Witchcraft

By LazyMissy13

2.3M 84.8K 17.1K

Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang... More

Tale 1
Tale 2
Tale 3
Tale 4
Tale 5
Tale 6
Tale 7
Tale 8
Tale 9
Tale 10
Tale 11
Tale 12
Tale 13
Tale 14
Tale 15
Tale 16
Tale 17
Tale 18
Tale 19
Tale 20
Tale 21
Tale 22
Tale 23
Tale 24
Tale 25
Tale 27
Tale 28
Tale 29
Tale 30
Tale 31
Tale 32
Tale 33
Tale 34
Tale 35
Tale 36
Tale 37
Tale 38
Tale 39
Not an Update
Tale 40
Tale 41
Tale 42
Tale 43
Tale 44
Tale 45
Tale 46
Tale 47
Tale 48
Tale 49
Tale 50
Tale 51
Tale 52
Tale 53
Tale 54
Tale 55
Tale 56
Tale 57
Tale 58
Tale 59
Tale 60
Tale 61
Tale 62
Tale 63
Tale 64
Tale 65
Tale 66
Tale 67
Special Chapter
Tale 68
Tale 69
Special Chapter II
Tale 70
Tale 71
Tale 72
Tale 73
Tale 74
Tale 75
Epilogue
The Second Generation
Author's Note
Special Chapter III
Special Chapter IV
Announcement!

Tale 26

26.2K 1.1K 121
By LazyMissy13

Tale 26
Unrequited
~Ashley~



"Bro we are so dead." Naluluha kong saad



"I didn't asks you to come along." Simpleng tugon ni Cobalt



"As if I'll let you go alone! Paano kung mapahamak ka?!" saad ko naman



"I can take care of myself.. I don't need you here.." Sagot nya



"So cold." Nakasimangot kong tugon



Minsan hindi ko na alam ang gagawin dito sa kaibigan ko. Exam week namin pero heto kami ngayon. Naglalakbay sa karagatan ng kaharian ng Gorgona para hanapin ang kapatid nya. He's way too overprotective towards his little sister.



Ang nakakasakit lang sa mga nangyayari ay yung hindi sya marunong mag-thank you. Ang cold nya. Huhuhu.. Sakin kayang barko itong sinasakyan namin.. T.T



Although I was born without magic, I still have a lot of connections since I'am a prince of Ventus Kingdom. My father is the king's younger brother. And because the king have only three sons, my father is legally the fourth prince of the kingdom, making me, the only son, the fifth prince.



Anyway, napag-alaman namin kahapon na umalis ang kapatid ni Cobalt sa Aurum Magique University dahil sa tracking device na suot nito. After nang nangyaring pagkakadakip kay Charmaine ng mga slave traders, minabuti ni Cobalt alamin ang kalagayan ng kapatid nya sa lahat ng pagkakataon. Kaya naman heto kami ngayon, naglalayag patungo sa isang isla na itinuturo ng coordinates ng tracking device ni Charmaine.



Pero mapapagalitan kami sigurado sa oras na malaman ni Headmaster na pumuslit kami mula sa school. Huhu



Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero bakit kaya ngayon pa na-timing na umalis sa school ang kapatid nya?? Exam week ngayon!!



Dumaong ang aming barko sa isang isla na nababalot sa makapal na hamog...



"Prince Ashley, this is the Forsaken Island.. A place of poverty, danger, and death.. We should be careful w—" nabitin sa hangin ang ekplenasyon ni Captain Arho dahil sa islang bumangad saamin noong makalampas na kami sa makapal na hamog..



Isang paraiso..



Berdeng kabundukan.. Asul na asul at maaliwalas na kalangitan. Sariwa ang hangin at mayroong nag-aawitang mga ibon sa paligid..



"Forsaken Island?? This paradise is called the Forsaken Island??" nagtataka kong tanong kay Captain Arho


Nagtataka itong tumingin sa hawak na mapa.. "I-impusible... Hindi ako maaaring magkamali.. Ang lugar na ito ay ang Forsaken Island.. Hindi dapat ganito ang anyo ng isla....." nagtatakang tugon ng kapitan



Ito ang unang beses na nakarating ako sa lugar na ito kaya naman hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ni Captain Arho..?



"A-anong kababalaghan ang nangyayari?? B-bakit ganito ang anyo ng isla ngayon???" kinakabahang tanong ni Captain Arho.



"Marahil may isang malakas na mage ang napadpad dito?? Siguro sya ang dahilan kung bakit naging paraiso ang lugar na ito??" tugon ko. Dahil base sa mga salita ng kapitan, mukang hindi ito isang paraiso noon..



"Pero kamahalan, ilang taon-- ilang daang taon ang kailangan para muling buhayin ang isla.." saad pa ng kapitan



"Haha miracles happen everyday! Hindi ba maganda ito? Wag mo na masyadong pakaproblemahin ang isla Captain Arho!" saad ko para pakalmahin ang kapitan



"P-pero..." –Captain Arho



"Tsk.. You're way too optimistic. That'll get you in trouble one day." Narinig kong komento ni Cobalt



"Oh chillax dude! You don't know what the future holds! Kung po-problemahin natin lahat ng mga bagay sa mundo, tatanda tayo agad! Hahaha." Biro ko



Bumuntong hininga lang si Cobalt.



