Last special chapter

1.9K 35 6
                                    

KATHRYN'S POV



Nagmadali akong lumabas sa coffee shop at pumunta kung saan nakikipagyakapan si Daniel. Walang ano-ano ay tinanggal ko yung engagement ring at hinagis sa kanya. Humiwalay siya sa babae at tiningnan ako na para bang nagtataka, "Kaya pala male-late ha?!"


Pinulot niya yung hinagis ko na singsing, "Ano ginawa ko?"


"Ewan ko sayo Daniel!" Pumara ako ng taxi at nagmadaling sumakay.


Gago siya!! Kung kailan malapit na yung kasal namin saka siya nagloko! Gago talaga siya! AHHHH!! Padabog akong pumasok sa loob ng bahay at umupo sa sofa. Umupo sa tabi ko si Mama, "Ano nangyari?"


"Wala ng kasal na magaganap mama."


"Ano nangyari? Nauntog na ba si Daniel at tinigil na ang kasal?" Mama.


"Ma! Hindi siya nauntog! Basta nakita ko siya may kayakap na babae!" Pumunta ako sa kwarto ko at nagtaklob ng kumot.


Bakit feeling ko ang OA ko? Dapat pinag-explain ko siya, e basta nagawa ko na wala ng bawian. May pumasok sa kwarto ko, "Ma kung tatawagan ka ni Daniel 'wag mo sagutin."


"Bakit naman?" Tininggal ko agad yung kumot at tinignan siya.


Binato ko siya ng unan, "Umalis ka nga dito! Manloloko ka!"


Lumapit siya sa'kin at bigla akong hinalikan, "Magalit ka kapag nakita mo akong nakikipag halikan sa iba. The girl I was hugging earlier was my cousin, she will be your bride's maid."


Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, "A-ah ganun ba? Hehehe hindi ko alam e. Asan na yung singsing ko?" Hindi niya ako pinansin tumayo siya tapos lumuhod, "A-ano ginagawa mo?"


"Give me your hand." Binigay ko naman yung right hand ko at sinuot niya yung singsing, "Don't do that again." Tumango ako at niyakap siya, "I love you so much, Mrs. Padilla."


"I don't love you, Mr. Padilla." Tinignan niya ako ng masama, "Joke lang! Mahal na mahal din kita, soon to be Mr. Padilla ko." Ngumiti ako at hinalikan niya ako sa noo.


"Anak pwede bang pumunta ka na lang sa kwarto mo at kami na lang mag-aayos na gagamitin mo mamaya." Kanina pa nga ako kinakabahan e, ikakasal na ako mamayang gabi. Feeling ko panaginip lang ang lahat ng ito.


"Nasaan si Daniel, Ma?" Tanong ko.


"Hindi ko alam. Magiging asawa mo hindi mo alam kung nasaan." Oo nga naman, pwede ko naman siyang itext bakit tinanong ko pa kay Mama? Nasisiraan na yata ako.


Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko sa drawer.



To: DANIEL PADILLA

Nasaan ka? Wag ka daw aalis ng bahay baka daw may mangyari sayo sabi ni Mama.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon