BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 48

2.2K 68 0
By ayemsiryus

Chapter 48 – The War

Third Person

Lahat ay natulala nang ang inaabangan nilang puno ng dahas at madugong laban ay napalitan ng isang matamis na pagsasanib sa pagitan ng mga nangungunang pamilya. Hindi malaman ng mga taong nasa paligid nila kung paano aalma at gagalaw sa ganoong sitwasyon.

Gulat man ay agad nakabawi si Mr. Imperio at hinawakan ang suot na earpiece. "Ang hudyat, Laquise... 'yon ang hudyat natin,"

"O-oo, naiintindihan ko," sagot naman ni Mr. Velmon at inihanda ang sarili.

"Humanda na kayo," seryosong utos ni Mr. Imperio sa kaniyang pamilya.

Sabay na nagtaas ng kanang kamay ang dalawang ginoo, 'yon naman ang hudyat na ibibigay nila para sa kanilang mga tauhan. Nagtanguan pa silang dalawa bago sabay na ikinuyom ang kanilang mga kamay. Kasabay non ang pagsisimula ng isang magulong pangyayari sa loob ng lugar.

Ang halik na 'yon ang naging mitsa ng gyera sa loob ng arena.

Naging mabilis ang kilos ng mga sub-healer ng Imperio at Velmon. Agad silang gumawa ng barikada gamit ang mga sarili para protektahan ang magkasintahan sa gitna.

"UMALIS NA KAYO! NAGHIHINTAY ANG MGA FUNIEL SA LABAS!" ang sigaw ni Marrette ang nagpabalik sa kanila sa reyalidad dahilan para agad hilahin ni Nique si Ciel palabas.

Ngunit nagsimula nang matauhan ang mga tao sa arena, agad nilang naintindihan ang nangyayari kaya agad silang kumilos upang pigilan ang magkasintahan pero naging mabilis rin ang sub-reapers ng dalawang pamilya't unti-unting sinakop ng mga nagpuputukang baril ang kabuuan ng lugar.

"Sundan niyo sila, kakailanganin nila ng tulong dahil hindi natin alam kung may nakaabang sa labas!" utos ni Mr. Imperio kina Marrette at Leeam na agad namang sumunod. "Handa ka na ba, Reezaria Amber?" baling niya sa asawa.

"Kanina pa," nakangising sagot nito at sinimulang barilin ang mga kalabang papunta sa direksyon nila.

"That's my lady," nagmamayabang na sambit ni Mr. Imperio dahil sa ipinakita ng kaniyang asawa bago nagsimulang sumugod sa bulto ng mga kalaban.

Agad niyang hinawakan ang buhok nong malapit sa kaniya at inihampas ang mukha nito sa tuhod niya. Nang bumagsak ay agad niyang sinipa ang isa pang nanggaling sa likod nito. Siniko niya sa sintido ang nagtangkang lumapit sa kaniya mula sa gilid at mula roon ay diniretso niyang suntukin sa dibdib ang nasa harap niya.

"Ah!" usal niya nang maramdaman ang isang sipa sa kaniyang tagiliran mula sa taong nasa likod niya pero bago pa man niya 'to maharap, bumulagta na 'to sa sahig nang barilin sa ulo ng kaniyang asawa. "Salamat, Reezaria!" matamis ang ngiting sambit niya at muling hinarap ang mga kalaban.

Sa kabilang parte ay inilalabas na rin ni Mr. Velmon ang kaniyang galing sa pakikipaglaban. Halos walang dumadapong atake sa kaniya dahil literal na hinahagis niya ang mga kalabang malapit sa kaniya. Matapos ihagis ay doon ito babarilin ni Mrs. Velmon na bihasa sa long range shooting.

Medyo natigilan ang mga kalaban nang hawakan ni Mr. Velmon sa leeg ang isang malapit sa kaniya at buong lakas 'tong sinakal. Umangat na nga mula sa lupa ang paa nito kaya wala 'tong tigil sa pagpalag pero parang walang nakikita ang ginoo na mas hinigpitan pa ang pagkakasakal dito. Hanggang sa tumigil na sa paggalaw ang hawak na lalaki at bumagsak sa magkabilang tagiliran ang mga braso nito.

"Sinong gustong magaya sa kaniya?" malademonyong tanong niya sa mga kalabang nanlalalaki ang mga mata na nakasaksi sa nangyari. Hanggang sa humampas nalang sa kanila ang katawan ng lalaki dahil inihagis ito ni Mr. Velmon sa kanilang direksyon at hindi pa man sila nakakabawi, agad na silang pinaulanan ng bala ng ginoo. "Nasaan si Laquian?" baling niya sa asawa at nagtaka siya nang makita niyang bumalatay sa mukha nito ang pag-aalala.

