I attempted to call her. Pero natatakot ako na mareject ulit. Hindi ko alam kung paano ko ba tatanggapin sa sarili ko na ganito ang nangyayari ngayon. Hindi ko matanggap sa sarili kong nagawa ko yun sa kanya. Kaya nga siguro tama si ate Krish. Galit ako sa sarili ko, at hindi ako makamove on kasi hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko.
Pero paano ko nga ba patatawarin ang sarili ko?
Kung sarili ko mismo ang naging dahilan para lumayo na siya sa akin.
Masakit.
Hindi ko kaya.
Tumatawag si Lanie sa cellphone ko.
Mga naka-20 missed calls na yata.
Pero para bang wala akong pakialam kung magalit siya, o maghintay siya. Wala naman siyang magagawa. Di naman niya ako mapupuntahan dito sa bahay dahil nasa probinsya rin siya.
I just don't feel like talking to her.
Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get over na may boyfriend na si ate Krish.
Ang daya naman niya.
nag-boyfriend siya?
Samantalang ako, ni hindi ko nga girlfriend si Lanie?
Pareho lang ba yun?
Pareho lang ba na nainlove kami sa iba?
ah ewan!
Pero siguro nga, mali ako.
Sige na. Mali na ako.
Anak ng kalabaw na dalaga,
hindi ko talaga siya maalis sa isip ko.
----
Krish's POV
That was a very shocking confession.
Hindi niya girlfriend si Lanie?
Pero kung makapagsabihan sila ng I LOVE YOU, wagas?
Sabagay, oo nga pala.
Hindi nga rin pala niya ako girlfriend pero nagsasabihan rin kami ng I LOVE YOU ng wagas.
Ewan ko ba.
Hindi ko na rin kasi alam kung tama pa ba tong ginagawa ko eh.
Mahal ko pa siya?
Hindi ko alam.
Hindi ko maramdaman.
Kasi ang alam ko, si Kristian ang mahal ko ngayon.
Kasi pinaramdam niya sakin na importante ako, na mahalaga ako, na karapatdapat akong mahalin.
6 months pa lang ang nakakalipas nang dumating siya sa buhay ko.
Masasabi ko na ba talagang siya na?
O baka sa huli si Stephen pa rin?
Magulo.
Pero isa lang ang alam ko.
Si Kristian ang mahal ko ngayon.
Masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.
At habang kasama ko siya, ipaparamdam ko rin sa kanyang karapatdapat rin siyang mahalin.
Hindi kami naka-unli ngayon.
May part time job kasi siya eh.
Bilib nga ako dun, working student siya.
Nakakatuwa, kasi kahit paano, kumikita na siya.
Kahit paano, nakakatulong siya sa parents niya,at nakakaipon siya.
Kaya nga paminsan-minsan, nililibre niya ako.
Sapat na sakin yung kumain kami sa Jollibee ng 39ers. Para sakin, maituturing ko nang date yun.
I treasure everything he gives to me.
Ultimo resibo ng kung anu-anong kinain namin, ticket sa bus, movie tickets, lahat, tinatago ko.
Parang kay kuya Stephen lang.
Kasi special eh.
Kaya lahat ng galing sa kanya, special.
Hindi ko dala si bebeh. Yung bear na bigay sakin ni kuya Stephen nung debut ko. Iniwan ko lang sa Manila. Pero ang totoo, namimiss ko yung yakapin. Simula kasi nung naging kami ni Kristian, naka-display na lang yun sa cabinet ko.
Nakahiga lang ako sa kama, nanonood ng TV, nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Akala ko si mahal....
Si Stephen lang pala.
*on text*
Stephen: Hi ate... Tulog ka na ba?
Hindi ako nagreply agad. Pinag-iisipan ko pa kung rereplyan ko siya. Baka kasi magkagulo pa eh.
Stephen: Ate.. Reply ka naman oh? Wala ka bang load?
Ang totoo, meron akong load pero hindi kami unli ni Kristian ngayon. May extra load ako, pero ewan ko, hindi ko siya feel replyan? In the first place, required ba?
Few minutes later...
AutoloadMAX: 50.00 worth of prepaid credits was loaded to your number.......
Stephen: Pinaloadan kita kay mama. Please ate? I want to talk to you.
