I'm Destined with the Chick M...

By MsjovjovdPanda

327K 8.5K 580

(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners... More

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)
Trailers
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
ZyPhia vs. EhDren
Video Trailer (ZyPhia vs. EhDren)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
BOOK 2 IS NOW PUBLISHED
Achievements

Kabanata 34

4K 121 3
By MsjovjovdPanda

Kabanata 34

Sophia's Point of View

Panay pa rin ang tulo ng mga luha ko matapos kong iwanan doon si Darren.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya lahat nang 'yon kanina.

Ang tanging masasabi ko lang sa sarili ko, ang tanga-tanga ko matapos kong mapakinggan ang lahat ng mga paliwanag niya pero huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sa aming dalawa.

Hindi man lang niya ako nagawang pahalagahan. Sinira na niya ang tiwalang pagmamahal ko para sa kanya. May lamat na kaming dalawa.

Nang makapasok na ako sa loob ng private room kung saan nando'n si Zyren, bigla nalang akong napahinto nang makita ko rito si Ehdrey sa loob na umiiyak habang yakap siya. Hindi ko alam kung bakit kusa nalang din akong napaatras.

Sinarado kong muli ang pintuan at napasandal ako sa likod ng wall.

Mas lalo akong napaiyak. Napapikit na rin ako.

"Please, Chocolate, gumising ka na," bulong ko sa hangin. "Ngayon kita mas higit na kailangan. Nakikiusap ako gumising ka na."

Sandali pa akong nagtagal sa labas at kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang pumasok sa loob para harapin si Ehdrey.





Ehdrey's Point of View

"Anong ginagawa mo rito?" Kusa ko nalang nabitawan ang kamay ni Zyren nang maabutan ako ni Sophia na naririto sa loob ng private room niya.

Napatayo ako kasabay ng pagpupunas ko ng luha.

"Ah, k-kasi gusto ko lang sanang mahawakan ang asawa ko, Sophia," mahinahon kong sabi. "Matagal ko na kasi siyang h-hindi nakiki—"

"Bakit sa tingin mo ba kung magising siya ngayon gugustuhin ka niyang makita rito?" putol niya sa sasabihin ko kaya muling tumulo ang mga luha sa pisnge ko. Napayuko ako. "'Di ba hindi?" dugsong pa niya. "Kayo ang dahilan ni Darren kung bakit nangyari 'to sa kanya."

Nananatili akong nakayuko habang umiiyak sa harapan niya. Hindi ko magawang makapagsalita.

"Umalis ka na sa bahay ninyo ni Zyren," bigla niyang sabi dahilan para iangat ko ang ulo ko at gulat na mapatitig sa kanya.

"B-Bakit ko naman gagawin 'yon?" mabilis kong sagot kaya napakunot ang noo niya. "Ako ang asawa niya k-kaya mas may karapatan ako sa kanya, Sophia," lakas loob kong sabi kahit umiiyak.

Matapang naman niya akong hinarap at mataray niya akong tinitigan. Pero hindi ako magpapatinag sa kanya. Hindi ako makakapayag sa gusto niya dahil ako naman talaga ang mas may karapatan kay Zyren kaysa sa kanya.

Magkatitigan lang kaming dalawa ngayon nang bigla niya akong bigyan nang isang malakas na sampal na siya kong kinagulat.

"Lagi mong sinasabi sa akin noon na ako ang dahilan kung bakit kayo nagkalapit at nagkakilala noon ni Zyren kaya palagi mo akong pinapasalamatan hindi ba? Pero sa maniwala ka o hindi, ako rin ang magiging dahilan nang pagwasak ng relasyon n'yo at paghihiwalay ninyong dalawa."

Kusang umagos ang mga luha ko matapos kong marinig 'yon mula sa kanya. Pero hindi ito ang tamang oras para ipakita ko sa kanyang mahina ako at ipaubaya ko ang asawa ko sa kanya.

Lakas loob ko rin siyang nilapitan at binigyan ng katumbas ng pagkakasampal niya sa akin. "Hindi ko magagawa ang gusto mo, Sophia."

Sinabi ko 'yon sa kanya habang tumutulo ang luha ko.

Napangisi siya sa ginawa ko. "Kung ayaw mong umalis do'n, hindi rin naman ako makakapayag na ikaw ang mag-alaga sa kanya dahil sa bahay ko siya titira," bunyag niya. "Sa ayaw at sa gusto mo, kung gising lang si Zyren ngayon, sigurado akong lalayuan ka rin niya at sa akin siya papabor."

Matapos niyang sabihin 'yon muli ko sana ulit siyang sasampalin pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko kaya't tila naghahawian na kaming dalawa ngayon.

Nang bigla niyang hablutin ang buhok ko kaya mabilis ko ring hinablot ang buhok niya. Nagsabunutan kami pero biglang dumating si Darren kung kaya't inawat niya kaming dalawa.

