The Dhampir's Daughter

By jadestar_chin37

142K 2.3K 291

{SEASON 1} This is the story of a college girl who found out that she was the one and only daughter of the st... More

The Dhampir's Daughter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
AUTHOR'S NOTE: IMPORTANT ANNOUNCEMENT! PLEASE READ!
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 39

2.4K 64 47
By jadestar_chin37

Chapter 39

Nagising ako nang naramdaman kong tumama sa mukha ko ang sunlight galing sa bintana. Pinikit ko yung mata ko at bumalikwas ng higa. Ayaw ko pang magising. =__=

Pero dahilan siguro na may sariling utak ang katawan ko, hindi ako makatulog. Kaya wala akong magawa kundi bumangon and tumungo na sa bathroom ng room namin para maligo. 3rd day na namin dito sa resort. Kahapon puro swimming ang naganap kasama ang barbeque and bonfire sa tabing-dagat. Napansin kong wala na sina Marigold and Abie. Naku, iniwan ako dito. For sure nagsi-swimming nanaman yung dalawang yun, parang summer lang. -______-

Based on my visions, baka makausap ko na today si Liyah, and may darating na ibang nilalang. I don't know who or what they are, basta ang nakita ko lang ay ang mga mata nilang may weirdest shade of blue-green. May ganun bang mata? O__O Iisang tao lang ang alam kong may ganung mata eh. Oh, well.

Nang matapos na akong maligo, nagbihis na rin ako. Simple lang ang suot ko, black oversized and sleeveless top, white undershirt, then shorts. Pagkatapos magpatuyo ng buhok, lumabas na ako. Nahanap ko naman agad si Aaliyah, nakasalubong ko siya on my way papunta sa kitchen. Nilapitan ko siya. May dala pa siyang mga towels.

"Liyah." bati ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Jean, kamusta?"

"Okay lang. Ikaw?"

"Maayos lang din."

"Para saan yang mga dala mo?"

"Ah, para ito sa mga myembro ng konselo. Kakatapos pa lang nilang maligo."

"Need help?" alok ko. Alam kong kaya niya naman pero syempre, kaibigan niya ako. And, gusto ko pa siyang tanungin. Ang daming tanong sa isip ko ngayon.

"Hmm, sige." Binigay niya sakin ang kalahati ng mga dala niya.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man niya dadalhin yung mga towels. Nakikisabay lang ako sa kanya dahil di ko naman alam kung saan talaga.

"Bakit ka pala nawala years ago?" tanong ko. Napatingin siya sakin.

"Mahabang istorya, Jean. Pag-usapan na lang natin maya-maya. I know the perfect place." ngiti niya. She's just as good in English as she is in Filipino. Pero di naman ganito kalalim ang Tagalog niya noon eh. T.T Sana maalala niyang English-speaking lang talaga ako. :))

Naglakad kami hanggang makarating kami sa pinaka-gitna nung bahay. May malawak na swimming pool doon, pero may glass door na naghihiwalay sa pool at sa bahay. Open yung pool and kita doon ang sky. At doon sa pool, may ilang lalaki na naliligo. Yung iba nakatayo sa gilid ng pool and nagpapatuyo, tapos may ilang babae. I can guess that they're werewolves, una dahil nakahiwalay sila samin and second, halata naman. :P

Hindi na ako sumama sa kanya sa pool dahil kung tingnan ako ng ilan sa mga lalaki ay, you know. Hindi ko na babanggitin basta lagot silang lahat kay Erick pag nakita niya kung paano nila ako tingnan. -___-++ Di ko pa nakikitang magalit si Erick pero nakita ko na siyang magselos noon, trust me, nakakalurky. There was this one time when we were at the mall last week, and may ilang guys na lumapit samin nina Abie and Arriane. Nandun si Erick nun dahil binabantayan niya kami, specifically ako. Then hiningi ng isa sa mga guys ang number ko. In a flash, nandun si Erick sa tabi ko and naka-smirk siya sa kanila. Pero habang naka-smirk siya, parang anytime sasaktan na niya yung mga lalaki. Mukhang natakot yung mga lalaki and tumakbo - yep, tumakbo sila paalis. Alam naman naming di yun makakasalita dahil na-blackmail na sila ni Charles, na nandun din nun kasama si Ate Isa. Gosh. Pero imbes ata na matakot ako nun eh kinilig ako eh. >//<

Back to reality. May isang lalaki na lumapit sa kinaroroonan ko. Nasa may pool pa kasi si Liyah, habang ako naman nasa loob pa, sa may glass door. Matangkad ang lalaki, pero mas matangkad pa rin si Erick (siya pa rin XD). Nasa 5'9 siguro tong lalaki, 2 inches ang tangkad sa kanya si Erick. Nasa tapat ko siya and medyo basa pa yung buhok niya. May towel siya sa neck niya and boxers lang ang suot niya. He's.. muscular, dala na rin siguro ng training and exercise nila araw-araw. Wala akong balak bilangin kung ilan pa ang abs nito. =__=

"Hi. Cassandra, right? I'm Keir, future Beta." --wolf guy

Pogi naman siya pero moreno. Sorry siya, mahal ko si Erick ko eh. >:D Hindi ko ipagpapalit sa kahit kanino ang mahal ko. And, ano yung beta? o.O Yun ba yung 2nd-in-command nila? Kasi diba may Alpha sila? Si Marcus? Sabi nila si Gavin na ang future Alpha nila eh, since wala na si Mason. Oh well.

Nakakapanibago dahil nag-i-English siya. American accent pa! Eh diba fluent sila sa Filipino? Baka nag-aral siya sa ibang bansa? o__o

"Uhmm, Jeannette actually." sagot ko.

"Oh. I heard you're Sir Landon's daughter. You actually are pretty attractive." ngumiti siya, isang flirty smile. =__=

"Well yes, thanks." tinitigan ko lang siya, bored ang expression ko. Nagtawanan yung mga kaibigan niya, yung grupo ng mga lalaki and isang babae na kasama niya kanina bago niya ako lapitan.

"Do you have any plans today?" he flexed his arms, showing his arm muscles.

"Kier, huwag mong gambalain pa si Jean. Kaibigan ko siya." sabi ni Aaliyah nang lumapit na siya samin. "May kasintahan na siya."

"You're taken?" di makapaniwalang tanong sakin ni Kier. Nginitian ko na lang siya saka tumango.

"Oh. Too bad." disappointed na sabi ni Kier. "I thought I've found her.."

"Huwag kang mag-alala, hindi mo pa nahahanap ang nakatadhana sa iyo." natatawang sabi ni Liyah kay Kier habang tina-tap ang shoulder niya. "Halina, Jean."

Umalis na kami doon and di ako lumingon para tingnan pa siya. Good thing yun, ayaw ko na kasing makita yung Kier. Naaalala ko kasi yung mga guys na pinapakilala sakin ni Natalie noon para daw "tulungan" ako sa love life ko. Madami na siyang naging "experience" sa relationships, kaya marami rin siyang pinapakilala sakin. Wala naman akong nagustuhan sa mga pinakilala niya sakin, so far. Puro sila flirt. Too bad for them, di ko gusto ang mga ganung tipo ng lalaki.

Pumunta kami sa isang rose garden. Ewan ko kung saang parte to ng private resort basta tulad nung pool, may glass walls din na nakapalibot dito, and open siya para may sunlight ang mga halaman. Ang ganda nung garden, nakakatanggal ng stress. Peaceful and harmonious ito. Kanino kaya tong garden na to? Mukhang naaalagaan eh. :D

"Hindi amin ang resort na ito." sabi niya.

"Huh? Kanino?"

"Sa mga Felians."

"Huh? Ano naman yun?" nagtaka naman ako.

"Kung may mga taong-lobo, may mga taong mukhang pusa. Sa tingin ko pinaglilihi sila sa pusa, pero hindi ako sigurado. Aquamarine at teal ang kulay ng mga mata nila. Para talaga silang mga pusa sa mga katangian, kilos at ugali nila. Galing sila sa ibang lugar, pero naninirahan na rin dito ang ilan, isa na doon ang pamilya nina Kate."

