My Psycho Girl [COMPLETED]

By marielicious

9.7M 218K 21.5K

X10 Series: Derrick Monteverde Spin-off story of Married To A Retard More

My Psycho Girl (Sequel to Married To A Retard)
[1] Heartbroken
[2] One Hot Night
[3] Forget it And Move On
[4] Two Red Lines
[5] The Psycho And The Moron
[6] Grounded
[7] Marriage Is No Joke
[8] The Sin City
[9] Not-A-Typical-Wedding
[10] Marriage Agreement
[11] Temptation
[12] My Wife is Pregnant
[13] Umuwi Ka Na, Baby
[14] Reminiscing
[15] Caught In The Act
[16] Affected, Aren't We?
[17] His Absence Makes Me What?
[18] Sudden Thought
[19] Set-up
[20] Three Red Roses
[21] Those Three Words
[22] Girl Or Boy?
[23] Relationship Status
[24] Slip Of The Tongue
[25] True Feelings
[26] Reunited
[27] His Dirty Secret
[28] Talk About Stress
[29] Suspicious Husband
[30] One Click To Go
[31] Please
[32] Talk To Me
[34] 5 Months Old
[35] Dude
[36] Unexpected
[37] Longing
[38] Finally
[39] Apology
[40] Getting Better
[41] Playmates
[42] Out Of Town
[43] Inspired
[44] Blame
[45] Daddy
[Epilogue]

[33] Leave Me Alone

136K 3.8K 295
By marielicious

[33] LEAVE ME ALONE


DERRICK'S POV

Tatlong araw na-confine si Lyza sa ospital at sa tatlong araw na yun ay wala pa ring nangyayari sa amin. Ni tignan ako ay hindi niya magawa. Lagi niya akong iniiwasan sa tuwing nagtatangka akong kausapin siya. Kadalasan ay nagdadahilan siyang inaantok siya 'pag pumapasok ako sa kwarto niya o 'di kaya'y siya mismo ang nagtataboy sa akin.

"Tingin mo, kailan ako kakausapin ng Mommy mo, Erick?" Siguro nga mukha akong t-nga dito na kinakausap ang isang sanggol na walang malay sa nangyayari. Kahapon lang iniuwi si Lyza sa bahay ng parents niya at dito na rin ako pansamantalang tumutuloy. Hangga't maaari ay ang mag-ina muna ang aasikasuhin ko. Kailangan kong ayusin ang nasira ko.

Pinadaan ko ang aking hintuturo sa ilong ni Erick. Erick is his nickname and Lyza chose it for him. "Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng nanay mo? Ayaw niya akong bigyan ng chance para magpaliwanag?" Saka ko siya binuhat mula sa kama at nagpakawala ng buntong-hinga. "Nahihirapan na ako."

Hindi ako mahilig sa bata pero exceptional si Erick dahil hindi ako nagsasawang kargahin siya kahit minu-minuto pa. Kung minsan nga ay ako pa ang nagpapatahan sa kanya sa gabi kapag umiiyak siya at mahimbing ang tulog ni Lyza.

Speaking of Lyza, we have separated rooms. Ayaw niya akong makita at makausap kaya dito nalang ako natutulog sa guestroom. Di bale, magiging maayos din ang lahat. Hindi dapat ako magmadali.

Naputol ang malalim na pag-iisip ko nung marinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko. Paglingon ko, nakita ko si Lyza kasama ng private nurse na nakatayo roon. Walang emosyon ang mababakas sa mga mata niya.

"Nurse, pakikuha na si Erick sa kanya. I'll feed him," malamig na sabi niya bago siya umalis. Mabilis namang nakalapit sa akin ang nurse at buong ingat kong inilipat sa mga bisig niya ang anak ko.

Naiwan akong parang hangin sa guestroom. Until when will I suffer like this?

I heard my phone rang. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. For sure, it's mom. They informed me earlier that they'll be having dinner with Lyza's parents as well as they want to see Erick.

"Yes, hello?"

["Derrick, we're on the way there."] Boses ni Mama. Alam niyang may problema kaming mag-asawa pero hindi niya alam kung ano yun.

"Sige, Ma. See you."

Binaba ko ang phone at dali-daling bumaba ng kitchen. Nakasalubong ko pa si Mama (Mother-in-law) na paakyat kaya binati ko siya.

"Hi, Ma. Parating na po ang parents ko."

