My Cold Beautiful Man

By Mrs_ZhangKZ

435 67 0

This is a sequel of His Cellphone Diary. Like HCD, this is also a story that is divided into two parts: The f... More

P R O L O G U E
C H A P T E R - O N E
C H A P T E R - T W O
C H A P T E R - T H R E E
C H A P T E R - F O U R
C H A P T E R - F I V E
C H A P T E R - S I X
C H A P T E R - S E V E N
C H A P T E R - E I G H T
C H A P T E R - N I N E
C H A P T E R - T E N
C H A P T E R - E L E V E N
C H A P T E R - T W E L V E
C H A P T E R - T H I R T E E N
C H A P T E R - F O U R T E E N
C H A P T E R - F I F T E E N
E P I L O G U E
Another Secrets
Another Secrets Chapter #1
The Another Secrets Chapter #3
The Another Secrets Chapter #4

Another Secrets Chapter #2

6 0 0
By Mrs_ZhangKZ

Rhea Amy's POV

Isang nakakatakot na nilalang ang lumabas mula sa mansion at kitang kita ko kung gaano sya karahas pumatay. Punong puno ng itim na aura ang katawan nya kaya di mo maaninag ang itsura nya.

Nakita ko pang umiiyak si Love sa isang gilid.

"Ate..." yan lang ang iniiyak nya. Nilalabanan nila ang kakaibang nilalang na naghahasik ng lagim sa mansion. Napalingon akong muli sa nilalang na iyon. Kalaban nya na ngayon si Barbie, Ace at Michaela. Parehong gumagamit ng Spell sina Barbie at Michaela samantala ginagamit naman ni Ace ang bilis at ang kapangyarihan nyang maglabas ng yelo at magpalamig. Ilang beses nyang pinagtangkaang kulungin sa yelo ang halimaw pero nakakatakas ito.

Napalingon naman ako sa kabilang side ko at nakita si Sky na iyak ng iyak habang pinagagaling si Neil. Napatakbo ako sa pwesto nila. Duguan si Neil. At walang malay. "N-neil? Anong nangyare?"

"K-kinuha nya ang puso ni Neil." Paghikbi naman ni Sky. Niyakap ko si Neil. Wala na syang buhay. Umiyak na din ako nang umiyak. Napatingin akong muli kay Sky. "Sam..."

Tumayo ako at tinulungan na din sina Ace, Barbie at Michaela. Ang hirap basahin ng nasa isip ng halimaw na to. Di ko mabasa kung saan sya titira. Dahil na rin sa wala na ako sa sarili na nakikipaglaban sa kanya. "Amy!" rinig kong sigaw ni Anthon, bago ako tuluyang tumalsik sa pader ng mansion sa labas. Pinuntahan ako ni Anthon. "Amy..." Napabalik ang tingin ko sa halimaw at nakitang nacorner na nya si Michaela. Pero bago nya makuha ang puso nito. Humarang si Sky.

"Sky!" sigaw ko. At pinilit makatayo. Kitang kita ko ang karahasan nya. Kinuha nya ang puso ni Sky na parang bumubunot lang ng halaman. Parang nanghina ang tuhod ko at bigla akong napaupo sa lupa. Napatingin ako sa langit. Ang dilim.

"Kailan ba matatapos ang eclipse na to! Dahil dito kaya sya nagkakaganyan." Sigaw ni Rey at inalalayan nya akong tumayo. "Tutulungan ko si Ace." Tumango naman ako. Nakita ko kung gaano kalakas ang pwersa nya. Magkakonekta sila ng nangyayareng vampire's eclipse.

"Ha-ha-ha-ha-ha! Mauubos ang buong lahi nyo at wala nang magiging mabuting bampira sa mundo! Ako! Ako ang uubos sa inyo." Isang nakakatakot na tinig ang lumabas sa bibig ng halimaw. Isa lang ang masasabi ko... babae sya.

Nakita kong pinatay na din nya si Barbie at Ace. Tumalsik naman si Anthon. Nakita ko pang palapit sya kay Love. "A-ate... Ako to si Love!" sigaw ni Love pero unti unti lang syang nilapitan ng nakakatakot na nilalang.

"Love! Tumakbo ka na! Hindi sya ang ate mo! Sasaktan ka nya!" sigaw ko.

"Hindi!" sigaw naman ni Love at niyakap ang nilalang. Pero gaya ng inaasahan dinukot lang nya ang puso ni Love mula sa likod. "A-ate... mahal kita." Yun ang huling sinabi ni Love bago sya tuluyang mawalan ng malay.

"Hindi!" sigaw ni Anthon. Nakita kong hawak nya ang cursed dagger ni Barbie. Pero sinalubong lang sya ng mabilis na kamay ng halimaw. Pinatay na din nya si Anthon. Napalingon sya sa akin. "T-takbo..."

"Ikaw na lang ang huli..." yan ang sinabi ng halimaw bago sya nagsimulang maglakad palapit sa akin. Napatay na nya silang lahat. Tumakbo naman ako papasok ng mansion. Nakita ko ang iba't ibang bangkay ng mga tito at tita namin. Lahat ay sa puso ang tama. Nakita ko si Mommy. Lumapit ako sa kanya.

"Mommy..." paghikbi ko. Pero naramdaman kong papalapit nanaman sa akin ang halimaw. Dali dali akong tumakbo paakyat sa isang kwarto. Sinarado ang pinto.

Napatingin ako sa malaking salamin sa loob ng kwarto. Nagulat ako nang makita ko si Sam sa loob ng salamin. "Mapipigilan mo pa ang lahat. Mapipigilan nyo pa ang lahat. Mapipigilan ko pa ang lahat."

"Mapipigilan? B-bakit ka nandyan sa loob?" tanong ko sa kanya. Sa reflection ng salamin, nasa likod ko sya kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman sya doon. Muli akong humarap sa salamin. "Paano?"

"Kailangan kong mamatay. Patayin mo ko. Patayin nyo ko." Lumapit sya sa akin mula sa likod at bumulong. "O utusan mo kong patayin ang sarili ko."

"Ano?" yan lang ang tangi kong natanong. Magulo ang sinasabi nya.

"Kailangan kong mamatay!" yan ang isinigaw nya bago sya biglang naglaho at naging abo. Napahawak ako sa salamin.

"Saglit! Eonnie Sam!" sigaw ko pa. At sa di ko inaasahan nakaramdam na lang ako ng pagtusok mula sa likod ko. Nasa likod ko ang halimaw... kinuha na nya ang puso ko. At nakita ko na lang ang sarili ko na unti unting nawawalan ng malay sa salamin.

"Rhea? Rhea?!" bigla akong napabalikwas ng upo mula sa pagkakahaga ko. Napatingin ako sa tumatawag sa akin kaya bigla ko syang niyakap.

"Mamamatay ang buong white clan. Mamamatay ang buong good vampire sa vampire's eclipse." Bulong ko sa kanya.

Bigla naman nya akong niyakap ng todo. "M-may sinabi bang paraan para mapigilan ang mangyayare?" tanong sa akin ni Neil.

"Kailangang..." di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok sa kwarto ko si Ate Sam kasama si Love.

Takot ang tingin ko ngayon kay Ate Sam. Sya ba? Sya ba yung halimaw? "Amy? Eto ang brunch in bed mo. One pm na kasi di ka pa naglalunch at nag bebreakfast." Sabi nya.

"S-s-salamat po."

"May nangyare ba? May..." hahawakan sana nya ko sa kamay nang iilag ko ang kamay ko. "Bakit Amy?"

"Ahh... Sam, Love, baka pwedeng lumabas na muna kayo ng kwarto. Kakagising pa lang kasi nya. Alam nyo namang isa syang oracle kaya..." di na tinapos ni Neil ang sinasabi nya nang magsalita si Ate Sam.

"Ganun ba? Sana di masama ang nalaman mo." Aalis na sya nang bigla ulit syang humarap. "Nga pala Amy, handa na kong malaman ang lahat." Naalala ko nanaman ang nangyare sa panaginip ko... ang mangyayare sa hinaharap. Tumango na lang ako ng may pag-aalinlangan. Nang makalabas na sila.

"Di ko kayang ikwento... S-saka na lang Neil." Tumango naman sya at tatayo na sana nang bigla ko syang hatakin palapit sa akin. Hinalikan ko sya sa labi at niyakap. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal... na mahal... na mahal din kita." Bulong naman nya pabalik. "Minsan lang tayo maging sweet sa isa't isa pero alam ko na nagmamahalan tayo. Kung ano man ang nalaman mo sana makahanap tayo ng paraan para mapigilan ito. Di ko kakayaniing makita kang..." napatigil sya at lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Napaisip ako, "Makita akong mamatay? Hindi Neil... ako ang makakakita ng kamatayan mo." "Mahal kita Rhea Amy. Mahal na mahal."

Ang makikita kita kang walang buhay, iyon ang di ko kakayanin. Umiyak lang ako. "G-gagawa ako ng paraan."

Humiwalay na ako sa pagkakayakap. Pinunasan nya ang luha ko at ngumiti bago umalis. Nag-isip pa ako ng maraming beses bago ko tuluyang makakuha ng lakas ng loob na lumabas at ikunsulta sa kanilang lahat ang mangyayare. Pero pagbaba ko wala ang mga lalake at mga babae na lang ang naiwan sa sala. "Ate... Ayos ka na?" tanong agad sa akin ni Love. Naalala ko nanaman ang pangainip ko. Ngumiti naman ako at tumango.

"Nasaan..."

