CLTCL - 5

10.3K 118 12
                                    

CLTCL 5 ❤



Kathryn's POV



"Hey Kath." Sabi sa'kin ni Yen, nandito kasi kami ngayon sa cafeteria


"Oh bakit Yen?"


"Balita ko may pag tingin ka na raw kay Daniel P." Yen.


"Paano mo nalaman?"


"Sabi ni Kiray." Sabi ko na nga ba eh dapat di ko na lang sinabi -___-, "Ano ka ba okay lang sa'kin 'no."


"Ok lang ba talaga sa'yo?"


"Oo nga, si Neil na ang para sa'kin kaya don't worry." Yen.


"Talagang mahal na mahal mo siya 'no?"


"Syempre naman 'no, siya na yata ang first and last ko." Yen.


"Diba 4th year rin siya, anong section niya?"


"Section C siya." Akala ko ba kaklase niya si Daniel alam ko close daw sila e.


No'ng natapos na 'yung recess pumunta na kami sa room wala pa naman yung teacher namin kaya ang ingay ingay nanaman namin. Habang nag kwekwentuhan kami napunta nanaman sakin yung topic.


"Naranasan mo na ba ma-in love, Kath?" Tanong sa'kin ni Kiray.


"Nope. Pero ayoko ma-inlove." Sagot ko.


"Bakit naman ang sarap kaya ma-inlove lalo na sa taong alam mong mahal ka rin." Sabi ni Kiray sabay tingin sa kisame tapos ngumiti. Baliw yata.


"Hindi rin Kiray masakit rin." See? Disagree rin si Julia.


"Bakit naman? Masaya kaya." Kailan pa naging masaya ang magka-love life? Stress kaya 'yun.


"'Di ba si Diego nabalitaan kong may ka MU raw. Oh diba masakit? Naiyak nga ako eh! Akala ko pa naman..." At nagsimula ng tumulo ang luha niya.


"Hay nako Julia ba't ka umiiyak? Madami pa diyan, saka ang dami kayang nangliligaw sayo. Try mo silang ientertain baka makahanap ka." Yen.


"Kung sa bagay." Tapos pinunasan niya yung luha niya.


"Okay 'yan keysa umasa ka pa sa taong alam mong hindi magiging kayo." Sabi ko.


"Kath hindi ka umaasa na magiging kayo si Daniel?" Kiray.


"Hindi."


"Crush mo siya diba? Bakit hindi ka umaasa? Kaya nga crush diba?" Yen.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon