First Love Never Dies

By Sa_man_tha

25.1K 305 69

First Love. Yan ang di natin makakalimutan sa buong buhay natin. Ang ating FIRST LOVE. Sabi kasi nila, siya d... More

♥ First Love Never Dies ♥
[1] First Love Never Dies ♥
[2] First Love Never Dies ♥
[3] First Love Never Dies ♥
[4] First Love Never Dies ♥
[5] First Love Never Dies ♥
[6] First Love Never Dies ♥
[7] First Love Never Dies ♥
[8] First Love Never Dies ♥
[9] First Love Never Dies ♥
[10] First Love Never Dies ♥
[11] First Love Never Dies ♥
[12] First Love Never Dies ♥
[13] First Love Never Dies ♥
[14] First Love Never Dies ♥
[15] {Part 1} First Love Never Dies ♥
[15] {Part 2} First Love Never Dies ♥
[16] First Love Never Dies ♥
[17] First Love Never Dies ♥
[18] First Love Never Dies ♥
[19] First Love Never Dies ♥
[20] First Love Never Dies ♥
[21] {Part 1} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 2} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 4} First Love Never Dies ♥
[22] First Love Never Dies ♥
[23] First Love Never Dies ♥
[24] First Love Never Dies ♥
[25] First Love Never Dies ♥
[25] {Part 2} First Love Never Dies♥
[26] First Love Never Dies ♥
[27] First Love Never Dies ♥
[28] First Love Never Dies ♥
[29] First Love Never Dies ♥
[30] First Love Never Dies ♥
[31] First Love Never Dies ♥
[32] First Love Never Dies ♥
[33] First Love Never Dies ♥
[34] First Love Never Dies ♥
[35] First Love Never Dies ♥
[36] First Love Never Dies ♥

[21] {Part 3} First Love Never Dies ♥

542 5 0
By Sa_man_tha

Sam's POV

'And now for that...'

'For that what?'

'Kiss.'

Wahhhh! Ano daw? Kiss?!

Hinawakan niya ako sa shoulders.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nakatitig siya sa mukha ko.

Wahhhhh! Kinakabahan ako na naeexcite na ewan!!! Hindi ko maexplain! Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko!

Pumikit naman ako. Bahala na nga si Batman kung mahalikan ako ng gwapong nilalang na to!

Nose to nose na kami ngayon.

At.......

*Krriiiinnnggggg*

Nilayo naman ni Joe yung mukha niya sa mukha ko at binuksan ko na rin ang mga mata ko.

'Tss. Kung kelan naman hahalikan na kita, tska pa may sagabal. Tss. (ーー;)'

Wahhh! Phew! Napahawak ako sa may chest ko. Eto ba yung tinatawag na 'saved by the bell'? Hahaha! Buti na lang!!! Kundi..... Mabibinyagan na ang lips ko!

*Kiss sa cheeks*

'Yan na lang! Kiss sa cheeks. May sagabal kasi diyan eh. Lika na!'

O///////O Naglakad na siya palayo sa'kin. Ako naiwang nakatayo dun. Nakahawak sa pisngi ko na.....na kinissan ni Joe!

'Sam!' Lumapit siya sa'kin 'Lika na! Malate pa tayo sa next class!'

'O...O-Okay....'

Hinwakan niya yung kamay ko. Naka-intertwine. Holding hands kami pababa. Habang naglalakad kami nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa! Habang nakatingin naman ako doon, bumilis at lumakas na naman yung tibok ng puso ko. Hanggang sa makarating kami sa room. Wala pa si Miss.

'Uy pare holding hands! Kayo na pre?'

'Hindi pa. Pero malapit na. Diba Sam?' Lumingon siya sa akin at binigyan naman niya ako ng pilyong ngiti.

'H-ha?! E-ewan ko sa'yo.'

Tinanggal ko yung pag-kaka 'holding hands' 'namin'.

'Hina mo pala pre eh! Daig ka pa namin ni Richard oh!'

'Asa! Pag ako sinagot niyang ni Sam! May kutos kayong dalawa sa'kin!'

Ayun. Habang wala pa si Miss, asaran yung tatlo dun. After 5 minutes, tumayo ako sa kina-uupuan ko at papalabas na sana ng room ng........

'Sammy! San ka pupunta?'

'Sa faculty. Susunduin si Miss Santiago.'

'Ha? Wag na! Tska, bawal kang mapagod! Tska birthday mo ngayon! Dapat diyan ka lang sa upuan mo at walang alalahanin.'

'Eh sinong tatawag kay miss?'

'Sina Richard na at Ania!'

'Ha?! Anong kami?' sabay namang sagot nung dalawa.

Parang tinignan naman ni Joe silang dalawa ng isang look na may meaning pero di ko alam kung ano.

'Oo nga Sam! Kami na tatawag! Lika na nga Ania!'

'T-teka! Isama natin sila Sarah at Bryan!'

'Ha? Bakit pa sila sasama? Ang dami niyo na!'

