Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 41 : Imagine me & you

7.8K 262 26
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

As my nephew and me entered into my room ay dumiretso kami sa walk-in-wardrobe at kagyat ko itong ibinaba upang suriin ang hickies na tinutukoy ng ate ko a while ago.

I automatically shook my head ng mapansing hindi lang iisang marka ang nanduon kundi higit pa sa tatlo. My girlfriend put kissmark all over my upper body at maski sa ibabaw ng collarbone ko ay mayroon din.

Hindi ko alam kung maiinis ako o maaaliw ng mga oras na iyon. All along I thought ako lng ang gumawa sa kanya nuon kagabi while we were making love pero mukhang naisahan at nagantihan ako nito ng palihim.

Ilang minuto rin ang inilagi ko sa tapat ng malaking salamin when I noticed that Miggy was'nt beside me anymore.

Kagyat akong lumabas patungo sa bedroom at duon nga ay natagpuan ko ito. He was standing near the bed and staring at my sleeping girlfriend.

The little man glance at me when he felt my presence at kapagdakay dahan-dahang dumukwang kay Louise. He scrutinized my girlfriend as if some kind of specimen.

Sa pag-aalalang magising nito ang katipan ay agad ko itong dinaluhan at akma na sanang bubuhatin when he asked something.

"is she an angel? "he muttered in my ear.

I quickly smile at ginulo ang buhok nito.

"nope baby.. " nangingiting tanggi ko habang natutuwa sa inosente nitong komento.

" she's my.. " dugtong ko but I suddenly stop at kapagkuway nag-isip.

paano ko ba sasabihin sa dito that Louise is my girlfriend. Untag ng isip ko.

Sa huli I decided to tell him the simplest description.

"she's my friend... She's your Tita Louise" pamaya-mayang dugtong ko ng mapansing nakatitig pa din ito sa akin at inaantay ang anumang sasabihin ko.

"friend?" he repeated habang nagiisip. " like Tita Jena po?" he unknowingly asked.

Nasamid ako sa sinabi nito.

"errr.. something like that, but your Tita Louise is more more special than her"

Miggy then throw a confused look momentarily, he might want to said something pero tila hindi alam ang sasabihin. Kung kaya naman ay bumaling na lang ulit ito sa natutulog na si Louise.

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng mga friends ko na pwedeng mabanggit ay iyong isa pa na iyon?. I complain at piping nagpasalamat ng hindi na nagtanong pa ang pamangkin.

Just when I thought na hindi na ito iimik ay inilapit nito ang munting bibig sa tainga ko at bumulong. "She's really pretty like you, and mommy"

I smiled at his comment "ikaw ha, marunong ka ng tumingin ng magaganda" biro ko dito then amusingly pinch his nose na ikinahagikgik nito.

Bago pa kami tuluyang makapag-ingay at magising si Louise ay iginiya ko na ang sariling pamangkin sa couch na nasa isang sulok.

"wow!" my nephew exclaimed when he sights the toys near the couch. Nagkukumahog itong tumakbo patungo duon at buong paghanga iyong nilapitan.

"sa akin po ba ito?" he asked in excitement.

I smile and nodded while gesturing him to stay quiet then pointed at his Tita Louise.

Agad naman nitong nakuha ang gusto kong sabihin and cover his mouth with his little hands.

"I bought these toys for you" I whisper ng makalapit and level myself to him.

"thank you Mama Gab!" he said then hug and kiss me all over my face.

Naaaliw akong gumanti ng yakap dito. "your welcome kiddo!"

Kapagdaka'y bumitiw ito at bumaling sa mga laruan nya with full excitement on his face.

No wonder, wiling-wili ako sa mag-bigay ng laruan dito, dahil bukod sa natutuwa ako sa pagiging adorable nya ay hindi ko rin maitatatwa sa sarili that he also brings out the child in me. Everytime im with him, I reminisce how incredible my childhood years at gusto ko iyong iparanas sa kanya.

I wanted him to explore things like I did. I wanted to show him that despite all the luxury things na nakapaligid sa kanya ay mga bagay na kelanman hindi kayang bilin ng pera.

Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit malapit ang loob nitong bata sa akin, dahil halos kabaligtaran ako ng Mama nya on the way I treat him.

Whenever im with Miggy, I always allowed him to do anything he wants and that's include ang maligo at magtampisaw sa ulan o maglaro sa katirikan ng araw. Mga bagay na madalas naming pagtalunan ng nakakatatanda kong kapatid dahil ayaw na ayaw nitong nagmumukhang batang hamog ang nag-iisang anak na lalaki.

Kagaya ko, I know that my nephew is fond of me, kaya nga sa tuwing magkakaroon ng ganitong bihirang family bonding ay halos ayaw ng humiwalay nito sa akin.

Kahit saan ako pumunta ay nakabuntot. Just like today, na imbes na nasa ibaba at nakikipaglaro sa mga abuelo ay mas pinili ang manatili dito kasama ako.

"which one do you like to open first, the hulk, the ironman or the Lego's?" i asked still muttering para hindi maabala ang katipang natutulog.

My nephew motions his finger pointing at his temple na animo nag-iisip.

A cute gesture which makes me smile. Tila isa itong mama na nahihirapang magdesisyon sa inaasta.

"the Lego's" he mumbles.

"ok" I agree at dinampot ang laruang pinili " you know what,? why don't you play here with your lego's while Mama Gab will take a quick shower. is that okay with you?"

"Yes po" he agreed in excitement.

"Just be quiet ok? You might awake Tita Louise" dugtong kong bilin dito.

Bago ako tuluyang pumasok sa toilet ay marahan ko munang iniayos ang pamangkin sa pagkakaupo habang karga na nito ang hindi mabitaw-bitawang laruan.

********

Louise (POV)

I was peacefully sleeping when suddenly I heard a thing fell down on the floor. Kahit nag-aagaw antok ay ipinilit kong idilat ang mga mata to check what it is. And the moment I open it ay bumulaga sa akin ang isang cute na cute na batang lalaki with his apple haircut. Dahan dahan itong bumababa ng couch at kapagdakay yumuko para pulutin ang isang bagay sa sahig.

I presumed that this is Miggy, my girlfriend's favorite nephew na palagi nyang binibilhan ng mga bagong laruan. Super spoiled ito kay Gabby na kahit ano yatang hilingin ay kaagad na ibinibigay ng huli.

The little man slowly placed the remote control on top of the center table ng madampot iyon sa sahig. Ingat na ingat ito na muling makalikha ng ingay but then he stops and shifted his gaze on me when he noticed that i stared at him.

"Im sorry po" he said cutely with worried face.

I smiled at him but he shyly glance at me habang nag-aasemble ng hawak nitong lego. Mula sa pagkakahiga ay umayos ako ng pagkakaupo never leave my gaze into him "hey handsome" tawag ko dito ng hindi makatiis sa kakyutan nito.

"come here" tapping the space beside me. Miggy just peek on me while he was playing his lego. Nanatili lang itong nakatayo duon habang waring nakikiramdam.

"do you want me to help you to fix that thing?" I offered still smiling habang hinuhuli ang mood nito.

For the second time, he glance at me and then pabalewalang itinuon nito ang atensyon sa hawak na laruan.

I thought he will ignore me but he nodded and to my surprise ay dahan-dahan itong lumapit sa akin.

Nang makalapit ay inalalayan ko itong makasampa sa kama at walang inhibasyong niyakap.

Hindi naman ito pumalag na syang ikinatuwa ko.

"whats your name?" I asked after ko itong mapanggigilan.

"..Euan Miguel S. Enrique po" bibo nitong sagot ng hindi pa din tumitingin sa akin dahil siguro sa nahihiya.

"Ang ganda naman ng name mo, sino nagbigay sa iyo nun?" naaaliw kong tanong. Habang hina-hawi ang buhok nito.

Lihim akong nagpakawala ng buntong-hininga when an instance ay na-miss ko ang bunso kong kapatid. si Gino.

"Mommy told me... it's my Mama Gab po who gave my first name Euan, sabi din po nya.. it's after the character name of a Korean actor in a TV Series" pukaw ng katabi habang paputol-putol na nagkukwento. Obviously ay hindi na ito nahihiya ng mga oras na iyon at kampante ng nakikipag-huntahan sa akin.

"really?! " na-aamused kong komento. "I didn't know that your Mama Gab is a fan of a korean series"

Hindi naman talaga ako aware na may ganyang side ang sariling katipan. With the way she carries herself ay hindi ka magkaka-hint na may pagka- Korean fanatic pala ito.

"Ooopppss!" react ni Miggy and then i saw his eyes went wide kasunod ng pagtutop nito sa sariling bibig " It's our secret lang po ha" usal nito pamaya-maya "pwede po bang wag' nyo na lang sasabihin sa kanya that I said it to you kasi hindi na nya ako ibibili ng mga toys. " pakiusap nito habang animo nagwoworry dahil sa sikretong naibuking nito.

"Don't worry baby, I won't tell her" I assured him.

"Promise po?" he asked

"Promise" I response

"Cross your heart?" makulit na dugtong nito and motion a cross on his chest.

"Promise, cross my heart. I won't tell her that you told me her secrets." At ginaya ang gesture nya at pinanggigilan itong halikan sa pisngi.

"Yey! Thank you Mama Pretty. " he exclaimed.

I was astonished on his reaction sa pagtawag sa akin ng "Mama Pretty" kaya lalo ko itong napanggigilang halikan at yakapin which cause him too giggle more.

This kid undeniably a charmer.

Kuhang-kuha nito ang karisma na meron ang buong pamilya lalong-lalo na ang tiyahin nito. Hindi malayong marami din itong papaiyaking babae in the future.

"Whoa! That was fast young man" tinig ni Gabby ang pumukaw sa aming dalawa. Kagyat itong sumulpot mula sa walk-in-wardrobe na halatang bagong paligo dahil sa kanyang mamasa-masang buhok.

I stared at her and secretly swallowed nang mapansin ang maaliwalas nitong itsura. She's wearing this white boyfirends v-neck shirt with tattered jeans which make her look ruggedly stunning. Napakasimple lang ng kasuotan nito kung tutuusin pero lutang na lutang ang kanyang kagandahan. Just like the first time I set my eyes on her, she never failed to make my heart skip beat and make my world stop. Up until now,I'm still constantly amazed by how she carries herself with full of coolness.

Palagi namang ganyan, kahit ano naman yata ang ipasuot mo sa kanya ay bumabagay.

Ang ganda kasi ng built ng katawan nito bukod sa matangkad and well-proportioned ay maganda rin ang tindig nito, not to mention na super neat palaging tignan. Yuon bang tipo na mabangong pagmasdan kahit sa malayuan.

"Mama pretty na kaagad?" untag nito sa pamangkin na nuon ay ngingiti-ngiti sa tiyahin nya.

I did'nt notice na nakalapit na ito sa amin ni Miggy dahil sa mabusisi kong pagsipat dito.

"And what about those secrets that I overhead a while ago ?hmmm?" malambing nitong tanong kay Miggy and begin to tickle the young man ng puro iling, ngiti at giggle lang ang isinagot nito.

Gabby started to play with his nephew na nuon ay nakahiga na sa tabi ko. Nanduong pug-pugin nito ng halik ang bata na ikinahagikgik naman nito ng tuluyan. Ni hindi ito pumapalag sa ginagawa ng tiyahin at animo gustong-gusto ng hinaharot.

The scene makes my heart melts ng ma-obserbahan kung gaano kasaya ang katipan ng mga oras na iyon. She seemed a picture of person that full of happiness. Ni hindi mo kabakasan ang itsura nya ng pagiging dominante at masungit. Gone were all the days na ipinakita nya kung gaano kagaspang ang sariling pag-uugali.

I guess this is the old Gabby na tinutukoy ni Joshua nuong nakaraang araw na nagkwentuhan kami.

In an instance, i saw my future with her kasama ang mga magiging anak namin.

A picture of not so perfect family but very much contented.

Im imagining us on seashore holding hands while walking, sya habang karga ang bunso namin at ako habang hawak sa kabilang kamay ang isa at syempre ang eldest namin..

there goes our little man na panay ang takbo ahead of us habang animo pinapalipad ang toy plane nya. panaka-nakang itong humihinto para malambing na yumakap sa binti naming mag-asawa atsaka ulit tatakbo ng palayo.

Total of 3? you sure na tatlo lang ang magiging future baby nyo? Kantyaw ng innerself ko.

That was the ideal number of kids for me. Ewan ko lang sa girlfriend ko. Sagot ng isang panig ko.

Eh kahit aminado naman akong sexually active kaming dalawa as if namang makakabuo kami ng madaming supling. Pilyang sagot ng kabilang panig ng isip ko.