"Everthing's settled. Naluto na ang mga pagkain. I am actually about to call Lyza. Is she still sleeping right now?"

"Hindi na ho."

"Oh, I see. I'll just tell her to get fixed. Hindi niya kasi alam na magdidinner ang parents mo dito," paalam niya at akmang hahakbang na pataas nang pigilan ko siya.

"Ma..."

Lumingon siya sa akin. "Yes?"

"Ako nalang po."

Hindi ko na hinintay na sagutin ako ni Mama dahil mabilis na akong bumalik sa taas. Dumiretso ako sa dulong bahagi ng palapag at huminto sa pinto ng kwarto niya. I took few deep breaths before knocking. I knocked thrice, but not too loud. Ayokong magising si Erick.

Nung wala pa ring nagbukas para sa akin ay pinihit ko na ng dahan-dahan ang doorknob. Halfway pa lang ng pagbukas ko ay nakita ko na si Lyza sa gilid ng kama na buhat-buhat si Erick habang may kausap sa phone. Kaya siguro hindi niya ako narinig.

"... Help me."

Yun lang ang narinig ko mula sa kanya and for some reason, she stopped her words and looked to my direction over her shoulders. Napansin kong halos magsalubong na ang mga kilay niya.

"I... I am sorry to interrupt you. Sasabihin ko lang sana na—"

I saw her jaw clenched and then, she turned her back on me that's why I had to cut what I was about to say. "I'll call you back later. Bye," sabi niya sa kausap at pagkatapos ay ibinato niya sa kama ang kanyang phone.

"Haven't I told you not to enter my room? Ayaw kitang makita," sabi niya habang inilalapag si Erick sa crib nito. I finally stepped inside, giving no damn if she's gone mad seeing me.

"Lyza, don't you think it's too much? You got to hear my side, please?"

Tinalikuran niya at akmang papasok na sa walk-in closet nang huminto siya. Nanginginig ang mga kamao niya at halata sa kanya ang pagpipigil.

"Ayoko na, Derrick. Tama na. Umalis ka na."

Lumabas ako ng kwarto pagkasabi ni Lyza nun. Kahit ilang beses niya akong itaboy, hinding-hindi ko sila iiwan. Alam kong galit lang siya sa akin kaya niya yun nasasabi. Kailangan ko siyang intindihin. Hindi dapat ako sumuko.

Bumaba ako sa living room, at bago pa man ako dumiretso sa kusina ay narinig kong tumunog ang phone ko. It's a message from my Mom.

-

We're here.

-

Lumabas agad ako ng bahay, at inutusan ang guard na pagbuksan ng gate sila Mama. Pumasok ang kotse kung saan sila nakasakay, at sinalubong ko sila pagkalabas nila dito.

"Ma..."

I hugged her as tight as I could. I don't usually do this, but for now I need to be comforted. Nasasaktan din ako't nahihirapan na.

"Derrick, ayos ka lang ba?" Boses ni Papa.

"Ayos lang ako," sagot ko at humiwalay na sa yakap. I managed to smile away and escorted them inside the house. Sumalubong agad sa amin ang parents ni Lyza.

Wala naman masyadong nangyari. The dinner went well with them, but for me, it wasn't that good. Hindi bumaba si Lyza, at mas pinili nalang na magpahatid ng pagkain sa kwarto niya.

"Ma, bumalik nalang siguro kayo bukas. Tulog na kasi si Erick eh. Hindi dapat sa gabi ang dalaw niyo," sabi ko habang hinahatid sila sa labas. Magkausap si Papa at ang parents ni Lyza, samantalang kami naman ni Mama ang magkadikit.

"We'll be back tomorrow afternoon. Masyado kasing maraming ginagawa sa office," she slightly tapped my head and gave me a peck on my cheek. "You have to be strong, Derrick. Wala pa sa kundisyon si Lyza kaya siguro ay ayaw ka niyang kausapin."

"I understand her."

Nagpaalam na ang parents ko sa akin at ganun din sa mga in-laws ko. Naiwan akong nakata-nga sa kawalan. Tama sila. Kailangan kong magpakatatag.

"Derrick, hindi ka pa ba papasok?" Sabi ni Papa. Niling0n ko siya at tumango.

"Susunod na ho ako."

Saglit akong naglakad-lakad sa garden. Nagpahangin lang at nag-isip-isip. Ilang saglit lang ay naisipan kong pumasok na nang may makita akong imahe ng babae sa pavilion. Madilim sa parteng yun at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag dun.

