Less Than Three

Від xtinee

3.2K 80 113

Inlove si Ayes sa kanyang kababatang si Jasper. Pero pinili niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman sa loob... Більше

Prologue
Chapter 1
Chapter 1.5
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 6.5
Chapter 7
Chapter 7.5
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue

Chapter 11

111 3 6
Від xtinee

Sa update na ito matutunghayan ninyo ang pahapyaw na pananaw ng iba pang mga karakter ng istoryang ito. Nawa ay magustuhan ninyo.

Wahahaha. Ang pormal yata di bagay sakin yak! XD de joke lengs.

Gaya nga ng sabi ko pahapyaw lamang po ito para lang magkaideya kayo sa side/kwento ng mga karater ng aking munting kwento. Salamats! *bow*

***

Alexander's POV

Sa mga di nakakatanda well its me the one and only brother of Ayesha. Ginamit ko lang yung pangalan ko talaga masyado na kasing naluluma di nagagamit haha pati ang cool kaya. ALEXANDER pang model diba? Well, pang model naman talaga ang mukhang to kaso wala akong confidence na pang model. Eh ako nga yata ang idol nitong si pareng Jasper sa katorpehan. Ewan ko ba umpisa pa lang naman halata ng may gusto siya sa aking minamahal na kapatid. Anyway mas nakilala niyo na kong Tupe/Toper eh. Edi ayun na lang. Di naman big deal sakin yun kasi ako pa rin naman ang kuya netong si OO na handang makinig sa mga kadramahan niya sa buhay.

Alam niyo ba hindi naman talaga kami ganon kaclose ni Ayes nung mga bata pa kami. Kapag sinabi kong bata eh yung musmos pa talaga ha. Kasi bata pa rin naman kami ngayon teenager nga lang kung tatawagin. Para kaming aso't pusa niyan. Laging nagbabangayan nagsusuntukan. Oo, nagsusuntukan ganon kami magmahalan niyan. Pero kahit dati eh ganon kami sobrang mahal ko na yan. Kumbaga, kapag may umaway o manakit kay bunso eh talagang ako makakalaban. Aba'y walang silang karapatan ako lang pwedeng umaway diyan :p

So, ayun nga. Ano bang ikukwento ko sa inyo? Love life ko? Ay nako sawi ho. Kaya wag na natin pag usapan pero malay natin ikaw na nagbabasa nito na pala ang makakatuluyan ko. hahaha. Tinatry ko lang magpatawa. Ayoko kasi ng masyadong seryoso tama na yung si Ayes lang yung sobrang nagpapaseryoso sakin pag nagdadrama yung kapatid kong iyon.

Eto na lang kwento ko. Bakit ko ba alam na may gusto si Per kay Ayes? Alam kong ayan ang gusto nyong malaman. Ganito kasi yun:

Mga ganitong petsa din yun. Si Ayes iniwan ko muna sa playground kasi bumili ako ng pagkain. Nakakagutom naman kasing makipag away sa babaeng yan parang di ako kuya pag nag aaway kami. Nahiya pa yan kahit papaano tinatawag pa kong kuya. Pabalik nako nun sa swing kung nasan yung kapatid ko pero may nagpigil saking bumalik.

Actually, di naman tao yung nagpigil sakin kundi yung nakita ko. Nagtago pa ko nun sa may halamanan eh. May batang lalaki kasi na feeling ko ka age ni bunso. Sobrang makatitig eh. Inisip ko nung una baka masamang bata yun na balak awayin yung kapatid ko pero hindi eh. Nakita ko lang siya titig na titig medyo malayo siya sa swing tapos nakakapit lang siya sa mama niya. Napaisip pa nga ako nun na uso ba love at first sight kahit grade 6 pa lang ako at grade 5 si Ayes. Kasi feeling ko talaga parang ganon yung sinasabi nung mga mata nung batang lalaking yun. Di naman ako love expert pero sadyang parang nadadama ko ang nararamdaman ng isang tao sa pag tingin sa mga mata nito at alam kong ganoon din si Ayes. Siguro nasa lahi namin? Kung sa read between the lines eh etong amin read between the eyes.

Pero hindi pa sapat na pruweba yun alam ko kaya meron pa kong isa. Ganito naman ang nangyari:

Nung time na yun may bagong lipat sa street namin. Nakita ko ulit yung batang lalaki na nakita ko noon sa playground. At dahil dakila akong palakaibigan ay kinaibigan ko siya. Nung pinakilala ko siya sa kapatid ko pati kina Ayin at Nico. Parang iba yung aura niya nung kay Ayes ko na siya pinakilala. Biglang parang seryoso. Sobrang misteryo pa sakin nun yung pagkatao ni Jasper pero kinalaunan eh naging close nga kami sa isa't isa. Naitanong ko na rin sa kanya yung tanong na gusto ko na talagang masagot. Pero hindi ako yung nakapagpaamin sa kanya eh. Yung isa pa naming kababata si Luisa.

