I'm Destined with the Playboy...

By MsjovjovdPanda

241K 6.5K 1K

(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala an... More

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Trailer
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Comments | Votes: (EhDren or ZyPhia)
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
BOOK 3 IS NOW PUBLISHED
Achievements
Ehdrey Mae is Destined with the Playboy King Zyren Do

Kabanata 24

3.7K 131 6
By MsjovjovdPanda

Kabanata 24


Napagpasyahan namin ni Zyren na manatili muna siya rito sa office ko since hanggang ngayon kasi wala pa rin sina Cassie at Jake. Hindi namin alam kung saan sila nagpunta.

Nasa sofa lang siya ngayon, naghihintay kay Jake habang ako naman nandito sa desk ko at may pinipirmahan na pa ilan-ilang papers.

Nang mapatingin ako sa kanya naisip kong baka naboboring na siya kaya kinuha ko 'yong cell phone ko at sinubukang tawagan si Cassie gano'n din si Jake pero hindi nila sinasagot 'yong mga tawag ko. Parang nagdate yata ang mga loko-loko ayaw magpaistorbo. Hindi tuloy makaalis alis si Zyren.

Pinagmamasdan ko lang siya ngayon nang bigla akong mapangiti. Hanggang kailan niya kaya ako hindi maaalala? Aaminin ko sa sarili ko na namimiss ko na kung ano kami dati noon. Napalalim ako ng hininga sabay yuko sa desk ko.

"Okay ka lang?" Nang bigla akong napaayos ng upo nang marinig ko ang boses niya malapit sa tabi ko.

"Oh! Z-Zy, oo, okay lang ako." Kunyari nag-ayos nalang ako ng mga papers dito sa desk ko. Hindi ko inaasahan na lalapitan niya pala ako.

"Tulungan na kita, mukhang pagod ka na," sabi niya sabay mabilis na inayos 'yong mga nagkalat na papers ko rito sa desk ko kaya napatitig lang ako sa ginagawa niya.

Hindi ko maiwasang hindi maibalik 'yong nararamdaman ko para sa kanya lalo na sa mga ipinapakita niya sa akin ngayong araw.

"Napaka suwerte talaga sa 'yo ni Ehdrey," bigla kong sabi kaya siya naman ngayon 'yong napatitig sa akin.

Naitigil niya 'yong ginagawa niya samantala patuloy lang ako sa pagligpit ng mga nahahawakan kong papers. Hindi ko siya nililingon.

"'Wag mo nalang intindihin 'yong sinabi ko," sabi ko pa. Hanggang sa kinuha ko na iyong mga papers na hawak niya at nilagay ko 'yon sa drawer.

Pero bakit ko ba kasi nasabi 'yon sa kanya? Hay!

"Anyway, gusto mo ba'ng sumabay ka nalang sa akin pauwi?" Pag-iiba ko sa usapan. Hinarap ko na siya. "Mag gagabi na rin kasi at ilang oras ka nang naghihintay dito. Hindi naman kita puwedeng iwanan." Agad siyang tumango kaya kinuha ko na 'yong bag ko at sabay na kaming naglakad papalabas.

Medyo awkward nga lang sa pakiramdam dahil pinagtitinginan pa rin kami ng mga impliyado ko pero masaya naman akong siya 'yong nasa tabi ko ngayon kaya ayos lang.

Nagkangitian kaming dalawa nang lingunin namin ang isa't- isa.

Nang makarating naman kami sa tapat ng kotse ko inalalayan niya akong makapasok sa loob.

Naguguluhan nga lang ako kasi 'di ba dapat nag mo-move on na ako?

Hay! Bahala na nga.

"Amh, Zy?" tawag ko sa kanya nang umupo na siya sa driver seat.

"Hmm?" Nilingon niya ako kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Ako nalang 'yong magda-drive? Nakakahiya naman kasi sa 'yo," sabi ko.

