My Vampire Girl

By RedLipsJem

8.1K 187 22

Ang tahimik na buhay ni Patrick ay magugulo sa isang iglap dahil sa pagdating ng babaeng itinuturing nyang ma... More

~
~ Arabella!! ~
~ Bitch Please ~
~ Ang Kawawang Bahay Ni Patrick Star ~
:D
~ Bad Patrick Star ~
~ First Victim ~
~ Mr.Froggy and Company ~
~ Pregnant ~
~ Blush ~
~ Hart Hart ~
~ One Day, Isang Araw ~
~ Men In Black ~
Announcement XD

~ #BagongTV ~

256 9 2
By RedLipsJem

Inayos ko ang collar ng uniform ko. Siniguro ko na hindi mahahalata na may malaking band-aid na nakatapal sa leeg ko. Kung sino man ang nag-design ng uniform namin, nagpapasalamat ako sayo dahil ginawa mong chinese collar ang collar naming mga boys. Hehe, hindi mo ko pinahirapang itago ang sugat ko sa leeg.

Makalipas ang ilan pang minuto ng pag-aayos, lumabas na ako sa kwarto ko.

Pagbaba ko, may baliw na nag-aabang sakin sa living room.

"Whassup Patrick yow! Lezz go na to the dining rowm! Em zo hungry na! Hashtag hungry to death."

Napailing nalang ako sa kanya. Lagi nalang syang gutom. Napakahalimaw ng bituka ne'to. Naubos na ang ipon ko sa pagbili ng mga bagong appliances at furnitures dahil nasira yung luma tapos pati ang pagkain ng patay gutom na to iniintindi ko pa.

Lord?! Are you there? Inihihingi ko po ng kapatawaran ang kung ano mang kasalanan ko na nag-udyok sa Inyo upang ibigay sa'kin ang kaparusahang ito. Lord! Kung itinadhana Nyo pong makasama ko ang baliw na ito habang buhay, handa po akong ialay ang buhay ko sa inyo at mag-pari kapalit ng katahimikan. Lord! Answer me! Lor---

Biglang kumulog ng napakalakas. Sa sobrang lakas, namatay yung ilaw ng halos dalawang segundo. "Emeghed?! Soooo scaryyy~~ mukhang bad mood ang weather ah"

Hehe, Lord, joke lang po yun! Hehe. Kailangan ko lang po ng budget. Yun lang Lord! Hindi naman kayo mabiro Lord. HAHA!

Naupo na ako bagong biling upuan at kumain sa bagong biling dining table. Bagong bili din ang pinggan, baso at kubyertos na gamit ko ngayon. Oo, bagong bili lahat, tangina.

Kahapon, bumili ako ng mga bagong throw pillow, bagong picture frames, bagong TV at kung ano ano pang gamit sa bahay. Akala nga nung salesman sa SM bagong kasal kami at bumibili ng gamit para sa bago naming bahay. Kadiri. Next time hindi ko na isasama yung bampira na 'yon para makaiwas na rin sa mga awkward-slash-nakakadiring situations.

Flashback

"Good afternoon Ma'am, Sir." manong salesman.

Nginitian sya nung bampira, ako naman hindi sya pinansin. Dumeretso agad ako kung nasan yung mga TV.

"Anong tv bibilhin mo?" tanong nya.

"Ano bang gusto mo? Ikaw lang naman gagamit nyan." sagot ko.

"Kahit ano basta napapanooran."

"Ma'am, Sir, ano po bang hanap nyo?" tanong ng salesman, "Dito po sa side na ito ay mga electric fan, sa kabila po ay washing machine, ref at oven, doon po sa side na yun ang mga TV"

Hindi namin sya pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa loob. "Ang cute oh!" turo nung bampira sa isang ref na kulay pink. Ngayon lang ako nakakita ng ref na kulay pink.

"Oy maayos yung ref ko, hindi natin kailangan ng bago." hindi naman nasira yung ref ko at hindi pa 'yon kailangan palitan. Takte, yun nga lang ang survivor eh.

"Psh! Wala naman akong sinabing bilhin natin!" singhal nya tapos bigla nya akong tinalikuran. Nagkakaperiod ba ang mga bampira? Tss, may moodswings kasi 'to araw araw eh.

"Ma'am, Sir, magandang klaseng ref po yun." katulad ng isang pangkaraniwang salesman, ipinaliwanag nya ang features ng ref na pink kahit hindi naman namin tinatanong. Tsk, sinabi ko na ngang di naman namin bibilhin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Mukhang wala namang pakialam yung bampira sa sinasabi ng salesman kasi tuloy-tuloy lang sya sa paglakad.

Maya-maya pa, nagtanong ulit yung salesman.

"Ma'am, ano po bang hanap nyo?" tanong nya kay Amarie.

