As I Lay Dying [SOON TO BE PU...

By JustCallMeUno

189K 3.3K 471

Ginamit lang siya ni Katherine para may taga-gawa ng mga projects niya at mga assignments sa school dahil ala... More

As I Lay Dying
COPYRIGHT © 2012 by JustCallMeUno
A Late Walk
As I Lay Dying: Prologue
Chapter 1: Five Years Later
Chapter 2: Familiar Guest
Chapter 3: Invitation
Chapter 4: The Lost Brother
Chapter 5: A Night to Remember
Chapter 6: I'm Sorry, I'm Dying
Chapter 7: Nathan
Chapter 8: A Redemption for Love
Chapter 9: Despicable Romance
Chapter 10: Remember my name, It's Trinity, Bitch!
Chapter 11: Please
Chapter 12: The Battered Wife
Chapter 13: My Damn Heart
Chapter 14: Breaking It Gently
Chapter 15: In A Day
Chapter 16: Blame and Regret
Chapter 17: Out of My League
Chapter 19: Dawn of Eternity
Chapter 20: Happy Moments, Lonely Thoughts
Chapter 21: My Final Sunrise
The Final Chapter: At the End of this Fairytale
EXTRA: ORDINARY HEARTS
DREAMS DO REALLY COME TRUE

Chapter 18: Before the Vow

5.1K 100 12
By JustCallMeUno

As I Lay Dying 

Chapter 18: Before the Vow

                Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga luhang tumutulo sa’king mga mata ngayong nagbalik si Nathan. Hindi ko na pa natanong ang dahilan kung bakit siya umalis o kung bakit niya ginawa ang nagawa niyang pag-abandona sa’kin.

                “Patawarin mo ‘ko Katherine! Patawarin mo ‘ko!” Paulit-ulit na sabi niya habang buhat niya at iniikot ako. Nararamdaman ko ang sakit ng mga luhang nanggagaling sa kanyang mga mata pero parang wala akong ganang magtanong ng ‘bakit’ dahil mas importante sa’kin na bumalik na siya.

Nang umalis na kami ni Nathan ay mabilis akong nagpasalamat kay Red. Alam ko na may kinalaman siya sa biglang pagbabalik ni Nathan pero ayaw ko na pang magtanong. Tila kasi lumulubog ako sa kaligayahan.

                Nagtungo kami sa tabing-dagat. Tahimik lang siya habang marahang pinipisil ang isang kamay ko.

                “Patawarin mo ‘ko Katherine.” Ulit ni Nathan na sabi sa dalaga.

Ngumiti lang si Katherine at pinagmasdan ang gwapong mukha ni Nathan. 

                “Hindi ka man lang ba magagalit o magtatanong kung bakit kita iniwan at kung ano ang dahilan kung kaya’t bigla akong nagbalik? You have the right to ask Katherine.” Takang ani pa ng binata.

                Muli ngumiti lang si Katherine. “Ayokong marinig ang dahilan kung bakit iniwan mo ‘ko. Siguro iyon na lang dahilan kung bakit bumalik ka din.” Malambing na ani ng dalaga. Inalis niya sa pagkakahawak ni Nathan ang kanyang kamay at yumakap sa binata ng napakahigpit.

                “Is it true that I’m going to be a dad?” Tila hindi pa makapaniwala si Nathan.

Napa-ayos sa pagkaka-upo si Katherine at tumingin sa mga mata ni Nathan.

                “A-alam mo na? I-ibig sabihin iyon ang dahilan kaya bumalik ka? Ibig sabihin kung hindi mo pa nalaman na.. na buntis ako hindi ka babalik?” Sunod-sunod na tanong ni Katherine.

                “Hindi naman sa ganon—“ Atsaka hinawakan ni Nathan ang kabilang pisngi ni Katherine. “Meron lang akong hinanap na sagot.” Makahulugang sagot ng binata na tila hindi maarok ni Katherine.

                “A-anong ibig mong sabihin?” Hindi maintindihan ng dalaga ang sinabi ng binata.

                “Never mind. What important is you’re here and I’m here and I promise to be with you until my time is up in this world.”

                Dahan-dahan na inilapit ni Nathan ang mukha niya sa’kin at kusa na lang akong pumikit ng maramdaman kong padampi na ang labi niya sa labi ko. Para kaming mga bagong lovers na teenagers. Sa ilalim ng bilog na buwan at malamig na hangin ng gabi tila binalot ito ng pagmamahal namin sa isa’t-isa. Napakaligaya ko talaga dahil bumalik na siya. And from this moment gagawa kami ng special memories na magla-last hanggang sa kailanman.

                Mas sweet ang pakikipagnaiig ko kay Nathan ngayon. Mas romantic at puno ng passion. Naramdaman ko muli ang init ng katawan niya sa ibabaw ng katawan ko. At oo inaamin ko isa ito sa mga bagay na nagpapaligaya sa bawat sino mang tao na nabubuhay sa mundo.

                Nakayakap sa malapad na hubad na dibdib ni Nathan si Katherine.

                “I love you Katherine.” Mahinang sabi ni Nathan.

                “Mas mahal kita Nathan.”

                Pagkatapos namig magtalik ay kapwa na kami nahimbing sa kandugan ng bawat isa. Hindi ito isang magandang panaginip. Isa itong magandang katotohanan na noon na akala ko lang sa mga pelikula at libro lamang nangyayari, pwede rin pala sa totoong buhay.

                Hindi na pa inalala ni Katherine si Jeboy dahil alam naman niyang hindi naman ito pababayaan ni Aling Choleng at Charily. Kaya nahimbing na siya kayakap ang nag-iisang lalaking pinangarap niya sa buong buhay niya.

                AGAD NA NAPABALIKWAS SI KATHERINE SA KANYANG HIGAAN NANG MARAMDAMANG WALA NA SI NATHAN SA KANYANG TABI. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong kapaligiran ng kwarto at sa sofa ay nakita niya ang white long-sleeve ni Nathan.

                Hindi siya umalis. Nakangiting ani niya. Nasa tabing-dagat lang siguro siya.

Nasa beach resort sila ngayon kung saan nagtago si Nathan ng ilang araw. Lumabas si Katherine sa cabin suot ang nag-iisang pirasong damit, ang long-sleeve ni Nathan. Medyo mahaba iyon para sa kanya kaya okay lang na iyon ang suotin niya.

                Laking gulat ni Katherine sa nakita paglabas niya. Puno ng petals ng puting rosas ang white sand.

                Ano ‘to? Ano na naman bang sorpresa  niya? Iginala ko ang mga mata ko pero hindi ko makita si Nathan kaya medyo naglakad pa ‘ko sa gitna. Mula kung sumulpot ‘yung mga nagba-violin at tinutugtog ‘yung paborito kong kanta na ‘Longer’. Kinilig naman ako syempre dahil sa sweet na music at sa mga petals sa buong paligid.

                Pero kanina ko pa iginagala ang mga mata ko ay hindi ko pa din mahanap si Nathan. Pagkatapos ay may lumapit sa’kin na isang batang-babae na may dalang singsing. Isa ‘yung napakaganda at mamahaling singsing na nakalagay sa gitna ng maliit na unan. Halos gusto ko ng umiyak dahil sa diamond ring na iyon.  Alam ko na kasi kung bakit ganito ka-special ang umagang ito.

                Nakita ko si Nathan na lumalapit sa’kin.

                “Oo Nathan--!” Sa sobrang pagka-emosyonal ni Katherine ay nasabi na niya agad ang ‘oo’ though wala pang nasasabi si Nathan ni isang salita. “Ay sorry—“ Natatawang ani ni Katherine nang ma-realize na hindi pa nga pala siya tinatanong ng binata.

                “Hindi ko na kailangang lumuhod upang hingin ang kamay mo. Hindi ko na rin kailangan magtanong upang sabihin mong pakakasalan mo ‘ko. Dahil simula pa lang ng isilang ako sa mundo, ikaw na ang dahilan kung bakit kailangan kong mabuhay at kung bakit kailangan kong magmahal.”

                Halos isigaw ko sa buong planeta na sana tumigil muna ito sa pag-ikot dahil sa mga salitang sinabi ni Nathan. Hindi ko inexpect na sasabihin niya ang mga salitang iyon na tumutunaw ng puso ko. And at the same time nagpapakunsensya dahil sa isang bagay na ayokong sabihin sa kanya.

                Sunod-sunod na tumulo ang mga butil ng luha sa mga mata ni Katherine habang isinusuot ni Nathan ang singsing.

                “You are my life Katherine.” Ani ni Nathan na mahahalat mong may naramdaman itong masakit dahil sa ekspresyon sa kanyang mukha.

                “A-ayos ka lang?” Agad na tanong ni Katherine.

                “Joke lang ‘yun.” Bawi naman ni Nathan saka niyakap si Katherine ng mahigpit. “I LOVE YOU FOREVER AND EVER AND EVER!!!” Sigaw ni Nathan.

                KANINA PA NAGHIHITAY NG SUNDO SI JEBOY SA WAITING SHED. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan nang makita ang kasing-edad na batang lalaki pero mas malaki ito kumpara sa kanya kahit limang taon gulang pa lang ito.

                “Hoy Jeboy unggoy!” Sigaw ng sigang bata. “May tira ka pa sa baon mo?” Maangas na ani nito kasama ang iba pang sunud-sunuran na kaibigan na kapwa balasubas din.

                “C-Caloy..” Nanginginig na ani ni Jeboy dahil sobrang takot na takot talaga siya kay Caloy. “N-naubos ko na kasi kanina.” Dugtong niya.

