CLTCL - 17

8.6K 87 9
                                    

CLTCL 17 ❤


Kathryn's POV  



Andito ako ngayon sa playground ng subdivision namin wala kasing magawa sa bahay eh. Maaga pa naman.


Habang nagdu-duyan ako nakakakita ako ng mga parang kasing edad ko na kanina pa pabalik pabalik. Mag-syota sila. -_____-


"Hi!" Eto yung lalaking nakabangga sa'kin ah?!


"Ikaw si ano na nga name mo?"


"Khalil at ikaw si Kathryn.." Khalil.


"Dahil nakita kita ngayon, uhmmm... Libre mo ako!"


"Oh sige.. Saan mo gusto?" Khalil.


"Dun sa fishballan sa tapat nitong subdivision."


"Sige. Dito ka rin nakatira?" Khalil.


"Oo, ikaw din?"


"Yup." Khalil.


"Ka-batch kita diba?"


"Oo.. First section nga lang ako.." Khalil.


"Ikaw na matalino! Halata sa itsura mo na matalino ka."


"Syempre ganun talaga.. Kailangan eh.." Khalil.


"Bakit? Mukha ka namana mayaman. Diba pag-mayaman wala ng pakialam sa pag-aaral?"


"Hindi ako ganun eh. Saka kailangan kong mag-aral para maging masaya yung Daddy ko." Khalil.


"Eh bakit naman?"


"Lagi na lang kasi siyang busy sa work niya.. Halos di na nga niya ako pinapansin eh.. Tapos nung graduation ko nung elementary ako. Tita ko lang yung sumama sa'kin sa stage kasi wala siya.. Naiintindihan ko naman siya eh para sa'kin yung ginagawa niya.. Pero sana naman iparamdam niya rin sa'kin na may anak siya."


"Buti ka pa nga eh.. Nakikita mo Dad mo araw araw.. Eh ako? Once a year lang Daddy ko umuuwi.. Tapos one month lang siya mag istay sa'min tapos babalik din siya agad sa ibang bansa.. Kaya maswerte ka pa rin.." Sabi ko naman.


"Anong maswerte doon? Parang nasa ibang bansa na rin yung tatay ko sa sobrang layo ng loob ko sa kanya. Tara na nga."


Habang kumakain kami ng fishball.


"Ang sarap talaga nito noh?" Khalil.


"Oo nga. Ano sinalihan mo sa intrams?"


Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon