HDTP 1

1K 33 11
                                    

1. // Miss Wonderwoman







Sela





Ako nga pala si Sela. Maganda ako saka—

"Hoy SELA! Tama na daldal! Male-late na tayo!" ah yan pala si Cheese! Siguro akala niyo keso? syempre hindi! Cheese kasi CHEESE-MOSA yan. Tss

"OO NA, BABABA NA!"

First day of school ngayon kaya excited akong pumasok. Heler! Evangelista University 'LANG' naman kasi yung papasukan ko! Helerrr! Evangelista University: pangalawa sa pinaka-maganda at pinaka-magarang iskwelahan sa Pilipinas!

Woah! Literal na napanganga ako pagkababa pa lang namin ng Tricycle ni Cheese! Nakakaloka yung Evangelista University, gate palang alam mo nang pang mayaman! Actually, pang mga mayayaman ang school na ito. Puro mga sikat na celebrity at mga model ang nag-aaral dito. BAKIT KAMI NANDITO? natural, scholar kami.

Yung amo ko kasi (dati kasi akong katulong) ay namatay, kaya uhm, bago sya namatay. Ito yung hiling ko sa kanya, na makapag-aral ako at si Cheese. Di ko naman akalaing sa ganito ka-garang iskwelahan pala nya kami pag aaralin noh!

Bigla naman akong natulak netong babae sa gilid ko, tapos sabay-sabay ng tumili yung mga babae.

"Kyaaaah~! Andyan na si Drake!!"

 "Tabi kayo, nandyan na si Drake!"

 "OMG! He's so gwapo talaga! Like, cutie patootiieeee!"

Ang arte naman nitong mga babaeng 'to eh mas maganda pa nga ako sa kanila. "Ehem!" umubo ako kunyari tapos nagtinginan sakin yung tatlong babaeng tumitili kanina. "Excuse me, sino ba 'yang Drake na tinitilian niyo?"

Hindi ko kasi makita, nakaharang yung lahat ng tao.

"Tss. Hindi mo sya kilala? Alien ka ba?! Sya si Drake Evans na pinsan ni Travis Evangelista na may ari nitong school. Model sya at sobrang sikat pa dahil nag model na rin sya sa ibang bansa!"

Ahhh, yun pala. OK——-OOOPS! Natapilok ako, dahilan para bumagsak ako sa sahig. Pero bakit ganun? Parang ang lambot at ang bango naman netong nabagsakan ko?

"Pwede bang tumingin ka sa d——T-teka, MISS WONDERWOMAN!?



(kay Drake po itong POV, eto yung nasa Prologue)

Kinonfiscate ng Dad ko yung kotse ko. Pupunta pa man din ako sa party nung kaibigan ko, nakakahiya.

Bwisit na bwisit nga ako pero sumakay pa rin ako ng bus, wala eh, no choice! Sakong pagka-akyat ko naman ng Bus ay biglang nagkagulo ang mga tao doon.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now