Kwentong Mula Sa Kabaong

By frailchildxx

28.7K 328 77

Katatakutan ba gusto niyo? I gotchu. More

Before Anything Else
De La Salle - College of St. Benilde
De La Salle University
La Salle Greenhills
Ateneo de Manila University
Miriam College High School
St. Pedro Poveda College
St. Paul College, Pasig
St. Scholastica's College
University of the Philippines Diliman
University of Santo Tomas
Room 314
Rainy November
UP Diliman Ghost Stories
Bato Bato Pik
One Two One Two
The Mystery Of LA PASCUALITA
Mag-gragraduate Ako Ma
Si Rizia
Unexpected Story: Waste
7th Floor
A Creepy Wailing Woman
Impostora
Trick Or Treat
Eyeball
Ang Multo Sa Sementeryo
My White Lady Experience

Ang Manikang Sumasanib

1.1K 14 6
By frailchildxx

ANG MANIKANG SUMASANIB

From Google

===========================================================================

PAUNAWA:

Ang susunod na sulatin ay batay sa mga nakalap na kwentong-bayan, "patotoo"  mula sa mga nakaranas, at/o mga salaysay na bagaman walang matibay na sandigan, maiging lumaganap hindi lamang sa kabihasnan, kundi sa mga liblib na kanayunan ng Naic. Samantala, upang mapangalagaan sa kung anumang maaaring maganap, hindi ilalantad ang kanilang mga tunay na pangalan.

Sa gitnang bahagi ng Kalye Pelaez, isang berdeng bahay ang matatagpuan. Bagaman ilang dekada na rin itong natatayo, hindi naman ito napapabayaan, at regular pa ring ipinaaayos at pinapipinturahan. Dahilan ang mga orihinal na may-ari ay sa Amerika na naninirahan, ang nasabing bahay ay pinauupahan na lamang.

At sa lahat ng nanirahan, sari-saring kwento ng kababalaghan at katatakutan ang sa kanila'y maririnig--mga kaluluwang tulung-tulong na nagbabangon sa tulog; kaluluwang nagbabantay sa sanggol; mga tumutugtog sa lumang piano; humihila ng silya at lamesa; atbp. Subalit isa sa mga makatawag pansin sa mga kababalaghan, sa lahat ng lumang gamit na naroon, ay ang antigong manika na 'di umano'y sumasanib... naghihiganti.

Tag-init, taong 2002, gabi noon at walang kuryente. Sa pagiging bukas ng mga noo'y nakatira sa bahay, maraming kabataan ang nagkakatipun-tipon, nagkwekwentuhan at nagkakatuwaan. Samantala, hindi naiwasang pag-usapan ang mga kwentong katatakutan gayong makailang bahay lamang ay may patay na nakaburol.

Isa sa mga nasa bahay noon ay si Kano. Kilala si Kano sa baranggay bilang isa sa mga astigin at tigasin. Bahagi ng katuwaan, kinuha ni Kano ang isang manikang maraming taon nang hindi nagagalaw. Hindi lalayo sa tatlong talampakan ang taas ng manika, na ayon sa mga nakakita'y tila may sarili nang buhay.

Sa ibang perspektibo, masasabing ang manikang iyon, kasama ang iba pang manika sa bahay, ang silang matatagal nang naninirahan sa bahay.

Ginalaw at pinanakot pa ni Kano ang manika sa mga kasamahan. Sa 'di sinasadyang pangyayari, naputol ang kamay ng manika. Mabilis naman ang mga sumunod na pangyayari. Biglang-bigla, hindi na maigalaw ni Kano ang kanyang buong katawaan. Pilit man siyang kumilos o magsalita, wala siyang magawa.

Nagtagaktakan ang pawis ni Kano. Nagulat na rin ang lahat sapagkat wala nang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Kano. Pilit na pinakakalma ng mga kasamahan si Kano. Nang maisip na may kinalaman ang nangyari sa manika sa sinapit ni Kano, sinabi ng mga kasamang humingi ng tawad si Kano.

Nang sa isip ay makahingi na ng tawad si Kano, unti-unti na ring nawala ang kung anong pwersang bumalot sa kanya.

Ayon kay Kano, hindi niya rin maipaliwanag ang nangyari sa kanya. Sinabi naman ng albularyong agad na natawag, ang espirito ng manika ang nagalit at pilit na pumapasok sa katawan ni Kano.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 64.2K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
1.8K 185 8
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...