HDTP 12

85 5 2
                                    

12. // Sela Cortez is a murderer

Sela

Hindi man lang nagpaalam ang kupal na aalis na siya ng condo ko. Pagkagising ko, wala na siya kaya nagbihis na rin ako kaagad.

Tinext ko rin si Cheese na magkita kami sa Canteen mamaya dahil may mahalaga akong itatanong sa kanya.

To: Cheese-mosa

Kita tayo sa Canteen mamaya. May importante akong itatanong sayo.

Mabilis akong naligo at nagbihis kaya nakarating ako kaagad sa Evangelista University.

Wala namang nagbubulungan ngayon sa paligid dahil kaka-bell lang. Medyo late na ako, pero medyo lang naman!

Discuss..

Discuss..

*yawn* kaantok!!

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Discuss..

LUNCH BREAK!!!!!!! YAAAAH!!

Mabilis akong lumabas ng classroom at kaagad na bumaba sa Canteen. Hinanap ko kaagad si Cheese pero hindi ko naman siya makita. Maaga kasing natapos ang Lec namin kaya siguro wala pa yun.

May itatanong pa naman ako sakanya..

Nakita ko pa si Drake at si Scarlette pero di ko naman sila pinansin. Kasama rin ni Drake si Seven at...

Sino naman yun??

May isa pa kasi silang kasama. Tinignan ko naman siya, at ganun rin siya sakin.

(⊙o⊙)?

Ang sama naman neto makatingin!

Hindi ko na lang pinansin. Baka di naman sakin nakatingin eh.

Luminga-linga pa ako at hindi ko pa rin talaga makita si Cheese.

Pupunta na muna sana ako sa bilihan at bibili ng pagkain habang inaantay si Cheese pero biglang...

*booooogsh!*

Aray......

Gusto ko sumigaw dahil sa sakit peeo walang lumabas na boses sa bibig ko.

"Hala! Sela!" gulat na sabi pa ni Seven.

"T*ng*na! Anong ginawa mo?!"

Sigaw ni Drake 'yan at biglang lumapit sya sakin at umupo. Napahiga kasi ako sa malakas na pagkaka-sapak sakin netong kasama nilang isa!

Asdfghjkl@#$%!!

BABAE kaya ako at LALAKI siya! Manapak daw ba ng babae?!

Baklang to! Ano bang problema niya?! Naalog tuloy utak ko!!! Ang sakiiiiiiiit!! Di ako maka bangon.

"Are you okay??" tanong saakin ni Drake. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Wow. Nag-aalala ba talaga sakin ang bakulaw na ito???

Hindi naman ako makapag salita kaya wala akong naisagot sa kanya.

Bumaling naman sya kay.. dun sa sumapak sakin..

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo ha?! Ke bago bago mo dito, nananapak ka ng babae huh?!" galit na galit siya.

So, bago lang pala yun dito kaya ngayon ko nga lang talaga siya nakita.

"Sira na ba ang ulo mo?! Nanapak ka ng babae?! At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!"

⊙﹏

(⊙o⊙)?

'At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!'

'At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!'

'At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!'

'At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!'

'At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!'

Nyaaay!!! Ano ba 'to! Hindi ito ang oras para kiligin, Sela!

"Hahahahahahahahahaha!" tumawa lang yung sumapak sakin. Aba sira ulo??

"Third, ano ba 'to?" sabi ni Seven. Ahh, Third pala ang pangalan nito.

Walang kaabog-abog na tumayo si Drake mula sa pagkakaupo dahil sakin at biglang SINAPAK niya etong si Third!

"Gag* ka ba?!"

Pinunasan naman ni Third ang dugo sa labi niya at matalim na tumingin sa'kin.

Ang dami nang taong nakapaligid samin. Nasaan na ba si Cheese???

At ang heartthrob ng EU, ay ipinagtatanggol ako. Madami nanamang chismisan ang maririnig ko neto.

"Ha-ha!" sarkastikong tawa ni Third at saka idinura ang dugo na nanggaling sa bibig niya.

"Ako? Gago?! Eh mas gago pa nga 'to sakin eh!"

Sabay turo niya SAKIN.

Huh ako???

Ano bang atraso ko sa kumag na 'to, eh ngayon ko lang naman siya nakita.

Halatang gulat rin si Seven sa sinabi netong si Third na 'to.

Hindi pa rin ako makapagsalita kaya hindi ako maka-apila. Mabuti naman at nagsalita si Drake.

"W-what do you mean?"

At naniniwala naman talaga siya na GAGO ako ha. Wow. MAGANDA lang! *flips hair* nyahahahahaha

Ouch. Sakit ng panga ko!

"Sana naman bago ka nag girlfriend, eh alamin mo muna kung anong mga nakaraan niya."

HUH???

Nakaraan???

Pinagsasasabi neto???

"A-ano??! W-wag ka nang magpaligoy ligoy!" Drake.

"Yan kasing girlfriend mo...."

Ano nga!

"...ay mamamatay-tao"

WTF.......

-----END OF CHAPTER TWELVE.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now