Hindi ako nag-unli para sa kanya. Pinipilit kong maging matigas para sa kanya. Para sa kanya rin naman to eh. Ayokong maging dahilan ng pagkasira nila ni Lanie, at ayoko ring siya ang maging dahilan para masira kami ni Kristian.
Stephen: Ate.... Please, kahit 30 minutes lang.
Krish: What do you want ba? Nag-usap na tayo kanina, diba?
Stephen: Ate unli ka na? Gusto ko lang maayos to.
Krish: Hindi ako unli. Saka anong aayusin ba? Maayos naman na, diba?
Stephen: I don't want it to be this way. Mag-unli ka na, masasayang yung regular load.
Krish: Sige, ibabalik ko na lang sayo kung nanghihinayang ka.
Pero sige na nga, mag-uunli na ako. Para matapos na yang kahibangan mo.
Stephen: Ate :(
Krish: What's with the sad face?
Stephen: Sorry...
Krish: Alam mo, naka-ilang sorry ka na. Nakakainis na.
Stephen: I miss my best friend. :(
Krish: Talaga? Namiss mo ako? Kaya pala halos dalawang taon kang hindi nagparamdam? Oo nga, miss na miss mo nga ako.
Stephen: Hindi mo ba ako namiss?
Why was he asking that? Of course I do. Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Pero SHET. Hindi na pwede.
Krish: why should I?
Stephen: Because I'm your best friend?
Krish: Wala akong best friend na ipagpapalit ako sa iba.
Stephen: Hindi naman kita pinagpalit eh. Best friend pa rin kita. Hindi ko naman best friend si Lanie eh.
Krish: Ah oo nga pala, best friend mo nga LANG pala ako.
Stephen: Ano bang problema mo? Lagi mo na lang pinagduduldulan sakin na best friend LANG kita. Bakit ba nila-LANG mo ang pagiging best friend ko?
Krish: Totoo naman eh. Hanggang dun lang ako. Kaya nga parang wala akong karapatang magreklamo nung nalaman kong may Lanie ka na. Kasi bakit? Wala naman ako sa posisyon kung magseselos ako diba?
Mga 5 minutes hindi siya nagreply. Iniisip ko, baka nagta-type pa?
Nagdadrama pa?
Nag-iisip pa ng irereply sa sinabi ko?
Nakatulog na?
Ewan!
Pero sayang naman at nag-unli pa ako para sa kanya.
Maya-maya, tumawag siya.
Stephen: Ate..
Krish: ano?
Stephen: Gusto kong marinig yung boses mo. Hindi ako kuntento na text lang. Pwede mo kasing pekein ang feelings mo sa text. Pero sa phone, naririnig kita, malalaman ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi.
Krish: Tss. Daming alam.
Stephen: Ate, bakit ba galit na galit ka nung sinabi ko sayo yun?
Krish: Ang alin?
Stephen: Na hindi naman kita girlfriend?
Krish: Tingin mo, bakit? Tanong ba yan? Nag-iisip ka ba?
Stephen: Eh hindi naman talaga kita girlfriend e
Krish: O yun naman pala eh. Bakit pinag-aaksayahan mo pa ako ng panahon?
Stephen: Bakit ka ba nagagalit na best friend lang kita?
Krish: gusto mo malaman kung bakit? Kasi paasa ka. Alam mo yung sasabihin mo sakin na pakakasalan mo ako someday, na mahal mo ako, na ako lang, walang iba. May monthsary tayo, nagsasabihan tayo ng I love you. Tapos best friends LANG!? Ano yun, lokohan?
Stephen: Bakit pag sinabi ko ba sayong gusto kitang maging girlfriend, sasabihin mo rin na gusto mo akong maging boyfriend?
Krish: Oo!
Sumigaw ako. Hindi ko na napigilan yung damdamin ko.
Krish: Ano pa bang ineexpect mong isasagot ko?
Stephen: I.... I never knew that..
Krish: Yeah.. Because you're too busy loving somebody else.. Sige na, matulog ka na. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko.
I hanged up.
Shit. What did I just say?
Bugso ng damdamin.
hindi.
Nabigla lang ako.
I didn't mean it.
But is it true?
Na siya pa rin ang itinitibok ng puso kong to?
----
END OF CHAPTER