                “NAUBOS!?” Tumaas ang boses ni Caloy. “SABI KO SA’YO..” atsaka piningot nito ang kaliwang tenga ni Jeboy. “Pagtitirhan mo ‘ko ng baon!” Agad din naman niya itong binitiwan.

Umiiyak na si Jeboy dahil nasaktan siya sa ginawa ni Caloy.

                “B-bakit ‘di k-ka k-kasi humingi ng pagkain sa mama mo!” Hagulgol na laban ni Jeboy dahil sobrang nasaktan na siya.

                “Hayaan mo bubwit! Magiging mayaman na rin ako! Darating ang araw dudurugin kita ng pino at hihigitan pa kita! Tandaan mo ‘to, anak-mayaman na ‘ko ngayon dahil kukunin na ako ng daddy at kuya ko na doctor!” Atsaka sinipa ni Caloy ang paa ni Jeboy saka na sila tumalikod. Pinagtawanan lang siya ng mga kasama ni Caloy. “Gray nga pala ang totoong pangalan ko!”  Pahabol pa ni Caloy.

                Gray? Kuyang doctor? Biglang napaisip si Jeboy sa mga sinabi ni Caloy sa kanya.

                BUMALIK NA SINA NATHAN AT KATHERINE SA MANILA. Unang dumiretso si Katherine sa office ni Rufus. Magsa-submit na siya ng resignation letter.

                “Bakit?” Agad na tanong ni Rufus.

                “Ikakasal na po kasi ako at gusto po ni Nathan na mag-travel po daw kami kaya keysa naman po mag-leave ako ay mas mabuting mag-resign na lang ako sir, atsaka baka daw kasi makasama sa bata kapag nag-trabaho pa daw ako.” Habang nagsasalita ay ‘di mapigilang ‘di mangiti ni Katherine dahil sa sobrang ligayang nararamdaman.

                “Oo nga pala congrats nga pala sa baby mo. Ibinalita sa’kin ni Red.” Tumayo si Rufus mula sa kinauupuan na swivel chair at umupo sa kaharap na upuan ni Katherine. “Masaya na rin ako kahit hindi naging kayo ng anak ko. Kasi alam ko kahit papaano ay sumaya siya.” Ngumiti si Rufus. Bahagya namang yumuko si Katherine dahil sa tinuran ng matanda tungkol kay Red.

                “Pasensya—“

                “Don’t say sorry because there’s nothing to be sorry about Katherine. Kung hindi talaga kayo hindi magiging kayo hindi ba?”

                Napatango na lang si Katherine. “Salamat po sir Rufus.” Atsaka na siya tumayo. Tumayo na rin naman si Rufus at muli ay nginitian niya ang dalaga.

                “Best wishes hija.” Atsaka marahan siyang niyakap ng matanda.

                “Salamat po.” Saad niya nang maghiwalay na sila.

                TINAWAGAN NI NATHAN SI RED UPANG MAGKITA SILA SA ISANG BAR. Nagpunta naman si Red pagkatapos matanggap ang tawag ng kaibigan.

                Kapwa lang sila tahimik habang inuinom ang kanilang mga alak nila. Makaraang sandali ay nagtanong na si Red.

                “So ano na?” Mahina niyang tanong saka ininom ang alak sa kanyang kopita.

                “We’re getting married.” Diretsahang ani ni Nathan.

Mabilis na napatingin si Red sa kaibigan. Gulat na gulat at hindi maipinta ang reaksyon. Tila unpredictable ang magiging komento niya. Hindi muna agad nagsalita si Red dahil nag-isip muna siya ng sasabihin kaya uminom siya muli ng alak.

                Napalunok muna siya bago nagsalita.

                “M-masasaktan mo lang si Katherine.” Sagot ni Red na seryosong-seryoso ang mukha.

                “Alam mo naman pa lang masasaktan siya e bakit mo pa ako tinawagan at sinabing buntis siya?” Sarkastikong sagot ni Nathan.

                “Dahil karapatan mong malaman na buntis siya sa’yo. At kahit alam ko nang mawawala ka rin naman siguro mas makakabuting makapiling mo pa rin si Katherine sa kaunting buhay mo.”

Napailing si Nathan. Muli niyang ininom ang alak sa kanyang kopita.

                “W-wala na ba talagang paraan Red p-para dugtungan ang b-buhay ko?” Maluha-luhang ani ni Nathan pero nagpipigil talaga siya.

                “Meron.” Mabilis na sabi ni Red. “Kagaya nga ng sinabi ko dati kaya kitang bigyang ng ilang herbal medicine pero walang kasiguraduhan iyon Nathan. Kung baga para ko na lang dinudugtungan ang buhay mo ng segundo at kahit kailan ay hindi na iyon magiging minuto.”