"Oh! Gising ka na pala Rhea. Nauna na ang mga boys sa gubat. Susunod na din ako." Bigla naman sumulpot si Sky mula sa likod ko, baka galing ng kwarto nya. Hahalik sana sya sa pisnge ko tulad ng nakaugalian nya saming lahat, pag aalis na sya, nang biglang...

"Anong nangyare kay Sky?" tanong ko sa kanila. Nakita kong sugatan sila at parang napaaway pero si Sky ang pinaka napuruhan.

"Nakita na namin yung halimaw na pumapatay ng mga hayop sa gubat. Pero nakatakas." Anthon.

"Michaela ilabas mo ang mga gamit ni Sky sa paghiheal. Pati ang book na gamit nya lagi pag nanggagamot ng bampira." Ace

"Bakit hindi agad naghihilom ang sugat nyo?" tanong ni Barbie.

"May kung ano ang halimaw na yun. Babae sya... Mahaba ang buhok at blonde. Pero punong puno sya ng madilim na aura. Tinawag ko syang halimaw dahil grabe sya pumatay. Nakita ko ang ginawa nya sa isang baboy ramo sa gubat." Neil.

"Rhea! Rhea!" bigla akong natauhan at napaatras. Pangitain nanaman. "Nagliliwanag nanaman ang mata mo." Sabi nya sa akin.

"Mag-iingat ka, Sky. Makakaingkwentro nyo ang halimaw at..." Yan ang binulong ko sa kanya. May pag-aalin langan syang tumingin sa akin. "at... ah~ H-hindi ko na maalala." Lumingon ako sa paligid. Wala si Eonnie Sam, magdidilim na... Sya ang tanging blonde hair sa amin. Sya ang nasa salamin sa panaginip ko. Kailangan ko syang mahanap.

"Sigurado ka?" tumango lang ako. "Kailangan ko na palang makaalis habang maaga pa."

"Pero susubukan naming pigilin ng mga girls. Pagnasubukan naming maaaring wala namang masamang mangyayare." Sabi ko. Agad naman akong tiningnan ng mga confuse looks ng mga girls. Tumango naman si Sky at tumakbo na palabas. "Girls maghanda kayo." Yan lang ang sinabi ko at tumakbo ako sa kwarto ni Sam. Nakasunod naman sila.

"Intayin nyo ko sa labas ng kwartong ito." Bilin ko sa kanila.

Pagkapasok ko. Nakita ko si Ate Sam sa veranda ng kwarto nya nakadungaw sa langit. Tumakbo ako sa tabi nya. "Amy?" she moans. Mukhang antok na sya.

"Ayos lang ba sayo kung ngayon ko titingnan ang future mo?" tanong ko sa kanya. Naglakad naman sya papunta sa kama nya. Sumund naman ako at umupo din sa kama nya.

"Kaya mong ipakita sa akin ang future ko di ba?" tanong nya. Tumango naman ako. Kaya kong ipakita sa kanya ang future nya, mahirap yun pero alam kong kaya ko pa yun.

"Handa ka na ba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya. Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa ulo nya. "Pumikit ka para makita mo rin ang makikita ko." Agad naman syang pumikit. At nang mahawakan ko sya...

Nakita ko si Sam na natutulog na sa kama nya. At nang makatulog sya bigla na lang syang bumangon. Pagmulat nya isang maitim na maitim na mata ang nakita ko. Wala na ang puti sa mata nya. Sumilip sya sa salaman, wala syang reflection sa salamin pero kung titingnan mo ang salamin ng todo, natutulog pa rin sya sa kama. Tumalon sya mula sa Veranda nya at nagtungo sa kagubatan.

Nakakita sya ng baboy ramo at marahas nya itong pinatay. Pero sa di inaasahan nakita sya ng mga lalake at pinagtulungan sya. Lumaban sya, malakas sya. To the point na napuruhan nya si Sky. Oo ang grupo ni Sky ang kinakalaban nya. Nakayuko lang sya habang nakikipaglaban. Masyadong mahaba ang labanan at habulan nila. At nang maramdaman nyang magigising na ang totoong may may-ari ng katawan nagmadali syang tumakas sa gubat. "Sa darating na eclipse magiging akin na din ang katawan mo. Hahahahaha! Hahahaha! At ikaw na ang tuluyang matutulog at makukulong! Hahaha! Hahaha!" yun lang ang sinabi nya habang naglalakad papunta sa kama nya. Puro putik ang paa at puro dugo ang kamay.

Biglang nagising sya at nakita nanamang duguan ang kamay nya. Nagmadali syang maglinis ng katawan at nang makapagbihis tumakbo sya sa kwarto ni Sky. Nakita nyang wala itong malay.

"Tama na!" sigaw ni Sam nang tabigin nya ang kamay ko sa ulo nya. "Totoo ba yun? Ako nga ang pumapatay..." biglang umiyak sya ng todo. "... hindi ako pwedeng matulog."

"Hindi lang yan ang nakita ko ate Sam. Sa darating na Vampire's Eclipse, uubisin ng halimaw sa loob mo ang lahi nating mga good vampires. Makukulong ka sa loob ng katawan mo at di mo na ito magagawang makontrol tulad ng pagcontrol mo ngayon." Pagsasabi ko sa kanya ng totoo.

"Pano ko mapipigilan ang sarili ko?" tanong nya. Umiling lang ako.

"W-walang makakapigil sa halimaw na nasa loob mo. Di mo sya makokontrol pag dumating ang vampire's eclipse. Mamamatay ang buong sangkatauhan." Ayokong sabihin sa kanya ang kaisa isang paraan para mapigil ang mangyayare.

"Hindi. Alam ko may paraan pa. Ikulong nyo ko. Sa secret place ng mansion hindi bat' may kulungan ng mga bampira doon? Ikulong nyo ko doon." Suggestion nya.

"Sobrang lakas ng halimaw ate Sam. Baka ngayon kakayanin pa naming mapigilan ka, pero sa Vampire's eclipse baka..." di nya ko pinatapos.

"Pansamantala muna habang wala pa tayong sulusyon." Sabi nya. Tumango na lang ako at nauna nang magpunta sa secret place ng mansion.

"Anong ginagawa natin sa tapat ng picture ng lolo at lola mo ate Rhea?" tanong ni Michaela.

"At bakit kailangan naming alalayan si Sam?" tanong ni Barbie.

"Malalaman nyo ang sagot mamaya. Pero sana... wag kayong matatakot." Si Ate Sam na ang sumagot. Inipog ko ang malaking frame na sinabi ni Michaela. At nakita namin ang dingding ng bahay. Pumikit ako at naglakad ng direderetso. Naramdaman ko namang tumagos ako sa dingding. Isa ito sa secret way ng mansion. Imagination lang ng lahat ang wall na tinagusan namin sa likod ng malaking picture na yun, dahil ang totoo, wala talagang dingding doon at lagusan talaga yun papuntang secret place.

"Wow! Ang galing tumagos tayo sa wall..." manghang kumento ni Love. Nakita naman agad ni Sam ang kulungang sinasabi nya kanina at agad itong tumakbo papasok doon. "A-ate?" nagtatakang tanong ni Love sa kanya.

Agad kong kinuha ang panglock sa taguan nito at nilock si Ate Sam sa loob. I mouthed sorry to her at tumango lang sya. "Kung ano ang makikita nyo sa akin sana hindi ito malaman ni Sky. Sana wag kayong matakot." Paghikbi nya nang maikulong ko na sya ng tuluyan.

"Ano bang nangyayare?" tanong ni Barbie.

"Makikita nyo." Bulong ko at tuluyan nanamang pumatak ang luha ko. Kumuha kami ng kanya kanyang upuan. Napansin kong nakatulog na si Love at Michaela. Si Barbie naman nakatingin lang kay Sam. Parang inaantok na nga sya... si Sam. Pero pinipigilan nya. At ako din... di ko na din napigilang makatulog.

Nagising na lang ako sa sigaw ni Love. "Ate!" sigaw nya nakita ko namang wala na sa kulungan si Sam at nakaupo na si Love sa sahig, mapula pa ang pisnge nito. "B-bakit nya ko sinampal. Pinakawalan ko na nga sya nung sinabi nyang pakawalan ko sya."

"Pinakawalan mo sya?!" sabay naming sigaw ni Barbie.

"Michaela! Ikaw na ang bahala kay Love. Barbie! Habulin natin si Sam." Dalidali kaming lumabas sa secret place. Tiningnan ko pa ang oras ng relo. Alas tres na ng madaling araw. Nang makalabas kami sa mansion. Napansin kong bilog ang buwan. Habang mabilis kaming tumatakbo ni Barbie. Tinawagan ko si Neil. "Neil sagutin mo..." napatingin naman ako kay Barbie. Nakita kong may dalang pamana si Barbie at dagger.

"Hello?"

"Umalis na kayo dyan nandyan na sya."

"Eh di maganda nang..."

"Di nyo naiintindihan! Malakas sya! Sa sobrang lakas nya mapupuruhan si Sky! Hanapin mo si Sky at ilayo mo na sya. Umalis na kayo!"

"Wait! Di ba kaya nga kami nagpunta dito para pigilan yung bampira na yun? So bakit kami titigil?"

"Di mo naiintindihan! Makikita ko na ang pangyayare! Mapapahamak kayo!"

"May mamamatay ba?"

"Wala pero..."

"O! Wala naman pala eh. Si Sky na lang ang papauwiin namin. Tooot... toooot... toooot..."

"Hello! Neil! Neigel! Argg~ Napaka pasuway!" sigaw ko. Nang makarating kami sa bungad ng gubat...

"Lalagyan ko ng pampatulog ang mga arrow ko para mapatulog nito si Sam. Naiintindihan ko na ang lahat Rhea. Alam ko na, na si Sam at yun pumapatay sa gubat na ito ay iisa. Ngayon ang kailangan natin mahanap si Sam bago tayo maunahan ng mga boys. Nangako tayo kay Sam na di dapat malaman ni Sky ang lahat. Mapipigilan pa naman natin sya di ba? May paraan pa naman di ba?" di ako makasagot sa huli nyang tanong.

"O-oo..." Wala na... wala ng magandang paraan. "Maghanap ka sa taas ako dito sa baba. Naka white sleeping gown sya." Agad naman syang tumalon sa ibabaw ng mga puno. Sinigawan ko pa sya. "Pagsumipol ako ng ganito." Sumipol ako ng may tonong kakaiba na ako lang ang makakagawa. "Ibig sabihin nakita ko na sya. At hanapin mo kami para mapatulog mo sya." Tumango sya at nagtatatalon na sa ibabaw ng puno.

Nandito sya sa gubat para pumatay ng hayop kaya naghanap ako ng hayop. Nakakita ako ng baka na nakatali sa bungad ng gubat kanina. Kinuha ko ito at pinakawalan. At nagtago sa di ka layuan. At di ako nagkamali. Nakita ko syang dahan dahang lumalapit dito. Agad akong sumipol. Bigla namang sumulpot mula sa taas si Barbie. Nakita namin ang ginawa nya sa baka. Dinukot nya ang puso nito. At bago pa man nya mailabas ang kamay nya sa katawan ng baka agad syang pinatamaan ng pana ni Barbie. Natamaan naman sya sa balikat. Pero mukhang hindi sya tinablan ng antok. Napansin kong tumingin sya sa direksyon namin. Agad naman akong lumabas. Sumunod din si Barbie. "Lumapit ka dito." Lakas loob na sigaw ni Barbie sa kanya.

Nakita kong unti unti syang lumapit. Pero nang sobrang lapit na nya sa amin bigla itong bumagsak. Akala ko hindi na sya tatamaan ng antok, akala ko di sya tinablan ng pana ni Barbiee. Agad ko syang binuhat na parang sako ng bigas. "Kailangan natin syang makulong ulit. Bago pa sya magising." Sabi ko kay Barbie. Tumango naman ito. Pero bago kami nakaalis nakarinig kami ng ingay mula sa direksyong pinanggalingan namin.

"Saglit! Sino kayo?!" sigaw ng isang lalaki. Si Sky... sigurado ako. Pero sobrang layo na namin para muli pang lumingon at siguradong sa sobrang layo namin ay di na nya kami makikilala. Nang makabalik kami sa kulungan nakita kong nandoon pa rin sina Love at Michaela. Ang pula at parang may galos pa din ang mukha ni Love.

"A-anong nangyare kay ate? Bakit puro dugo ang kamay nya?" tanong ni Love.

"S-si Ate Sam ba at ang pumapatay sa gubat ay iisa?" deretsahang tanong ni Michaela. Tango naman ang naisagot ni Barbie.

"Hindi! Hindi totoo yan!" agad namang tumakbo si Love sa kulungan at umiyak ng umiyak. "Ate! Gumising ka! Hindi bat..." bigla namang nagising si Sam at maitim pa rin ang mata nya. Agad akong tumakbo kay Love at hinigit sya palayo sa kulungan.

"Grrr... Pakawalan nyo ko! Arggg... Mamamatay kayo! Pakawalan nyo ko!" sigaw ni Sam mula sa loob. Kakaiba ang boses nya na parang hindi sya.

"Ate! Ate gumising ka! Hindi ito totoo! Hindi!" dahil sa pagpapanic biglang nawalan ng malay si Love. Agad ko naman syang nasalo. Patuloy lang sa pagsigaw si Sam sa loob ng kulungan. Si Barbie naman dinala na si Love sa kwarto nya. Mga mag-6 na ng umaga ng makabalik na ang totoong Sam sa katawan nya.

"B-bakit may dugo pa rin? Di bat kinulong nyo na ako?" tanong nya.

"Pinakawalan ka ni Love." Sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya. "Di mo naman sya nasaktan ng todo. Yun nga lang nawalan sya ng malay dahil sa pagkabigla. Pero okay na sya."

"Ate... Papakawalan na kita kailangan mo nang magbihis baka dumatingna sina Kuya Sky at makita ka ng ganyan. Di ba sabi mo ayaw mong malaman nya ang lahat?" Michaela.

"Eto ang damit Sam. Iintayin ka na lang namin sa labas ng secret place." Agad na binuksan ni Michaela ang kulungan. Lumabas naman si Sam at nagpunta sa CR ng secret place. Nakarinig kami ng hikbi at pagpatak ng shower bago kami naglakad paalis.

"Ayos na ako... Pupunta lang ako sa kwarto ko." Sabi ni Sam. Naglakad naman kami papuntang sala at nakita naming ang mga boys na parang puyat na puyat. Si Michaela naman nagserve na agad ng kape sa kanila.

"Akala ko ba Amy makakasagupa namin yung halimaw?" tanong agad ni Sky.

"Oo nga, sabi mo nasa gubat na sya kagabi." Dugtong ni Neil.

"Sinabi ko naman sayo Neil di ba... Na umalis na kayo dahil pag hindi mapapahamak si Sky!" sigaw ko kay Neil. At akmang lalapit na sa kanya para suntukin ng isa nang pigilan ako ni Anthon. Nagtago din bigla kay Ace si Neil. Dahan dahan din naman akong huminahon.

"Amy wag ka ng magalit wala namang nangyareng masama kay Sky eh." Anthon.

"Saka di nga namin nakasagupa yung halimwa eh." Ace.

"Sinong halimaw?" bigla kaming napalingon sa nagsalita, si Love.

"Yung pumapatay..." Anthon.

"Hindi sya halimaw!" sigaw ni Love sa kanya.

"Anong nangyare sa pisnge mo?" tanong ni Ace sa kanya. Napahawak naman si Love sa pisnge nya.

"N-nasampal ko sya kagabe. May ginawa kasi syang mali." Napalingon kaming muli sa nagsalita pero this time sa likod na ni Love, si Sam.

"Ate..." tumakbo si Love sa ate sya at umiiyak na yumakap. "S-sorry..." hikbi pa nito.

"Ako nang bahala sa kanya. Magpahinga na kayo." Sabi ni Sam at naglakad na sila paakyat.

"Sinabi ko naman sayo na gagawan namin ng paraan di ba?" pagbaling ko ng tingin kay Sky. Napakunot naman sya ng noo.

"Ikaw ba yung..."

"Hindi ako yun." Agad kong sagot. Tumango lang si Sky na parang naguguluhan. Si Ace naman tiningnan ako ng puno ng hinala kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Ahh... boys... Magpahinga na kayo. Saka alam naman nating next next week pa ang susunod na full moon kaya sa susunod na lang ulit kayo magpuyat." Barbie.

Sammielyn's POV

Pumasok kame sa kwarto ko. Bumitaw ako sa pagkakaakbay sa kanya at nagpunta sa tapat ng salamin. "Accept the fact Love." Madiin pero may hikbi kong pagsabi kay Love. Nakita ko naman na papalapit sya sa akin at bigla akong niyakap mula sa likod.

"Ate... I-I... I can't." bulong nya at umiiyak na din.

"Tinawagan ko na sina Mommy at Daddy. Uuwi sila dito sa Pilipinas kasama ang mga Tita." Bumuntong hininga ako. "Alam na nila ang tungkol sa nangyayare sa akin. S-sinabi ko na sa kanila kanina." Sabi ko pa sa kanya. "Kung nahihirapan kang iaccept sa tingin mo ako hindi nahihirapan?"

"Ate..."

"Puro ate na lang ba ang sasabihin mo?"

"Ate..."

Humarap ako sa kanya at hinawakan sa magkabila nyang balikat. "M-may pakiusap ako sayo. Kada full moon ikulong mo ako sa secret place ha?" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Ate naman eh..."

"Makinig ka kailangan mong gawin yun. Sa ganung paraan wala akong mapapahamak!" sigaw ko sa kanya at nang tutulo na ang luha ko tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa veranda. "Ako ang sinasabi nilang monster vampire na may sobrang lakas na dark aura. Hindi ko pa napapakita ang sobrang lakas dahil kakagising lang ng dark aura ko nung isang araw. Pero..."

"Pagkinulong ka naman namin lagi kada full moon di ka naman makakasakit hindi ba?"

"Sa Vampire's Eclipse papatayin ko ang buong sangkatauhan." Nakaramdam ako ng biglang bumagsak mula sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Love na naka upo sa sahig at iyak ng iyak.

"No... Hindi ikaw yun... Hindi ikaw ang sinasabing nakatakdang umubos sa white clan."

Umupo ako at pinatingin ko sya sa akin. "AKO YUN! AKO! HINDI MO BA NAGETS? PAPATAYIN KO KAYO... P-p-papatayin kita." sigaw ko sa kanya at pabulong ang bandang dulo.

Bigla naman nya kong niyakap at umiling ng umiling "Di ba may sulusyon pa? Hindi ba?" tanong nya. Hinawakan ko naman ang balikat nya at ngumiti ng mapait.

"B-basta ikaw ang magkukulong sa akin lagi ha? At... ayokong malaman to ni Sky." Sabi ko pa sa kanya.

"Pano si Kuya Sky?"

"Siguro hindi ako ang nababagay sa kanya. Pagnakakuha ako ng lakas ng loob... m-ma-makikipaghiwalay na ako sa kanya at lalayo na ng tuluyan."

"Ate..."