Nahawi ni Darren si Sophia dahilan para mapasubsob si Sophia sa upuan na siya naming kinagulat. Pare-pareho kaming gulat na nakatitig ngayon sa isa't-isa.

"H-Hindi ko sinasadya," 'di makapaniwalang sabi ni Darren.

Muling tumayo si Sophia at nilapitan niya kami. "Umalis na kayo rito!" Pinagtatabuyan na niya kami ngayon kaya mahigpit akong hinawakan ni Darren. "Umalis na sabi kayo! 'Wag na kayong babalik dito!"

"Magsitigil na kayo!" biglang rinig naming sabi ni Ozu nang makita naming bumalik na sila rito nina Crystal, Jamie at Ezikiel. "Dapat ba talagang sa harapan pa ni Zyren ninyo gagawin 'yan?"

Tuluyan nalang akong napaiyak at napakapit kay Darren samantala lumapit naman si Sophia kay Zyren at hinawakan niya ang kamay nito habang umiiyak din siya ro'n.

Nagpunas siya ng luha. "Katulad ng sinabi ko, ako ang mag-aalaga kay Zyren. Kung ayaw ni Ehdrey umalis sa bahay nila, sa bahay ko aalagan si Zyren dahil sinisigurado ko sa inyong lahat, na kung gising lang sa mga oras na 'to ngayon si Zyren, sigurado akong lalayuan niya rin si Ehdrey dahil sila ang dahilan ni Darren kung bakit nangyari 'to sa kanya!" humagulgol niyang sabi kaya mas napaiyak na rin talaga ako ng husto.

Niyakap na niya ngayon si Zyren.

"Zy, gumising ka na! Please, gumising ka na riyan! Sabihin mo sa kanilang totoo lahat ng mga sinasabi ko! Pakiusap gumising ka na! Zyren!"

Bigla nalang tumakbo si Darren sa labas matapos magwala ni Sophia.

Hindi ko na rin kinaya ang tensyon dito kaya mas minabuti ko na ring tumakbo papalabas.

"Darren! Darren!" Hinahabol ko siya ngayon. Alam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari ngayon dahil alam kong mahal na mahal pa rin niya si Sophia.

Napahinto siya sa isang tabi at nakita kong pinunterya niya iyong pader. Umiiyak siya habang napaupo sa semento.

"Darren..." sambit ko nang malapitan ko siya.

Agad ko siyang niyakap. Nag-iiyakan kaming dalawa.

"Hindi ko alam kung bakit napamahal siya ng husto kay Zyren. Hindi ko naman ito gustong mangyari sa amin. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Sophia." Napasubsob siya sa balikat ko at nararamdaman kong napakabigat ng loob niya ngayon.

"Alam ko, Darren. Tahan na."

"Pinaliwanag ko na sa kanya lahat ng side ko pero hindi siya naniwala sa akin. Ang sakit lang kasi isipin na pinagpipilitan niya 'yong gusto niyang mangyari. Paano ka? Paano kayong dalawa ni Zyren?"

"Darren, mas makakabuti siguro kay Zyren kung si Sophia nga talaga ang mag-aalaga sa kanya."

"Bakit sinasabi mo 'yan? Ikaw ang asawa niya."

"Pero nangangamba rin ako Darren. Kung gano'n nalang ni Sophia protektahan si Zyren, hindi nga kaya nagustuhan na rin ni Zyren si Sophia? Nagustuhan na nila ang isa't-isa? Paano nalang kung magising siyang ako ang nasa tabi niya? Natatakot akong ipagtabuyan niya ako lalo na at nalaglag ang anak namin. Sigurado akong kasusuklaman niya rin ako kung malalaman niya 'yon."

"The heck no! Kahit anong mangyari ikaw pa rin naman ang asawa niya."

Umiling agad ako.

"May point si Sophia, Darren. 'Wag mo akong alalahanin. Hangga't hindi pa nagigising si Zyren, hindi ako mawawalan ng pag-asa. Maghihintay ako sa kanya. Pero sa ngayon, kung ayon ang gusto ni Sophia, pagbibigyan ko siya. Sa mga kakilala ko nalang muna ako makikitira."

"No! Hindi ko mapapayagan 'yon," mabilis niyang sagot. "Doon ka na muna sa bahay ko tumuloy."

"Pero Darren..."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Seryoso ako. Sige, pumapayag ako sa gusto ni Sophia. Pagbigyan natin siya. Pero hindi kita pababayaan na kung saan saan ka nalang titira,"

Napayuko ako. Gano'n na rin ba talaga ako ka suwerte na mabait pa rin sa akin si Darren sa kabila nang lahat ng nangyayari sa amin ngayon?

Napaluha akong tumingin sa kanya. Sumang-ayon ako sa kagustuhan niya.




(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 117 36
My Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet aga...
139K 3.4K 54
(Book 3) Trending in the Year of 2017 - #24 in Short Story as of June 2020. -Inakala ng lahat na tapos na ang problema. Muling pinaubaya ni Sophia si...
3.7M 50.8K 116
(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang...
4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...