"Si Kate?" nagulat ako. Inalala ko si Kate ng mabuti, medyo may pagka-aquamarine ang mata nun eh, pero naglalagay siya ng brown contact lens lagi para di daw siya magmukhang "freaky". And yeah, para siyang pusa minsan. Pag nagpapa-cute siya, hindi puppy eyes ang gamit niya kundi yung kitty eyes niya na para bang nagpu-purr. Then di siya mahilig sa sweets. Mahilig siyang magpuyat. Ayaw niya rin sa mga aso and mice. May pagkabingi rin yun pero di naman yung bingi talaga. Err, anong konek nung iba sa pagiging pusa? And isa raw siyang "Felian"?

"Hindi mo pa ba napapansin, Jean? Yung mga katangian niya ay parang yung sa isang pusa?"

"Pupunta sila dito ngayon?"

"Paano mo nalaman?"

"Sa vision ko, nakita ko may mga darating na naka-hood tapos blue-green ang color ng iris nila."

"Ah oo, sila iyun. Hindi sila nagpapalit ng anyo pero yung iba sa kanila, tulad ninyong mga bampira, ay meron ding mga talento."

Ewan ko pero di ko ma-absorb yung sinasabi niya sakin. Felians - mga taong parang pusa and may gifts din daw. Anong konek nito sa pagkawala niya? I'm so confused.

"Bakit mo kinukwento sa akin to?" tanong ko.

"To let you know that Lea is in some type of danger."

"Si Lea?" nanlaki ang mata ko.

"Sa ngayon, siya lang sa atin ang walang kaalam-alam sa mga nilalang na katulad natin. Nag-aalala ako, Jean. Maaari siyang madamay, kaya napagdesisyunan kong pumasok sa unibersidad niyo sa darating na semestro. Gusto kong tulungan mo kami ni Kate para maprotektahan si Lea."

"Wait. Meaning all these years may contact ka kay Kate?"

"Oo. Hindi niya nga lang pwedeng sabihin sa inyo, siya kasi ang nakakita nung nagpapalit-anyo ko noon."

"Nakita niya? o.o"

"She freaked out. Hindi pa niya alam noon na hindi siya basta-bastang nilalang."

"Darating ba siya ngayon?"

"Hindi ko alam, tingin ko oo. Hindi mo ba nakikita?" tanong niya pa. Sinubukan kong tingnan pero di ko makitang darating siya, baka di pa sigurado?

"Hindi eh, baka di pa sure."

"Siguro nga."

Nagkaroon ng awkward silence. Nag-iisip kasi ako ng pwede ko pang itanong habang siya may iniisip na iba. Hmm..

"Kailan ka nga pala nag-shift?" tanong ko. Wala na akong maisip na maitatanong eh. Kung kanina ang daming tanong sa isip ko, nung nakita ko tong garden eh parang nawala lahat.

"Noong Mayo 15, ikalabing-apat kong kaarawan, at dahil pupuntahan sana ako ni Kate para iabot ang mga regalo niyo noon. Naalala mo pa ba iyon? Noong hindi ako pinalabas ng bahay ni Ina o ipakita sa mga bisita dahil sa ginawa natin sa eskuwela? Ang pagpapalit-anyo ko pala ang tunay na dahilan."

Naaalala ko yun. May ginawa lang naman kasi kaming kalokohan nun, and dahil dun na-ground siya nung Mom niya - di namin siya pwedeng bisitahin eh pinadala namin si Kate, dahil pwede niyang akyatin ang kwarto ni Aaliyah. Tsaka parang walang sound yung galaw niya nun, kaya ang tawag namin sa kanya ay ninja. And dun napaisip ako, isa nanama iyong cat-like characteristic ni Kate.

"Kailan pala niya nalaman ang tungkol sa kanya?" tanong ko.

"Hindi niya iyon naikwento sa akin, siya na lang ang dapat mong tanungin. Magkikita naman tayo sa pasukan." sabi niya.

"Alam niya ang tungkol sakin?"

"Oo, pero ang sabi niya sakin ay nagmamaang-maangan lang siya kapag magkasama sila ni Lea. Mabuti pala at isa na akong ganap na lobo, maluwag na rin sa akin si Ama."