Siguro naman medyo malinaw na ano. Kahirap naman kasi si OO eh masyadong bitter kaya pinirisinta ko na sarili ko na magkwento. hahaha. Eto pa pala. Alam nyo ba hanggang ngayon pansin pa rin sa mata ni Per yung nakita ko sa kanya noong bata pa kami. Ewan ko ba kung bakit hindi napapansin ni Ayes yun. Kawawa yung kapatid ko nasasaktan pa eh gusto rin naman talaga siya ng gusto niya. Nag aantayan lang sila. Buhay nga naman parang life. Pero syempre di ko sinasabi kay Ayes ang aking mga nalalaman. Aba'y lovelife niya yan alangan naman ako ang gumawa ng move. Mali yun, dapat si Per. Huwag lang talaga niyang paiiyakin yung kapatid ko kahit napaiyak na nga niya pero iba naman yun. Basta igets nyo na lang. Gets nyo na yan matatalino naman tayo eh diba :DDD

Basta pag kayo'y nagugulumihanan. Andito lang ako makikinig sa inyo. Ako ang kapatid ng lahat. hahaha. JOKE! Lulubus lubusin ko na to.

Diba kanina may nabanggit akong Luisa? hahaha. Siya lang naman ang babaeng pinapangarap ko kaso ang hirap abutin eh. Nasa ibang lupalop na ng daigdig. Ang torpe ko alam nyo ba yun? Bago siya lumipad patungong kabilang dako ni hindi ko man lang inamin sa kanya na gusto ko siya. Umiyak ako nun. Pero hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ang pag iyak. Tulad ng mga babae way lang din yun ng mga lalaki para mailabas yung sakit na nararamdaman niya. Tao rin naman kami nasasaktan. Hindi naman kasi madaling magtapat. Maraming isusugal. Masakit. Ang hirap kayang ireject. Alam ko kasing hindi pa priority ni Luisa yung pag ibig na yan. Yung pag iyak hindi naman kasi ibig sabihin mahina ka agad ibig sabihin lang nun malakas ka kasi nailalabas mo yung nararamdaman mo at pagkatapos mong mailabas yun alam mong magiging better ka na kasi unti unti matatanggap mo rin di gaya ng iba na bigla na lang nagpapakabitter hindi muna nagtry na ilabas yung saloobin nila at subukang tanggapin ito.

Grabe nailabas ko na yung mga kahinaan ko. Pero hindi ibig sabihin nun eh bakla ako at kabilang sa federasyon. Dahil nagkakamali kayo. Na-uh! haha JOKE ULIT! Ehem, isa lang naman kasi akong hamak na itinuturing na *EHEM* heartthrob *EHEM* ng campus namin. At di diyan nagtatapos. hahaha. Varsity rin kaya ako. Kasama ko nga dun sina Per, Nic at Kyle.

Speaking of Kyle, may napapansin ako sa taong yan eh. May pagkamisteryoso yun. Ayaw na ayaw nun ng nasa spotlight kaya dati sumali ng Writer's Lounge yun eh para makokontrol niya if ever may lalabas na article tungkol sa kanya. Wais nga eh. Pero hindi yun ang talagang napapansin ko. Nagpapapansin kay Ayes ang loko. Halata ko yun kasi lalaki rin ako alam ko yung mga ganon. Dumadamoves kung baga pero sa pinakasimpleng paraan.

Napapagod na ko magkwento para na kong story teller. Naiinggit lang ako sa kapatid kong nag uumapaw ang buhay pag ibig ng hindi namamalayan. Hanggang sa muli! Babye fans! mwua mwua chup chup :))

A/N : Ikaw ba yan bossing? hahahaha.

Ayin's POV

"AYANNA NICOLE! LIKA SAGLIT" Ayan si mudra nagdadadakdak na naman para na namang armalite eh minsan na nga lang ako umuwi dito eh. Dahil diyan panigurado kilala niyo na ko. Sino ba naman di makakakilala sa bestfriend pero nangunguna nguna lagi sa pang aasar? O diba ako lang yun!

"WAIT LANG MA!" Kasi naman si mama nagkikipagtext pa ko sa prince charming ko eh. haha hulaan niyo kung sino. Ay nako kinuwento na pala ni Ayes. Babaeng yun pareho lang kaming naglalaglagan eh hahaha. Pero kahit ganon mahal na mahal ko yun. Dami kong satsat. Magrereply muna ko.

From Nico <3:

Yin, musta ka dyan? Miss ka na namin eh. Kelan balik mo dito?

