HDTP 7

231 11 1
                                    

7. // Selos ka?




Sela


Nandito ako sa school ngayon. Wala akong kasabay na pumasok ngayon dahil may sakit si Cheese.

Bago pa ako makapasok ng Evangelista University, dinig na dinig na ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante doon.

Ako, as usual, walang pakielam.

"Ang kapal ng mukha ng Sela na yan! Hindi naman kagandahan!" bulong nung isa, pero parang hindi naman yun bulong at parang sinadya atang iparinig sa'kin!

Di ko na lang pinansin dahil ayoko naman ng away. Hindi ko rin naman sigurado kung ako ba yung Sela na tinutukoy nila noh. Bakit naman nila ako kilala at bakit naman nila ako pag-uusapan!

BIGLANG MAY BUMATO SAKIN!

"Aray!" tapos ay nagtawanan sila.

"Dapat lang yan sayo! Ang kapal naman ng mukha mong sumama kay Drake Evans!"

Hindi ko maintindihan. Paano nila nalaman?

Alam na ba nilang girlfriend nya ako? Pekeng girlfriend, i mean. Pero syempre hindi naman nila alam ang tungkol sa deal.

"Feeling maganda!" at binato pa nila ako ulit.

"T-teka! teka!" sabi ko habang binabato pa rin ako ng mga tao. "Ano bang sinasabi niyo?"

"Maang-maangan! Magpunta ka sa bulletin board nang makita mo!"

Agad-agad naman akong tumakbo paalis doon at nagtungo na ako kung nasaan ang bulletin board.

Nakita ko ang mga picture namin ni Drake. Yung sa mall, katabi naman nun ay picture naman namin ni Travis na magkausap din sa mall nung araw rin na yun. ANONG PINAPALABAS NILA?

Meron nga rin dito sa condo naman ni Drake habang papasok kami.

SINONG NAGDIKIT NITO RITO AT ANONG PAKAY NIYA?!

Meron pang malaking, RIP SELA CORTEZ, na nakalasulat sa bulletin board. Ano 'tong mga 'to??? Nananahimik ang buhay ko!!!

-

Hindi na lang ako pumasok sa klase ko at nag-stay na lang muna rito sa may puno. Wala namang masyadong nagagawi rito at may klase naman ang lahat kaya ako lang mag-isa.

Hindi ako iiyak dito noh. Matapang kaya ako.

Naiinis lang ako dahil sa inasal nila. Ano naman kung ako ang alam nilang girlfriend ni Drake? Paano kung ako nga? Paniguradong yari sila kay Drake!

Naku tama. May pinagsamahan naman kami nun kahit papano. Nasan nga ba yun ngayon?


To: Drake

Pst. San ka?


After 5mins naman ay nag-reply sya.

From: Drake

Ikaw yung girlfriend ni Drake? magpunta ka sa Canteen! si Seven 'to, kaibigan niya.


Kahit hindi ako sigurado, ay pumunta naman ako sa canteen. Lunch time na at sigurado akong madaming tao doon. Sino naman kaya si Seven at nasaan si Drake? Bakit si Seven ang may hawak ng cellphone nya?


Nagpunta naman kaagad ako ng Canteen.

Pagkarating ko dun, tama nga ako marami ngang tao! Pero pagkakita naman nila sa'kin, biglang humawi ang mga tao at bigla akong binigyan ng daanan.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now