"Baby you light up my world like nobody else~~"
Alarm clock ko tumunog na, boses pa lang ng mga boyfies ko ang guwapo na kaya ginaganahan akong gumising tuwing umaga.
This is my first time to set my alarm clock, kasi espesyal na araw 'to ngayon at ayokong lumipas na nakahiga lang ako sa kama ko habang nagtwi-twitter at naghihintay na mafollow nila Harry, Louis, Zayn, Niall at Liam gaya ng kadalasang ginagawa ko tuwing bakasyon. Pababayaan ko muna sila (sa ngayon dahil hindi ko sila titigilan kailanman bwahahaha) kasi espesyal talaga sa akin ang araw na ito. It's my 18th birthday.
And bago tayo magpatuloy ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Aleynna Garcia, 3rd year college sa course na BA in Mass Communication, gaya ng sabi ko kanina 18 na ako ngayong araw na 'to. At kagaya niyo ay DIRECTIONER din ako, One Direction is my biggest addiction like ever :D FACT ABOUT ME: SA SOBRANG HOT AT GUWAPO NILA, NABABALIW YUNG TEENAGE HORMONES KO.
Dahil sa maaga akong nagising ay bumaba na ako dahil alam kong may surprise na naman ang magulang ko sa akin. You can tell na spoiled brat ako but you can't blame my parents kasi only child ako. Minsan naisip ko ang lungkot kasi mag-isa ko pero minsan masaya kasi wala akong kahati.
"Mom? Dad?" Sigaw ko nung pagpasok ko sa kusina
Wala sila. Maybe they went to get my presents /smiling sweetly at the thought of presents/ I can't wait.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang mommy ko na pababa na ng hagdan at halatang kagigising lang niya dahil sa suot niyang night gown.
"Oh! Bakit nagising ka ng maaga, baby?" Tanong niya at nilagpasan pa ako para magtimpla ng kape
Seriously? Hindi niya naaalala na birthday ko ngayon? :(
"Mom! Wag niyo nga ako po akong binibiro! Alam niyo naman kung bakit ako nagigising ng maaga once a year eh, diba?" Seriously, once a year lang talaga xD
"Hindi ko alam, hija. I'm so sorry, busy kasi ako sa trabaho ngayon kaya okupado ang utak ko." Sabi niya at umupo sa stool
"Oh? You awake already Ally?" Si Daddy naki-join sa usapan namin "Bakit ang aga mo atang magising?" He added
"No Dad! Anino ko lang po 'to" Pamimilosopo ko
"Hindi ko nga alam kung bakit nagising ng maaga yang bata na 'yan. Eh dati dati halos hapon na magising." Sabi ng Mommy ko at nag-offer ng kape kay Daddy
"OMG! Hindi niyo talaga alam?" Naiinis na tanong ko
"Ano ba yun, hija?" Tanong ni Dad at humigop sa kape niya
"Wala po. Wag niyo na lang isipin, nevermind. Aakyat na lang ako sa kwarto ko! Katok kayo kung may kailangan kayo." Sabi ko at umalis na agad papunta sa kwarto ko
"Nakakainis! Bakit nakalimutan nila?" Tanong ko sa sarili ko at kinuha ang iPhone ko sa bedsibe table ko
@AleynnaLoves1D: What is wrong with them? How can they forget that it's my birthday? :( Im their daughter for pete's sake
[ Your tweet was posted ]
Twitter, ang website na kung saan pwede ka maglabas ng sama ng loob ng walang nangingialam.
Okay, alam ko iniisip niyo OA ako kasi nakalimutan lang ganito na ako? Hindi po. Masakit talaga kapag nakalimutan ng magulang mo dahil lang sa bagay na mas importante ka parin kung tutuusin. Nakakainis lang! Dahil sa trabaho nila, nakali--
*BUZZ BUZZ!* Cellphone ko, may notification
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" *Insert heart eyes emoji here*
@onedirection: Hi love @AleynnaLoves1D (A/N: Hindi totoong twitter to) !! Happy Birthday !! Hope you have a great one even tho ur parents forgot about it, but don't worry they'll remember it eventually . We love you !! -One Direction :)xx
OMG! OMG! OMG! OMG! Nagtweet sa akin yung One Direction (@onedirection) ! OMG lang talaga! Binati nila ako, kaya niretweet at finave ko, at akalain mo yun nagdagsaan ang mention at followers ko :D Pero bakit nila alam na bday ko eh hindi ko naman sila minention dun sa tweet ko. Baka dumaan sa timeline nila. Kyaaaaah ^/////^
Syempre nagreply naman ako ulit dahil once in a lifetime lang 'to.
@AleynnaLoves1D: @onedirection Thank you so much Guys
Naghintay ako for about 1 hour pero wala ng reply. Binati lang talaga nila ako, at ayaw makausap :( Pero solve solve na din ako kasi nagtweet sila sa akin. Best gift ever :))
Dahil nilamon na naman ako ng twitter ay hindi na ako nakalabas maghapon sa kwarto ko at nakatulog din ako ng hindi ko namamalayan
-----------------------
"Ally gumising ka na jan. Kumain ka na ng dinner!" Katok ni Mommy sa pinto ko
"Later na lang po. Not in the mood" Sigaw ko
"Okay. Aalis kami ng Daddy mo. Bye baby!" Sigaw pabalik ni Mommy
Ano? Aalis sila at iiwan nila ang birthday girl dito sa bahay? Hindi naman ako papayag, magwewelga ako!!