To Nico <3:

Okay naman eto parang armalite na naman si mama. E dyan sa apartment? Mamaya babalik na ko diyan kaya nga tong si mama sinusulit na pag uutos sakin. :/

Ayan. Umuwi kasi ako dito kahapon sa bahay namin kasi pinauwi ako. Namimiss na raw ako ni mama. If I know namimiss lang ako niyang utusan eh. Pero babalik din naman ako mamaya kasi kailangan ko pang gumawa ng project bukas.

***

Hay sa wakas makakabalik na rin ng apartment. Kakapagod dito sa bahay maglinis. Pero syempre di naman talaga ko nagrereklamo kasi minsan na lang naman ako tumulong dito. Sabi sakin ni Nico susunduin na lang daw niya ko kasi medyo pagabi na din at delikado. Ang concerned talaga sakin ng crush ko eh. Bat kasi ayaw pang amining crush niya din ako diba eh halata naman. Pero sabi ko wag na niya kong sunduin kaso nagpumilit eh kahit raw dun na lang sa mall kami magkita para malapit lapit. Edi pumayag na rin ako kasi naalala ko kailangan ko palang bumili ng materials para sa project na gagawin ko nga bukas. Ayos may taga bitbit ako haha. joke lang. Kakaiba ko eh noh gagawin ko pala dapat yung project ng walang kagamit gamit.

"Bye ma, una na po ko. Ingat kayo dito. Loveyou" Sabi ko kay mama nung paalis na ko. Nagkiss na rin ako.

Medyo nakaidlip ako sa byahe. Matraffic rin kasi ng kaunti gawa uwian ng ganitong oras. Pero keri lang pababa na rin naman ako. Tetext ko na rin si Nico.

To Nico <3

Lapit nako bumaba. San ba tayo magkikita? Sa national na lang kaya may bibilhin rin ako doon eh.

Bilis magreply eh. Halos 1 minuto ko pa lang naisend may reply agad.

From Nico <3

Ah okay ingats! :**

Sweet ni Nico grabe okay na sakin kahit ganito lang kami basta poreber ng ganito. XDD haha. PUMIPBB TEENS AKO EH. pero hindi rin naman kasi di naman agad agad eh. Crush lang naman pati di naman kami naghoholding hands o nagyayakapan basta normal na magkasama lang. Casual sa isa't isa kumbaga.

Ayy oo nga pala. Maalala ko eh may itatanong sakin si Ayes eh. Dapat nung nakaraan pa yun. May nag iwan daw ng sulat sa locker niya tas may nakasulat na di niya magets. Matext nga. Di na kami nakapagkwentuhan eh. 

To Best Ayes:

Best, pauwi na rin ako. Maya kwentuhan tayo! Pati yung itatanong mo pala sakin. Imissyou! :** Daan lang ako SM bili materials for tom. Sabay na natin gawin yung project natin ah. Anyway, baka may ipapabili ka na kulang pa sa materials mo?

Nakababa na rin ako ng mall at sakto nagreply na rin pala si best.

From Best Ayes:

Ingats ka bestfriend! XDD yiiie alam kong susunduin ka dyan ni Nic. Ikaw na talaga lumalovelife talagang magkukwentuhan tayo mamaya. hahaha! Marami ka na yatang baong kwento eh. Ah uo yung itatanong ko maya na din. Wala na ko papabili complete na yung nabili ko kahapon. Imissyoutoo! :** Enjoy! :p

Loka talaga tong si Ayes eh lagi na lang may pang aasar. Sinabi pala ni Nico na susunduin niya ko dito. Kiligs nemen aketch. Ayy hahah hanglandeee.

Nico's POV

Excited na ko makita si Yin. Di ko kaya nakita kahapon namiss ko noh syempre. Dahil nga miss ko na talaga siya nagprisinta na kong sunduin siya sa SM dapat nga sa kanila na eh kaso nahihiya yata. Yung sinabi niyang sa National na magkita ay hindi ko lang naman sinunod. hoho. Inaantay ko siya ngayon dito sa entrance. Ayun! Natanaw ko na yung babaeng mahal ko. Ang cute niya talaga pumorma. Pareho sila ni Ayes sa totoo lang kaya nga magbestfriend eh diba. Girls nga naman. I can't help but stare at her. Mukhang nagulat siya ng makita ako sa entrance.

"Ah, nung nagtext ka kasi kakababa ko lang din halos kaya inantay na kita dito."

"Okay tara." 

O diba ang galing ko umact ng normal pag kasama ko siya kahit gusto kong hawakan ang kamay pero ayokong mag take advantage. Never ko pa naman kasi inamin sa kanya na mahal ko nga siya pero yung mga kabarkada namin alam yun for sure. Ewan ko ba. Pero ayoko namang sabihing manhid siya kasi pasimple naman talaga lahat ng moves na ginagawa ko. Kumbaga step by step talaga. Little steps to be specific. Okay naman samin na ganto takot rin kasi ako na masira yung friendship namin kasi diba malay ko bang gusto niya rin ako. Pero malapit na handa akong itake ang risk para kay Ayin. Ganon ko siya kamahal. For now, okay na muna to. 