"Captain Arho kami na lang dalawa ni Cobalt ang syang mag-s-scout sa isla. Kung may mangyayayri mang masama, agad ko kayong kokontakin." Saad ko



"Pero kamahalan, masyado pong delikado.. Hindi pa natin alam kung ano ang nangyayari sa isla.. Hayaan nyong samahan namin kayo." Kontra ng kapitan



"No need. Kaya na namin ito.. Hahaha." Tugon ko



***



Nakasuot kami ni Cobalt ng mga damit na karaniwang isinusuot ng mga normal na tao.. Yung style pangmahirap.. Hehe



Gawa sa pawid ang mga tahanan ng mga tao.. Sariwa ang hangin at kulay berde ang kapaligiran.. Abala naman ang mga tao sa pagtatanim sa mga bakuran ng kanilang mga tahanan. Aba! Mukang masagana ang agrikultura sa isla!



Kakaibang kislap ang makikita sa mga mata ng mga tao. Ang mga kabataan at kababaihan ay may dalang mga basket at mukang kakatapos lamang nila mamitas ng mga prutas mula sa kakahuyan..



May pinaghahandaan bang piyesta o kasiyahan ang isla?? Masigla kasi ang paligid at mararamdaman mong masaya ang mga tao.. Hindi ko napigilan mapangiti sa ilang kababaihan na napapatingin din sa gawi namin ni Cobalt.. Ang gwapo ko talaga! Haha



Agad akong napahinto noong may matanaw na pamilyar na muka.. Si Prinsesa Briar ng Gorgona Kingdom..



Nagbubungkal ng lupa si Prinsesa Briar gamit ang isang asarol. B-bakit sya narito?? At bakit sya abalang naghahalaman???



"Roma magandang balita! Madami kaming napitas na mga prutas sa loob ng mga kakahuyan malapit dito!" masayang saad ng isang babae na may dalang basket ng prutas. Blonde ang kulay ng mahaba nitong buhok. Pamilyar ang babae..



"Hindi lamang iyon, may mga mushrooms din! Naroon pa sina August para tumulong sa iba pang mga taga-isla.." masaya ding saad ng isa pang babae. Golden blonde ang kulay ng buhok nito, pero hanggang balikat lamang ang haba niyon. Tan din ang kulay ng balat ng babae, malayo sa mestizang balat nina Prinsesa Briar at nung isa pang babae.. Pero pamilyar din ito??



Ahh! Kaibigan sila ng kapatid ni Cobalt!! Naalala kong nasa iisang grupo lamang sina Prinsesa Briar pati na din ang kapatid ni Cobalt noong ganapin ang Game of Storms noon! Kaya pala pamilyar din ang dalawang babae. Magkakaibigan sila. Mga freshmen witch in training.



Naglakad si Cobalt palapit sa tatlong magkakaibigan kaya naman agad akong sumunod...



B-bakit ako kinakabahan?!



"Nasaan sya??" tanong ni Cobalt at agad napatingin saamin ang tatlong babae..



"Sinong hinahana---- Holysheez! Cobalt Lockwood??????!" gulat na usall
nung babaeng may mahabang blonde na buhok. Napansin kong kulay gray pala ang mga mata ng babae.



"B-bakit ka narito??" tanong pa nung babae at napatingin din ito saakin.. "Ashley Sylver Youngblood y Vanderwood? Prinsepe ng Ventus Kingdom! B-bakit nandito ka din??" tanong nung babae



Nagtama ang mga mata namin ni Prinsesa Briar.. Hindi sya ngumiti. Tila hindi nya ako kilala.. Ang sakit naman! Huhu



Naaalala ko pa noong una kaming nagkakilala.. Labingdalawang taong gulang ako noon at labing-isa naman sya. Kaarawan ng kanyang ama, si King Eric Alexus, kaya naman dumalo kami ni Ama sa pagtitipon.. Masaya akong nakikipaglandian este nakikipagkwentuhan sa mga prinsesa ng kanyang kaharian noong makita ko sya. Tila apoy ang kanyang pulang buhok. Asul na asul naman ang kanyang mga mata na tila isang karagatan na nakalulunod. Halos hindi ako makahinga noong magtagpo ang aming mga mata. Hindi kami nakapag-usap, hindi rin kami nakapagpakilala sa isat-isa.. Nagtama lamang ang aming mga mata noong panahong iyon pero ilang gabi akong hindi nakatulog matapos yun.



Ilang beses ko na syang sinubukang lapitan pero palagi akong nabibigo.. Nanlalambot ang tuhod ko pagmalapit sya... Tulad ngayon! Alam kong ang bakla pakinggan pero anong magagawa ko?? Ilang taon na ang one-sided na damdaming nadarama ko..



"Bakit ka narito Colby??" tanong ng isa pang babae na lumabas mula sa loob ng bahay na gawa sa pawid.. Si Cutie! Yung kapatid ni Cobalt.