"H-hindi ko siya napansin, Laquise," sagot nito at inilibot ang tingin sa paligid. "P-paano kung sumunod siya doon sa dalawang bata?"

"Nakita kong sumunod ang dalawa pang batang Imperio sa anak natin at sa kaniyang kasintahan kaya kung nandoon man si Laquian, wala tayong dapat ipag-alala. Wala siyang magagawang masama sa kanila," pagbibigay lakas-loob ni Mr. Velmon.

Ang totoo ay parang nawalan sila ng tiwala sa kanilang anak na si Laquian nang malaman nilang ito ang may pakana ng pagkawala ni Ciel. Hindi nila gustong maramdaman 'yon pero kusa nilang nararamdaman. Ang tangi nilang magagawa ay bantayan si Laquian pero sa kasalukuyang sitwasyon, mahirap 'yong gawin kaya nagtitiwala nalang sila kay Nique pati na rin sa dalawa pang batang Imperio na tinutukoy ni Mr. Velmon; sina Leeam at Marrette.

"CAPTURE THEM!" nagngitngit sa galit si Mr. Imperio nang umalingawngaw sa arena ang boses na 'yon. Napatingin siya sa booth at nakita niyang nandoon ang Head ng 2nd rank families ng Black and White Division. Kasama rin nila doon ang maituturing na Head ng Tara Family, 1st rank ng Gray Division.

Mas tumindi ang kagustuhan niyang makapanakit ng tao't makapatay ngayong gabi kaya inilabas na niya ang kaniyang itim na punyal. Tumakbo siya papunta sa elevated platform at tumalon mula sa edge nito, ginamit niya 'yong momentum upang makapag-backflip at sinipa ang isang kalabang nasa harap niya. Pagkalapag ay agad niyang isinaksak ang itim na punyal sa nagtangkang lumapit sa kaniya. Pagkahugot ay inilipat niya ang talim nito papunta sa likod upang sumaksak sa kalabang nandoon.

Agad niyang hiniwa ang pulsuhan ng isang kalaban na tinutukan siya ng baril upang mabitiwan nito ang hawak na armas. Ininda nito ang ginawa ni Mr. Imperio dahilan para mapayuko ito sa kaniyang tuhod pero tumalsik siya pataas nang sipain siya sa mukha ng ginoo.

Nanlilisik ang mga matang sinugod niya ang Head ng 3rd family na kabilang sa itim na dibisyon. Bahagyang naka-squat ang kalaban dahil parang inaabangan din nito ang paglapit ni Mr. Imperio. Ginawa niyang tungtungan ang hita ng kalaban at sumampa sa balikat nito. Hindi pa man ito nakakagawa ng atake, agad niya na 'tong ginilitan sa leeg. Nang magsimulang mawalan ng balanse ang kalaban, tumalon na paalis ang ginoo at gumulong sa sahig upang mabawasan ang impact sa kaniyang binti. Tumigil siya nang nakaluhod ang kanang tuhod at mula doon ay pinadaan niya ang hawak na punyal sa binti ng mga kalabang nasa harap niya kaya bumagsak ang mga 'to sa sahig at walang awang itinarak niya sa noo ng mga 'to ang kaniyang patalim. Mas ginaganahan siyang lumaban kapag nakakakita ng matingkad na kulay ng dugo.

"Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang gabing 'to nang hindi nagiging kulay dugo ang itim na kasuotan ko," may kakaibang kislap sa mga mata na bulong ng ginoo sa kaniyang sarili.

Mas tumindi naman ang lakas na inilalabas ni Mr. Velmon. Ilang kalaban na ang kaniyang napatay dahil sa malabakal niyang mga kamay. Bawat suntok ay bumabaon sa katawan ng kaniyang mapuntiryang kalaban. Nakaalalay naman sa kaniya si Mrs. Velmon na bihasa gumamit ng baril, siya ang umaasikaso sa mga kalabang malayo sa parte nila. Kung tutuusin ay nakaalalay rin siya kay Mrs. Imperio na mas gamay ang short range shooting.

Mahigpit na hinawakan ni Mr. Velmon ang isang nagtangkang gamitan siya ng baril. Ipinaikot niya ang braso nito papunta sa likod hanggang sa marinig niya ang tunog ng mga nababaling buto ng kalaban.

