They Meet Again (COMPLETED)

By nrizyap

611K 6.9K 1.2K

"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never... More

ABOUT THE STORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (part 1)
CHAPTER 2 (part 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (part 1)
CHAPTER 8 (part 2)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (part 1)
CHAPTER 17 (part 2)
CHAPTER 18 (part 1)
CHAPTER 18 (part 2)
CHAPTER 19 (part 1)
CHAPTER 19 (part 2)
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 20 (part 2)
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (part 2)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (part 1)
CHAPTER 30 (part 2)
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (part 1)
CHAPTER 39 (part 2)
CHAPTER 40
EPILOGUE
HEADS UP!
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
HOW IT ALL STARTED
Teasers

CHAPTER 21

10.1K 113 27
By nrizyap

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Nagbabasa lang ako ng libro dito sa living room habang nakikinig ng music. Mabuti na lang at bakasyon ngayon. Hindi ko kailangang isipin ang assignments, papers, deadlines, long exams, grumpy old professors, maiingay na mga kaklase, at iba pang mga bagay na magpapaalala sa akin ng nakamamatay na buhay sa loob ng university.


Unang taon pa lang pero dumugo na ang utak ko. Paano pa kaya sa darating pang tatlong taon? Good luck na lang sa akin. Sana mag-survive ako.


Pagkatapos ng madrama pero sobrang saya kong debut, balik na naman sa normal ang buhay ko. Hindi ko naman sinasabing parang nagdaan lang ang debut ko. Syempre, habang buhay nang nakatatak sa isipan ko ang mahalagang araw na iyon at pati na rin ang mga pangyayari.


Higit sa lahat, hinding hindi ko makakalimutan ang efforts ng mga magulang ko. Si mommy ang nagpagod at nag-ayos ng lahat-lahat para sa okasyon na iyon habang si daddy naman, pinilit umuwi para sa akin.


Nakakalungkot din dahil kinailangan din niyang bumalik sa Europe pagkatapos ng isang linggo. Sobrang dami daw kasi nilang tina-trabaho ngayon sa kumpanya lalo na't may bago na namang merger. Pero masaya na rin ako dahil nakasama naman namin siya noong debut ko.


Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano ang maitatawag ko sa kung ano ang mayroon kami ni Dylan ngayon. Parang nasa courting stage pero mag-on? Hindi ko talaga alam. Tatlong linggo na kaming ganito.


Sabi kasi niya sa akin, parte na daw ng panliligaw niya yung efforts niya noong unang taon namin sa university. Sabi ko nga sa kanya, napaka-unfair naman niyon kasi wala pa naman akong ka-ide-ideya noon na 'yun na pala iyon. Ni hindi pa nga rin siya nagtatanong sa akin kung papayag akong maging girlfriend niya eh!


Pero napapaisip din naman ako. Kung tutuusin, napaka-effort na ng pagtawag niya sa akin sa phone tuwing gabi para lang sabihin sa akin na matulog na ako at pati na rin ang pagbili niya ng snacks para sa akin tuwing hapon.


Isa pa, ayaw ko naman na siyang pahirapan ulit. Sapat na 'yung ilang taon niyang pagdurusa dahil sa pag-iwan ko sa kanya noong mga bata pa kami. Ayaw ko nang maulit ang ganun.


Speaking of Dylan, nasaan kaya 'yun ngayon? Hindi pa kasi siya tumatawag o nagtetext sa akin. Hindi pa rin siya nag-oonline sa kahit aling social networking site. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Medyo suspicious na pero sige, maghihintay na lang ako ng ilang oras. Baka isipin niyang napaka-OA ko.


Hindi pa naman official 'yung relasyon namin eh. I mean, may 'thing' naman na talaga kami pero hindi ko alam kung kami na. Basta, ewan. Kahit ako naguguluhan na rin.


Pagkalipas lang ng ilang minuto, tumunog ang doorbell. Dahil sobrang init at nakakatamad tumayo, hinayaan ko na lang ang isa naming yaya na magbukas ng pinto. Habang nagbabasa pa rin ako ng libro, bigla na lang may tumakip sa mata ko. Si Aki lang naman ang gumagawa ng ganito sa akin simula pa noong nasa States pa kami.


"Aki?" sabi ko sabay tanggal sa kamay na nakatakip. Syempre, hawak ko pa rin ang dalawa niyang kamay. Baka kasi magtago pa siya at hindi ko pa mahuli. Pagtingin ko naman sa likod ko, si Dylan ang nakita ko.


"Alis na pala ako. Mukhang ine-expect mong bisita si Aki eh" sabi niya na halatang naiirita na naman. Babawiin na sana niya ang kamay niya at aalis na siya pero bigla ko na lang ulit hinigpitan ang hawak sa kanya.


"Sus! Nagtampo ka na naman. Sorry na. Umupo ka na dito. Si Aki kasi ang madalas na gumagawa sa akin niyan noong nasa States pa kami kaya akala ko siya 'yung dumating" pagpapaliwanag ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at napahawak pa siya sandali sa batok niya.


"Kate, alam kong magkaibigan kayo. Pero puwede bang huwag ka na munang magbanggit ng tungkol sa kanya o kahit pa ang pangalan niya kapag magkasama tayo?" pakiusap niya. Bigla na lang akong natawa.


