~ Men In Black ~

195 5 2
                                    

 

Eclair's POV

"What happened? What kind of miracle brought you in my class on time, Ms. Valentino? 'Wag mo akong binibigla hindi ako sanay na pumapasok ka ng maaga." tanong ng teacher ko sa Algebra pagkakitang pagkakita nya palang sa'kin. Halata naman sa mukha nya na hindi nya ako gustong makita sa klase nya.

"My mother told me to go to hell as soon as possible. That's why I came here as soon as I can. And please, 'wag po kayong masyadong mabibigla. Baka atakihin kayo sa puso, ikamatay nyo pa."

Agad pumunta sa pwesto ko at naupo. Seating arrangement sucks. Katabi ko nga yung bintana, katapat ko naman yung hallway. Wala tuloy akong katahimikan dito.

Hindi ako pinansin ng guro namin at nagpatuloy na sya sa pagtuturo. And there she goes again. Tiningnan nya na naman ako ng masama. I don't fucking know why, but I often see her glaring at me. Not only inside the classroom. Whenever she sees me, I always find her looking at me like I am the most detestable human being in the whole wide world. Damn her. I don't even know who the fuck is she outside the campus.

Wala akong balak makinig sa kanya dahil wala rin naman syang kwenta magturo. Lagi nyang pinapasok sa mga lesson ang kwento ng buhay nya, and that's bullshit. Juice colored, Algebra ang subject namin, hindi Values Education. Anong connect ng polynomials at quadratic equations sa buhay nya?

After a lifetime, lumabas na rin sya ng room. Nagsimula ng lumipat ng pwesto ang mga classmate ko. Ako naman, di ko na kailangang lumipat. Wala naman akong kaibigan, boyfriend o kamag-anak na tatabihan dito sa klaseng 'to. Pero kung meron man, manigas sya. Hindi ako mag-eeffort tabihan sya unless sya si... basta, hindi ko sya tatabihan.

Paglipas ng ilang minuto, isa na namang nonsense na professor ang pumasok. Ang professor namin na palaging nagpapasulat.

Sa subject na 'to, may schedule kung sino ang magsusulat sa board. Kawawa naman daw kasi yung secretary kung sya palagi ang pupuno sa tatlong whiteboard (as if I care about her). Today, nasa second row na ang magsusulat. Fuck, second row ako. Eight more people before my turn. Tss, hindi nalang ako papasok kapag turn ko na.

Wala naman akong balak magsulat kaya nagdrawing nalang ako sa likod ng notebook ko. Pampalipas oras lang. Maya maya'y lumabas na ang professor namin. Vacant na.

--

Wala ako sa mood kumain kaya sa Lake Laura ako pumunta. Hindi ko alam kung sino si Laura at wala rin akong pakialam sa kanya. Pumunta lang naman ako dito dahil gusto ko ng katahimikan. Ito yung part ng campus kung saan presko ang simoy ng hangin, tahimik ang paligid at walang epal. Madalas dito ako tumatambay.

Pumwesto ako sa isang bench at humiga roon. Dalawang oras pa bago ang susunod na klase. Bahala na kung magigising ako after two hours o hindi.

Patulog na sana ako ng bigla akong may marinig na nagsalita, "Are you sure about this, Patrick? Alam kong malapit na ang sembreak at almost two moths pa bago ang foundation day, but, I think mahihirapan tayo kung gagamitin natin 'tong Lake as one of the attractions here in our campus. You know the legend right? And this place feels creepy. One more thing, renovations! Dagdag gawain pa 'yon!"

My Vampire GirlWhere stories live. Discover now