"Alam kong masakit ang gagawin ko. Masakit to sa amin pareho. Pero kailangan ko..." tumayo naman ako at pinatayo ko na din sya. May naramdaman naman akong presensya sa labas ng pinto. Pinunasan ko muna ang luha sa mukha ko at huminga ng malalim bago ito binuksan. Nakita ko naman si Michaela.

"K-kakatok na po sana ako." Sabi nya. Nakita ko naman na may dala syang breakfast for two. Napalingon pa ko kay Love na nakatalikod sa amin at nakaupo na sya sa kama. "P-para po sa inyo. Kumakain na po kasi sila sa baba. Di na po namin kayo inistorbo kasi parang malalim po ang pinag-uusapan nyo."

"Salamat Michaela... Napakabait mo talaga. Sige bumaba ka na baka naistorbo pa namin ang pagkain mo." Tumango naman sya at palingon lingon pa sa akin habang naglalakad palayo. Nang makalayo na sya pumasok na ako dala ang tray na dala nya. "Love! Tingnan mo oh! Favorite mo ang hinanda nila. Dinuguan."

"Ayoko po ng dugo!" sabi nya.

"Siguro mas maganda kung mapunta si Sky kay Michaela. Bagay sila hindi ba?" inilapag ko na lang sa table sa tabi ng kama ko ang pagkain.

"Ate?" tumayo na sya sa pagkakataon ito. "Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo?"

"Mas masasaktan ako kung iiwan ko si Sky na hindi masaya! Naiintindihan mo Love?"

"Pero ate..."

"Kung ano mang mangyare. Siguraduhin mong mapupunta si Sky kay Michaela."

Nakarinig na lang ako ng dabog ng pinto. Lumabas na sya. Kailangan nyang tanggapin ang lahat. Kailangan nyang tanggapin tulad ng pagtanggap ko.

Makalipas ang isang buong maghapon nakarating na ng payapa sina Mommy at Daddy. At eto nga kausap nila kami ni Love sa loob ng kwarto ko.

"Totoo nga ang sinabi mo dati na sayo magmumula ang papatay sa buong vampire clan." Rinig kong sabi ni mommy kay daddy.

"Oo pero di ko akalaing ganito. Sobra ang kwento sa akin ni Amy." Sagot ni Daddy.

"Totoo po ang kwento nya. Marami na po akong napatay na hayop sa gubat noong nakaraang fullmoon. At nararamdaman kong mas lumalakas ang halimaw sa loob ko." Singit ko sa kanila. Agad akong niyakap ni mommy.

"Gagawa tayo ng paraan." Bulong pa nya.

Napatingin ako kay Love na nasa couch ng kwarto ko at magkasalubong pa ang kilay. "Narinig kong sinusungitan mo si Michaela. Lalo na pag lumalapit sya kay Sky." Sabi ko sa kanya nang makakawala ako sa yakap ni mommy.

"So sa akin ka magagalit?" ngayon ko lang nakita ang masamang side nya. Lahat naman ay kilala sya bilang sobrang bait. Silang dalawa ni Michaela... sobrang bait nila.

"Love ano ba?!" sita ni dad nang makita nya ang inasta ni Love.

"Ano? Ako nanaman?" tumayo sya at humarap sa akin. "Ako nanaman ang di makaintindi!"

"Oo!" tumayo din ako at lumapit sa kanya. "Ikaw nanaman ang di makaintindi! Bat ba di mo na lang tanggapin ang lahat?! Napakaselfish mo! Ang iniisip mo lang ang feelings mo."

"Oo na! Selfish na ako! Kasi ikaw... selfless! Hindi mo man lang ba inisip na ikaw naman ang maging masaya sa dulo?"

"Bakit kasi di mo tanggapin na hindi ako magiging masaya sa dulo? Kasi sa dulo papatayin ko kayo! Papatayin kita! Di mo ba magets?"

"Ano ba?! Ikaw Love! Hindi mo ba maintindihan ang sitwasyon? Ang ineexpect kong magkakaron ng attitude problem ay si Sam kasi sa lahat ng nandito sya ang may malaking problema." Tiningnan naman ako ni Dad. "At ikaw... gagawan nga natin ng paraan hindi ba? Walang mamamatay! Wala kang papatayin!" sigaw sa akin ni dad.

"Tama na pwede ba?!" sigaw naman ni Mommy. "Dapat magmahalan tayo hindi ganito! Bakit ba tayo nagsisigawan?"

Lumapit sa kanya si daddy at niyakap sya. "Love tawagin mo si Amy... Kailangan naming magpakunsulta sa oracle." Nakita ko na umiiyak si Love kaya ako na ang tumayo.

