HDTP 15

63 3 2
                                    

15. // Cutting~

Sela

Parang hindi ko yata kayang pumasok ngayon...

Hindi dahil sa masakit ang panga ko dahil sa pagkaka sapak sakin, pero dahil sa sakit ng puso ko.

Alam mo 'yong gantong pakiramdam na para bang gustong gusto mong maging malakas pero hindi mo talaga kaya..

Hindi ko kasi lubos maisip ang mga nangyari.

Sa lahat ng sinabi ni Third kahapon, hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan.

"W-wag ho kayong maniniwala sa kahit na a-anong sasabihin ni T-third... Dean" usal ni Cheese.

"Cheese??? Kilala mo si Third?"

"Ah... Eh..."

"Syempre kilala niya ako. Isa siya sa mga kasabwat na ilihim ang LAHAT sa iyo eh." Biglang nagsalita si Third.

Ano?!

Anong lahat?!

"A-anong l-lahat?"

"Lahat. Na mayaman kang talaga. Na matagal na kayong magkakilala ni Cheese. Na hindi ka ulila. Na mamamatay-tao ka!"

"Tama na!!!" saway ni Cheese.

Naiwan naman akong naka-nganga at hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon ko.

O kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya.

Si Seven at si Drake, parang litong lito rin sa mga nangyayari at sa mga nalalaman nila.

"Tama na? Bakit Cheese? Totoo naman ang lahat ng sinabi ko di ba?"

Hindi nakasagot si Cheese sa kanya. So totoo nga?

Naiiyak ako...

Pakiramdam ko buong pagkatao ko hindi totoo..

Ayoko rin naman na maniwala sa sinasabi ni Third, pero may part sakin na nagsasabing totoo ang sinasabi niya.

"Th-third.." usal ko. Habang nangingilid pa ang luha sa mga mata ko.

Tumingin siya sakin. "P-pwede bang i-ipaliwanag mo ng buo ang mga s-sinasabi mo?"

"It's for me to know.. and for you to find out"

Ngumisi lang siya at lumabas.

Tinawag pa siya ni Dean pero hindi niya na ito nilingon.

Hindi ako makagalaw.

Naiiyak ako.

Nakatingin lang sakin si Cheese na naiiyak na rin, parang nakakaawa at nagso-sorry ang mga mata niya.

Hinawakan niya ang braso ko. Inalis ko ito. Hindi ko alam kung kaya kong kausapin si Cheese ngayon, hindi ko rin alam kung dapat ba akong maniwala pa sa kanya. Baka lalo lang madagdagan ang mga kasinungalingan na sasabihin niya sakin.

"Excuse me, Dean." sabi ni Drake, at hinila niya naman ako papalabas ng guidance office.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Sa tingin ko ay si Drake na lang nga muna ang sasamahan ko. Okey lang naman, eh.

Nagpunta kami sa mga damuhan dito sa school. Umupo siya sa ilalim ng mga puno. Kaya umupo din ako.

Limang minuto bago siya nagsalita... hindi niya rin siguro alam ang sasabihin niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now