I went towards to its direction and then I stopped when I realized that it's my wife. Nakatulala siya sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Natigilan ako nang makitang pinahid niya ang kaliwa niyang pisngi. Is she crying?

"Lyza..."

Her body stiffened. She quickly wiped her tears and looked to me. "Leave me alone."

"Lyza, kailan mo ba ako kakausapin?"

I took one step towards her, but she stepped back. "I don't want to listen to your lies."

"It's not what you think it is." Huminto ako at huminga ng malalim. I have to tell it now. "Oo, ako at si Alyanna yung nasa video."

Dun na siya napatakip sa bibig at nagsimulang magpigil ng bawat hikbi. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit. Masakit na nakikitang nahihirapan dahil sa akin ang babaeng mahal ko...

"Pero Lyza, ginawa namin yun nung—"

"STOP!" Tinakpan niya ng kanyang palad ang dalawa niyang tenga. Nilapitan ko siya at yayakapin sana, nang umiwas siya sa akin. "Don't touch me. You disgust me!"

"Pakinggan mo muna kasi ako—"

Nabigla ako nang sampalin niya ako sa kanang pisngi. Namanhid ang buong katawan ko. Pakiramdam ko, lahat ng galit ay ibinuntong niya sa sampal na yun. It didn't hurt thought, but what hurt me is the sight of my wife crying infront of me.

"I never loved you, Derrick. Good thing I never did. Nagsisisi lang ako dahil ikaw ang pinakasalan ko. Hindi sana ako naghihirap ng ganito! Nakakadiri ka. Lumayo ka nga sa akin!"

"Ayoko. Hindi tayo maghihiwalay nang hindi mo pinapakinggan ang paliwanag ko. Makinig ka naman sa akin, Lyza!

Nilagpasan niya ako at huminto nung makarating siya sa labas ng pavilion.

"Kung ayaw mo akong iwan, pwes ako nalang ang lalayo!"


***



Kinabukasan, nagising ako sa malakas na iyak ng bata. Napabalikwas ako at babangon na sana nang maramdaman kong parang binibiyak ang ulo ko. My head hurts like hell!

"Fuck naman oh!" Ilang gabi na rin akong puyat kaya siguro ito sumasakit ng todo. Medyo naluluha pa ang mga mata ko sa sobrang sakit. Idagdag na rin ang mga mga binitawang salita ni Lyza sa akin kagabi. Sapat na yun para guluhin lalo ang utak ko.

Narinig ko na naman ang malakas na iyak ng anak ko. Huminga ako ng malalim ng paulit-ulit bago ako tuluyang bumangon sa kama. Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Erick sa kwarto ni Lyza. I'm used in doing this everynight. But today's different. Umaga na ngayon at ang bumungad sa paningin ko pagkapasok ko ng kwarto ay ang mga magulang ni Lyza na may pag-aalala sa mga mukha.

Nilapitan ko ang nurse at kinuha mula sa kanya si Erick. Iyak pa rin ito ng iyak.

"Ma, nagugutom na yata si Erick. Saan ho ba si Lyza?" tanong ko. Nagbebreastfeed si Erick kaya hindi dapat siya nalalayo ng matagal sa mommy niya.

Hindi ako sinagot nila Mama. Lumapit lang sa akin si Papa at may iniabot na papel sa akin.

"Ano ho ito?"

Wala pa ring tigil sa pag-iyak ang anak ko kaya marahan ko siyang iginalaw-galaw sa bisig ko. "Ssshhh, Erick. Stop crying," bulong ko sa kanya at binalingan ulit si Papa. "What's this, Pa?"

Instead of answering me, he sat back on the edge of the bed and comforted her wife who is now silently sobbing. Nakaramdam tuloy ako ng kaba, at nagmamadaling binuklat ang sulat.

Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa nabasa ko...


Take care of my baby. I just need some time to think. I'll come back when I'm ready... I'll come back for Erick.

- Lyza


Shit.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
3.3M 8.9K 4
| COMPLETED | 30 June 2016 - 22 August 2016 | Stonehearts Series #1 | Garnet Raniel Carlos is one tough cookie. Born on the 26th of January, she is v...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7M 1.9K 5
She was six and he was fifteen when they first met. She was his Princess and he was her Prince. "One day, I'll marry you," the Prince promised. Many...