[4] First Love Never Dies ♥

971 12 0
                                    

Sam’s POV

Kakagising ko lang. Thursday ngayon. Teka anong oras na ba? Tiganan ko sa phone ko.

Omg gulay! Hindi ako nagulat dahil sa oras dahil baka malate ako. Kundi sa messages. 6:00 o’clock in the morning, 15 messages. Globe ba to?

 Kanino ba galling lahat ng messages na to?

What the! Galing lahat kay Joe yung mga messages.

Siya na naka-plan. Ay naka-plan na rin pala ako. Para hindi na daw ako ma-expire-an ng SIM card sabi ni Mama. Hahahahaha.

From : Joe    5:45 am

 Good morning Sammy!!! Wake up na po!!! Baka malate ka pa!!!Huwag kalimutang kumain ng breakfast ha!!! Ingat papuntang school!!!

Grabe tong lalaking to. Makagamit ng exclamation point wagas! Kung kausap ko yan ngayon, for sure para sa akin, naninigaw yan. Tapos lahat ng messages nan natira, ganyan lahat ang content!  Spam na 'to!

To: Mr. Exclamation Point (JOE!!!!!!!!!)

 Good morning din Joe!!! Opo. Di ko po kakalimutang kumain ng breakfast.

P.S. Wagas maka-spam ah. Umagang-umaga. xP

 Hahahahaha! Para ko lang siyang…. Tatay. Ay teka…. Kung buhay pa kaya si Dad, ganyan din kaya siya sa akin? Gigisingin din ba niya ako araw-araw. Tapos sabay-sabay kami kakain ng breakfast at dinner. Tapos papaalala niya na bawal hindi kumain…

 Maya-maya may pumatak na luha galing sa mga mata ko. Naalala ko na naman si Dad.

‘Lord bakit niyo kinuha agad si Dad? Malungkot tuloy kami ni Mommy ngayon. Pero Lord, alam ko naman pong masaya na siya diyan di ba? Lord pakisabi na lang sa kanya na mahal na mahal na mahal at miss na miss na miss na naming siya ni Mommy at ng kambal.’

 Ang dad ko kasi namatay because of a car accident when I was 6 years old. Siya nagbigay sa akin ng pangalan na Ana Marie. That’s why ayokong nagpapatawag sa name na yun. Kasi naalala ko siya. Ayoko na kasi maramdaman ulet yung loneliness and emptiness.

 Ayan umiiyak na naman ako. Tama na Ana Marie Samantha Guttierez. Malakas ka di ba?

Pinunasan ko yung mga luha ko. Hindi na nag-reply si Joe. Bumaba na ako at kumain na ng breakfast. Ang lungkot ko ngayon. Tapos ayun pumasok na ako sa school. Nung umupo ako sa chair ko, napansin ata ni Joe na malungkot ako.

'Sammy, okay ka lang ba?' tanong niya sa akin.

 Hindi ko alam ang isasagot ko kaya umiling na lang ako.

'Ah ganun ba.' sabi niya.

 At ayun bigla na lang pumasok si Mrs. Perez yung adviser namin at nag-homeroom. Then tuloy-tuloy nang nagklase hanggang sa Break Time.

Joe’s POV

Break time ngayon. At naglalakad kami papuntang cafeteria. Hmmm. Ano kayang problema ni Sammy? Kasi ‘pag pasok niya pa lang, ang lungkot-lungkot na niya eh. Tapos ngayon nakatungo lang siya. Bakit kaya? Teka nga.

'Halika Sammy!' hawak ko yung braso niya.

'Ha? Saan tayo pupunta Joe?' tanong niya sa akin.

'Basta. Guys, una na kayo. Sunod na lang kami ni Samantha sa Cafeteria. Sige Bye.' pagpapaalam ko sa tropa at umalis na.

Pumunta kami dito sa rooftop ng school. Wala namang tao dito eh.

Itatanong ko lang kay Sammy kung bakit siya malungkot. Eh, wala nga kasing tao dito kaya masasabi niya sa akin ang totoo.

 'Bakit mo ako dinala dito ha Joe?' tanong niya.

'Sammy, sabihin mo sa akin kung bakit malungkot ka.'

 Di naman siya sumagot.

'Si tito ba?' tanong ko.

 Nag-nod lang siya. Hay, sinasabi ko na nga ba eh. Yung papa niya. Siguro naalala na naman niya.

 'Sammy.' tawag ko sa kanya at sumenyas ako sa kanya ng hug.

Niyakap naman niya ako agad. Dun na siya umiyak ng umiyak. Hay, Samantha. Ana Marie Samantha Guttierez. Ang taong kilala ko na mukhang strong sa labas, but she’s weak inside.

'Joe, miss na miss na miss ko na siya.' sabi niya habang humihikbi pa rin.

'Shhhh. Alam ko yun. Pero wala na tayong magagawa eh. Kinuha na siya ni Lord. Huwag ka na umiyak. Kung nakikita ka siguro ni tito ngayon, siguro malulungkot yun. Kasi nakikita ka niyang umiiyak. Kaya huwag ka na umiyak. Pumapanget ka na oh.' sabi ko.

Tumigil na siya sa pag-iyak. At umalis na sa pagkakayakap. Nagpunas siya ng mga luha niya. Tapos ngumiti.

'Thank you Joe.' sabi niya.

'Anytime. Ah.. Teka lang. Isigaw mo muna yung gusto mong sabihin kay tito. Baka marinig niya bili!' sabi ko sa kanya.

'Hahahahaha. Ikaw talaga. Eh baka may makarinig sa atin.'

'Wala yan! Tsaka lahat ng tao nasa Cafeteria 'no. Kaya walang makakarinig satin.' sabi ko nalang.

'Sure ka?' tanong niya ulit.

'Oo nga! Bili!' sabi ko.

'Sige. DAD!!! NARIRINIG MO BA AKO? MISS NA MISS NA MISS KA NA NAMIN NI MAMA!!! GUIDE US ALWAYS HA DAD!!! AND REMEMBER THAT I LOVE YOU!!!'

'TITO!! NARINIG NIYO BA YUN?? MISS NA DAW KAYO NI SAMANTHA!!! UMIYAK NA NAMAN SIYA!!! PAKISABI NGA PO SA KANYA NA PUMAPANGET SIYA KAPAG UMIIYAK SIYA!!!'

Napatawa nalang kaming dalawa.

'Oh ano Sammy, gumaan na ba pakiramdam mo?' tanong ko.

'Oo! Salamat Joe!'

'You’re welcome Sammy! Halika na! Kain na tayo sa baba.'

'Sige!'

 Masaya ako ngayon kasama si Sammy. Kahit ganito lang, masaya na ako. Ang swerte ko sa babaeng 'to. Sobra. Kaya mamahalin ko ito ng sobra sobra. I love you Ana Marie Samantha Guttierez.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author’s Note

Vote, Comment, Like, Be a Fan, add to RL and Spread niyo itong story na ito!

Thanks!

XOXO

Samantha :D

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now