Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist β™«
β™₯
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 16: Kiss/Locked

2.6M 57.2K 20.6K
By iDangs

Zoe's Point of View


"Kahapon, you and Sab saw this clothes na binigay sa 'yo ng kung sino man kasi alam niya na marurumihan ka. And now, nangyari ulit 'yun," sabi sa akin ni Ayu na nakaharap pa sa salamin sa washroom ng girls na parang nag-iisip nang malalim.

"And so?"

"Hindi ba parang ang weird?"

"Bakit naman?"

"Parang there's someone that's trying to help you. Parang alam niyang may mangyayaring hindi maganda sa 'yo kaya gumagawa siya agad ng solution sa problema mo. Savior kumbaga."

Hmm. May point siya in all fairness.

Two times. Two times na akong naliligo sa pintura. At two times na rin may nagpapadala sa akin ng damit. Swear, bukas na bukas magbabaon na ako ng damit.

Pero... sino nga kaya 'yung nagpapadala sa akin ng damit? Nakakaintriga naman kasi. Pakiramdam ko nga may savior ako. Bukod kasi sa damit, may unusual din na nangyari sa akin kanina. Nagbreak kasi nu'n tapos bumaba kami saglit nila Ayu. Pag akyat ko nakita ko na lang na sira sira na 'yung isa kong book. At first okay lang sa akin kasi ano ba namang pakialam ko doon sa libro. Pero nang nakita ko na math book ko pala 'yun, parang nalaglag ang puso ko. Terror ang teacher namin du'n. Kapag walang book, may punishment.

Kahit masakit sa loob ko ay hinayaan ko na lang na wala akong book. Next time na lang ako gaganti.

May kaunting time pa bago magstart 'yung subject na 'yun kaya lumabas muna ako sandali. Nagulat na lang ako pagbalik ko na may bagong math book na sa harap ko. At may note na naman. Para raw sa akin 'yun kaya kinuha ko na. Tatanggi pa ba ako sa grasya?


***

Club time...

I have a good and bad new. I'll start with the good news. Nagandahan sa prinesent kong portfolio ang moderator ng Photograph Club kaya nagtanggap ako. Ang bad news nga lang, nagandahan din sila sa prinesent ni Ice kaya pati siya ay natanggap.

Balance talaga minsan ang mundo. Kapag may magandang nangyari, may kasunod na agad na pangit na ganap.

Inaayos ko ang portfolio ko pati 'yung ibang pictures na dinala ko kaya medyo nakayuko ako sa lamesa.

"Pakibilisan. Aayusin ko na rin 'yung akin," sabi ng boses sa likuran ko. Si Ice 'yun, alam ko. Kahit hindi ko nakikita.

"Bakit hindi mo na ayusin ngayon? Laki laki ng space," irap ko kahit hindi naman niya nakikita.

"Ayokong makasabay ka sa pag-aayos." Ang arte ng antipatikong 'to. Para namang may sakit ako na nakakahawa. Saka feeling ba niya gusto ko siyang sabay? Eww.

At dahil sa hindi ko na ma-take makashare sa iisang lugar ang lalaking 'to, minadali ko na ang pag-aayos. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay tumalikod agad ako.

Mismong pagtalikod ko, I felt something soft against my lips.

Wait...

What?!

First... first kiss ko! 'Yung first ko! Wala na ang first kiss ko. Bakit?! Anong ginawa kong masama noong past life ko para mangyari sa akin 'to?

Ang pinakamasaklap pa ay sa kaaway ko siya napunta. Napakasakit sa damdamin nito. Hindi na virgin ang lips ko! Nakakaasar! Maski nga sa naging ex ko hindi ako nagpapakiss tapos sa walang kwentang Ice lang pala mapupunta ang first kiss ko?! Sobrang unfair ng mundo!

Hindi ko magawang magsalita. Nakakatulala lang kaming dalawa. Buti na lang at walang tao dito. Walang nakakita. Pwede ko pang isipin na hindi totoo ang nangyari.

Nang balikan ako nang diwa ko ay hindi ko napigilan ang sigawan si Ice.

"Grabe ka! Manyak! Napakamanyak mo! Walanghiya!"

Dahil naman sa sigaw ko ay parang natauhan na rin siya.

"Tumahimik ka! Ano ba?! Baka may makarinig. Akalain pa na may ginawa ako sa 'yo."

"Meron naman talaga! Ninakawan mo ko ng halik!"

"Hindi ha! Aksidente lang 'yun. Bigla ka kasing lumingon!"

"Aksidente mo mukha mo! Bakit ba kasi napakalapit mo sa akin?! Nakakainis!"

Sa sobrang inis ko ay pinagpapalo ko na siya gamit ang hawak kong folder. Napakawalanhiya talaga!

"Huwag ka sabing – aray – maingay. Uy, ano ba?! Aray! Tumahimik ka!"

"Paano ako tatahimik sa ginawa mo?! Napakamanyak mo! Hindi mo ako mapapatahimik manyak ka! Anong karapatan – "

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang may maramdaman na naman ako na malambot sa labi ko.

1... 2... 3... 4... 5...

