I'm Destined with the Chick M...

By MsjovjovdPanda

327K 8.5K 580

(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners... More

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)
Trailers
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
ZyPhia vs. EhDren
Video Trailer (ZyPhia vs. EhDren)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
BOOK 2 IS NOW PUBLISHED
Achievements

Kabanata 36

5.9K 143 3
By MsjovjovdPanda

Kabanata 36

"Babe!" sambit ni Ehdrey dahilan para lingunin siya ni Zyren.

Ito ang unang pagkakataon na muli kong nakita ang mga ngiti niya.

"Babe..." sambit din niya at nagyakapan pa silang dalawa.

Pinagmamasdan ko lang sila.

"Babe, saan ka ba nanggaling? Ano ba'ng nangyari sa akin? Bakit nakadextrose ako?" sunod-sunod na tanong ni Zyren dahilan para magulat silang lahat at mapalingon sa kinaroroonan ko.

Pero ako nananatiling kay Zyren pa rin nakatingin ang mga mata ko. Hindi ko maialis ang mga pagtitig ko sa kanya.

"Isa pa, sino ba 'yang babae na 'yan?" Naiirita akong tinuro ni Zyren dahilan para magkatitigan kaming dalawa. Masama ang mga pagtitig niya sa akin. "Bakit pati ang pamilya niya rito rin nakatira?"

Nananatiling naguguluhan ang lahat. Pero ako, nakakasigurado na, na hindi na niya ako maalala.

"Hoy! Bakit nandito ka pa, ha?! Umalis ka na nga rito sa bahay namin ng asawa ko! Naiirita ako sa 'yo!" Sabay bato niya sa akin ng unan na siyang kinagulat ng lahat.

Kusa nalang tumulo ang mga luha ko nang hindi ko pa rin inaalis ang mga patitig ko sa kanya.

Sa kabila nang lahat nang masasakit na binibitawan niyang mga salita sa akin ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin magawang umalis sa kinatatayuan ko.

"Ah, B-Babe, 'wag kang mag-alala, hindi naman sila nakatira rito. Binabantayan ka lang nila pansamantala habang wala ako, 'y-yon lang kaya 'wag ka nang magalit." Pinapakalma siya ni Ehdrey kaya nakita ko ang paglalim niya ng hininga.

"Gano'n ba? Pero basta ayoko pa rin siyang makita. 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin dito, ha?!" Matapos niyang sabihin 'yon inirapan pa niya ako.

Muli niyang binalikan ng tingin si Ehdrey.

"Nga pala, 'yong baby natin kumusta?" muli niyang tanong kaya nakita namin ang pagkataranta ni Ehdrey.

"Ha? B-Babe, ano ba'ng sinasabi mo? H-Hindi pa naman ako nagbubuntis," pagsisinungaling niya kaya halata ang pagtataka sa mukha ni Zyren ngayon.

"Panaginip lang ba 'yon?" Napaisip si Zyren.

"Yo! Zy!" biglang sambit ni Ezikiel kaya natuon ang isip ni Zyren sa kaibigan niya. "Nakikilala mo ba ako?" Lumapit si Ezikiel sa kanya.

Napangisi siya, "Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Ezikiel?" aniya kaya nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa.

"E, ako? Nakikilala mo ba ako?" bigla namang tanong ni Ozu at lumapit din ito sa kanya.

Muling napangisi si Zyren. "What on earth is happening right now?" sabi niya. "Yeah! Of course. Ikaw si Ozu at asawa mo si Crystal. Si Jamie naman asawa ni Ezikiel. Ano ba'ng nangyayari sa inyo?" napapailing at nakangiti niyang sabi.

Nang magkatinginan naman ang lahat sa dereksyon ngayon ni Darren na malapit din dito sa pintuan, nagtama ang tingin ni Zyren sa kanya, silang dalawa.

"Oy! Dre, ba't ang tahimik mo yata riyan? Bakit hindi mo ako nilalapitan, ha?"

Nagtaka si Darren sa sinabi ni Zyren kaya muling nagkatinginan ang lahat.

"Tignan mo 'to? Ano ba'ng problema niyan ha, Pinuno?" sabi niya kay Ozu. "Ano ba'ng problema ninyong lahat? Bakit ang seseryoso ninyo?" natatawa niyang sabi kaya inalis ko na ang mga pagtitig ko sa kanya.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na humahakbang papalayo at napadpad ako nang sala.

Nakita kong nakaimpake na sina Nanay, Tatay at bunso kaya nginitian ko sila. Napabuntonghininga ako. "Ano pa'ng hinihintay natin? Umalis na tayo rito."

Tulong-tulong naming binuhat 'yong mga gamit namin papalabas. Pinakita ko pa rin sa pamilya ko na malakas pa rin ako sa kabila ng lahat nang pangyayari sa buhay ko.

