~ First Victim ~

472 13 0
                                    

PANO BA NAKAPASOK ANG BABAENG MAY SALTIK NA YON DITO SA BAHAY KO?!

 Kanina, maingay sya at madaldal, tapos ngayon naman ang tahimik at ang weird nya. Mukha lang syang normal, pero kung titignan mo sya ngayon, halatang kakaiba sya.

 Kanina pa sya naglilinis at nabubuhat ng mabibigat pero hindi sya hiningal o pinagpawisan man lang.Gumagawa pa sya ng kung ano anong expressions habang naglilinis. Tingin ko sinasadya nyang kumilos ng normal kasi ayaw takutin ako. Aba! Nakakagulat kaya yung pagteteleport nya kanina!

 Gusto ko sana syang tulungan. Kaso, tuwing tinitignan ko yung mukha nya lalong kumikirot yung sugat sa leeg ko. Mahirap na, kung totoong bampira nga sya at hindi cannibal, baka maamoy nya yung dugo ko at kagatin ako uli.

 Nagulat ako nung napatingin sya sakin. Balak na ba nya kong kainin?! Mukhang malalim ang iniisip nya. Mga dalawang minuto nya rin akong tinitigan bago ko makareact "What?" halatang medyo gulat sya nung nagsalita ako pero hindi sya sumagot. Bumalik lang sya sa paglilinis ng parang wala lang. SEE? Ang weird nya!

--------

Sa wakas tapos na din akong maglinis!

Pati yung second floor at itong kwarto nya nalinis ko na rin.

Wow.. Another achievement in my vampire life. Nakapaglinis ako ng bahay, tapos yung bahay, hindi pa ako yung may-ari! Ikukwento ko to kay ate pagdating kong France!!

"Ayan tapos na ko! Sorry pero hindi ko na mababalik sa dati yung mga gamit na nasira at nabasag. Papalitan ko nalang yun kapag nakuha ko na yung money ko sa mansyon." nandun sya sa may pintuan. Nakasandal habang nakapamulsa.

"Mabuti naman at tapos ka na." pumasok na sya nagtuloy-tuloy sa bed nya "Pwede ka ng umalis. Ako nang bahala sa mga gamit na nasira. Hindi mo na kailangang palitan yun.." sabi nya then may kinuha syang PSP sa drawer sa gilid ng bed nya at naglaro.

"What are you talking about? Hindi tayo pwedeng malayo sa isa't isa.." kailangan ko nang sabihin sa kanya.

"What?! Anong nonsense naman yang sinasabi mo na yan ha?!" napaupo sya sa kama at isinantabi muna ang PSP nya.

"Well... ugh.. hindi ko pa pala nasasabi sayo. Kasi kaming mga bampira, meron kaming... uh.. parang connection sa mga taong unang nakakagat at naiinuman namin ng dugo. Nangyayari lang ito kapag yung first victim namin ay hindi namatay. Tulad mo. Para syang life contract ng isang tao at ng isang vaampire. Yung vampire at yung human ay hindi pwedeng malayo sa isa't isa. Nagkakaroon sila ng strong bond na maaari nating maihalintulad sa isang lubid na nakatali sa leeg ng dalawang nilalang na involve. Mas malayo ang distansya ng dalawa, mas sumusikip ang pagkakatali ng lubid sa leeg nila. Meaning, masasakal sila at maaaring mamatay."nakatitig lang sya at attentive na nakikinig sakin.

"Ilang taon ka na ba?" eh?! ang layo naman ng tanong nya! Akala ko pa naman pinakikinggan nya akong mabuti.

"Napaka-offtopic naman nyang tanong mo! Anong konek? Well... ahm.. 67 years old na ko."

"Kung 67 years old ka na, eh di lola na pala kita..." tumayo pa sya at akmang magmamano sakin. Like eew!! 67 years old nga lang ang sinabi ko sa kanya tas tinawag nya na agad akong LOLA. Pano pa kaya pag nalaman nyang lagpas 100 na ang age ko? Baka tawagin nya na kong hukluban. Uhuhu .....

Umiwas naman ako agad sa kanya. Mas mukha akong 'apo' kaysa 'may apo' no! "Like duh Patrick Star! Mas mukha ka pa ngang matanda sakin eh! Psh! Nagtanong ka pa tapos pinagpaliwanag mo pa ko ng mahaba, di mo naman pala ako pinapakinggan!!"

"Like duh~!" at ginaya nya pa talaga ang boses ko! "Kung talagang 67 years old ka na, malamang hindi ako ang unang tao na nakagat mo tapos nabuhay di ba? Ibig kong sabihin, hindi ako yung unang MALAS na tao na nakagat mo, tama?!"

"Well actually may tama ka n--"

"O tama naman pala ako eh. Anong inaalala mo?"

"Eh kasi yung first victim ko matagal ng patay, dead, nasa underworld na! At ikaw, ang sumunod sa kanya." paliwanag ko

"You mean, napasa sakin ang sumpa nya?" tanong nya ng nakataas pa ang kilay at parang hindi makapaniwala

"It's not a curse! It's a vampire-human law that was created ages ago!"

He looked at me-- straight faced. "Joke lang yan di ba?"

 .

.

 .

 .

 .

 .

 .

.

.

.

"No...It's not."

-----------------------------------------------------------------

SORRY SA MATAGAL AT MAIKLING UPDATE TTTTTT__________TTTTTT

Busy po kasi ako ngayon. Walang time makapagupdate (_._")

My Vampire GirlWhere stories live. Discover now