"AHHHHH!" sigaw nito na naging dahilan para mas lalo pang diinan ni Mr. Velmon ang pagkakabali sa braso nito. Gustong-gusto niyang marinig ang sigaw ng kalaban dahil sa sakit. Para 'yong musika sa pandinig niya. "T-TAMA NA! AHHHHH! A-ARAY!"

"Madali naman akong kausap," nakangising sambit ni Mr. Velmon at binitiwan ang pagkakadiin sa braso ng kalaban pero sinuntok niya 'to sa likod dahilan para hindi makagulapay na bumagsak 'to sa sahig. Hindi pa nakuntento ang ginoo at tinapakan niya ang ulo nito't idiniin sa sahig. Hindi siya tumigil hanggang sa hindi na niya marinig pa ang mga sigaw nito. "Ang magtangkang gumamit ng baril, matutulad sa kaniya," baling niya sa mga kalabang nakapalibot sa kaniya. Agad na bumalatay ang takot sa mga mukha nito pero hindi nagpatinag at itinuloy ang pakikipaglaban sa ginoo.

Mayroong nagpakawala ng isang suntok pero agad itong nahawakan ng ginoo sa pulso saka hinila pababa na idiniretso paharap dahilan para umikot sa ere ang kalaban at walang kahirap-hirap na bumalibag sa sahig. Agad niyang hinawakan ang binti ng isa pang kalaban na tinangka siyang sipain, saka niya 'to hinagis pataas dahilan para bumaliktad sa ere ang lalaki at bumalibag rin sa sahig.

Sa pagdaan ng oras, unti-unting bumaba ang bilang ng mga taong kinakalaban ng dalawang mag-asawa. Punong-puno ng dugo ang sa side ni Mr. Imperio dahil na rin sa gamit niyang itim na punyal. Samantalang malinis pa rin tingnan ang lugar ni Mr. Velmon pero punong-puno naman ng mga nakahandusay na kalabang bali ang buto, iba na ang posisyon ng binti at braso, halos mawala na sa porma ang mukha.

'Yon ang pinagkaiba nila sa estilo ng pakikipaglaban.

Ang Imperio ay gusto ng madugong laban. Iba ang nagiging dating nila kapag nakakakita ng dugo. Kumikislap ang kanilang mga mata na para bang isa 'yong ginto. Layunin nilang maging kulay dugo ang kanilang itim na kasuotan na kung tutuusin ay imposible. Patunay 'yon kung gaano sila kahayok sa dugo.

Samantalang ang Velmon naman ay malinis makipaglaban dahil ayaw nilang nadudumihan ang puti nilang kasuotan. Kamay lamang nila ang kanilang ginagamit sa pakikipaglaban. Gustong-gusto nilang nakakarinig ng sigaw na puno ng sakit kasabay ng tunog ng mga nababaling buto ng kalaban.

"TUMATAKAS SILA!" sigaw ni Mrs. Imperio nang makitang nagkukumahog palabas ang mga pamilyang mas mababa sa kanila. Hindi siya nagawang pansinin ni Mr. Imperio na abala pa rin sa sub-reapers ng iba't ibang pamilya. Kaya matapos palitan ng magasin ng bala ang baril na hawak, walang pag-aalinlangang siya ang kumilos.

Tumakbo siya't nagpadulas sa sahig habang nakaluhod at bahagyang nakaliyad. Kasabay nito ang dalawang kalaban na tumalon mula sa elevated platform. Mula sa pagkakaliyad, nang dumaan sa itaas niya ang mga kalaban, agad niya 'tong pinagbabaril kaya nang tumigil siya sa pagdulas sa sahig, bumagsak sa kaniyang likod ang walang buhay na katawan ng mga 'to.

Agad siyang tumayo't tumalon para makasampa sa elevated platform at mula doon ay muli siyang tumakbo't nagpadulas sa sahig ng nakatagilid ang katawan kaya nang makarating siya sa kabilang dulo ng platform, saktong tumama ang kaniyang paa sa isang Head na dumaan at may balak tumakas. Bumagsak ito sa sahig kaya madali siyang tumayo at tumalon paalis sa platform, at mula sa ere pinagbabaril niya ang nakahandusay na kalaban. Pati na rin ang iilan na malapit sa pwesto niya.

Nang makalapag sa sahig, gumulong siya't tumigil ng nakaluhod ang kanang tuhod at pinuntirya ang mga pamilyang tumatakbo palabas. Tinamaan sa iba't ibang parte ng katawan ang mga 'to kaya natigil ang kanilang balak. Pero agad 'yong sinundan ni Mrs. Velmon ng pagbaril dahil mas sanay siya sa long range shooting, kaya tuluyang humandusay sa sahig ang mga kalabang pamilya.