Nang makalabas kami ng gate saktong dumating 'yong kaibigan kong tinawagan ko kanina. Sa tabi kasi ng apartment niya kami titira ng pamilya ko.

Nakasakay na kami sa kotse nito ngayon. Nasalikod ang pamilya ko habang ako naman nasa tabi ng driver seat.

Nakatanaw lang ako ngayon sa labas ng bintana nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na hindi ko namamalayan, sumasabay na din pala 'yong mga luha ko.

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari hanggang ngayon. Sa totoo lang, parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil gusto kong malaman kung totoo nga ba talagang hindi niya ako maalala. Hindi ko sukat akalain na ako pa pala ang makakalimutan niya.

Hindi ko naman sinasabi na sana si Darren nalang o si Ehdrey pero bakit ako pa? Kung kailan naman na napamahal na ako sa kanya.

Mabilis kong pinunasan 'yong mga luha ko. Pinagmamasdan ko pa rin 'yong lakas ng buhos ng ulan ngayon.

Sana nalang ba hindi nalang siya nagising para magkasama pa rin kaming dalawa hanggang ngayon? Bakit ganito? Sobra mo akong nasaktan, Chocolate.

Muli kong pinunasan 'yong mga luha ko. Napapikit nalang ako ng mga mata.

Marahil ay hindi ito ang gusto ng tadhana. Siguro hindi pa ito ang oras para balikan mo ang masasakit na alaala. Pero kung masaya ka ngayon dahil sa si Ehdrey ang pinili mo, masaya na rin ako para sa 'yo.

*****

Makalipas ang isang linggo, nakatitig lang ako ngayon sa mga papeles na hawak-hawak ko. Kulang nalang kasi rito ay ang pirma ko, confirmation kung tatanggapin ko ba ang inaalok sa aking trabaho roon sa ibang bansa. Napabuntong hininga ako.

Nang bigla kong makita na nasa harapan ko na pala si Nanay.

"Anak, kung ano 'yong mga desisyon mo, tandaan mong nakasuporta lang kami palagi sa 'yo ng Tatay mo," nakangiti niyang sabi nang himasin niya ang likuran ko.

Maya-maya pa, nakita kong pumasok na rin dito si Tatay kasunod si Bunso kaya naibaba ko ang hawak kong mga papeles.

"Nak, okay lang 'yan. Siguro hindi talaga sila ang nakatadhana para sa 'yo. Malay mo kapag pala pumunta ka roon sa ibang bansa, nando'n pala talaga 'yong lalaking karapat-dapat para sa 'yo," sabi ni Tatay kaya napangiti ako.

"Basta Ate, kapag nando'n ka na, padalahan mo ako nang maraming chocolate rito, ha?"

"Ha? Ah, oo naman." Ginulo ko ang buhok niya pero bigla ko nalang naalala si Zyren dahil sa sinabi niyang 'chocolate'. Namiss ko ang tawagan namin na 'yon.

Lumabas muna ako ng bahay. Nagpaalam ako kina Tatay at Nanay na may bibilhin lang ako sandali pero ang totoo niyan, gusto ko munang mapag-isa kung kaya't pumunta muna ako sa Park kung saan madalang ang tao.

Hinahanap kasi ng isip ko ngayon 'yong tahimik na lugar. Gusto kong makapag-isip-isip.

Naupo ako sa bench. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama iyong simoy ng hangin. Gusto kong makapag-isip ng mabuti kung tatanggapin ko nga ba talaga ang alok na iyon sa akin, 'yong magtrabaho ako sa ibang bansa. Isang pagkakataon na rin kasi 'yon sa akin para makapagmove on.

Napabuntong hininga ulit ako. Ilang oras din ang tinagal ko rito hanggang sa napagpasyahan kong bisitahin si Zyren kahit sa huling pagkakataon.

Nang makita kong bukas 'yong gate nila nakatanaw lang ako ro'n. At nang makita kong may papalabas agad akong nagtago. Nakasilip lang ako sa nakaparking na kotse sa tapat ng bahay nila.

Pero hindi ko inaasahan na makita ko siya. Napakasigla na niya ngayon. Pinagmamasdan ko lang siya. Napangiti ako nang makita ko siyang nakangiti. Nakaupo siyang mag-isa sa upuan habang nakatingin sa kalangitan.

Wala namang pinagbago sa kanya, 'yon lang, hindi niya ako maalala.

Sana sa susunod na magkita ulit tayo, maalala mo na ako, Chocolate. Mamimiss kita.

"Mamimiss kita..." sambit ko sa hangin at tuluyan ko na siyang iniwan.

*****

Nang marating ko naman ang bahay ni Darren, na dati naming tinirahan ng pamilya ko nang ilang taon, bumalik sa alaala ko 'yong mga masasayang nagdaang araw namin dito.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob dahil bukas naman ang gate. Dahan-dahan ko ring binuksan 'yong pintuan dahil hindi naman iyon nakalock.