Dati pala, hindi ko pa nakikita ang dad nila Aaliyah dahil nasa iba raw itong lugar. Yung mom lang niya na - according to the tsismosa nilang kapitbahay - nag-pass away a few weeks after namin di makita si Aaliyah. Di ko rin nakita sina Mason (panigurado nagpapanggap si Gavin bilang ang kakambal niya nun) and Kevin dahil sa all-girls school pala kami nag-aral noong elementary. Lumipat lang kaming 5 (ako, Aaliyah, Kate, Lea and Natalie) sa isang co-ed school nang mag-high school kami. Kaso nagkawatak-watak na kami eh. Nag-phase na si Aaliyah, nalaman ko ang totoo about what I really am and nag-absent ako ng pagkatagal, si Natalie kasama ni Cole, si Kate naman nalaman na ang totoo niyang katauhan, tapos si Lea walang kaalam-alam sa mga totoong nangyayari. At doon napaisip ako, bakit nga ba hindi ko naisip na magkapatid sina Mason and Aaliyah nung binanggit ni Ate Antonette noon yung last name ni Mason? Why didn't it ring a bell? Dysangco. Mason/Gavin Dysangco, Aaliyah Dysangco. Baka kasi dahil common na yung surname na yun?

"Ang totoong dahilan ng aking pag-alis ay ang mga magulang ko." tuloy niya. "Ang kahigpitan nila ang dahilan kung bakit ako lumayo. Hindi pa nila alam na ikaw si Cassandra noon, at ang sabi nila ay hindi raw makabubuti para sa akin ang magkaroon ng ugnayan sa mga tao. Kaya gusto kong humingi ng paumahin sa inyo.." nag-explain pa talaga siya sakin. Na-touch ako dahil after 4 years, kaibigan pa rin namin siya. Ni hindi nga ata siya nagbago eh, pwera lang sa physical aspect syempre.

"Ito pala ang numero nung cell phone ni Kate." inabot niya sa akin yung isang piraso ng papel na may nakasulat na number. "Sa tingin ko'y panahon na rin para mag-usap kayo, nagpalit na rin kasi siya ng kanyang sim card."

"Thanks, Liyah," niyakap ko siya. Nakakamiss talaga. T__T

"Hanggang ngayon para ka pa ring sanggol," natatawang sabi niya.

"Eh naman kasi, sana nagparamdam ka na lang. T__T"

"Pasensya na, Jean. Alam mo naman kung paano si Ama, hindi ba?"

"Sige na nga. Ay, oo nga pala. Alam mo bang ako dapat ang ipapakasal kay Mason?"

"Oo, isa ako sa mga pumigil kay Ama noon. Alam ko namang hindi si Mason ang tipo ng lalaking gusto mo." natawa kami pareho. "Hinding hindi ko makakalimutan yung isang beses na tinanggihan mo ang lalaking pinakilala sa iyo ni Natalie noong nasa unang taon pa lang tayo ng high school. Naaawa pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Nawa'y hindi na siya mapahiya sa mga kagagawan niya." Ayun nagre-reminisce nanaman siya. -__-

"Alam mo namang ayaw kong pinagpupustahan eh, kaya ayun binasted ko siya sa harap ng mga kaibigan niya sa school. Walang varsity-varsity sakin noh! Tsaka kailan pa lumalim ng ganyan yung Tagalog mo? Alam mo namang nano-nosebleed ako diyan eh." nagreklamo pa ako.

"Nasanay na kasi ako." ngumiti siya saka umiling-iling. "Natutulad na nga ako kay Ama, hindi na nga ito maganda."

"I know right."

Umalis na kami sa oh-so-pretty rose garden pero nagkukwentuhan pa rin kami. Pinuntahan namin sina Abie na nasa beach at saka nakipag-bonding sa kanila. Close na silang lahat kay Aaliyah dahil may mga similarities sila. Si Abie, Marigold and Aaliyah ay mahihilig sumayaw, si Lauren and Liyah ay mahilig mag-ayos at sa mga plants, and sila naman ni Samuel ay mahilig sa kalokohan at sa pilosopohan. Yep, iba-iba rin ang personality ni Aaliyah, tulad lang nitong katabi ko na kanina sinusungitan ako dahil di ko raw siya pinuntahan nung nagising ako tapos ngayon nilalambing niya ako dahil dinededma ko siya kanina. Bipolar nga siya, di ba?