Kasi naman kanina ang sabi niya sa akin gusto niya raw akong ipagmaneho. Hindi naman daw kasi gawain ng babae 'yon lalo na at siya ang kasama ko.

"No. It's okay. Ako na." Pinaandar na niya 'yong makina kaya wala na akong nagawa pa.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa kanya dahil ewan ko ba. Basta parang gusto ko nalang siyang pagmasdan nalang sa buong biyahe naming dalawa.

"Sophie, hindi kaya matunaw ako niyan?" Kusa nalang akong napalihis ng tingin nang sabihin niya sa akin 'yon kaya umayos na ako ng upo.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bumabalik na naman yata 'yong pagmamahal ko sa kanya noon.

"Bakit hindi ka bumalik ng Pilipinas?" bigla niyang sabi kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"H-Ha?" sambit ko.

Seryoso ba siya sa sinabi niya?

"Bakit hindi mo ulit subukang bumalik ng Pilipinas? Magpakita ka sa kanila kung totoo nga talaga 'yong mga kinuwento mo sa akin," aniya habang patuloy siya sa pagda-drive.

Pero parang umurong yata 'yong dila ko sa suhesyon niyang 'yon. Sa tingin ko hindi pa talaga siya naniniwala sa mga sinabi ko sa kanya. Napayuko nalang ako.

"Hindi madali para sa akin ang lahat ng nangyari, Zy. Alam ko namang hindi ka pa rin naniniwala sa mga sinabi ko sa 'yo pero uulitin ko, hindi ko pinipilit na paniwalaan mo ako."

Inihinto niya 'yong sasakyan sa isang tabi matapos kong sabihin 'yon tapos nilingon niya ako.

"I'm sorry to say Sophie pero mahal ko kasi ang asawa ko. Kailangan ko siyang pagkatiwalaan sa lahat ng mga ginagawa niya."

Napatitig nalang ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Napayuko nalang din ako at napangiti ng bahagya. Ano pa nga ba ang aasahan ko 'di ba? Wala yata akong maisasagot sa kanya sa sinabi niyang 'yon. Tumango nalang ako.

"Ihatid mo na ako. Gusto ko nang magpahinga."

Umayos na ako ng upo. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at naramdaman ko namang umandar na ang sasakyan. Ayokong magpakita sa kanya na mapaluha ako. Okay nang masaktan ako ng palihim kaysa maipakita ko sa kanya 'yon.

*****

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Mabilis kong kinuha 'yong bag ko at magmamadali na sana akong bumaba nang bigla niya akong pigilan. Hinawakan niya ako sa kamay ko na siya kong kinanuot ng noo.

"Zy, ano ba? Bitawan mo nga ako!" Iritable kong sabi. Pilit kong inaalis 'yong kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Sandali, galit ka ba?" Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko. Magkatitigan lang kaming dalawa.

"Hindi ako galit. Gusto ko lang magpahinga. Pagod kasi ako." Pilit ko pa ring inaalis 'yong kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya talaga ako binibitiwan.

"Sophie, ramdam ko namang galit ka. Dahil ba ro'n sa sinabi ko?" Hindi ko siya sinagot basta inaalis ko pa rin 'yong kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin.

"Zy, ano ba! Bitiwan mo na nga kasi ako." Pagpupumilit ko pa rin pero ang higpit talaga ng pagkakahawak niya. "Zy, ano ba?! Tigilan mo na nga ako! Umalis ka nalang! Iwan mo na ako!"

Hindi na ako nakapagtimpi kaya nataasan ko na siya ng boses. Pero nagulat din naman ako sa inasta ko kaya mariin kong pinikit ang mga mata ko.

"S-Sorry." Binitiwan na niya ako matapos kong sabihin 'yon kaya bababa na sana ulit ako nang bigla naman niya akong hilahin ngayon at hinalikan pa niya ako sa labi ko.

Bahagya akong nagulat sa ginawa niya. Parang naulit lang 'yong dati nang halikan niya ako sa kotse niya noon bago siya maaksidente.