"Kapayapaan at katahimikan po." sagot naman nito. Agad namang nagtawanan ang iba pang tao sa loob ng shop na nakarinig sa sagot nya. Yung ibang salesman at saleslady ay kinantyawan pa yung kasamahan nila. May narinig pa nga akong nagsabi ng 'Boom panes'.

Agad ko namang sinamaan ng tingin yung bampira. Kahit nakakainis si kuyang salesman, hindi nya naman dapat pinahiya yun. Sinuklian nya lang ako ng bored na facial expression at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Ah... eh.. sorry ma'am. Trabaho lang po."

"Bagong TV po ang kailangan namin." Sabi ko.

"Ah ganun po ba. Ano po bang model ang gusto nyo Sir?"

"Kahit ano po." sabi ko nalang. 

"Sir, ito po." itinuro nya ang isang flat screen TV. Ipinaliwanag nya kung ano ano ang mga features non. Ang haba ng sinabi nya, wala naman akong balak intindihin. "Ito naman po, Ma'am, Sir" itinuro nya ang isa pang flatscreen TV na iba naman ang brand.

Tumango-tango lang ako, kuyari may pake. "Yun nalang." sabi ko dun sa bampira sabay turo sa isang flatscreen tv. Kahit ano nalang ang tinuro ko. Gusto ko nang umuwi eh.

"Ayoko. Pangit."

"Akala ko ba kahit ano basta mapapanooran?!" WTF. Ang gulong kausap amp.

"Eeh."

"Anong 'Eeh?'" For the second time, tinalikuran nya ako uli. Nakakabwisit na ah!

Sa sobrang inis ko, hahatakin ko sana sya paharap sa'kin kaya lang, "Ito po sir," singit nung salesman. Itinuro nya yung isa pang tv "siguradong magugustuhan po ito ng asawa nyo. Bagay na bagay po ito sa bago nyong bahay!"

Say what?!!! "HAAA?!!" sabay kaming napatanong dun sa salesman.

Napatingin ako dun sa bampira, at napatingin din sya sa'kin, tapos, ibinalik namin yung tingin namin dun sa salesman.

"The heck. No way! Yang baliw na 'yan? Asawa ko? Hah!  Never. NE-VER." I said while displaying a very very very disgusted face.

"Like eeeeeeww. That's so kadiri. I'd rather kill myself. Yuck, so gross." sabi nya naman. Kapal ng mukha nitong bampirang 'to. As if naman gusto kong ma-link sa kanya! Tungunu.

"Talagang kadiri!" pag-se-second the motion ko. "Seventeen palang ho ako. Wala pa ho sa legal age at wala pa hong balak magpakasal."

"Mukha ka na kasing matanda." sabi ni Amarie sabay belat sakin.

"Ah eh, sorry po Ma'am, Sir. Akala ko po newly weds kayo eh." sabi ni manong salesman sabay kamot ng batok.

"Kilabutan ka nga dyan, manong." sabi ko naman.

End of flashback

O di ba?! Kung ano anong mga nakakadiring bagay ang naiisip ng mga tao.

Sa huli, sya pa din ang nasunod. Yung gusto nya ang binili namin. Buti nga medyo napilit ko pa syang yung medyo mas mura ang bilhin namin kasi kung yung first choice nya ang binili namin, malamang namamalimos na ko ngayon.

At sabi nya pa, babayaran nya daw lahat ng ginastos ko kapag nakabalik na sya sa mansion nya. Kasi daw napakadami nyang pera doon. Pero sa ngayon daw kailangan nya ng trabaho, kaya ihanap ko daw sya. Yung totoo? Mukha ba kong employment agency?! Ako nga walang trabaho eh.

O sya, tama na ang flashbacks. Balik na tayo sa present.

Tumayo ako para iligpit yung pinagkainan ko. Sya naman inuubos pa yung hotdog sa plato nya.

"Hoy," tawag ko sa kanya, "Hanggang 'san na natapos mo?" ang tinatanong ko ay tungkol sa mga test papers na chine-check-an nya. Inako nya kasi ang responsibilidad sa pagche-check dahil nagi-guilty daw sya kasi kasalanan daw nya kung bakit ako may punishment.

"Wait, let me think, I guess one fourth na yung nache-check-an ko."

"Sigurado ka bang tama yung ginawa mo? Baka mamaya--"

Hindipa ko tapos magsalita, sumingit na agad sya, "Like duh! Magche-check lang ng papel eh." sabi nya sabay roll eyes.

"Tsk. Naninigurado lang ako. Umiikot na naman ng 360 degrees yang mata mo."

Dumiretso ako sa living room at kinuha ang backpack ko na nakapatong sa sofa. Tapos, humarap ulit ako sa salamin. Inayos ko lang ng konti ang buhok ko.

Bigla nalang lumitaw yung bampira sa likod ko. "Napaka-vain mo naman! Blisan mo kayang kumilos! Male-late ka na oh!" sermon nya sabay turo sa orasan.

Shit, 7:00 na. Male-late na nga ako!


Continue Reading