~ Blush ~

362 10 2
                                    

   

Imbis na umuwi, naglakad-lakad muna kami at naghanap ng makakainan. Gutom na daw sya eh.

"Tara dito nalang tayo kumain." sabi nya sabay turo sa isang maliit na canteen.

Pumasok kami sa loob. Medyo maraming tao pero may mauupuan pa naman. May maliit na hagdan papunta ata sa second floor. Pumunta muna kami sa harapan para makapili sya ng makakain. "Hmm... Ano bang masarap kainin ngayon?" tanong nya sa sarili nya. Di man lang ako inaya. Hmp.

"Ikaw anong gusto mo? Libre na kita." woah. Imaginin nyo nalang na nagsha-shine bright like a diamond ang eyes ko ngayon "B't ganyan ka makatingin? May pera ako no. Ano bang gusto mong kainin?"

"W-Wala.. Okay lang ako." ihh! Sorry naman di ba! Ngayon lang kasi may nag-aya saking guy na kumain! Though alam kong walang romantic chu chu ang pag-aaya nya saking kumain, kinikilig pa rin ako. Shocks!

"Uhh okay." tinignan nya na naman ako na para bang ang weird weird ko. Weird ba talaga ako? I don't think so... pero... nagiging weird din naman ako minsan.. pero lahat naman ng tao nagiging weird misan eh! Ooh~ Now I think I'm really weird.

Dumiretsdo sya sa counter after nyang makapili ng gusto nyang ulam. Pagkatapos nyang magbayad, pumanik kami agad sa second floor. Mas gusto nya daw kasi doon.

"Madalas ka bang kumain dito?" tanong ko sa kanya pag-upo namin. Sa may sulok kami pumwesto.

"Di naman. Minsan lang. Kapag di ko gusto yung ulam sa canteen dito ako kumakain."

"Ahh.." yan lang ang naisagot ko at pinabayaan ko na syang kumain.

"Bakit ayaw mong kumain? Masasarap naman yung ulam kanina ah. Tsaka malinis dito Ms. Royal Blood."

"Hindi naman ako nag-iinarte about sa cleanliness ng food, kaya lang--"

"Ah oo nga pala! Sensya nakalimutan kong di ka nga pala tao." di naman masyadong halata na hobby nya ang pagputol sa sentences ko no? Tss.

Kumakain ako ng pagkain ng tao okay? Ang vampire at human ay maraming similarities. Kumakain din kami ng karne ng hayop at mga gulay. masasabing kami ang upgraded version ng humans. Isipin nyo nalang na ang mga tao ay Samsung Champ at kami namang mga vampires ay Samsung Galaxy Note. Iisa lang ang gumawa at ang nature pero hindi pareho ang features. Gets nyo? May pakiramdam din kami, nag-iisip at kumikilos katulad ng mga tao, pero MAS kami. Mas malakas, mas mabilis, mas maparaan at mas maganda. Hahaha.

Nga pala, busog ako kaya wala na kong ganang kumain ng food ngayon. And.. nagnakaw na naman ako uli. This time, food naman. I'm starving na kanina eh!

"Sabi mo sakin bampira ka. Pano ka nakatagal sa sinag ng araw kanina? Nagawa mo pang maghintay sa labas ng school ko. Tsaka nakapaglakad ka pa papunta dito. Kanina medyo maaraw pero di ka naman nasunog o kuminang. Bakit gano'n?"

My Vampire GirlWhere stories live. Discover now