Pinagmasdan ko ang paligid, napakakalat dito. Punong-puno ng mga nagkalat na damit ni Darren at mga bote ng alak.

Pinabayaan na yata niya ang sarili niya. Napayuko tuloy ako. Minabuti kong hanapin siya sa buong bahay. Gusto ko sana siyang kausapin.

Wala siya sa first floor kaya naman tinungo ko ang itaas. Dahan-dahan kong pinuntahan ang dati naming kuwarto. Binuksan ko ang pintuan ng dahan-dahan pero nagulat ako sa mga nakita ko. Nakatitig lang ako ngayon kay Darren na dala-dalawa ang babae sa kama.

Hindi ko na gusto pa'ng makita ang ginagawa nila kaya agad akong tumakbo pababa.

"Sophia!" narinig kong sigaw niya. Hindi ko alam na nakita pala niya ako.

Umiiyak akong nananakbo paalis hanggang sa naabutan niya ako kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Yakap-yakap niya ako ngayon habang nakatalikod. Pinigilan kong 'wag umiyak. Hindi rin ako nagsasalita at lalong hindi ko siya hinaharap.

"Sophia, hindi ko alam na darating ka," humahangos niyang pagkakasabi.

Naramdaman ko ang mas mahigpit niyang yakap sa akin pero mabilis ko siyang hinawi at binigyan ng isang malakas na sampal.

"Kaya ba ganito ang ginagawa mo?! Tignan mo nga ang sarili mo! Hindi na ikaw 'yong Darren na nakilala ko!"

Tatakbo na sana ulit ako pero bigla na naman niya akong pinigilan. Hawak niya ang kamay ko ngayon.

"Bakit mo ako binalikan, Sophia? May pagmamahal pa rin ba na natitira riyan sa puso mo?"

Muli kong hinawi ang kamay niya. Pumapatak ang luha ko nang harapin ko siya.

"Sana Darren oo! Gusto sana kitang pagbigyan pero dahil diyan sa ginagawa mo mas lalo ko lang napatunayan na hindi ka karapat-dapat para sa pagmamahal ko! Nakakadiri ka! Huwag mo akong lalapitan!"

Tumakbo ulit ako.

"Pero mahal pa rin kita Sophia!" sigaw niya kaya muli akong natigilan sa pagtakbo.

Biglang kumirot 'yong puso ko. Umiling agad ako.

"Kung mahal mo talaga ako Darren, sana noon palang pinakasalan mo na ako. Sana noon palang kung mahal mo talaga ako matagal mo na sana akong pinakilala sa pamilya mo pero hindi 'di ba? Hindi mo ako mahal, Darren."

Pumara agad ako ng taxi at sumakay ako rito. Tuluyan ko siyang iniwanan do'n.

Ayoko nang makarinig pa ng mga sasabihin niya. Pinagsisisihan ko tuloy na nagpunta pa ako sa kanya.

Gusto ko sana siyang bigyan ng isa pang pagkakataon para sa aming dalawa. Gusto kong makabawi siya pero hindi ko sukat akalain na ibabalik niya ang pagkababaero niya imbes na ipakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal pero hindi niya 'yon ginawa. Hindi 'yon ang nakikita ko sa kanya.

Napatunayan na niya sa akin na hindi talaga kami karapat-dapat para sa isa't-isa. Ngayon, wala na talagang dahilan para manatili pa ako rito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagpapahiwatig sa akin no'n.

Pagkababa ko ng taxi pumasok agad ako sa loob ng bahay. Dumeretso agad ako ng kuwarto ko. Hinagilap ko kaagad ang mga papeles at madali ko 'yong pinirmahan.

*****

Lumipas ang ilan pang mga araw pinagmamasdan ko ngayon ang kapaligiran ng Airport. Tumuntong na ngayon ang oras nang pagpunta ko sa Sydney Australia.

Wala naman sigurong pipigil sa akin ngayon na umalis dahil wala akong pinagsabihan sa mga kaibigan ko na lilisanin ko na ang Pilipinas maging ang matalik kong kaibigan na si Crystal.

Hindi ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko kay Zyren samantala pinangarap kong maikasal noon kay Darren. Gusto kong makalimot sa lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko. Tama lang siguro itong naging desisyon ko.

Napabuntong hininga akong napayuko habang tinutungo ang loob ng eroplano. Ako si Sophia Zamora at ito ang tinadhana ko kay Darren Min na kilala bilang isang Chick Magnet King, were broken up.

The End. See you on Book 2!





(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Continue Reading

You'll Also Like

3M 38.2K 75
What will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema...
HIDE By peach

Mystery / Thriller

28.2K 898 39
Paano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong...
1.2K 117 36
My Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet aga...
1M 4.4K 6
Never Fall In Love To A Gangster Book 2 na po ito Basahin niyo muna ang NEVER FALL IN LOVE TO A GANGSTER bago niyo basahin ito para hindi kayo ma...