I grinned.

Pero magkagayonman kung sakaling gustuhin ni Gabby na mas madami kaysa sa apat ay hindi naman ako tututol. After all I know that my girlfriend will be a good provider, at sure din akong magiging responsible ito and ideal partner for a lifetime. With the way I saw how she treated her love one specially kids. Walang duda, she is indeed a wife material.

Sounds funny, but I don't know why I'm excited on the thought.

Abruptly I was thinking on What's it like, to be a Mrs. Sandoval?

Gaano kaya sya ka-istrikto sa mga magiging anak namin?

Magiging posesib din kaya sya sa mga anak nyang babae? I mean paano kung may magtangkang manligaw dito? sindakin din kaya nito kung sino man ang mangangahas na iyon?

I-spoiled din kaya nya ang mga ito, kagaya ng ginagawa nya sa akin, ngayon?

I smile on the thought.

My mind wanted to roam more when Gabby caught my attention.

"okay enough na.. pagod na si Mama Gab" my girl complained matapos nitong kaladyain ang pamangkin at dumiretso ng pagkakaupo.

"go get your toy's kiddo at bababa na tayo" pagtataboy nya dito na agad namang sinunod ng kausap.

Dahan-dahan itong bumaba ng kama at tumungo sa mga laruan nitong nasa couch.

I amusingly stare at Miggy ng maramdaman kong umusog ang katipan palapit sa akin.

Slowly, she cross the small gap between as at bumulong. "I almost melt" tudyo nito na ang tinutukoy ay ang pagtitig ko sa kanya kanina. I suddenly blushed pero hindi ko ipinahalata. "may-pangiti-ngiti ka pa ah" she continue. "What's that for?" pangungulit nito.

I just stare at her and smile sweetly not planning to tell anything.

"baby?!" she demand in a tone na animo nagbabadyang magalit pero hindi ako nagpatinag and just stick out my tongue to tease her.

Imbes na mainis, I caught her intently looking at me with full lust on her eyes. With the way she stares, I felt quickly how her desire awakes. At kagaya nya daglian ding nag-init ang pakiramdam ko. Just like the first time we met, hindi nagbabago ang intense na nararamdaman ko sa tuwing nasa ganito kaming estado. I feel as if my body is in auto-mode when it comes to this matter. Nanduon pa din ang mga paro-parong nagrarambulan sa tyan ko sa tuwing tititigan nya ako ng ganito. Pati ang mga dagang hindi magkandaugaga sa pagtakbo which cause of my several heartbeat sa dibdib ko ay hindi naalis. Animo nanduon lang ang mga iyon at nanahimik at muling babangon at matataranta sa tuwing nasa ganito kaming estado.

I stared back at her with equal passion in my eyes. Animo nagsusukatan kami habang nakikiramdam kung ano at sino ang unang gagawa ng move.

She never leaves her gaze on me and just shifted between my eyes and my lips.

I started to felt suffocated at that time. God! How I want to lean on her and kiss those sweet lips pero nagpigil ako.

I uncontrollably bit my lower lip to suppress the feeling.

"you better don't start" she whisper ng mapansin ang ginawa ko.

She's on the edge of un-controllable feelings I know.

But then i ignore her request and just stare at her still biting my lips.

"you really should... " she mumbles and saw her barely swallow while gawking at me. " stop .. " muli nitong pakiusap then sighed "at baka madagdagan ko ang kissmark mo" my smile faded and my eyes went wide in suddent reaction "what kissmark!?" I exclaimed at kapagdakay tinignan ang sarili upang makumpirma ang sinabi nito.

"What the –!! "

"shhhhh! Watch your mouth." putol nito sa akin sabay nguso kay Miggy. Buti na lamang at abala ito sa pagkalikot ng sariling laruan kaya hindi kami nito alintana.

" Gabby!! "baling ko sa katipan na nuon ay nakalayo na sa akin at nakatayo sa gilid ng kama habang ngingiti-ngiting nakatunghay sa akin.

"we're quits" buwelta nito kasabay ng pagrehistro ng nakakalokong ngiti.

" my Gahd! your only dealing with few hickies but look what you've done to me! pinaulanan mo ako sa leeg, sa braso sa balikat and even.. here.." turo ko sa upper legs ko "nakakainis ka!" iritado kong sagot.