'Hindi! O-okay lang Sam! Nakalimutan ko, may sasabihin pala ako kay Ms. Lascano na importante!'

'Sasamahan ko siya. Baka madekwat ng iba!'

Zane, Ranz, Daniel: Kami rin! Sasabay na kami! May sasabihin daw samin si Sir A!

'Ha? Parang ang dami niyo naman?'

Silang lahat: Sige Sam! Punta lang kaming faculty ah!

'O-okay..'

Grabe. Ilan ding sila pupunta ah! Pito! Pero parang may something akong nase-sense!

After 3 minutes, bumalik si Ania at Javier.

'Ann, Via, Katerine, Jane, Dianne, Mary, Ellyza, Patricia at Jessa! Pinapatawag kayo ni Miss Mendoza!' sabi ni Ania.

'Ha? Bakit ang dami naman?'

'Cheerleading Squad.'

Umalis naman yung mga babae.

'John, Erl, Lanz, George, Jared, Tom at Clyde.' tawag ni Javier.

'Saan kayo pupunta?'

'Excuse ko muna sila Sam, pagbubuhatin lang kami ng mga gamit. Sabi ng mga teachers.'

'Ah... Okay. Balik agad ah!'

Silang lahat: Yes!

Hayy.... Wala na sa kalahati ang bilang namin dito sa room. 8 na nga lang kami dito eh! Ako, si Joe, si Clarisse, si Reimond, si Ashley, si Hannah, si Clyde at si Josh.

Dumating na sina Sarah at Bryan.

'Sam, pwede ko bang i-excuse sila Ashley, Clyde at Hannah?' sabi ni Sarah

'Bakit?'

'Club. Journalism.'

'Ah. Yun ba? Sige.'

'Sam, sabi ni Mr. Allen, kakausapin daw niya sina Josh, Clarisse at Reimond.' sabi ni Bryan.

'Sige. Eh ikaw Bryan? San ka pupunta?'

'Ako? A-ano....... May pinapautos pa sa'kin si Mrs. Perez eh. Sige una na ako.'

'O...kay..'

Ngayon naman, kami na lang ni Joe ang nasa room. Nakatayo siya sa may binatana at ako naman nakaupo sa sahig sa may bintana na di kalayuan sa kanya.

'Psst. Joe!'

'Bakit Sam?'

'May napapansin ka bang kakaiba?'

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. 'Katulad ng ano?'

'Hmmm... Di ko maexplain eh. Pero may kakaiba talaga.'

'Guni-guni mo lang yun.'

Kinuha niya yung kamay ko, tapos nilaro niya. Nandun lang kami ni Joe. Nagkwe-kwentuhan.

'Uhhhh.... Joe, s-sino yung Monique?'

'Bakit? Selos ka? :D'

'Asa! Pero di nga, sino siya?'

'Half cousin ko.'

'Ha? May whole cousin ba?'

'Ang kulit mo din 'no! Half cousin ko siya sa side ni Papa.'

'Owkey. :)'

Joe's POV

Ang tagal ng mga yun! Kung sinong tinutukoy ko? Yung mga taong lumabas ng classroom.

Matagal bang idikit yung mga natitirang post its sa dingding?!! Tska. Konti na lang naman yun ah! Geez. =_=

Sam's POV

'Ang tagal naman nila! Bakit ba lahat sila bigla na lang nawala? Pinapasundo ko lang naman si Miss Santiago.'

'Baka madami lang inuutos yung mga teachers.'

'Pero ang tagal pa rin talaga nila eh!'

'Bayaan mo na lang sila! Ituloy na lang natin yung naudlot kanina.'

'Anong naudlot kanina?'

'The kiss.'

'T-t-the..... *gulp* k-kiss.....??'

'Yes. The kiss.'

Wahhhh! Ano ba yan! Bakit pa niya naalala! Bwisit siya!

Nakatitig lang siya sa'kin. Ako rin tinitigan ko lang din siya.

'Wag mo nga akong titigan ng ganyan Joe!'

'Sabi kasi nila, 'What you see is what you get.' Kaya titigan lang kita para mapasakin ka na.'

Malapit na Joe. Malapit na.

Unti-unti na niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

W-wag mo sabihing itutuloy niya talaga?!

.

Wahhh! Sobrang lapit na ng mukha niya sa'kin!

Napapikit na lang ako ulet.

.

*Boogshh*

Bigla namang bumukas ang pinto ng classroom. Kaya naman lumayo ako kay Joe bigla. Tumayo ako.

'Tss. Sagabal na naman.'

Narinig kong sabi ni Joe saka tumayo.

Dumating na yung mga nagsilabas.

'G-guys! Bakit sabay-sabay kayong dumating?'

'Nagkataon lang Sam!' sabi ni Javier

'Ahh. Ganon ba? Sige umupo na kayo.'

'Ahhhhh. Sam, absent daw si Ms. Santiago eh.' sabi naman ni Ania.

