[33] First Love Never Dies ♥

110 4 0
                                    

Kleix's POV 

" Step two, done." sabi ko. 

" What's next?" tanong sa'kin ni Kleiz. 

" Stop George. Malamang sa malamang pabalik na dito yun dahil kay Sam." 

" Sige. I'll let Vix take care of that. " sabi sa'kin ni Kleiz. 

" May important meeting si Mama ngayon with Japanese investors. Samahan mo muna siya. Ang alam ng Japanese investors ay ako ang kasama ni Mama. Pretend to be me for a while. Hahanapin ko lang si Ana Marie. " 

" Pero Kuya gusto ko ring hanapin si Ana Marie. " 

" Wag muna ngayon, Kleiz. Masyadong mainit ang pagbabantay ng mga tauhan ni Hyuk sa'ting dalawa. At baka mapahamak din si Mama. " 

" Sige. Pero balitaan mo ko once may nahanap ka nang lead regarding kay Ana Marie. Damn! Mapapatay ko si Hyuk at ang pamilya niya pag may nangyaring masama kay Ana Marie. " 

" And one more thing Kleiz. Dye your hair similar to mine. Kelangan nating malito sila Hyuk. " 

" Okay. " 

Sa kasalukuyan blonde ang buhok ni Kleiz ngayon samantalang ang akin ay dark brown. Para mahanap namin agad si Ana Marie kelangan munang masunod ang preparations step sa plano namin. 

Fck Hyuk. Walang kwenta. Akala ko after how many years, di na siya magpapakita sa'min pero ngayon nagcomeback ang loko. 

Nasa loob kami ng kotse ngayon ni Mama at Kleiz. May driver kami. At buti nalang hindi ito nasuhulan ng Hyuk na iyon dahil nakausap ko ang driver na ito kanina. 

Bumaba na kaming tatlo at pumasok sa building. 

* Syet! Ang ga-gwapo! Sino yang dalawang nilalang na yan? Baguhan ba sila? * 

* Bumalik na sila! Ang kambal ng Guttierez Group of Companies. * 

* Ang gwapo! May girlfriend na ba yang mga yan? * 

* Mukha pa silang mga bata. Pwede pang maharot! * 

Napahawak ako sa ulo ng makasakay kami sa elevator. 

" Ang daming bago. Mama, nasaan na yung ibang empleyado na matagal na nating kilala? " 

" Nagretire na sila. Kaya kumuha si Samantha ng bagong batch ng mga empleyado. "

" Still, bakit di nila kami kilala? At kung makapagcomment sila kanina eh parang hindi nila boss ang dumaan. " 

" Kleix, di kayo ang namamahala dito. Si Samantha ang kilala dito at knowing ang kapatid mo, gusto niya pantay-pantay ang tingin dito. " 

" Still, hindi ba nila alam rumespe-. " 

" Kuya, chill. There you go again. Bayaan mo na, gwapo naman tayo eh. " 

Tinawanan naman kami ni Mama. 

" Hay. Sana kung nasaan ang kapatid niyo ay okay lang siya. " 

" Ma. Wag kayong mag-alala. " sabi nalang ni Kleiz.

Pumunta muna kami sa office ni mama para makapagprepare sila for the meeting.

" Ano bang pina-. " Napatigil si mama ng sinenyasan namin siya ni Kleiz na wag munang magsalita.

Nagkatinginan kami ni Kleiz. Napansin nga din niya.

Pinatay ni Kleiz ang ilaw. Tumabi naman agad ako kay Mama.

" Ma. Saglit lang. May hidden cameras dito na kinabit sila Hyuk. Wag muna kayong magsalita. " bulong ko kay Mama.

After 5 minutes of waiting, binuksan na ni Kleiz ang ilaw.

" Got 'em all. " sabay pakita niya samin ng 10 maliliit na HD cameras.

" Kleiz. Check the board room. Check everyone in the room. Make sure na walang tauhan si Hyuk doon. "

Napahawak naman agad si Mama sa ulo niya. Fudge! Naiistress si mama!

" Ma. I think you should rest. Let Kleiz handle everything. "

Tumango naman si Mama.

" Use the secret passage for leaving Ma. Para walang makasunod sa inyo. Dun nalang muna kayo sa secret hideout. Para sure kami ni Kleiz na safe kayo. Don't worry. Babalik kami na kasama na si Ana Marie. "

" Mag-iingat kayo. Walang uuwi ng may sugat ah? At uuwi kayo ng buong-buo. Kayong tatlo. " sabi ni Mama.

" Yes Ma. " Kleiz said then we kissed her cheeks.

Naka-alis na si Mama.

" Step three. Done. " sabi ni Kleiz.
 

Sam's POV

Nagising ako kasi parang nasu-suffocate ako.

Akala ko blurred at ang gulo ng paningin ko pero hindi pala mata ko ang problema.

Napaubo ako sa usok. Sobrang usok. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

Hindi siya mukhang tagong lugar o kaya lumang bahay na inabandona.

Sa totoo nga ang ingay pa nga sa labas. Parang may party.

Wala ako sa isang kwarto nasa labas ako. At sa harap ko ay isang fountain.

Bahay ng isang mayaman. Napagtanto ko ito ng makita kung gaano kalaki ang bahay na natambad sa'kin ngayon.

Nawala ang usok na nagpapa-suffocate sa'kin. Tska ko lang napansin na hindi ako nakatali o ano. Wala din akong takip sa bibig.


Tatakbo na sana ako palayo ng mabunggo ako.

Ano ito? Nakakulong ako sa isang parang kahon na see through. Hindi siya glass kung kaya't di siya pwedeng basagin.

Kasing laki siya ng isang kwarto. At ang set-up nito ay para ngang katulad sa isang kwarto. May kama. May side table. May lamp shade pero hindi ito nakabukas.

Napapiksi ako ng may humawak sa bewang ko. Agad akong lumayo dito.

" H-hyun... " tinignan niya ako na para bang kitang-kita niya ako na walang saplot.

Napahawak ako sa sarili ko.

A - Anong suot ko?!!

Nakamaiksi akong short na sa sobrang iksi ay parang wala na akong suot pambaba. At nakasleeveless top naman ako na halos dibdib ko lang ang tinakpan at nakaexpose ang abdomen ko.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Hindi! Hindi maari! A-anong b-balak n-niyang gawin..?!!

" I've waited for this moment Sam.... " humakbang siya papalapit sa'kin. Napahakbang naman palayo.

Ngayon ko lang napansin na may mga taog nasa labas ng cube na may mga hawak na camera. Na tila ba ay may inaantay silang maganap.

Kaming dalawa lang ni Hyun ang nasa loob ng cube.

" Sam, I want you. " nanginig ako sa sinabi niya. Tumakbo naman siya papalapit sa'kin. Agad din naman akong umiwas at tumakbo palayo sa kanya.

" A-AWWWWW! " malakas kong sigaw. Nahawakan niya ako sa may paa kaya nasubsob ako sa lapag.

Agad namang pumatong si Hyuk sa'kin.

H-hindi maari!

" Samantha. " tawag niya sa'kin. At dun ko lang napansin.

Nakita ko ang mga mata niya na tila may iba.

" I want to ..... " sabi nito.




















He's drugged. Hyun's drugged.




First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon