(third person POV)
Hindi alam nila Ren at Roo ang nangyari kay Raikoo. Bigla na lang sumakit ang ulo nito at nawalan ng malay. Nasa kritikal na kondisyon ito ngayon lalo na at nagka amnesia ito 2 years ago.
flashback**
Two years ago. Nasa hideout si Autumn(yung totoong Autumn) at may nakita siyang bata na umiiyak. Naawa siya sa bata dahil puro sugat ang katawan nito. Ginawan niya ito ng gamot at tinulungang makatakas. Doon niya napag alaman na anak pala ito ng isang mafia lord. Inutusan ang gang nila ng BLACK HAWK CLAN, ito ay ang clan ng elders ng phoenix na patayin ang bata para magdusa ang mafia lord ng kalaban na clan.
Dahil niligtas ni Autumn ang bata tinugis siya ng mga phoenix sa utos na din ng elders. Tinulungan siyang magtago ni Jimei sa isang apartment. Doon siya nagtago dahil alam niyang papatayin siya ng mga kamembers niya. Sa kabilang banda si Raikoo naman ay lumaban sa elders para sa kaligtasan ni Autumn. Ang alam ng lahat ay kasintahan ni Raikoo si Autumn pero hindi yun totoo. Mula pa lang nung bata sila magkaibigan sila. Alam ni Autumn na mahal ni Raikoo ang kapatid niyang si Winter kaya tinulungan niya si Raikoo.
Nagpanggap silang magkasintahan para sa tuwing magpapanggap si Winter bilang siya makakasama ni Raikoo si Winter. Maayos naman ang takbo ng lahat pero dahil nga sa pagtulong ni Autumn sa bata nanganib ang buhay niya.
Sinubukan ni Raikoo na iligtas ang kaibigan pero hindi pumayag ang mga elders. Nakipaglaban siya para sa kaligtasan ng kaibigan pero nahuli siya. Tumawag si Ren sa elders at sinabi na nahuli na nila si Autumn. Dali daling sumakay ang mga elders sa mga sasakyan nito. Sinubukang habulin ni Raikoo ang mga ito gamit ang motor niya pero nagkamali siya ng liko at naaksidente siya.
Sa kabilang dako pinaalis ng mga elders ang phoenix dahil sila ang papatay kay Autumn. Naabutan nilang nakatali si Autumn sa isang upuan. Binuhat nila ito at itinali sa isang malaking dart board. Pinahirapan nila si Autumn hanggang bawian ng buhay. Naiwan ang tatlong elders para pahirapan si Autumn. Sakto namang dumating si Winter at walang habas na pinatay ang tatlo. Mula noon pinaghanap na ng Black Hawk Clan si Poison(Winter).
Habang si Raikoo naman ay sinugod sa ospital at Na coma sa loob ng dalawang buwan. Pagkagising nito wala na itong maalala. Pinaalala sa kanya lahat maliban na lang kay Autumn ayon na din sa utos ng mga elders.
end**
Nag aalala ang mga kaibigan ni Raikoo sa nangyayari sa kanya. Pinagdadasal nila na sana wag ng bumalik ang mga nawalang ala ala nito dahil magaganib ang buhay nito sa mga elders. Tinawagan din ni Ren sila Autumn para sabihin ang nangyari kay Raikoo.
Agad na dumating sila Autumn kasama ang buong shadow maliban kay Nathan, Sky at Kai para bantayan ang mga babae nilang kaibigan. Nalaman kasi nila ang nangyari kay Autumn kanina at natatakot silang sugurin ang mga babae at mapahamak ito.
Pinagawa ni Autumn ng gamot si Raikoo kay Thunder(heal) para mabawasan ang sakit na nararamdaman nito. Matapos mapainom ng gamot medyo umayos na ang pakiramdam ni Raikoo.
Umalis naman sandali ang Shadow para bumili ng mga gamit na kailangan sa ospital at mga damit ayon na din sa utos ni Autumn.
Naiwan si Autumn, Ren at Roo sa loob ng room ni Raikoo. Di mapalagay ang dalawang lalaki dahil na din sa kinukwento at nasaksihan ni Roo kanina.
"Autumn na-nakita kita kanina sa isang iskinita."- Roo
"anong nakita mo?"- Autumn
"Nakita kong nakipaglaban ka sa mga assassins."- Roo
"ah ganun ba. Kailangan kong protektahan ang sarili ko. Matagal ng may nagtatangka sa buhay ko."- Autumn
"bakit naman?"- Ren
"hindi ko din alam. Yun din ang dahilan kung bakit ako umuwi dito sa pilipinas. Mas mapanganib kasi sa korea."- Autumn
"Kaya ba lagi mong kasama yung 12 na hyungs mo?"- Ren
"oo pinoprotektahan nila ako sa mga gustong pumatay sakin. Lagi na lang akong inaatake. Dati di ako nakikipaglaban puro gawa lang nga gamot ang ginagawa ko. Pero mula nung may nagtangka sa buhay ko tinuruan ako ng mga hyung ko ng self defense kaya kahit pano kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko."- Autumn.
Hindi naman nakaimik ang dalawa. Hindi sila makapaniwala na ganun pala ang nararanasan ni Autumn. Nawala ang takot ng dalawa kay Autumn at napalitan ng awa para sa sinasapit ni Autumn.
Si Autumn naman ay natuwa dahil naniwala ang dalawa sa kanya. Napapaikot pa din niya ang mga ito at napapaniwala sa mga kasinungalingan niya.
Dumating ang mga shadow na may dala ng mga pagkain at gamit. Sabay sabay silang kumain sa loob ng room ni Raikoo. Napalapit na si Ren at Roo sa mga ito. Hindi nila batid na ang mga ito ang maaaring tumapos ng buhay nila.
Lumipas ang mga araw pero hindi pa din nagigising si Raikoo. Nagpalitan sila sa pagbabantay dito. Isa sa umaga at isa sa gabi. Naging madali naman sa kanila ito dahil madami silang nagpapalit palit sa pagbabantay.
Gumawa na din ng gamot si Autumn para magising na ito. Kinagabihan nagkamalay ito sakto namang si Autumn ang bantay niya.
Lingid sa kaalaman ng lahat bumalik na lahat ng nawalang alaala ni Raikoo at naaalala na niya ang lahat.
Agad siyang lumapit kay Autumn na ikinabigla naman nito.
"Autumn naaalala ko na ang lahat" masayang sabi ni Raikoo
"huh anong naaalala mo?"- Autumn
"Autumn salamat sa diyos at ligtas ka. Mabuti na lang at ligtas ka. Nakipaglaban ako sa elders para di ka nila saktan. Mabuti na lang at ayos ka lang."- Raikoo
Naguluhan naman si Autumn sa sinabi sa kanya ni Raikoo. Wala siyang kaalam alam dahil na din sa nagpapanggap lang siya bilang si Autumn.
Nilihis na lang niya ang pinag uusapan nila at pinakain niya si Raikoo. Pinainom na din niya ito ng gamot na ginawa niya para na din mawala ang sakit ng ulo nito.
Pinagpahinga niya muna si Raikoo at sinabi niyang bukas na lang sila mag usap. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinabi kanina ni Raikoo. Sinasabi ng puso niya na maniwala ngunit sinasabi ng utak niya na huwag. Litong lito na siya kung ano ang paniniwalaan niya.
Siguro bukas papakinggan niya si Raikoo at saka na siya magdedesisyon kung ano ang paniniwalaan niya.
_____________________________________
ceikret
**edited**
ai wo