He's Dating The PANGET

littlemisshershey द्वारा

6.9K 220 48

"When we first met, I had no idea you'd become this important to me." -Drake अधिक

Prologue
HDTP 1
HDTP 2
HDTP 3
HDTP 5
HDTP 6
HDTP 7
HDTP 8
HDTP 9
HDTP 10
HDTP 11
HDTP 12
HDTP 13
HDTP 14
HDTP 15

HDTP 4

396 12 0
littlemisshershey द्वारा

4. // Fifty Shades of Grey





Sela



Malambot na kama, mabangong kwarto, malinis na bahay, malaking TV, magandang view, mamahaling mga gamit. 'Yan ang mga bumungad sakin pagkalabas ko sa kwarto, saan nanggaling ang mga gamit na yan? Sa pagkakaalala ko, wala naman yan kagabi.


Pumunta naman ako sa living room-, "KYAAAH~ Anong ginagawa mo rito!?" nakita ko kasi si Drake na nakahiga sa sofa at natutulog. Nagulat ako kasi naka-sando lang ako at maikling shorts.


Aba, at hindi pa naka-uniform! Hindi ba siya papasok? Saka... pano siya nakapasok dito?


"Tanga ka ba? Natural may susi ako dito, sakin 'to eh!" tumayo naman siya tapos kinusot-kusot yung damit niya "Ako rin yung nagpadala ng mga gamit dito. Di ka ba magt-thank you?"


"Oh edi, Thank you pooooo!" ginaya ko pa si Chichay ng Got To Believe.


"Tss. Kala naman neto kasing ganda siya ni Kathryn Bernardo." bulong niya, pero narinig ko naman! Bwisit talaga 'tong kumag na 'to!! Bakit ba kasi ako pumayag na maging pekeng girlfriend niya!


"Di ka ba papasok? Bat di ka naka-uniform?" pag-iiba ko ng usapan.


"Ako lang? Ikaw rin. Hindi ka rin papasok no."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Tito ko ang may-ari ng Evangelista University, kaya pina-excuse na kita. Sabi ko may AIDS ka."


"ANOOOOOO?"


"Joke lang!"



Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ayaw niya namang sagutin pag nagtatanong ako. Pagkatapos siguro ng mga 10mins nakarating na rin kami. Pumasok kami sa loob ng-,


"LIBRARY???" bakit naman kami pupunta sa library, nagpakalayo-layo pa kami eh sa school lang may library eh! "Anong ginagawa natin dito?"

"Manahimik ka na lang. Ang daldal mo." OK.


Napatigil naman ako sa paglalakad nung umupo si Drake sa isang upuan dun at nagsalita "Library 'to ng Mama ko bago siya namatay.." HA PATAY NA MAMA NIYA???


"Sabi niya dapat mag-aral daw ako ng mabuti at dito ko yun gagawin sa library na 'to. Nangako kasi ako na mag-aaral ako ng mabuti."


"Bakit mo sinasabi sakin yung mga bagay na yan? Saka, bakit mo ko sinama dito?" di ko kasi alam kung anong gusto niyang gawin ko.


"Magpapaturo sana ako sayo. Alam kong matalino ka"


"Tutor ganun??? magkano bayad?"


"WALANG BAYAD! Panget! Kapag di ka pumayag, sige..dadalawin ka ng mama ko!" para siyang batang nagmamaktol. Hahahaha nakakatawa siyang panuorin habang nagpapacute. Bigla kong narealize... cute din naman pala 'tong si Drake ..


"Oo na, sige na! Tuturuan na kita!"



Isang oras at kalahati na kaming nag-aaral dito ni Drake, medyo nagbago na ang tingin ko sa kanya ngayon kaysa nung una ko siyang makilala. May good-side rin naman pala itong Drake Evans na 'to!


"Inaantok na ko. Bukas naman uli" sabi ko pagkatapos ay humikab.


"Gusto ko pang mag-aral! Kailangan kong pumasa! Sige naaa!" HAHAHAHA kung makikita mo ngayon si Drake, para siyang batang inagawan ng kendi at nagmamaktol pa.


"Sige na nga!"

Gabi na rin ng makauwi kami ni Drake. Hinatid niya ako sa bahay tapos umalis rin kaagad siya. Ewan ko ba, pero hindi maalis yung ngiti ko magmula nung umalis siya.


Humarap ako sa salamin, "Pangit ba ko? bakit ba laging PANGET ang tawag sakin ni Drake? hmph!"



Nakatulog na ko kagabi kakaisip kay Dra-este kakaisip sa mga isasagot sa exam! Natataranta tuloy ako kanina, ilang araw na ang nagdaan at hindi man lang nagpaparamadam o nagtetext si Drake. Pati nga kausapin ako hindi niya magawa. Ano kayang problema nun? Hayaan mo na nga!


"UY SELA!" oh, si Cheese pala. Naaalala niyo pa ba si Cheese? yung kaibigan kong Cheese-mosa! "Punta tayo sa mall mamaya?"


"Marami akong gagawin eh." pero wala naman talaga. Nagdahilan lang ako kasi tinatamad talaga akong gumawa o lumabas.


"Sayang.. kasama pa naman si Travis.." si TRAVIS!?!?


"SIGE SASAMA NA KO!"


Pagpunta namin sa mall nandun na agad si Travis nag-aabang. Nung una pag nandyan si Travis parang gustong gusto ko siyang kausapin, pero ngayon parang may nag-iba eh.


"Huy Sela! Di mo ba papansinin si Travis?" pumalakpak pa si Cheese sa harap ko dahil napansin niyang tulala ako.


"Ay kabayo!" napasigaw naman ako sa pagkagulat ko "Anong kabayo? kanina ka pa kaya kinakausap ni Travis ni hindi mo man lang pinapansin!" binatukan pa ko ni Cheese.


Nagpatuloy lang kami sa paglakad, "Gusto niyo sine tayo? Libre ko!" sabi ni Travis.


"Sige!" masiglang sabi naman netong si Cheese. Timawa din eh!


"Hindi sasama sayo si Babe" isang pamilyar na boses ang nanggagaling mula sa likod ko. At kung hindi ako nagkakamali, siya si.....


"Drake, anong ginagawa mo dito?" dahan-dahan naman akong umikot para tignan kung sinong nasa likod ko at tama nga ako. Si Drake nga! Pero sinong Babe ang pinagsasasabi niyan?


DONT TELL ME SILA NA NI CHEESE? OMG!


"Huy sinong babe sinasabi mo dyan? kayo siguro ni Cheese no? ayiie ayiie!" bulong ko sakanya sabay sundot-sundot ko pa sa tagiliran niya.


"Madaya kayo di kayo nagsasabi sakin!" at panay balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.


"Tanga mo naman! ikaw yung tinatawag kong babe! Sino bang girlfriend ko?!" bigla naman niya akong hinatak! Bastos na nilalang! hindi man lang kami nakapagpaalam kay Cheese at kay Travis!



Nauunang maglakad sakin si Drake ngayon, aba't! Tignan mo 'tong lalaking 'to, walang galang sa babae!


"Hoy! bakit ka ba nandito? Saka saan ba tayo pupunta?"grabe sobrang bilis ni Drake maglakad, kala mo may mga humahabol samin na maraming kabayo!


"Bakit kasama mo ang pinsan ko?" Pinsan?! ah si Travis.


"Eh wala. Manunuod nga sana kami ng sine tas-" hindi pa man din ako natatapos sa pagsasalita eh biglang tumigil si Drake sa paglakad at tumingin sakin. Napatigil din tuloy ako sa paglakad.


"Manunuod ng sine?! at pumayag ka naman? Ano ka ba naman Sela! nakalimutan mo na ba yung deal natin ha? Ang alam ng mga tao girlfriend kita. Pano kung makita ka nilang kasama si Travis ha? Iisipin nila na taksil ka!"


Wow naman. First time in the world history na tinawag niya ako sa pangalan ko! Teka, concern ba siya sakin kaya niya sinasabi ang mga 'to? O baka naman concern lang sya sakin dahil kailangan niya ako..


"Ah eh" tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, hindi ko na alam kung saan ako titingin. Pano ba naman eh, parang galit si Drake sa tono niya.

"Manuod na lang nga tayo ng Sine!" Ah hindi naman pala siya galit. Hindi na lang ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya sa paglalakad.



Nakapasok naman kami sa sinehan ng wala ako sa sarili. Ni hindi ko nga alam kung anong panunuorin namin. "Ano bang panunuorin natin?"


"Fifty Shades of Grey"


⊙﹏⊙


"Hindi nga?! Naku hindi ko 'yun alam pero pinag-uusapan ng mga kaklase ko yan."


Hindi naman sya nag-react.


Mga 5 minutes pa bago magsimula yung palabas, "Drake bastos daw 'yang Fifty shades keme na yan. Labas na tayo"


"Kasama sa paglaki yan"


"Sira!" lalabas na sana ako, ayoko kasi sa mga bastos na palabas. Kaso papatayo pa lang ako eh biglang nagsimula yung palabas. Naku hayaan mo na, minsan lang naman.


**

Hindi ko na ito kinakaya.



Sobrang lala ng mga eksena. As in sobra talaga!



Ang daming censored. Waaaaaaaaah! Tapos meron pa dun yung tinatali pa tapos--wah ayoko na! Ayoko na ikwento!


"Drake, uwi na ko" pero hindi nya ako pinansin dahil tutok na tutok sya sa palabas.


"Hoy Drake!"

Lumabas na lang ako. Ayaw naman akong pansinin ni Drake. Seriously, AYOKO NG BASTOS.



-END OF CHAPTER FOUR-

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

10.2K 400 27
"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accid...
558K 28.5K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
487K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...