HDTP 8

219 14 14
                                    

8. // PLASTIK!

Sela

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Drake sakin kanina. Urgh! hindi tuloy ako makatulog!

"I'm just protecting you.. nagseselos ka ba?"

Err! naiinis ako kasi hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis basta naiinis ako kasi nakakainis!

Kainis!

2am na ng madaling araw at paikot-ikot pa rin ako sa kama! Kainis naman eh.

Kinabukasan....

Pumasok ako nang school na mukhang bangag. Ang bilis nga ng oras para sakin at hindi ko namalayang lunch time na!

Para akong lasing maglakad dahil wala nga akong tulog. "Huy friend! ano ba yan, lasing ka ba?" si Cheese pala!

"Wala akong tulog, Cheese! huhuhuhu"

"Halata nga! mas malusog pa nga 'yang eyebags mo kesa sayo"

Papasok na kami ng Canteen, nang biglang may bumangga saking grupo ng kababaihan. Apat sila. Nasa gitna si Scarlette.

"Oooops! Sorry!" tapos ay tumawa pa sila. Err! halata namang sinadya nya yun! Akala ko pa naman pinagtanggol niya ako kahapon.

"Baka akala mo pinagtanggol kita kahapon? Hah! You wish! Ginawa ko lang ang lahat ng 'yun, para kay Drake. Ang sagwa naman kung dumidikit sya sa isang... panget?" nagtawanan pa sila bago umalis.

Naka-amba namang sasapakin sana ni Cheese si Scarlette pero pinigilan ko na! "Bakit mo ko pinigilan? Dapat nasapak ko na ang babaeng yun! Wala syang karapatang ganunin ka porket maganda siya!"

Hindi ko na lang pinansin. Wala namang mangyayari.

Pakiramdam ko, okay lang ako na ganunin ni Scarlette. Ang iniisip ko kasi ay po-protektahan naman ako ni Drake sa kahit anong gawin nya, sa kahit anong gawin nila.

Oo nga pala, napansin ko, yung isa nilang kasama ay yung babaeng inaaway niya kahapon. Hmm, pakitang tao!

—-END OF CHAPTER 8.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now