"Anong nakakatawa?" tanong niya. "Selos ka kay Aki?" pang-aasar ko naman sa kanya habang natatawa pa rin. "Hindi" matipid naman niyang sagot at iniwas pa niya ang paningin niya. Lumapit ako sa kanya at bigla ko na lang kinurot ang magkabila niyang pisngi.


"Umamim ka, selos ka 'no?!" pang-aasar ko na naman habang tumatawa pa rin at habang kurot ko pa rin ang magkabila niyang pisngi. Tinanggal niya ang dalawa kong kamay na nakakurot sa pisngi niya.


"Ide-deny ko pa ba? Eh halata na nga" sagot naman niya. Dahil umamin siya, may ngiting tagumpay na naman ako!


"Teka nga. Bakit nga pala nandito ka?" pag-iiba ko ng usapan. "Surprise visit. Di naman bawal, diba?" sabi naman niya.


"Eh bakit di ka man lang nag-text o tumawag kanina bago ka pumunta?" tanong ko naman sa kanya. "Surprise visit nga, diba? Uy, ano 'yun?" tinuro niya 'yung sahig pero wala naman akong nakikita.


"Ha? Ang alin?" tanong ko naman sa kanya habang pilit na hinahanap kung ano 'yung tinuturo niya. "Ah, utak mo pala 'yun. Di mo na ginagamit? Benta mo na. Hahaha!" at tumawa pa talaga siya ng malakas. Heto na naman siya sa kalokohan at pang-aasar niya. Nag-poker face naman ako sa kanya.


"Ah ganun? Kanino ko ibebenta? Kay Aki?" buwelta ko naman sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa.


"Anong sinabi ko kanina? Tsaka isa pa, kung ibebenta mo lang din, sa akin mo na lang ibenta" sabi naman niya.


"At bakit ko naman ibebenta sa'yo?!" pagtataray ko naman sa kanya.


"Para mabasa ko 'yung laman ng utak mo. If I know, puro Dylan ang laman niyan. Hahaha" pang-aasar naman niya. Inirapan ko naman siya.


"Asa ka naman. Isa pa, hindi mo kayang bilihin itong utak ko! Mahal 'to 'no" sabi ko naman sa kanya.


"Mahal? Kaya kong bilihin 'yan!" pagmamayabang naman niya. "At magkano naman ang ibabayad mo dito, aber?!" pagtataray ko naman ulit sa kanya.


"Sapat naman na siguro 'yung puso ko, diba?" sabi naman niya habang nakangiti sa akin. Dahil doon, tinulak ko na lang 'yung pisngi niya patagilid habang tumatawa siya.


"Ewan ko sa'yo. Ang corny mo talaga" sabi ko kahit alam ko sa sarili ko na namumula na ako dahil sa sinabi niya. Habang tumatawa pa rin siya, bigla na lang niyang inipit ng dalawa niyang kamay 'yung magkabila kong pisngi kaya naman naka-pout ako.


"Kinilig ka naman" sabi naman niya habang nakangiti nang nakakaloko. Bigla na lang nanlaki ang mata ko nang ninakawan niya ako ng isang mabilis na halik at binitawan na rin naman niya ang magkabila kong pisngi pagkatapos.


"H-Hoy! Chancing 'yun ah!" sabi ko sa kanya sabay pinalo ang braso niya.


"Bakit? Wala ba akong karapatan?" tanong naman niya habang tumatawa pa rin. "Wala!" sigaw ko naman sa kanya. Biglang nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.


"Abaaa" sabi niya habang papalapit ng papalapit sa akin. Ako naman, gumigilid lang sa couch.


"Oy ha! Huwag kang lalapit!" pagbabanta ko sa kanya.


"Bakit? Ano bang gagawin ko?" tanong niya habang lumalapit pa rin sa akin. Pag-atras ko, nasa dulo na pala ako ng couch. Paglapit niya, bigla na lang niya akong kiniliti sa tagiliran. "Hahaha! Tama naaa! Hahahahaha!" pinilit kong tanggalin ang kamay niya.


Nang naitulak ko naman siya, tumakbo na lang ako palayo sa kanya habang tumatawa pa rin. Hinabol niya ako kaya tumakbo lang ako sa kabilang side ng bahay.


"What are you doing?" nang narinig namin si mommy, tumigil naman kami. "Mommy, si Dylan hinahabol ako" pagsusumbong ko kay mommy. "Tita, inaaway kasi ako ni Kate" pagsusumbong din naman ni Dylan kay mommy.


"Mga batang 'to talaga oh. Tama na nga 'yan. Mabuti pa, tara na sa kitchen. Magmeryenda na tayo" sabi naman ni mommy. Nang naglakad siya, sumunod na lang kami.


Habang naglalakad naman kami papuntang kitchen, pinipigilan namin ni Dylan ang tawa namin. Tinuro ko siya at sinenyasan na tumigil na. Kung ganito lang din kay Dylan ang makakasama mo araw-araw, asahan mo na talagang walang dull moments.






Continue Reading

You'll Also Like

88.7K 1.3K 37
Five Years Late is a coming-of-age story of a person's journey to personal growth and self-acceptance by embracing the inevitable changes in her life...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
128K 11.9K 64
The love story of VictoRi continues. This time let's see how these executives will Set-Up Daniel Monteiro and Allona Mendez for them to realize that...
1.6M 53.2K 64
A Eighteen-years-old Patricia Alcantara, A girl who fell inlove with her bestfriend. She doesn't know what to do and how to confess her feeling for h...