Andito na kami sa National bibili daw kasi siya ng scrapbook materiala para sa project niya. Dahil gentleman ako, ako nagbuhat ng mga bibilhin niya.

"Musta naman sa inyo?" Pagsisimula ko ng mapag uusapan para naman di mabore sakin si Yin.

"Okayy naman kahit utos dito utos doon. Nakita ko pala kapatid mo kahapon. Cute talaga eh kamukha mo. Kinakamusta ka sakin"

"Grabe miss ko na nga yung batang yun kaso hirap naman kasi ng pauwi uwi tayo doon eh noh."

"Oo nga eh kakapagod magbyahe."

"Sinabi mo pa. Mukha ngang pagod ka na eh. Gusto mo kain muna tayo bago bumalik ng apartment."

"Bakit Nic libre mo ba? hahah. Joke lang. Ako naman manlibre sayo." Ang cute ni Ayin eh, para lang siyang drug nakakaadik. Oops di ako naggaganon ha.

"Sus nahiya ka pa ng onti eh noh. Ako na manlilibre. Lakas mo sakin eh." Sabay kindat ko. hahaha mapansin mo naman sana kahit yung mga pasimple ginagawa ko Ayin. 

"hahah hindi ako hihindi dyan Nico. Tara babayaran ko na to."

"Naman basta ikaw. Sige tara."

***

Sobrang enjoy ng araw na to kung alam nyo lang. Sa may KFC kami kumain. Mukha naman nag enjoy rin si Ayin. Puro nga kami asaran nakakatuwa lalo at nakita ko na naman yung mga tawa niya. Sobrang genuine eh. Lalo akong naiinlove. Hayy. Onting onti na lang maaamin ko rin tong nararamdaman ko sa kanya.

Kayang kaya ko naman mag intay kahit pa abutin ako ng forever basta si Ayin ang aantayin ko. Gagawin ko ang lahat para maipakita ko pagmamahal ko sa kanya at para mapasaya siya lagi.

Jasper's POV

"Basta bro, bilis bilisan mo baka maunahan ka pa ng iba. Alam mo naman yang kapatid ko sobrang bait maraming nagkakagusto diyan."

Yan ang sa lahat ng sinabi ni Kuya Tupe ang pinakatumatak sakin. Hay, ang hirap bat ba kasi ang torpe ko? Kinabahan ako at the same time nathreatened ako. Alam ko naman yun sobrang bait ni Ayes eh di talaga imposibleng walang ibang magkagusto sa kanya. Sa totoo, may napapansin na nga ako kay Kyle. Feeling ko may gusto na siya kay Ayes. Alam ko yun kasi lalaki rin ako. 

Grabe ang tagal ko na pala siyang gusto. 6 years. Ewan ko ba pero I can't give up on her. Lalo na ngayon na mas sigurado pa ko sa sigurado sa kung anong tunay kong nararamdaman sa kanya. Ang hirap lang kasi ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Pero ngayon napag isip isip ko na malaking kahibangan yung rason ko. Kasi paano ko nga naman malalaman kung di ko susubukan diba. Minsan na siyang nawala sakin nung nagkailangan kami. Ayoko ng maulit yun. I will that the risk whatever it takes. Pero syempre exception yung pilitin ko siya at saktan. Hayy kung alam mo lang Ayes, ayoko kasing madaliin ngayon kakaayos lang namin at ramdam ko nakakaramdam pa rin siya ng awkwardness. Yun yung pumipigil saking magtapat.

Kyle's POV

Mahal ko na yata siya? O Gusto ko lang siya? O baka naman hinahangaan ko lang yung kabaitan niya? O baka natutuwa lang ako kasi ang sarap makipag asaran sa kanya? Di man malinaw yung nararamdaman ko para sa kanya ngayon hindi ko pa pwedeng aminin sa kanya yun. Halfway alam ko na yung nararamdaman para sa kanya kaso mahirap pa sitwasyon ko ngayon. Maraming pa kong unsolved issues. Marami pa kong unfinished business na kailangan ng matapos at tuldukan. 

Продовжити читання

Вам також сподобається

heaven has gained an angel Від nekoys

Підліткова література

64.5K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
Ang Mutya Ng Section E Від Lara

Сучасна проза

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
Caught In The Temptation (CAM SERIES #1) Від ...

Підліткова література

162K 7.6K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
Ruling The Last Section (Season 1) Від lollybae

Підліткова література

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...