After 5 seconds ay nawala na 'yun at nakita ko na ulit ang pagmumukha ni Ice.

"Sabi na kasing wag kang maingay. Tsk," sabay kuha niya sa mga gamit niya at tuluyan nang lumabas samantalang ako ay naiwang nakatulala dito.

Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala.

Wala na nga ang first kiss, nakuha rin maski ang second kiss. Ang masaklap pa ay hindi na aksidente ang pangalawa. Wala na! Napakasaklap!

Lagot talaga sa akin ang Ice na 'yan. Maghintay lang siya.


***

Yannie's Point of View

"Sab, mauna ka na. Naiwan ko 'yung book ko sa practice room. Babalikan ko muna. Kita na lang tayo sa No Name."

"Okay. Later, Yannie!"

Nang makarating na ako sa practice room ng Dance Club ay iniwan kong bukas ang pinto. Sabi kasi ng club moderator namin na minsan daw ay nasisira 'yun at medyo mahirap buksan. Mabuti na ang sigurado. Ayokong malock dito.

Nasaan na ba 'yung libro ko? Ah, ayun. Found it.

Nang makuha ko ang libro ay lalabas na sana ako kaya lang may isa pang tao ang pumasok sa room.

"Ay, hayop," sabay hawak ko sa dibdib ko. Nakakagulat.

"Ang gwapo ko naman para maging hayop," ngisi ni Xander at umupo sa sahig saka sumandal sa wall habang umiinom ng tubig.

Inirapan ko lang siyaat hindi na pinansin pa. Lalabas na ako nang magsalita na naman siya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Dahil maayos naman siyang nagtanong at first time nangyari 'yun, ay maayos din akong sumagot. Pinakita ko 'yung book ko sa kanya, "Binalikan ko 'to. Bakit ikaw nandito pa?"

Tinuro niya 'yung bag na nasa sulok ng room, "Naiwan ko 'yung bag ko. Sanay kasi akong nasa locker lang mga gamit ko kaya di ako nagdadala ng bag." Tumango lang ako.

Akalain mo nga naman. Nagawa naming mag-usap ni Xander ng hindi nagsisigawan o hindi nag-aaway. Xander at Yannie hindi nag-away? Bago yun ha.

Naglakad na ulit ako papalapit ng pinto at pinihit ang doorknob.

"Shit!"

"Bakit?" sabay lapit niya sa akin.

"Nalock tayo. Bakit mo kasi sinara 'yung pinto? Iniwan ko ngang nakabukas kasi sira 'yan."

Lumapit naman siya sa pinto at pinihit din ang doorknob. Pinipilit niyang buksan 'yun pero ayaw talaga.

"Wala. I guess we're stucked here," kibit balikat niya at bumalik sa pwesto niya kanina.

Ganoon na lang 'yun? Uupo na lang siya ulit? Hindi na niya ulit susubukan buksan ang pinto?

"Kailangan kong makalabas. 6:30 lang kami dapat nasa No Name. 5:10 na." Naiwan ko pa kay Sa bang phone ko kaya hindi ko sila macocontact.

Lumapit ako sa may pinto at pilit binuksan 'yun.

"Mapapagod ka lang d'yan. Tanggapin mo na lang na bukas na tayo makakalabas. Wala pang baterya ang phone ko."

Hindi ko siya pinansin at pinihit lang nang pinihit ang doorknob. Kumatok katok na rin ako at sumigaw baka sakaling may tao pa at marinig ako. Kaya lang wala talaga.

Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya umupo na lang ako sa sahig. 'Yung ulo at likod ko ay nakasandal sa may pinto at nakadiretsyo naman ang paa ko.

Ang tahimik. Wala kang maririnig kasi sobrang tahimik. Nakakabinging katahimikan. Ilang minuto na kami dito pero wala pa rin kahit isa ang nagsasalita sa amin. Wala rin naman akong balak kausapin siya. Tulog din naman ata siya kaya pumikit na lang ako. Medyo tinatanggap ko pa na bukas kami makakalabas.

"Bakit?" Huh? Akala ko ba tulog na 'to?

"Anong bakit?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo ako tinanggihan noon? Minsan lang kaya ako mag-aya sa babae."

Ugh. Naalala niya pa 'yun? Hindi ba talaga niya matanggap na naapakan ang ego niya?

"Tsk. Nasagot ko na 'yang tanong mong 'yan."

Sumandal na lang ulit ako at pumikit. Kaya lang sumobra na naman ang katahimikan kaya dumilat ako. Nagulat na lang ako kasi nasa harap ko na si Xander at naka indian sit. Nakapatong pa ang siko sa tuhod niya at nakapalumbaba habang nakatitig sa akin.

"Oh? Anong tinitingin tingin mo?"

"I'm just wondering kung 'yung reason na sinabi mo dati ay totoo. That I'm cheap. A jerk. Irresponsible."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Tingin mo hindi ka ganu'n?"

"Inaamin ko jerk ako at iresponsable pero hindi ako cheap. May taste kaya ako."

Hindi ko napigilan ang mag-ihit ng tawa dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata na nagpapaliwanag sa nanay niya kasi natatakot siyang mapagalitan.

