HDTP 11

69 3 0
                                    

11. // Seven and Third Espinosa

Drake

Hahahahahaha! Ang epic ng mukha ni PANGET. Parang tanga! Papikit-pikit pa, ang pucha!

Ang cute niya.

Haha! I can't deny it. Masyado siyang cute.

Lasing lang siguro ako?? Goodnight bae's!

KINABUKASAN... ♥♥♥

Maaga akong nagising at umuwi ako kaagad sa bahay namin. Wala naman kasi akong dalang uniform dito.

Hindi ko na ginising si PANGET.

Ughhh!! Sakit nga ng ulo ko, pero kailangan kong pumasok.

**

School. Evangelista University.

"Kyaaaaah! Drakeee!"
"I love youuuuu, Drake!"
"Ang bango mo talaga sa umaga, Drake!"

"Fafa Drakeyyy! Jontis ako! Ikaw ang fafa ng bebekels na ito!!!!"

???

Wtf?! BAKLA kaya yung huling nagsalita!

"Hoy BAKLA! Tae lang 'yang laman ng sinapupunan mo! Assuming ka!"

At nilagpasan ko na silang lahat. Dumiretso ako sa Canteen dahil maaga pa naman. Doon kami magkikita ni Seven...

"Sino naman yan?!" pagkarating ko ng Canteen, nakita kong nakaupo si Seven sa pwesto namin at may kasama siyang mas bata samin ng isang taon siguro??

"Ah Drake, eto nga pala ang kapatid ko, si Third. Dito na rin siya mag aaral simula ngayon" sabi naman ni Seven.

HAHAHAHAHAHA wtf?! SEVEN ang pangalan niya at THIRD naman sa kapatid niya?!

Pero teka..

"Kapatid?! Eh diba nag iisang anak ka?"

Nagtaka rin ako. Hindi ko naman masabing pinagttripan lang ako netong si Seven dahil gwapo rin naman ang isang 'to. May pagkakahawig sila ni Seven pero hindi gaano. Sapat lang para masabing magkapatid nga silang talaga.

"Anak kasi sa labas ito, dre. Magkapatid kami kay Dad." pabulong niyang sinabi yun sakin.

Ahhh ganon pala.

Mag-bestfriend kami neto ni Seven dahil lagi kaming magkasama dito sa school at parehas na tinitilian. Pero di ko pa naman ganon ka-alam ang buhay niya. Hindi ko rin naman naitatanong. Ganun rin siya sakin.

Di katulad kapag babae, porket bestfriend alam na alam na yung talambuhay ng isa't isa.

"Nice to meet you, Third!" at nag bro-hug naman kami. Yung dibdib sa dibdib.

Medyo naiilang siya kaya inakbayan ko siya habang papaakyat kami.

"Anong year mo na nga pala?"

"Grade 9" tipid naman na sagot niya.

Grade 9 palang pala siya. Hindi na ako nagtanong dahil malapit na umpisa ng 1st subject namin kaya nagpunta na agad kami sa building ng Senior High.

Weird.

Hindi siya makatingin saakin. BAKLA ata yun eh?!

"Dre, bakla ba kapatid mo?!"

"G*go hindi!"

"Bat ganun parang apektado siya sa pag-akbay ko sa kanya? Hahahaha!"

"Lul! Gwapong gwapo ka nanaman sa sarili mo! Tara na nga!"

Nang nakarating kami sa first subject namin, andun na ang Prof. Prof na rin kasi tawag namin sa teacher dito kahit Senior High palang kami kasi parang Semi-College na rin.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Discuss..

LUNCH BREAK!

**
YAAAAAN ANG FAVORITE KO!! Nyahaha! Nagpunta kaagad kami sa Canteen.

"Hi baby!!" sabay halik naman ni Scarlette sa pisngi ko.

Kaagad akong dumistansya sa kanya.

"Ano ba, Scarlette! Nakakahiya ka!!"

Iisa lang kasi ang Canteen, mapa-High School, Senior High, o College. Magkakaiba naman kasi ang sched namin dito kaya imposibleng magka abot abot yung iba. Kaya lagi lang puno yung Canteen.

"What's nakakahiya naman with kissing your cheeks?! *u*" nakanguso pang sabi niya.

"Tigilan mo ako ha. Sungalngalin kita." at dumiretcho kami ng lakad ni Seven papunta sa ipuan namin.

Tinawagan niya naman ang kapatid niyang si Third. Hahahaha! Taena natatawa pa rin ako sa pangalan nila.

"What's sungalngalin??" narinig ko pang tinatanong ni Scarlette sa mga maarte niya ring kaibigan.

Hindi ko na pinansin.

*booogsh*

"Hala! Sela!" sabi ni Seven.

Bigla naman akong napalingon sa likod ko dahil nakatalikod ako. Di ko alam kung anong nangyari.

(⊙o⊙)

(⊙o⊙)?

"T*ng*na! Anong ginawa mo?!"

----END OF CHAPTER ELEVEN.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now