"kahit na, the point is minarkahan mo pa din ako" bwelta nito.

"the fucK! Paano ako magsusuot ng swimwear nito!" hinaing ko habang iniisa-isang tignan ang mga kissmark sa katawan ko.

"that's precisely my point" she chuckled then wink at me.

"I can't believe this!" tungayaw ko.

"Don't wear any sexy dress para hindi mahalata" pang-aasar nito not minding my reaction.

I darted her with my death glare "nakakainis! bwusit ka talaga!" sabay bato ng unan na kaagad din naman nyang naiwasan while grinning like an idiot. Part of me ay naaliw sa pinakita nyang reaction.This is new for me, ang makitang naaliw ang isang Gabby Sandoval. Magkagayonman mas nangibabaw sa akin ang inis na nararamdaman.

Mangiyak-ngiyak na ako ng mga oras na iyon dahil sa sobrang inis. pero ang magaling kong girlfriend ay nakatunghay lang sa akin at pinag-tatawanan ako sa ayos ko.

Paano na ito? Excited pa naman sana akong mag-suot ng bikini sa Family outing na inihanda nila pero wala na. Hindi na iyon mangyayari dahil sa girlfriend kong nuknukan ng abnormal.

"I hate you!" bulyaw ko dito ng muling mag-angat ng mukha.

"I love you too" pang-aasar nito.

Akma ko sana itong susugurin ng matigilan ako "nag-aaway po ba kayo?" ani ng isang maliit na tinig.

"ahm..," singit ni Gabby at natatarantang lumapit kay Miggy na nuon ay nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa "... hindi kami nag-aaway ng Mama pretty mo, baby.." dugtong ng katipan. " she just...ahm....ahmm" patuloy nito na hindi malaman kung anong idadahilan sa bata.

"may pinag-uusapan lang kami ni Mama Gab mo, baby" sabad ko.

My girlfriends then raise an eyebrow at me at amused na napatingin sa simple kong palusot.

Sinimangutan ko ito, just to imply na naiinis pa din ako sa ginawa nya sa akin. But she just smiles at me widely bilang pagtugon nito.

"errr.. are we going to bring down all your toys?"pag-iiba ng topic ni Gabby matapos bumaling sa pamangkin.

"lego lang po" polite na sagot ni Miggy.

"okay then. Tara na?" malambing na pagyaya nito sa bata.

The Kid nodded.

"kiss ka na kay Mama Louise" para mawala init ng ulo. Utos nito, muttering in her last sentence.

I automatically concealed my irritation ng bumaling kay Miggy ng tuluyan na itong makalapit. He kiss me on my cheeks na ginantihan ko naman ng yakap.

I took advantage on our position at tinapunan pa ulit ng nakakainis na tingin ang katipan "were not yet done" I mumble. Making sure na hindi madidinig ng pamangkin nya.

Gabby on the otherhand just throw me this amusing look kasunod na isang napakalawak na ngiti na animo nang-iinis. I was about to throw my bedroom slipper to her ng bumitiw sa pagyakap ko si Miggy.

"see you later Mama Pretty, we-wait po kita downstairs ha?" malambing nitong turan.

"yes baby" I reply smiling then pinch on his rosy cheeks.

Nakakagigil talaga itong bata na ito, nakakatuwa na ang bilis napalagay ng loob sa akin. I said to my innerself kasunod ng muli kong pagkabig dito upang yakapin.

"Come on now bubi bear!" pukaw ni Gabby at hinatak na ang pamangkin.

"let's give your Mama Pretty a time to fix herself. she will take a bath na and will wear her pretty dress" dugtong nito teasing me.

Hahablutin ko pa sana ito sa bandang likuran dahil sa panggigil ko pero masyado itong maagap at tatawa-tawang tumungo sa pinto while guiding her nephew.

"be quick babe. I love you" pahabol nito bago isara ang pintuan.

Naiwan akong naiirita until I slowly composed myself and decided na ayusin ang sarili upang makasunod sa kanila. 

******** 

Continue Reading

You'll Also Like

430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
16.1K 278 6
Si Arman ay matagal ng iniwan ng kaniyang asawa. Ang anak nalang nila na si James ang nagpaiwan. Masakit para kay Arman na ipagpalit sa ibang lalaki...
26.3K 1.5K 47
It's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.
388K 8.4K 44
I love you but you can't love me back.