"What? Aalis kayo? At saan kayo pupu--"
"SURPRISEEEEEEE!!!!!!!!!" Narinig kong sigaw ng mga tao pagbaba ko galing sa kwarto
Andito ang dalawang bestfriends ko pati ang mga magulang nila, close friends kasi ang mga family namin :)
"Happy Birthday Ally!" Bati ng Daddy ko sa akin at niyakap ako
"Sorry baby, nagplan kami kaya kunwari hindi namin alam" Sabi ng Mommy ko at niyakap ako
Niyakap ko na lang silang dalawa kasi wala na akong masabi. Im so thankful ngayong araw na to, tbh everyday :D Ang bongga ng araw na to. Una, nagtweet ang mga boyfies ko sa akin, HEAVEN ANG FEELING. Second, may surprise pala sila sa akin
Nagkaroon lang ng konting handaan kasi kami kami lang naman. Kasama ko ngayon ang mga baliw kong kaibigan
"Yuck Ally! Ang tanda tanda mo na. Diba Clare?" Tanong ni Kris sa kaibigan naming si Clare
"Yes! Let's throw her in the Home for the Aged" Sang-ayon ng isa at nagtawanan sila
"Manahimik nga kayong dalawa jan!"
Palibhasa kasi 17 pa lang silang dalawa at masakit man aminin, AKO ANG MAS MATANDA. Si Kristen 'Kris' Santos ay natetake ng BST (Tourism) naging kaibigan ko siya nung 1st year college ako. Si Clareth 'Clare' Rae ay kagaya ko na Mass Comm ang kurso, actually classmates kami. Half-british and half-pinay at masasabi niyong inggit ako kasi kalahi niya mga boyfies ko, except kay Niall kasi Irish nga siya :D Hindi rin masyadong marunong magtagalog to pero nakakaintindi
"Psh! Wala matanda ka na!" Ulit ni Kris
"Atleast binati ako ng mga boyfies ko sa twitter" Sabi ko sa kanya at dinilaan siya
"Hey Kris! Don't make fun of her! Umm. Ally? One Direction tweeted you right? Tell them to follow me?" Nakangising tanong sa akin ni Clare
Kaya naman pala pinagtatanggol na ako ngayon oh.
"Sampalin kita eh! Magkakampi tayo dito tapos One Direction lang, iiwan mo na ako!" Nakanguso na sabi ni Kris kay Clare
"DU to the H, Kris! One Direction keya yun!" Depensa naman nung isa kahit na-slang sa word na 'kaya yun'
"And FYI lang ha Ally, hindi mo sila boyfriend lahat, akin si Louis" Sabi niya at uminom ng juice
"And Zaynie Waynie is Mine!" Sabi ni Clare at sumubo ng cake
"And what did you say a while ago? One Direction tweeted you?" Pagrerecall ni Clare
"Oo. Kanina ko pa sinabi yun, ngayon niyo lang napagtanto?" Pagbibiro ko
"Ano sinabi sayo? Hindi kami naniniwala!" Sabi ni Kris!
"Wait! Kukunin ko phone ko!" Sabi ko at tumakbo paakyat
"Faster bitch! Asaan na?" Sabi ni Kris pagbaba ko
"Excited ka te? Hindi halata!" Sabay irap ko sa kanya
Pinakita ko naman sa kanila yung twineet sa akin ng 1D at nagtititili silang dalawa dun sa veranda habang nagtatatalon pa -_- Buti gabi na, wala masyadong tao
"Totoo nga ang ibinibigkas mo! Napakalaking galak ang naramdaman ng aking kalooban dahil sa mensahe na iyan" Purong tagalog na sabi ni Clare
"What the actuall hell? This can't be. OMFG! Bloody Hell!" Sabi ni Kris na may british accent plus bloody hell
Nanlaki yung mga mata ko at alam niyo naman na kung bakit diba? Nagkapalit ata sila ng katauhan!
Pati sila ay nanlaki din ang mata ng malaman nila ang nasabi nila. Lalong nagulat ay si Clare kasi nga hindi pa siya masyadong marunong tapos nakakadugong tagalog yung sinabi niya
Nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan dahil sa milagrong nangyari. Hahaha. Hindi na nga namin namalayan na kailangan na pala nilang umuwi.
"Bye Girls! Talk with you bukas!" Sabi ko at nagbeso beso pa kami
Nag-wave lang sila sa akin kaya pumasok na ako sa bahay at naabutan ko naman ang Mommy at Daddy ko sa sala na may hawak na isang kahon na may ribbon na red
"We got you this!" Sabi ng Daddy ko
"Ano po yan?" Tanong ko
"Regalo. Buksan mo. Bilis!" Utos ng Mommy ko
Binuksan ko ng dahan dahan, kinakabahan ako. Ano kaya ito? Pagkabukas ay nanlaki ang mga mata ko. I can't believe this! Yung pangarap ko matutupad na!
--------------------------
Ano kaya yung regalo sa kanya? Hahaha.
Sino gusto makasali dito sa fanfic na to? Message niyo ako. Ipapartner ko kayo sa kung sino gusto niyo
Vote, Comment or Share :)
(c) lukeyyyismypenguin