Special chapter 3

1.3K 27 0
                                    

KATHRYN'S POV



Nag-uusap pa kami ng biglang tumawag si Daniel. Umalis ako sa kusina at pumunta sa living room, "Hello."


Lumapit naman sila Julia sa'kin at nakinig sa pinag-uusapan namin, "Bakit ang daming nakaparada sa harapan ng bahay niyo?" Nasa tapat lang pala 'yung bahay nila.


"Andito kasi sila Julia."


"Ohh. Pupuntahan sana kita eh." Daniel.


"Nanaman?!"


"Nam-miss na kasi kita." Daniel.


"Maghapon tayong magkasama, Dj."


"OO NGA NAMAN DANIEL! MINSAN LANG NAMIN MAKASAMA 'TONG FUTURE WIFE MO EH." Sigaw ni Kiray.


"Narinig mo yon? Magagalit sila kapag pumunta ka dito."


"Kathryn..." Pinipilit niya talaga pumunta dito.


"Daniel 'wag ka ng makulit."


"Andito na kasi ako sa tapat ng bahay niyo, may dala pa naman akong snacks." Daniel.


"Eh papuntahin na yan, may dala palang pagkain eh." Kiray.


Tiningnan naman namin si Kiray, "Narinig ko yon! Open the door and I'm with the guys by the way." Sabi ni Daniel.


"Guys? You mean mga asawa namin?!" Julia.


"Open na kaya natin yung pintuan? Sayang load eh." Yen.


Sabay sabay naman kaming pumunta papalabas para pag-buksan sila. Kaya lang nung nakita na nila yung mga asawa nila parang ayaw nila na pumunta sila dito, si Dj kasi eh. Ang epal.


"Akala namin mag-iinuman kila Daniel kaya pumunta kami, hindi namin alam na pupunta pala dito." Sabi agad ni Neil.


Tumango naman si Ej at tumingin kay Kiray, "Totoo yon, baby."

"Eh ikaw Enrique ano excuse mo?" Sabi ni Julia kaya tinignan namin si Enrique.


"Ikaw? Kaya ako pumayag na pumunta kila Daniel dahil pupuntahan kita." Mag-best friend nga sila. (-__-")


Tumabi sa'kin si Dj at inakbayan ako, "Kasalanan mo 'to eh." Bulong ko sa kanya.


"Well." He shrugged and laughed.


Natawa na rin ako sa nangyayari, this will be a long night.


Pupunta ako ngayon sa office para mag-file ng leave for 3 months? Kung papayag pero kung hindi naman 2 months na lang. Papasok ako sa loob ng office ni Sir Marco ng may may lumabas na co-worker ko na umiiyak. Tinanong siya kung bakit siya umiiyak sabi niya mainit daw ulo ni Sir ngayon. Eh?! Paano ako makakapag paalam.


Kumatok muna ako bago pumasok sa loob, "Good morning po sir."


"Good morning miss Bernardo." Sabi niya habang hinihilot yung noo niya.


"Sir magf-file lang po sana ako ng leave."


Tiningnan niya ako, "Ilang days or months ba?"


"3 mo-months po sana pero kung ayaw niyo naman kahit 1 month na lang." 1 month Kathryn?! Ano yon after niyong ikasal balik trabaho ka na agad?! -__-


Umiling siya, "No, ikakasal ka kaya pagbibigyan kita sa 3 months na hinihiling mo." He smiled.


"Talaga sir?! Thank you po!"


Lumabas ako ng office ni sir ng nakangiti kaya nagtaka yung mga katrabaho ko, "Hindi ka pinagalitan ni sir?" Tanong nila.


"Hindi." Sagot ko sa kanila habang nakangiti tapos pumunta na ako sa desk ko.


—-


After several weeks. Papunta ako ngayon sa shop kung saan ko isusukat ang gown ko, eto na ang last na preperation tapos kasal na lang ang hihintayin. Naka-leave na rin ako sa trabaho kaya sobrang free na ako after nito.


Ihahatid ako ni Daniel sa shop kaya eto ako ngayon nag hihintay sa harapan ng gate namin, ang init init saka pa na-late. -__-


No'ng nakarating na 'yung sasakyan niya hindi ko ma siya hinintay pa bumaba sumakay agad ako sa front seat at tinignan siya, "Kung kailan mainit saka mo ko pinag hintay."


"Tumawag kasi sila Tita."


"Tumawag sayo sila Mommy?! Bakit sakin hindi sila tumatawag?" I checked my phone kung may mga missed calls sila pero wala.


"Malapit na sila umuwi at tinanong nila yung kasal natin kung malapit na daw ba matapos and preparations." Ngumiti siya.


Inirapan ko siya, "Ah."


Pumasok na ako sa boutique kung saan ko isusukat yung gown ko, iniwan ako ni Daniel susunduin niya na lang daw ako after nito. Noong matapos na ako magsukat ng gown nagtext agad ako sa kanya na sunduin niya na ako at sabi niya male-late daw siya ng konti kaya pumunta muna ako coffe shop sa tapat.


Umorder ako ng frappe at umupo near the counter. While I was drinking my frappe I looked at the window and I saw Daniel hugging a girl. What the fck?

—--------------

Next chapter Wedding 😉

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon