago ako mag-dive sa higaan ko. Siguro yun yung sinasabi niya sa'kin na mahal niya.


Habang nagda-drama ako may nag-doorbell.


Binuksan ko na yung pintuan at bumungad sa'kin si Daniel na may dalang Reese Ice cream. Reese..... Ang mahal kong reese....


"Oh Kath binilan kitang ice cream sabi kasi ng Mommy mo na favorite mo yung ice cream." Daniel.


"Ah eh.. Busog pa ako eh." Sabi ko ng naka-yuko mugto kasi mata ko.. >.< Pero ang totoo gusto ko ng kainin yung ice cream! Kahinaan ko yun eh!


"Nahiya ka ba sa'kin?" Sabay angat niya nung ulo ko. Yumuko naman ako agad.


"Hi-hindi a-ahh!"


Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon