~ Pregnant ~

407 12 1
                                    

Si Patrick!!!

"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot nyang tanong sakin. How nice.

"Tol! Ikaw pala yung Patrick na tinutukoy ng chix na to! Girlfriend mo tol?" tanong ng isang guy na kasama ni Gamakichi sabay siko kay Patrick. Halata namang medyo nairita sya sa pagsiko sa kanya.

Base sa facial reactions at aura nya, I can sense na hindi nya gusto ang group ni Gamakichi. Huwell papel, ako rin naman. Mukha silang bully na gangster na mukha namang mabait pero mapapa-'looks can be deceiving' ka.

"Girlfriend?! Hindi ah!" grabe naman tong makadeny! "Hindi ko nga kilala yan eh!" sabay turo sakin. Tinignan nila ako na parang naguguluhan at hindi alam ang irereact. My goodness Patrick Star! You don't do this to me!

"Hindi mo sya kilala pero tinawag mo sya sa pangalan? Hahaha dinedeny ka ng boyfriend mo girl!" sabi ni ateng girlfriend ni Gamakichi. Pinagtatawanan nila ako AND THIS IS ALL BECAUSE OF PATRICK STARFISH.

At dahil ako si Amarie, I shall take my revenge. Hahahahahahah

Pinunasan ko ang mga mata ko (kunwari naluluha) "Anong pinagsasasabi mong di mo ko kilala ha?! Ganyan ka na ba babe? Pagkatapos ng lahat--"

"Anong drama yan? Babe? Anong sinasabi mo?" gulat nyang tugon. Pfft. I'm not yet done.

"Pumunta lang naman ako dito para sabihin sayong buntis ako at ikaw ang ama tapos, tapos--"

Halata namang gulat na gulat sila "Ano?! Buntis ka at sya ang--" humarap sya kay Patrick.

"Hoy ikaw!! Wala akong alam sa pinagsasabi mo ah!"



"Sabi mo mahal mo ko~ Naniwala ako sayo Patrick." oh yes Amarie ang galing mong umarte!


"Pare alam kong wala ako sa lugar para mangialam pero di naman ata tamang di mo panagutan yung anak mo." inakbayan nung Kyle si Patrick. Habang yung isa naman ay namutla at di alam kung anong gagawin nya para pabulaanan ang mga sinasabi ko. "Alam kong bata pa tayo at hindi ito ang tamang oras para maging ama pero may responsibilidad ka na ngayon--"


"Nagsisinungaling lang yan! Wag nyo nga yang paniwalaan!" sya



Hinatak nya ako palayo "Tumahimik ka na nga! Tara na! Tara!" I smiled. Widely. I won. Hahahahaha

---------

"Hoy babae! Anong sinasabi mo kanina? Ang galing mong mag-imbento ng kwento ah! At bakit sinundan mo ako dito? Pinalayas na kita kanina di ba? B't sinundan mo pa ko dito?!" aba't!! imbis na pasalamatan ako eh sinigawan pa ko! Pasalamat nga sya at nagcare pa ako ng kaunti sa kanya pagkatapos nya akong palayasin sa bahay nya eh!

My Vampire GirlWhere stories live. Discover now