[13] First Love Never Dies ♥

714 6 0
                                    

 

 Sam's POV

Hinatid na ako ni Joe pauwi at ngayon nasa kwarto ko ako. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko kanina sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Mahal ko na ba siya? Ang PBB Teens naman namin. Hahahahhaha!

 

Bigla naman akong may naramdaman na naman akong paninikip ng dibdib. Eto yung naramdaman ko kanina nung nasa playground kami ni Joe. Hindi na naman ako makahinga. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig para kumalma ako. Kaso hindi na talaga ako makahinga.

Pinikit ko pa yung mga mata ko para makapagconcentrate.

 

Kaso................

 

Joe's POV

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. 12:30 na ng madaling araw. Parang may nararamdaman akong may mangyayari na di maganda.

Maya-maya nagring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Sam. Bakit kaya to tumatawag? Sinagot ko.

 

'Hello, Sa-...'

'Joe, si tita mo ito. Pumunta ka dito sa bahay bilisan mo!'

'Ah eh. Tita, ano po ba ang nangyayari?'

'Si Sam nawalan ng malay. Dalhin natin siya sa ospital!'

'Ah sige po tita. Papunta na po ako diyan.'

 

Leche. Nagbihis ako nang mabilis at lumabas na sa kwarto ko. Eto pala yung nararamdaman ko kanina na may masamang mangyayari. Nakasalubong ko si mama sa hagdan.

'Oh anak. Bakit gising ka pa? Anong oras na oh?! At bakit parang nagmamadali ka?'

'Mama, pupunta muna ako kila Samantha. Tumawag si tita. Nawalan daw ng malay si Samantha.'

'Ah ganun ba anak?!!! Bilisan mo na!! Pumunta ka na doon!!'

At ayun na nga. Lumabas na ako sa bahay at tumakbo ng mabilis papunta kila Samantha. Buti na lang limang bahay lang ang pagitan namin.

Pumasok na ako sa bahay nila Samantha. Bukas naman yung gate at yung pinto kaya pumasok na agad ako.

Halos maiyak ako sa pag-aalala ng makita ko si Samantha ng walang malay.

'Tita, tumawag na po ba kayo ng ambulansya?'

'Oo. Siguro papunta na yun dito.' Naluluhang sabi ni Tita.

Maya-maya narinig na namin yung pagdating ng ambulansya. Binuhat ko na si Sam at nilagay sa stretcher. Pumasok kaming dalawa ni Tita sa loob ng ambulansya. Habang nandon, Sinaksakan na si Samantha nung para sa oxygen. Nakahawak lang ako sa kamay ni Sam. After mga 10 minutes, nakarating na kami sa ospital. Dinertso namin siya sa E.R. Nang sinusugod namin siya sa E.R. ang putla ng mukha niya. As in. Sobra.

At ngayon nandito kami sa labas ng E.R. Hinhintay ang paglabas ng doctor. Si tita katabi ko. Kalmado na siya ngayon. Pero halatang nag-aalala.

'Huwag ka ng mag-alala Joe. '

'Pero tita, paano po ako hindi mag-aalala eh-.'

'Nangyari na ito dati. Madalas ngang nangyayari to eh. Kaya hindi na ako masyadong nag-aalala. '

'Tita, ano pong ibig sabihin niyo?'

'Alam mo naman Joe na may hika si Sam di ba? For sure kaya nandito siya ngayon kasi sa hika niya. Palagi siyang na-oospital nung bata siya dahil sa hindi siya makahinga. At siguro dahil yun sa pagod kapag hinihingal at stress siguro.'

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now