'Ahhh. Ganun ba? Sige. Thanks!'

Hinintay lang namin mag next subject at may dumating na teacher.

[Lunch]

Nagsilabasan ang lahat. Hanggang sa kami na lang ulit ni Joe ang natira.

'Sam!'

'Ow?'

'Blindfold.'

'Para saan na naman?'

'Basta.'

Nilagay niya yung blindfold sa'kin. Tapos inalalayan niya ulit ako.

Nung pababa sa stairs, binuhat niya ulit ako.

'Joe, nasan na tayo?'

'Stairs. Right wing. 3rd floor.' Binaba na niya ako

'Anong ginagawa natin dito?'

'Dahil dito.'

Tinanggal na niya yung blindfold ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko. At sobrang saya ko. Kaya pala ayaw niya ako padaanin dito.

May mga post its na iba't iba ang kulay ang nakadikit sa dingding. Nag-foform ng 'Happy'.

Tapos dun sa mga post its na yun, may mga nakasulat na mga pick-up lines :)

'Sammy, sa kabila pa.'

Napatingin naman ako sa dun sa kabilang dingding sa may stairs. May mga post its din. Bumaba ako ng hagdan. At lumapit dun sa mga post its.

Ngayon naman, naka-form siya ng 'Birthday'. Ang nakasulat naman doon ay mga memories namin ng mga classmates ko. Simula kasi 1st year sila na mga classmates ko. Hindi nagra-rumble rumble ang mga students dito sa school pagdating sa section kapag magsesecond, third at fourth year na. Sa dami daw kasi namin, mahirap daw gawin yun kaya ganun.

Grabe... Touched na ako. Parang anytime pwede na akong umiyak. Tears of joy.

'Sam.'

Tinuro niya naman yung kabilang dingding. Nakaform naman ngayon ang mga post its ng 'Samantha'.

Bumaba ako ulit ng hagdan. Dun sa mga post its, yung 'Sam' lang ang mayroong sulat. May mga pictures din.

Tapos.... dun na ako tuluyang napaiyak. Like I said, tears of joy. Memories namin nila Joe . Yung mga nakasulat dun, memories since mga bata pa kami hanggang ngayon.

Nilapitan ako ni Joe, pagkalapit niya, niyakap ko siya agad.

'Thanks. :">' sabi ko kay Joe.

'You're welcome.'

Pinunasan niya yung mga luha ko gamit yung thumb niya.

Tinatanggal namin ngayon ni Joe yung post its na nag-foform ng 'Samantha'. Natanggal na kasi niya yung mga nasa taas.

Nung natanggal na namin, umakyat kami ulit sa room namin. Umupo kami malapit sa bintana, sa sahig, naka-akbay siya sa'kin. Ako, binabasa ko yung mga memories namin ni Joe nung mga bata pa kami. Tapos tinignan ko rin yung mga pictures. Hanggang sa mapunta na ako dun sa mga post its na walang nakasulat.

'Joe, bakit walang sulat yung mga ibang post its?'

'Kasi, tayo na ang magtutuloy niyan.'

'Huh?'

Tumayo siya at kumuha ng paperclip sa bag niya. Tapos tumabi na ulit siya sa'kin.

'Tayo na kasi ang magtutuloy ng mga yan.' Kinuha niya sa'kin yung mga post its na blanko at saka pinagsama-sama at pinaperclip niya iyo. Makapal-kapal din yung post its. 'Simula ngayon, tayong dalawa na ang magsusulat diyan.'

'Ahhh,.. Ganon ba?'

'Yeah.' Kumuha siya ng ballpen at binigay sa'kin. 'Isulat mo na kung anong nangyari sa'tin ngayong araw.'

'Owkey. :)'

Sinulat ko:  

October 14, 20**. I have celebrated my birthday with Joe and the others. There were surprises! This is the happiest birthday ever!

'Next post it na!'

'Owkey :)'

Sinulat ko naman ngayon: 

Joe sung 'What Makes You Beautiful' by One Direction for me. :">

 

Kinuha sa'kin ni Joe yung ballpen at nagsulat sa isang post it din.

Ang nakalagay dun: 

Happy Birthday Sammy! I'm gonna make you my girl! I love you! 사랑해 (Saranghae.)

Nagsulat ako ulit. Pero nung sinulat ko yun, hindi ko pinakita kay Joe.

'Psst. Sammy, anong sinusulat mo?'

'Wala! Secret!'

'Makikita ko din naman yan eh!'

'Basta ayoko!'

*You have a message.*

'Joe, sa'yo ata yun!'

'Oo nga. Teka lang.'

Binasa niya yung text, tapos ako naman, tinapos ko na yung sinusulat ko.

'Sam, baba na tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako.'

'Sige.'

Iniwan ko yung post its sa loob ng bag ko. At umalis na kami ng room.

Ang nakasulat sa post it ay:

Today, I will make Joe Ramirez mine. :) I love you too Joe! :) 사랑해 ♥ (Saranghae)

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...