"Anong nakakatawa?" Sumibi pa talaga siya kaya mas nagmukha siyang bata.

"Ikaw! Mukha kang bata," sabay turo ko pa sa kanya.

"Seryoso nga. May iba pang rason, ano?" Itinagilid niya ng bahagya ang ulo. "Sa pagtanggi mo sa akin, ano pa ang rason mo?"

He wants an answer? Fine. I'll give it to him.

"Kasi nasa matinong kaisipan pa ako. Kapag pumayag ako, sobrang duwag ko naman at unfair sa mga kaibigan ko. Isa pa, alam ko naman na saglit lang 'yun. Na dahil nga sa isa kang jerk, ang inaalok mo sa akin would probably last for a week. Or maybe days. Baka nga hours lang eh. So ano pang point 'di ba?"

Hindi siya agad nakasagot pero maya maya ay bigla na lang siyang tumawa. "Oo nga naman. Pero... paano mo naman nalaman na baka maglast lang ang alok kong maging akin ka for just a week? Or an hour?"

"Kasi nga you're a jerk. Inamin mo na rin naman kanina."

"Ayun lang?" Seryoso na naman ang tono niya.

"Kasi lalaki ka. Kasi mang-iiwan ka lang. Gano'n naman kayo 'di ba? Mahilig mang-iwan?"

"Oo, inaamin ko na lagi akong nang-iiwan. Madalas akong magpaiyak.. Pero paano kung may seryosong lalaki at hindi jerk na katulad ko ang magtanong sa 'yo ng tinanong ko. Anong isasagot mo?"

Saan na ba napupunta usapan namin?

"Ano na ba pinag-uusa – "

"Sagutin mo na lang." Makapag-utos 'to. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko siya kinakausap kahit kaaway ko siya tapos ngayon uutus-utusan lang ako.

"Tsk. Wala. Ayoko. Bakit? Kasi lalaki siya. Kasi iiwan din niya ako sa huli. Alam ko 'yun. Ganoon ang mangyayari. Ganoon naman palagi."

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo pagkasagot ko.

"Huwag mong itulad ang lahat ng lalaki sa akin o dyan sa nang-iwan sa 'yo. Iba-iba kami. Hindi dahil iniwan ka ng isa, iiwan ka na rin ng iba. 'Yung iniiyakan mo sa No Name noong sabado, iniwan ka niya 'di ba?"

Napatayo din ako bigla at tiningnan siya ng masama.

"Iniwan ka 'di ba?" Kapag si Tom ang pinag-uusapan, nahihirapan ako. Nangingilid na ang luha ko. Kapag dating talaga kay Tom, lagi na lang akong ganito.

"Bakit hindi ka makasagot?" ngisi niya sa akin. "Sabi na nga ba. Iniwan ka. Ang galing ko talaga. Sabi na mapapaamin din kita sa nangyari sa 'yo nu'ng sabado. Kailangan pa palang makipagkwentuhan ako ng matino sa 'yo bago ko malaman na iniwan ka. Mukhang sa ating dalawa, Yannie, mas panalo ko. Oo nga't lagi akong talo pagdating sa asaran o kung ano man. Pero sa totoo lang, ako ang panalo sa ating dalawa. Ako kasi, nang-iiwan. Ikaw, iniiwan."

Gago pala siya eh! Napakasama niya. Akala ko pa naman nakikipag-usap lang talaga siya sa akin. 'Yun pala maghahanap lang ng pang-asar.

Hindi ko na nagpigialn kaya tuluyan na akong naiyak.

"Oo na! Oo na, sige na! Tama ka na! Ako na ang iniwan! Ako na! At kahit kailan hindi na siya babalik! Hindi na siya makakabalik! Ako na ang malas! Ako na ang talo! Ako na ang iniwan ng lalaking mahal ko pero sigurado akong hindi niya ginusto 'yun! Sino ba naman ang gustong mamatay ng maaga 'di ba?! Ngayong alam mo na lahat... masaya ka na ba?

"Pero sa ating dalawa, Xander, hindi ako ang talo. Ikaw. Alam ko kasing minahal niya ako at ako lang kahit iniwan niya ako. Ikaw ba? Nagmahal ka na ba? Naging totoong masaya ka ba sa pag-iwan-iwan sa mga babae mo?! Naging masaya ako kahit sandali lang. Ikaw, naging masaya ka na ba?!"

Kahit halos wala ako masyadong makita dahil sa luha ko, alam kong nakayuko siya. Hanggang sa naglakad na siya papunta sa may pinto at saka 'yun sinipa ng sobrang lakas dahilan para bumukas 'yun.

"Kung tingin mo talo pa rin ako, nasisigurado ko na darating ang panahon at mananalo rin ako."

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 106 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.6K 101 7
Suffering from inoperable lung cancer, Aubree already accepted that her life appears to be literally out of breath. Amidst her critical condition, th...
70.5K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.5K 65 30
Sagedalle Series #1 "When the great ruler of all Is born along side two more Excellency and treachery will fall One kingdom shall rise, and one shall...