"Hindi mo kasi ako pinuntahan kanina, nagtatampo lang naman ako.." nakayuko siya habang sinasabi yun. Drama lang? Nandito lang kami sa seashore, nakaupo sa sand. Busy ako nagdo-drawing ng kung ano-ano sa buhangin.

"Eh sorry, naligaw pa ako eh. Nakasalubong ko lang si Aaliyah." pag-e-explain ko.

"Bakit naramdaman kong may nakasalamuha kang lalaki? Lalaking lobo?" tiningnan niya ako at nakakunot na ang noo niya. "Hinanap kita pero hindi kita mahagilap."

"Ah, si Kier, yung future beta nila. Nasa gitna kami ng mansyon, may pool pala dun."

"Nagkagusto ba siya sayo?" hala, naiinis na siya.

"I don't think so. Lumapit lang naman siya at nakipagkilala, that's all." I half-lied. "Wag kang mag-alala, di ako mahilig sa lobo."

"Alam ko." sabi niya sabay halik sa ulo ko at ngumiti. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko saka ako nag-blush. Pilit kong iniwas yung tingin ko sa kanya pero hinarap niya sa kanya ang mukha ko gamit ang kamay niya. Ano ba? >//<

"Why are you blushing?" tanong niya habang nakangisi.

"I-I'm not blushing!" I jerked my head away from him.

"You're blushing." hinawakan niya ang pisngi ko saka hinalikan ito. O__O Lalo naman akong nag-blush.

"A-ano ba." Kinikilig ako! Amp!

"Nakakatuwa kang tingnan kapag namumula yung pisngi mo."

"No!"

Patuloy niya lang akong inasar hanggang sa tinawag na kami sa loob dahil daw dumating na ang so-called Felians para makausap ang mga lobo and ang sabi may plano raw silang pumunta sa mansion para makausap si Dad. Nang makita ko sila, namangha ako. Aquamarine nga ang mga mata nila tapos mukha silang mga taong-pusa, though tao yung form nila. Hindi ko makita yung iba nilang features dahil tulad nung nasa vision ko, nakasuot sila ng cloak na may hood.

Hinanap namin ni Aaliyah kung nandun si Kate pero wala siya, yung leaders lang, saka ko napansing isa pala sa leaders na yun ang dad ni Kate na ilang beses ko lang nakita. Nag-decide na lang kami ni Aaliyah na tawagan ko na lang si Kate, since alam naman naming hindi namin makakausap ang dad niya.

Nakatayo ako sa kwarto ko, hawak ang cellphone ko at ang papel na kung saan nakasulat ang number ni Kate. Nagko-contemplate pa ako kung tatawagan ko ba siya o hindi. Fine, tatawagan ko nga siya. Pero paano kung galit pa siya sakin? Hindi ko sinagot yung mga text messages nila noon, sana maintindihan niya.

"*tooot tooot*" Eto na nagri-ring na yung phone niya.

"Hello?" may sumagot sa kabilang linya.

"K-Kate?"

"Wait parang I know you." sabi niya. "Jean? OMG, Jean!"

"Kate.." naluha ako sa tuwa. Hindi pa nga niya nakakalimutan ang boses ko.

~*~*~

A week later:

Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng kasal nina Ate Antonette. Ngayon, nasa kotse na kami papunta na ng university para mag-enroll para sa next semester. Kaso ang sabi kailangan daw naming humabol and mag-exert ng extra effort. Pero yae na, immortal naman kami eh. :)) Pwede ko kunin ang lahat ng courses ng college, kapag sisipagin. (Oh, yabang oh. :P)

"Uy Jean, paabot nga nung lipgloss sa bag." sabi sakin ni Marigold. Inabot ko naman sa kanya ang buong bag, ang laki kasi eh baka abutin ako ng mamaya pag hinanap ko pa yung maliit na lipgloss na yun.

"Hay, college life. :|" -Abie

Lima kaming mag-e-enroll ngayon, Lauren, Hannah, Abie, Marigold and me. Si Arriane kasi, di raw muna papasok. Ayaw niyang sabihin kung bakit eh. Pero sa tingin namin nakaka-move on na siya kay Tyler, na paalis na next week papuntang Munich.

"Nakausap mo na ba sina Aaliyah?" tanong sakin ni Abie. Tumango ako.

"Ngayon rin sila mag-e-enroll ni Kate, on the way na raw sila." sagot ko habang binabasa yung text na pinadala ni Aaliyah earlier.

"Buti nagkaayos na rin kayo." -Lauren

"Hindi naman sila nag-away eh." -Marigold

"Tama, kunwari lang yung Kate. Ayos din yun, noh? Mukhang magkakasundo talaga kami! >:D" -Abie

"Paano si pala Lea?" -Marigold

Nagkaroon ako ng vision kanina na mai-isnob lang ako ni Lea mamaya, actually kami nina Kate. Meron na pala siyang ibang mga kaibigan, mga TAONG kaibigan. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil nawala ang isa sa mga kaibigan ko eversince bata pa ako or matutuwa dahil di na siya madadamay samin. Besides that wala na akong nakitang iba.

"Bahala na." sagot ko.

"Alam ko yang feeling na yan, yung tipong gusto mong i-explain sa kanya para maintindihan niya pero hindi pwede?" -Hannah habang nagda-drive (Yep, she has got her license years ago)

"Tama ka." matipid na sagot ko.

"Kung kaibigan mo talaga siya, iintindihin niya kahit hindi niya alam." -Lauren

"Korak!" -Abie

"Oo nga po." -Celine

Tiningnan ko si Celine na nakaupo sa row sa likod namin (SUV itong sinasakyan namin kaya may pangatlong row), ngayon lang kasi siya nagsalita. Hindi siya mag-e-enroll pero sumama lang siya. Merong kakaiba sa kanya, di ko lang matukoy kung ano. Naging extremely close sila ni Lauren, and napansin namin a few days ago na magkamukha sila. Really.

"Girls, tingnan niyo ang bagong hair color ni Celine, bagay noh?" -Lauren. Ayun nga yung nag-iba kay Celine! Brown na ang buhok niya, tulad ni Lauren. O_O Tiningnan ko siya tapos si Lauren na nakaupo sa front seat. Magkamukha na talaga sila.

"OMG, magkahawig na talaga kayo!" -Abie

"My golay, papasa na kayong magkapatid!" -Marigold

"Uhm, that's what I want to tell you all about." Lauren chuckled, pati na rin si Celine napatawa.

"Na magkapatid pala kayo?!" -Hannah, isa pang praning

"Nope. We just found out that we're actually relatives, apo ko siya sa tuhod." sabi ni Lauren.

"WHAAT?" -kaming tatlo nina Abie and Marigold, dahilan para gumewang-gewang ang kotse.

"Hey, cut it out!" -Hannah, nag-sorry naman kami.

"Di nga?" tanong ko, well di naman sa di siya kapani-paniwala pero parang ang liit talaga ng mundo. o.O

"Totoo po yun, Ate Jean." sabi ni Celine. "Napagkwentuhan po kasi namin isang beses yung ancestry ko. Kapatid po niya yung great-grandmom ko sa mother's side."

"Ah! Small world!" -Abie

"Tomo!" -Marigold

Tuloy pa kaming nagkwentuhan tungkol sa kanilang dalawa hanggang sa nakarating na nga kami sa parking lot ng university. Pagkababa ko, biglang may yumakap sakin, si Kate. Small but terrible talaga ang babaeng to. Lumapit rin si Aaliyah tsaka binati kaming lahat ng 'Good morning'.

"Jeeeeeeeaaaaaaaannyy!" sabi niya. "You didn't make paramdam to me! Katampo!" nag-pout pa siya.

"Eh ikaw nga hindi ka nagsasabi eh!" naki-pout rin ako. "Nalaman mo yang tungkol sayo pero di mo ako ni-contact."