Pero hindi nila inaasahang mapapaulanan sila ng bala mula sa mga tauhan ng pamilyang kanilang pinabagsak kaya agad silang nagkubli sa kabilang parte ng elevated platform. Naglagay ng panibagong magasin ng bala si Mrs. Velmon sa kaniyang baril at nang humupa ang pag-atake ng kalaban, nagtanguan sila ni Mrs. Imperio at gumawa ng hakbang na tila pinag-isipan at pinag-usapang mabuti.

Nagpadulas sa sahig si Mrs. Velmon at sinimulang pagbabarilin ang umatake sa kanila. Kasabay non ang pag-akyat ni Mrs. Imperio sa elevated platform at tumakbo't tumalon sa ere saka sinimulan ring paulanan ng bala ang mga kalaban. Sinadya niya 'yon para mas lumiit ang distansya sa pagitan nila dahil mas madali para sa kaniya ang short range shooting.

Hindi 'yon inaasahan ng mga kalaban. Ang pagpapaulan sa kanila ng bala mula sa ibaba't itaas ay hindi nila napaghandaan kaya tuluyan silang lumagapak sa sahig nang hindi man lang nakakabawi ng atake sa dalawang ginang.

Hanggang sa maubos ang kalaban na nasa ibaba.

"ANG NASA BOOTH!" sigaw ni Mrs. Velmon at pumwesto sa gitna ng elevated platform na parallel sa booth kung nasaan ang Head ng 2nd rank families pati na rin ang Head ng Tara Family.

Nagtanguan sina Mr. Velmon at Mr. Imperio saka sabay na tumungtong sa upuang kinauupuan nila kanina at walang kahirap-hirap na nakaakyat sa mga upuang nasa itaas. Sabay silang tumakbo papunta sa booth na siyang nagdudugtong sa dalawang side ng tatsulok na arena. Nang makalapit ay sabay silang tumalon sa ere, nakahanda ang kaliwang kamao ni Mr. Velmon at ang itim na punyal ni Mr. Imperio.

Agad binaril ni Mrs. Velmon ang booth dahilan para mabasag ang salaming nagsisilbing pader nito. Dahil doon ay agad kumonekta ang itim na punyal ni Mr. Imperio sa Head ng 2nd rank family na kabilang sa itim na dibisyon at bumaon naman sa ulo ng Head ng 2nd rank family na kabilang sa puting dibisyon ang bakal na kamao ni Mr. Velmon.

Nang maabot ang rurok ng kanilang talon, dumiretso pababa ang dalawang ginoo at gumulong sa sahig papunta sa magkabilang direksyon. Kasabay non ang pagtalon ng Head ng Tara Family at gumulong naman sa sahig paharap pero nang tumigil siya ng nakaluhod ang isang tuhod, sumalubong sa kaniya ang nguso ng baril ni Mrs. Imperio na nakatayo sa ibaba ng elevated platform.

"Tapos na ang gyera," mahina pero matalim na sambit ng ginang saka tuluyang binaril sa ulo ang kalaban.

Agad nilapitan ng dalawang ginoo ang kanilang mga asawa at dama ang sayang nararamdaman ng lahat dahil sa kanilang tagumpay. Pumalakpak ang mga natitirang sub-reapers at sub-healers ng Imperio at Velmon nang magyakap ang dalawang mag-asawa.

"MARRETTE!" pero natigil ang kanilang pagsasaya nang umalingawngaw mula sa labas ang puno ng sakit na sigaw na 'yon.

"A-ang mga bata!" gitlang sambit ni Mrs. Velmon.

Agad silang tumakbo palabas, hindi inalintana ang nagkalat na mga katawan sa sahig. Ang mahalaga ngayon para sa kanila ay ang kanilang mga anak.

Pero hindi nila inaasahan ang nadatnan nilang delubyo sa labas.

Hindi nila inaasahan ang isang pangyayari na nasa harap nila.

At kung maibabalik man ang oras... hindi nila hahayaang mangyari 'yon.

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

70.9K 2.8K 32
True love is selfless. It is prepared to sacrifice.
5.1K 206 31
Ang istoryang ito ay tungkol sa isang Prinsipe na napilitan umalis para sa kanyang kaligtasan dahil gusto siyang patayin ng mga kalaban ng kanilang P...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
240K 1.4K 5
Alarkans mate is a hellcat teacher and she's Brandy Sky De Vries .