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko ngayon. Ramdam na ramdam ko ang mga halik niya.

Pero bakit mo ba sa akin 'to ginagawa, Zyren? Nasasaktan mo lang ako.

Nang maramdaman kong tutulo na ang luha ko bigla ko na siyang tinulak dahilan ng pagkaka-kalas ng halik niya sa akin sabay takbo ng mabilis papasok sa loob ng bahay.

Habang tumatakbo ako hindi ko na mapigilang hindi pumatak ang mga luha ko.

Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ko sinarado ko agad 'yong pintuan. Hindi ko alam kung nakita ako nila Nanay pero basta ang gusto ko lang ngayon ay umiyak.

Dumapa na ako rito sa kama ko at isinubsob ko ang mukha ko sa unan.

In front of me sasabihin niya sa aking mahal niya si Ehdrey pero bakit nagagawa pa rin niya akong halikan? Ginusto niya lang ba 'yon? Niloloko ba niya ako o pinaglalaruan?

Ginugulo na naman niya ang isip ko kung kailan nananahimik na ako rito sa Australia. Masyado na akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Mas maganda nang iwanan nalang niya ako rito kaysa ganito akong nahihirapan.

Basang-basa na 'yong unan ko. Gusto ko lang ngayon ay umiyak nang umiyak para lang mailabas ko itong lahat.





Zyren's Point of View

Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela. Hindi ko alam kung bakit matapos kong halikan si Sophie lumitaw na naman 'yong babaeng nakatira sa isipan ko. Parang nangyari na 'to dati sa akin. Pilit kong kinalma ang sarili ko kaya nanatili lang ako rito sa loob ng kotse.

Nasaktan ko na naman yata si Sophie pero hindi ko naman 'yon sinasadya. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon ko. Pero bakit ba kasi wala akong maalala sa mga kinuwento niya sa akin? Gusto ko naman siyang paniwalaan pero anong sapat na ebidensya?

Nang bumaba ako sa kotse niya minabuti kong iabot nalang 'yong susi ng kotse sa Nanay at Tatay niya. Gusto pa nila akong papasukin sa loob ng bahay nila pero tumanggi na ako. Baka kasi mas magalit lang si Sophie sa akin kung makikita pa niya ako ro'n kaya hinayaan ko nalang muna siya. Magkikita rin naman kami bukas at 'yon ang kailangan kong paghandaan.

Bumiyahe akong mag-isa sakay ng taxi at nang makauwi ako sa Hotel na tinutuluyan namin ni Jake hindi ko pa rin siya mawala sa isip ko. Pakiramdam ko iniiyakan na naman niya ako ngayon dahil sa pangyayari sa amin kanina

Bumuntong hininga ako. Nang humiga naman ako ng kama pinikit ko ang mga mata ko nang bigla namang pumasok sa isipan ko si Ehdrey.

"I miss her," bulong ko sa hangin kaya agad kong kinuha ang cell phone ko para tawagan siya. Gusto ko sanang marinig ang boses niya kahit saglit lang pero sana sa mga oras na 'to gising pa siya.

Nagriring na 'yong phone niya. "Hello?" Pero laking gulat ko nang lalaki ang sumagot sa kabilang linya. At ang pinagtataka ko pa, pamiyar sa akin 'yong boses niya.

"Darren?" sambit ko habang nakatingin sa orasan, dahil kung hindi ako nagkakamali alas tres na nang madaling araw ngayon sa Pilipinas pero bakit si Darren ang sumagot ng tawag ko? Magkasama pa sila hanggang ngayon?

"Hon, sino 'yong tumawag?" sunod ko namang narinig ang boses ni Ehdrey kaya mas lalo akong nagulat.

"Hon?" sambit ko habang napakunot ng noo.




(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Continue Reading

You'll Also Like

910K 27K 101
Dalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gus...
95.6K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
139K 3.4K 54
(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si...