                “Ang lalim non bro ah!” Natatawang ani niya. “I want to try it—for Katherine. And for my baby.”

                “Okay then uumpisahan natin ang treatment mo bukas. But Nathan—“

                “Hmm?”

                “Ayaw mo ba talagang ipaalam kay Katherine ang sitwasyon mo? Para naman kung sakaling—“ ayaw pang sabihin ni Red ang sasabihin dahil baka ma-offend ang kaibigan.

                “Kung sakaling mamatay ako?” Si Nathan na ang nagsalita.

                “sort of..” malungkot na ani ni Red. “Para naman matanggap ni Katherine na—“

                “No Red!” Agad na putol ni Nathan. “Baka maapektuhan ang anak namin.”

Napatango na lang si Red at uminom muli ng alak.

                “I will say this once bro, in the end si Katherine ang masasaktan hindi ikaw kaya tandaan mo ‘yan.”

Tila nag-isip si Nathan sa huling sinabi ng kaibigan.

                PALABAS NA NG HOSPITAL SI KATHERINE NANG MAKASALUBONG NIYA ANG BAGONG DATING NA RED. Napatigil ang dalaga.

                “Do you have a minute?” Tanong ni Red.

                “Oo naman.” Ngiti ni Katherine.

Naupo silang dalawa sa bench sa ilalim ng puno sa harap ng hospital.

                “Congratulations sa kasal mo.” Bungad ni Red.

                “Alam mo na?” Mabilis na natanong ni Katherine.

                “Nag-usap na kami ni Nathan. And I’m really happy for the both of you.” Atsaka ngumiti pa si Red sa gawi ni Katherine. Nagtama ang kanilang mga mata.

                Masaya nga siya sa pagsasabi na masaya siya para sa’min ni Nathan pero hindi nagsisinungaling ang mga namumugtong luha sa kanyang mga mata.

                “Are you sure?” Mahinang tanong ni Katherine.

                “Oo naman.” Atsaka umiwas si red dahil baka hindi na niya mapigil ang mga luha.

                “Red—“

                “You don’t have to explain Katherine. Masaya talaga ako and I want you to believe that.”            

                “S-salamat.” Alangan man ay sinabi pa rin ni Katherine.

                Hindi ko alam papaano ko ipagtatapat kay mama o kay ate ang sitwasyon ko. Sabi ni Red baka ilang buwan na lang ang itatagal ko. Baka nga daw isang araw ‘di na ‘ko magising. Pero ayaw ko munang isipin ‘yung oras ng pag-alis ko. Kailangan ko munang makita ang baby ko. At kailangan ko munang mapakasalan si Katherine.

                Nandito ako ngayon sa bahay kaharap ko si mama at ate. Inumpisahan ko ang pag-iisplika dun sa biruan namin ni Ate Trinity na baka constipated lang daw ako. Medyo natawa pa nga si mama. Pagkatapos napunta na ‘ko dun sa aksidente hanggang sa na-diagnose na ang sakit ko.

                Ayaw pang maniwala ni ate. Pagkatapos ay inulit ko na mamatay na ‘ko. Atsaka sabay silang umiyak. Lumapit sa’kin si mama at yinakap ako. Nagtatanong kung bakit sa dinami-dami daw ng tao sa mundo ay ako pa. Si ate naman halos magwala dahil sa sobrang sama ng loob. Pero nang makalma na siya at yinakap niya ako ng sobtang higpit.

                Pagkatapos ng dramang iyon ay kinausap ko sila muli na ‘wag nilang sasabihin ang sakit ko kay Katherine dahil makakasama sa bata iyon. Sinabi ko din na ikakasal na kami. Noong una ay ayaw pumayag ni mama na hindi sabihin kay Katherine ang totoo.Pero napilit ko rin sila. Si ate naman biglang naawa sa sitwasyon ni Katherine. Ang sabi ko naman mas makakabuti na iyon para sa kanya at sa bata. Nagulat pa nga sila dun sa point na buntis pala si Katherine. Para silang nabuhayan ulit. At iyon ang gusto kong baunin sa  pag-alis ko. Ang mga ngiti nila kasama ang pagmamahal nila.

                Pero masama din ang loob ko dahil sa dinami-dami nga naman ng tao sa mundo ay ako pa.

Pero alam ko may plano ang Diyos.

 

. . .

Continue Reading

You'll Also Like

69.1K 1.1K 13
Makakaya mo kayang makisama habang buhay sa lalaking ubod ng sungit? Kaya mo kayang mag mahal ng babaeng sobrang slow? Read, Vote and be My Fan! Tha...
208K 13.5K 67
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
113K 1.5K 54
Zoona is a BITCH. Yes, a real bitch. Masungit, snob, mataray, walang kinakatakutan at higit sa lahat heartless. Enter Jelo Smith to the story. He...