"Charm!" tawag nung babaeng may mahabang blonde na buhok sa kapatid ni Cobalt.



Agad namang lumapit saamin ang kapatid ni Cobalt at napansin kong may dala itong pitsel ng tubig...



"Bakit narito ka?? At bakit hindi ka nagpaalam saamin ni Headmaster Fridd na aalis ka ng school??" tanong ni Cobalt sa kapatid nya.. Ang strict nya namang kuya. -__-



"Ahm biglaan kasi ang naging pag-alis namin." Tugon ng kapatid nya at napatungo ito dahil sa pagka-guilty.. Siguradong alam din nito na pinag-alala nya masyado si Cobalt.



"Charm magkakilala ba kayo???" nagtatakang tanong nung babaeng may hanggang balikat na buhok.



Napabuntong hininga yung kapatid ni Cobalt at saka nito hinarap ang mga kaibigan..



"May hindi pa ako nasasabi sa inyo.. Ahm... Si Colby ay nakatatanda kong kapatid.." saad nito



Panandaliang namayani ang katahimikan..


....


....



"Oh-em-gee!! Sabi ko na nga ba!!" bulalas nung babaeng may mahabang blonde na buhok



"A-alam mo??" tanong ng kapatid ni Cobalt na si Cutie..



"Matagal na kaming may hinala.. Isa kang Clifford at minsan na namin kayong nakitang magkasama kaya naman naisip namin ang pusibilidad na may koneksyon kayong dalawa. Hinihintay lang namin na sayo mismo magmula kung tama ba ang hinala namin o hindi.. Alam naming hindi mo nagugustuhan sa tuwing binibigyang pansin ka ng maraming tao kaya naman marahil natatakot ka sa magiging reaksyon naming lahat sa oras na malaman namin ang totoo." Tugon nung babaeng may mahabang blonde na buhok.



Napakabuti nya namang kaibigan.. Napaka-sensible pa! Yun siguro ang dahilan kung bakit kaibigan sila ni Prinsesa Briar..



"Hindi kayo galit o natatakot sakin??" nag-aalalang tanong ni Cutie



"Bakit naman kami magagalit o matatakot??" balik tanong nung babaeng may blonde na buhok.. Muka namang nakahinga ng maluwag ang kapatid ni Cobalt dahil sa sinabi ng babae..



Napansin kong pinagmamasdan ni Cobalt ang babaeng may mahabang blonde na buhok. Knowing him, siguradong napahanga sya ng pagiging mabuting kaibigan ng babae sa kapatid nya.. Although cold ang personalidad ni Cobalt, deep inside ay isa syang mabuti at mabait na tao. Kaya nga hanggang ngayon napagtyatyagaan ko syang pakisamahan.. Hindi kami magiging magkaibigan kung  hindi ko alam ang totoong pagkatao nya dahil madali syang ma-misunderstood.. Isa ako sa mga taong hindi sya makasundo noon, pero noong mas nakilala ko sya ay naging lubos ang paghanga ko sa pagkatao nya..



"Spoiled brat kailangan mong magpaliwanag sakin." Saad naman ni Cobalt at binawi na ang tingin mula sa kaibigan ni Cutie.



"O-ok.." tugon ni Cutie at agad nagtungo yung magkapatid sa loob ng bahay na pawid..



Hindi ko alam kung dapat akong sumunod sa loob ng bahay..? Pero mali naman yun dahil kailangang mag-usap ng pribado nung magkapatid. Tsaka isa pa wala namang nagpaanyayang maari akong tumuloy sa loob ng bahay. Minsan pakiramdam ko ay hangin lang ako sa mga scene ng kwentong ito.. -.-



"Ahm Prince Ashley nakalimutan pala naming magpakilala.." narinig kong saad nung babaeng may mahabang blonde na buhok. "Ako nga pala si Flay, kaibigan ni Charm na kapatid ng kaibigan mong si Cobalt Lockwood."



"Ako naman si Javen." Pakilala nung babaeng may tan na balat at hanggang balikat na buhok.



"Roma." Simpleng saad ni Prinsesa Briar at muling nagtagpo ang aming mga mata.



"Ah- ahm- ikinagagalak kong makilala kayo.. Tawagin nyo na lang akong Ashley." Kinakabahan kong pakilala



Ngumiti naman silang tatlo... Shocks nginitian nya ako! Nginitian ako ni Prinsesa Briar!! Ang puso ko!



Wala na akong pakialam kung exam week ngayon sa Aurum Magique University. Tamang desisyon na sinamahan ko si Cobalt patungo dito!!



I'm so happy! Hehehe


~~~~~~~~~


Continue Reading

You'll Also Like

568K 28.2K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
454K 20.2K 78
She's heartless person, She can kill you without blinking her eyes. Beg for your life she didn't care, and surely she make ur life living hell..... ...
602K 30.7K 72
✓ | Tagalog | Because of Astria Kingdom's wealth and economic success, the throne was broken by violence, the crown was earned by treachery. To seek...
1.7M 56K 77
There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's fa...