~ Hart Hart ~

365 14 5
                                    

Oh my!! Ang galing ko talaga!! Hart hart!

Pumayag na si Patrick Star na tumira dito sa house nya for the mean time!

Paano ko yun nagawa? Syempre ginamitan ko ng konting charm at drama and.. VOILA! Pumayag na syang tumira ako dito! Ganun lang kasimple.

Ah huh tama ang iniisip mo. Umaarte lang ako. Wala naman akong dapat iyakan sa sitwasyon kanina no. Kung gusto ko, kaya kong mag-stay dito as much as I want but then, I still respect him as the owner of this house. Hindi naman ako pinalaking bastos. Tumanda na ako dito sa Earth, marami na ang nawala sa'kin, but no, not my manners. Napakiusapan ko naman sya and pumayag sya; that's what important here.

Nandito ako ngayon sa kitchen at naghahanda ng makakain. It's dinner time!

Actually di ako marunong. May ilang cook books lang akong nakita sa mga kitchen drawers kanina habang nangangalkal ako and then it struck me-- gusto kong magluto!

Bahala na kung anong kalabasan nito. As long as makakain ng tao at ng bampira keribels lang. May makain lang hehe.

----------

Sumandal ako sa headboard ng kama at binuksan ang iPad ko. Iniwan ko muna yung bampira sa baba. Malaki na sya, kaya na nya sarili nya.

Magvivideo call si mama ngayon. Scheduled na to tuwing Friday and Saturday. Nasa abroad kasi sya at dun sya nagtatrabaho. Mag-isa lang talaga ako dito sa bahay ngayon.. kundi dumating yung bampira. Tss.

Calling Mylene Santos

Agad naman sinagot ni mama ang tawag ko.. "Hi ma. Musta? Namiss mo ba ang gwapo mong anak?"

"OO nalang Patrick. Hahahahahah.." tinawanan nya lang ako? "Kumain ka na ba? Anong ulam mo?"

"Hindi pa. Tinatamad pa akong magluto."

Sinimangutan nya ako "Eh di bumili ka nalang ng luto na sa carinderia. Ke arte arte. Hmp.."

"Ma! Ayoko nga nung tinda ni Aling Nena! Ang baboy baboy nun eh!"

"Eh di magpa-deliver ka ng fast food! Jollibee, KFC, McDo.. Ang dami dami mong pagpipilian eh. Um-order ka na. Ngayon na."

My Vampire GirlWhere stories live. Discover now