"Ako na po." Sabi ko at nagpunta sa sala. Nakita ko pa si Barbie na akbay si Michaela na halatang malungkot sa isang sulok. Si Sky naman napatayo nang makita ako. Pero umiwas ako nang tingin nang magtagpo ang mata namin. "Amy..." agad namang tumayo si Amy at nagpunta sa tapat ko. Ngumiti ako ng konti at naglakad na kami pabalik ng kwarto. Pagpasok ko ng kwarto nakaramdam agad ako ng yakap mula sa kapatid ko.

"Ate... sorry. Sorry kung di ko agad matanggap ang lahat. Pero ayos na po kong ngayon, naiintindihan ko na po ang side nyo." Sabi pa nya.

"Amy..."

"Kung itatanong nyo po kung ano ang sulusyon..." napatingin sya sa akin tapos tumingin sya kay Love. Bago bumalik ang tingin nya kina mommy at daddy.

"Oo. Yun nga ang itatanong namin... Anong sulusyon?" tanong ng mommy. Nakatingin lang ng deretso sa mata ni daddy si Amy. At hindi ito nakapagsalita.

"Amy..." umiiyak na bulong ni mommy pero rinig naman ng lahat sa kwarto. Napatingin sa kanya si Amy. "Ano ang sulusyon?" pero walang narinig na boses sa bibig ni Amy.

"M-may... may sulusyon ba?" agad na napaharap sa akin si Amy. At nakita kong umiyak na lang sya ng bigla.

"Sorry... sorry... sorry..." yun lang ang hikbi ni Amy habang umiiyak.

"Ano ba kayo?! Bat kayo nag-iiyakan. Hindi porket sinabi na ng oracle na walang sulusyon wala na talagang sulusyon. Meron yan." Umiiyak na pahayag ni Love. Napayakap naman ako sa kanya. Tama... tiyak may sulusyon pa!

Nakalipas ang ilan pang mga araw...

"Saglit... saglit Sam." Napalingon ako sa likod ko. Si Sky.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Kahit kasi nasa iisang mansion kami iniiwasan ko sya.

"May problema ba tayo?" kumunot naman ang noo ko. At nagmaang maangan na wala naman.

"Wala naman. Pano mo naman nasabi?" wala akong narinig na sagot pero nakatanggap ako ng yakap na sobrang namiss ko.

"Namiss kita." Sabi nya.

"Ah... may aayusin kasi ako sa restaurant ngayon eh." Humiwalay ako sa yakapan naming at ngumiti bago tuluyan syang iwan.

Nang makauwi ako, gabi na. Nasa veranda ako. Napatingin ako sa langit. "Malapit nanama ba ang oras ng fullmoon?" Chineck ko ang phone ko. Two weeks pa naman.

Maya maya nakarinig ako ng malakas na pagbukas at pagsara ng pinto sa kwarto ko. Agad akong napalingon at nakaramdam ng pagdampi sa labi ko. Namiss ko ang mga halik nya. Nung una hindi ako sumasagot sa mga halik nya hanggang sa sinagot ko na din lahat ng halik nya. Nang di na ko makahinga itinulak ko sya ng bahagya. "Sky? Lasing ka..." sabi ko pero bigla na lang nya kong hinila papasok sa kwarto ko at muling hinalikan. Naramdaman kong bumaba ang halik nya sa leeg ko. Alam kong iba na ito pero hinayaan ko lang sya. Di ko sya pinigilan tulad ng nakaugalian kong gawin kada nangyayare to sa amin.


Sky's POV

Nagising ako sa kama ni Sam. Ngumiti pa ko bago ko naramdamang ang sakit ng ulo ko. Napalingon ako sa paligid. Wala sya... muling nawala ang ngiti sa labi ko. Pero maya maya may lumabas sa CR ng kwarto nya. Si Sam... Bagong ligo ito. Tinitigan ko lang sya. Naka dress ito na red.

"Gising ka na pala! Magbihis ka na nga! Dito ka pa nagsleep over sa kwarto ko." Naalala ko naman ang nangyare kagabe. Akala ko magagalit sya sa akin.

"Sorry... g-galit ka ba sa akin?"

"Bat ako magagalit? Lagi mo namang ginagawa yun paglasing ka eh." Sabi nya at ngumiti.

"Pero kagabe... hindi mo ko pinigilan." Bulong ko pa. Nakita ko naman na ngumiti sya at lumapit sa akin.

"Kung ano man ang nangyare sa atin... nasa edad naman tayo di ba?"

"Oo pero sabi ko sayo pigilan mo ko lagi di ba? Gusto ko pagkatapos na ng kasal natin yun..."

"Hahaha~ Bakit parang ikaw pa ang nag-aalala? Di ba dapat ako? Ako ang babae dito." sabi nya habang tumatawa. Tapos tiningnan nya ko sa mga mata. "Siguro namiss lang kita ng sobra."

"Babalik na ba tayo sa dati?" tanong ko sa kanya. Isang ngiti lang ang sinagot nya sa akin kaya hinalikan ko sya sa noo. "Sige magbibihis na ko." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na lumabas na sya ng kwarto nya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...