CLTCL - 4

10.8K 123 11
                                    

CLTCL 4 ❤


Kathryn's POV



"Good morning Kath." Bati sakin ni Quen, "Ba't di ka nag-reply kagabi? Napuyat pa naman ako kakahintay." Eh paki ko? Ako pa may kasalanan na napuyat siya?


"Nabasa ko kasi kaninang umaga saka wala akong load eh. " palusot.com ka nanaman Kath


"Sabi ko sayo Kath, makukuha ko number mo madami yata akong kilala sa school." Pag mamayabang naman sa'kin ni Enrique, ano naman sa'kin ko'ng madami siya'ng kilala?


"Oh tapos? Ano gagawin ko?"


"Kung pwede lang na tumambling ka, iyon ang gawin mo. Alam mo bang madaming may crush SA AKIN." Talagang diniin niya pa yung sa'kin? Feeling niya naman crush ko siya, ASA!


"Eh ano naman? Tinatanong ko BA? Saka tigilan mo nga ako Enrique ang aga-aga, please lang."


"Kunwari ka pa Kath may crush ka lang sa akin eh.." ASA MUCH.


"Spell ASA? Kapal rin ng mukha mo 'no? Hamak na pogi naman ni Daniel sayo!" Hininaan ko yung part na Daniel.


"The who?" Enrique.


"Wala, at huwag mo na alamin pa." Sabay baba ko na agad sa sasakyan


Papunta ako sa room namin sa second floor ng may tumamang bola sa paa ko.


"Sorry! Pwede paki-hagis na lang 'yung bola dito?" Tanong niya sa'kin.


Pinulot ko naman 'yung bola tapos binato sa kanya at nasapo naman niya, "Thank you." Napangiti ako nung nakatalikod na ako sa kanya. Putek ang gwapo.


"Hey." Sabi ni Yen.


"Hey."


"Kamusta?" Malungkot na sabi niya sa'kin.


"Ayos lang naman. Bad mood ka?" Tanong ko.


"Hah? Hindi." Yen.


"Okay." mahinang sagot ko naman, "Yen nakita ko si Daniel na crush mo nung Sabado at Linggo." Kwento ko sa kanya.


"Paki ko sa kanya?" Sabay irap sakin? Oo nga pala mag-babayad pala siya ng limang piso pag nabanggit niya yung pangalan ni Daniel.


"Taray ah."


"Ayoko na sa kanya Kath, kay Neil na talaga ako forever." Tapos parang nabuhayan na siya.


"Forever? Meaning may something na talaga kayo?"


Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon