Dean's Lists (COMPLETE)

By iamnards

184K 2.5K 408

Top Students. One list. One Night. One Tragedy. Mysteries & deaths will follow. More

Foreword
The Lists
Alice
Dean's Office
Biyahe
The Arrival
Presinto
Morge
Over 'da Bakod
The Ward
Ebidensya
Shiela
Confessions
Confessions Part II
Si Mr. San Carlos!
Hitch
MAINIT NA KAPE pt 1.
MAINIT NA KAPE pt 2.
MCM 666 pt 1
MCM 666 pt 2
Highway
MATA sa PATALIM
ANG PAGSAGIP
KILLER, REVEALED!
Selfie na, wackie pa!
The Truth
The Truth pt 2
The Truth pt 3
Ang Pagwawakas
Author's Note

Hit and Run

4.9K 67 12
By iamnards

Patuloy si Alice sa pag-dial sa number ni Inspektor upang ilahad ang mga nakita sa kwarto ni Mr. San Carlos.

Ngunit bigo itong matawagan si Inspektor.

Takot na takot si Alice at hindi nito sinasadya na mabitawan ang cellphone at nahulog sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay ni Alice habang pinupulot ang cellphone.

Nang magawa na nitong pulutin ay napabaling ang tingin nito sa balcony ng office ni Mr. San Carlos.

Nanilakbo ito sa takot nang makita ang isang naka-itim na tila nakamasid sa kanya.

Nagpatuloy si Alice sa pag-dial ng number sa cellphone.

Ilang saglit ay nag-ring ang kabilang linya na tinatawagan ni Alice.

“Hello… hello…”, nanginginig na tinig ni Alice habang kausap si Inspektor .

Hindi malinaw ang linya mula kay Inspektor.

Patuloy ang takot na nararamdaman ni Alice. Nangingilid na ang luha nito dahil sa labis na takot.

Nang mapabaling muli ang tanaw nito sa balcony ay hindi na nito nakita ang naka-itim.

“Alice….”, paputol-putol na linya mula kay Inspektor.

“Sir, alam ko na kung sino ang killer…”, nanginginig na sagot ni Alice.

Nanlaki ang mga mata ni Alice nang makita na bumababa ng hagdanan ang naka-itim habang kinakaladkad ang kadena.

“Si Mr. San Carlos ang killer…”, dagdag na pahayag ni Alice sa cellphone.

Subalit bigo na itong makarating kay Inspektor. Naubusan na ng karga ang baterya ng cellphone ni Alice.

Sa labis na takot, nahulog muli ang cellphone ni Alice.

Hindi na nito pinulot nang makita na papalapit na sa kanya ang naka-itim.

Nagmadaling tumakbo si Alice palabas ng campus.

Pagkalabas ng corridor, nakasalubong nito si Grace.

Nagtaka si Grace sa mga ikinikilos ni Alice.

“What’s wrong?”, tanong ni Grace kay Alice.

“We have to go…”, nanginginig na sagot ni Alice.

“Anong nangyayari Alice….?”, dagdag na tanong ni Grace.

“He’s here and he’s gonna kill us…”, nanginginig na sagot ni Alice.

“What….?”, pagtatakang tanong ni Grace.

“Si Mr. San Carlos, papatayin niya tayo…”, dagdag ni Alice.

Nanlaki na lamang ang mata ni Grace ng marinig ang mga pahayag ni Alice.

Ilang saglit ay isang naka-itim ang lumabas sa isang sulok.

Nabalot ng takot sina Alice at Grace nang makita ito, lalo pa nang marinig ang tila hinihilang kadena.

Dahil sa labis na takot nagmadali ang dalawa na lumabas ng gate ng campus.

Habang nagmamadali sa pagtakbo ang dalawa isang malakas na busina ang sumalubong sa kanila.

At humarang sa kanilang daan ang isang sasakyan.

Takot na takot ang dalawa.

Kinatok ang pintuan ng sasakyan habang tinitingnan kung kasunod nila ang naka-itim.

Nang bumukas ang pintuan, bumungad sa kanila si Janus.

Nagmadali ang dalawa na pumasok sa sasakyan ni Janus.

“What’s wrong?”, tanong ni Janus.

“Start the car…”, nanginginig na wika ni Alice.

“I don’t understand…”, dagdag ni Janus.

“Just start the car, please.. he will kill us…”, paliwanag ni Grace.

Nang sumilip si Janus sa side mirror ng kanyang sasakyan nakita nito ang isang naka-itim mula sa likuran.

Nang subukang ilabas ni Janus ang ulo sa bintana ng sasakyan upang makita ng malinaw ay isang tubo ang sumalubong sa kanya.

Agad na naka-ilag si Janus ngunit natamaan ang side mirror ng sasakyan nito.

Dahil sa takot, agad na pina-andar ni Janus ang sasakyan.

Ngunit tila nagbibiro sa kanila ang tadhana. Hindi agad umandar ang sasakyan.

Takot na takot na sila habang tanaw nila sa salamin ng sasakyan na papalapit na sa kanila ang naka-itim.

Patuloy na sinubukan ni Janus ang pagpapa-andar sa sasakyan.

Ilang saglit ay nagulat na lamang sila nang humampas ang kadena sa likuran ng sasakyan.

Nabasag ang salamin ng sasakyan sa likuran.

Hindi parin magawa ni Janus na paandarin ang sasakyan.

Mya-mya ay nakita ni Alice na nakasakay na sa likuran ang naka-itim.

Nabalot sila ng labis na takot.

Isang malakas na sigaw ang binitiwan ni Grace.

Hawak nang naka-itim ang buhok ni Grace. Tiila hinihila nito palabas ng sasakyan.

Patuloy sa pagsigaw si Grace habang inaalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

Nang umandar na ang sasakyan.

Pina-atras ito ni Janus at saka umabante.

Nawala ang pagkakahawak ng naka-itim kay Grace, at tumilapon ang naka-itim sa kalsada.

Bakas sa tatlo ang labis na takot. Nanginginig. Naluluha. Namamawis.

Patuloy sa pag-andar ang sasakyan ni Janus.

“What the hell is that…”, takot na tanong ni Janus.

“He will kill us…”, sagot ni Alice.

“Just like Jason, May, Chris and even Shiela…”, nanginginig na dagdag ni Alice.

Umiiyak lamang si Grace sa back seat. Takot na takot.

Hindi pa sila nakakalayo isang sasakyan ang lumabas mula sa campus.

Nang makita ito ni Grace.

“Oh my God… hes chasing us….”, takot na takot na wika ni Grace.

Tumingin si Alice at Janus sa likuran mula sa salamin.

“Sh*t!”, bitiw ni Janus.

Dinagdagan ni Janus ng tuling ang takbo ng sasakyan.

Ngunit bigo parin silang makalayo sa sumusunod na sasakyan.

Doble ang tuling ng sasakyan na sumusunod sa kanila.

Nang makalapit na sa kanila ang sasakyan. Namukaan ni Janus na ang sasakyan na sumusunod sa kanila ay sasakyan ni Mr. San Carlos.

Napatingin si Janus kay Alice.

“Tama ang iniisip mo, Janus.”, ani ni Alice.

“Si Mr. San Carlos ang killer…”, dagdag pa nito.

“F*ck!”, tugon ni Janus.

Ilang saglit ay bumangga mula sa kanilang likuran ang sasakyan ni Mr. San Carlos.

“Oh my God…”, takot na takot na si Grace.

“Shit!”, dagdag ni Janus.

Naulit muli ang pagbangga sa kanilang sasakyan.

“Just keep on driving…”, ani ni Alice.

“Im on it….”, sagot ni Janus.

Hindi inaasahan na isang humaharurot na motor ang sumalubong sa kanila.

Nasilaw si Janus sa ilaw nito.

Hindi nakontrol ni Janus ang sasakyan at umikot ito sa gitna ng kalye hanggang sa bumangga ang kanilang sasakyan sa isang puno na mangga.

Bumangga naman ang sumusunod na sasakyan ni Mr. San Carlos sa isang poste ng kuryente.

Samantala, bumangga ang motor sa isang nakaparadang lumang sasakyan at sumabog.

Nabalot ng liwanag ang lugar mula sa apoy na dulor ng sumabog na sasakyan.

Nawalan ng malay at duguan sina Alice, Grace at Janus.

Nang bumalik ang malay ni Alice, agad na ginising nito sina Janus at Grace.

Samantala, tanaw mula sa sasakyan ni Mr. San Carlos ang walang malay na naka-itim.

Agad na lumabas ng sasakyan sina Janus at Alice.

Habang nakatingin si Janus sa sasakyan ni Mr. San Carlos, pilit na ginigising ni Alice si Grace.

Nang makita ni Janus na tila nagkakamalay na ang naka-itim na sakay ng sasakyan.

Nagmadali nitong kinuha si Alice upang magtago sa talahiban.

Nangingilid ang luha ni Alice habang tinitingnan si Grace na naiwan sa loob  ng sasakyan.

“Come on Alice…”, ani ni Janus habang pilit na hinihila si Alice.

Nang makita na bumababa na sa sasakyan ang naka-itim. Sumunod na ito kay Janus at patuloy na tumakbo sa talahiban.

Nang makababa na ang naka-tim sa sasakyan.

Lumapit ito sa sasakyan ni Janus.

Nang makita na tila wala ng buhay si Grace.  Iniwan na nito ito at sumunod sa talahiban kung saan tumakbo sina Janus at Alice.

Continue Reading

You'll Also Like

624K 3.6K 5
Archaic World~ a world that is filled with magic or so called charm.
666K 3K 6
Rank # 15 in FANTASY category as of 02/12/17 STRICTLY NO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS A CRIME. -missfries
40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
518K 3.8K 5
Si Louise Hamilton, isang basag-ulong estudyante na mapapasabak sa isang paaralan na hindi niya kinalakhan. Matuklasan kaya niya ang purpose niya sa...