"Huh? Eh nag-text kaya ako sayo! Ay oo nga pala, nag-iba ka na nga ng number. -o-"

"Sorry talaga kung biglaan ah."

"No worries. *tingin kina Abie* Hello! I'm Kate!" tumakbo siya papalapit sa kanila at nakipagkilala. Lumapit na rin ako. Ipapakilala ko sana sila sa kanya kaso naunahan nila ako.

"Yow! Abie here! Mukhang magkakasundo tayo! ^_^" sabi ni Abie. Tama, magkakasundo nga sila sa ka-hyper-an nilang pareho. Nahawa na nga talaga si Abie sa kaka-YOW ni Samuel. :))

"Ako si Lauren, tapos ito si Celine, yun naman si Hannah." pakilala ni Lauren sa sarili at kina Celine. Ngumiti sila saka nag-wave.

" Ako si Marigold!" sabi ni Marigold kay Kate. Namangha naman si Kate dahil ang laki ng height gap nila.

"Oh my! Ang tangkad mo! O_O" -Kate

"Ah, nasa lahi kasi namin yun." pag-e-explain ni Marigold. "Tingnan mo na lang yung kakambal ko, parang higante." natawa kaming lahat sa joke niya. Totoo naman kasi.

"Wow! May kambal pala sa mga---" dahil alam ko na ang sasabihin niya, agad kong tinakpan ang bibig niya. Baka kasi may makarinig, delikado. Nung napatigil na siya, binitawan ko na rin siya. Ang daldal pa rin niya. -__-

"Ayy, sorry sorry!" napahawak si Kate sa batok niya. "Madaldal kasi ako hoho!"

"Walang problema, sanay na rin kami kay Hannah." natatawang sabi ni Lauren tapos sumimangot si Hannah.

"Halina sa loob." sabi ni Aaliyah. Um-oo na lang kami saka kami sabay-sabay na pumasok sa loob ng gate.

Naglalad kami hanggang sa makarating kami sa main building. Doon sa may office naghihintay na pala ang boys, sina Silver, Micah, Samuel and, last but definitely the least, Erick.

"Yow!" bati ni Samuel. "Sino yan?" tinuro niya si Kate.

"Hi! Ako si Kaitlyn D. Vergara, 17 years old." pakilala ni Kate. Napaka-formal niya pagdating sa boys. Pinakilala ko na siya sa mga boys. Sinabi ko na ring mag-on sina Samuel and Abie, magkakambal sina Marigold and Silver (kahit di ko na sabihin, obvious naman) at mag-asawa sina Lauren and Micah. Sumingit naman si Abie saka in-annouce na kami raw ni Erick. Narinig ko ang malulungkot na buntong-hininga ng mga babae sa paligid, campus heart-throb pala sina Erick. Inasar-asar ako ni Kate, tapos sabi daw bagay na bagay daw kami and such. Alam niyo yung feeling pag nagkahiwalay kayo ng landas ng friend mong makulit, tapos nagkita kayo years later and may asawa ka? Oo, ganun yung nararamdaman ko. (LOL, asawa pa talaga ah. XD)

After nung mahabang enroll-an, nakalabas na rin kami sa office. Nanibago nga ako dahil wala akong kasamang parent, pero naasikaso naman ako nina Erick. Nakatambay na lang kami ngayon sa parking lot ng school.

"Jean, si Lea oh!" sabi ni Kate saka tinuro si Lea. Medyo malakas ang pagsabi ni Kate nun kaya napatingin si Lea, pero agad din niyang iniwas ang tingin niya at sumama sa mga kaibigan niya. Nalungkot naman kaming tatlo nina Kate at Aaliyah.

"Mas maayos na rin siguro ito." Aaliyah sighed. Nag-agree na rin ako sa kanya.

"Wala na ba talaga tayong reunion? T_T" -Kate

"Tingnan na lang natin.." sabi ko.

Nakatingin lang ako sa lupa, not minding them engage into another conversation. Madami akong inisip, yung mga kaibigan ko ngayon at noon. Inalala ko rin si Natalie na hindi ko alam kung napano na. Napalayo na ang isip ko hanggang sa naramdaman ko ang awkward silence dahil nagkaroon pala ng tension sa paligid ko. Napatingin naman ako at nagulat sa nakita ko.

Sina Natalie at Cole. Nakatayo sa di kalayuan samin.

Masama ang tingin ng mga kasama ko sa kanila, pwera lang kay Kate na mukhang walang alam sa nangyayari. Actually nag-aalala nga siya kay Natalie eh, dahil di naman maitatago sa kanya na isang kalabang bampira ang kasama niya.

"Long time no see." Natalie smiled darkly at us. Nagulat kaming lahat, lalo na kaming mga naging kaibigan niya. Hindi pa naman siya bampira, pero may something pa rin sa kanya. Sa aura siguro niya.

"N-Natalie.." -ako

"Erick." kumaway si Cole kay Erick tapos ngumiti ng nakakaloko. Lalo namang nainis si Erick. "Kamusta?"

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Micah, cold ang boses. In-ignore lang ng lahat ang pagbati ni Cole kay Erick, na kinagulat ko naman.

"Mag-e-enroll." sabi ni Cole sa para bang 'di ba obvious?' na tono. Lalong lumala ang tension.

"Oh, so nag-reunion na nga kayo?" sabi ni Natalie patungkol saming tatlo nina Kate at Aaliyah. "Bakit di niyo pa kinompleto? Hindi niyo ako sinama huh, katampo." Ang sarcastic ng tono niya.

"Natalie, anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Aaliyah ng mahina pero di naman siya narinig ni Natalie, though rinig naman namin yun, kahit si Cole.

"Bakit ka ba nagkaganyan?!" tanong ni Kate. Naiiyak na siya. Hindi sinagot ni Natalie ang tanong dahil umalis na silang dalawa at pumasok na ng university. Unti-unti na ring nawala ang tension sa amin.

"B-Bakit?" naluha na rin ako. Was she brainwashed? Grabe naman, ang sarap bugbugin ni Cole!

"Shh." Hinawakan ni Erick ang kamay ko. Hindi na rin siya galit.

"Okay. Now, what was that all about?!" sabi ni Hannah. Halatang naiinis na rin siya sa mga nangyayari.

"Tae yan oh." yun na lang ang nasabi ni Samuel. Umiling-iling naman si Abie.

"Oh no.." sabi ni Lauren, habang nakita ko naman si Micah na dinudurog na pala yung soda can sa isang kamay niya sa sobrang inis. Si Celine napatakip na lang sa mukha niya habang umiiling ng umiiling.

"Mukhang malala na ito.." narinig kong sambit ni Aaliyah.

"Hala, akala ko masama na yung nararamdaman ko para sa isang kalaban pero ngayon mukhang mas lalo tayong mapapasama.." sabi ni Marigold, inakbayan na lang siya ng kakambal niya.

Pinunasan ko na lang ang luha ko. "I guess this means war.."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ansabe nung "this means war" ni Jean? LOOL. XD

Okay, di ko na po kinumpleto ang usapan nina Jean and Kate pero ang nangyari lang po dun ay puro 'sorry' and kwentuhan tungkol sa kung paano nila nalaman ang katauhan nila. Tapos naisip nila na sabay na lang mag-enroll. Di ko na po siguro babanggitin dito, pero nandun po sa SS ni Kate. ^__^

Vote and comment! Di naman po required, pag okay lang naman po itong chapter sa inyo, hoho. ^3^

Di rin po new character si Silver. I think I've mentioned him na eh, since he's one of the "hair-dye vamps" ni Jean noon. Mali po ba ako? Kindly check. Keke~~ And yung ilang binanggit ay special appearances din. Mga characters po sila nung mga sinasabi kong SS, just so you know. Then yung sa bouquet and garter thingy nung wedding, dapat nung reception pa yun, diba? Pero may dahilan kung bakit inuna siya sa reception. Abangan niyo na lang sa diary ni Antonette. :D

Character profiles will be posted either today, tomorrow, or the day after tomorrow or pag napag-isipan na ng mabuti. Haha! Thank you and goodbye! XD

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...