[20] First Love Never Dies ♥

572 7 7
                                    

Sam's POV

Nandito kami sa mall ngayon ni Joe. May bibilhin daw siyang mahalaga. Ayaw sabihin kung ano eh.

 'Joe, ano bang bibilhin mo?'

'Basta. Pero kelangan special. May pagbibigyan kasi ako.'

'Sino?'

'Basta. Espesyal na tao.'

'Ahhhh. Okay.'

Naglakad-lakad kami sa mall. Habang naglalakad kami, nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa.

Bakit ganun? Parang may nafeel akong kuryente na galing sa kanya. Parang may spark. Parang gusto ko hawakan yun kamay niya ng matagal.

Lumingon siya sa'kin.

'May problema ba Sammy?' tapos binigyan niya ako ng killer smile.

'H-ha?! W-wala.' nauutal kong sagot.

Naglalakad lang ulit kami. Bigla namang siyang bumitaw sa akin at papunta sa isang shop. Napatingin naman ako sa kamay ko.

Bakit ganun? Nung binitawan ako ni Joe, parang nalungkot ako. Ewan kung bakit. Pero parang gustoko, hawak lang niya yung kamay ko.

'Sam.' Lumapit siya sa'kin 'Okay ka lang ba?'

'H-ha?! Oo naman! Okay na okay ako! (⌒-⌒; )' sagot ko nalang.

'Halika na?'

Hinawakan niya ulit yun kamay ko. Nung hinawakan niya ulit yung kamay ko, parang sumaya ulit ako.

Pumasok kami sa isang shop. Parang jewelry shop. May mga necklaces, bracelets, rings and etc.

'Ah miss patingin nga po ng mga bracelets niyo.' sabi ni Joe dun sa sales clerk.

'Ahh sir, kanino niyo po ba ibibigay? Sa girlfriend niyo po? blah blah blah blah.' sabi naman nung sales lady.

Nag-usap lang sila Joe dun at yung sales lady. Ako naman tinitignan ko yung mga bracelet na naka display. Ang gaganda naman. Pero sa lahat ng mga bracelet na nakita ko, may isang bracelet lang akong nagustuhan. Silver bracelet siya tapos.... Tapos.... Hay! Tignan niyo na nga lang yung pic sa gilid! Yan yung bracelet na sinasabi ko. Maganda siya pero simple lang. Gusto ko siyang bilhin, kaso wala ako masyadong dalang money. Minadali kasi ako ni Joe na magpunta dito eh!

Maya-maya, biglang kinuha nung sales lady yung bracelet.

'Sorry po ma'am, may bibili na po dito. Bibili rin po ba kayo?'

'Ay hindi. Okay lang. I was just looking at it.' Awww. Sayang yung bracelet.

'Oh Sam. May gusto ka bang bilhin? Ako ng bibili para sa'yo.' sabi ni Joe.

'Ha? Naku wala. Tska wag na! Teka, nabili mo na ba yung bibilhin mo?'

'Yeah. Lika na?'

'Okay!'

Hmmmmmm. Sayang talaga yung bracelet. Ang ganda pa naman!

First Love Never DiesDär berättelser lever. Upptäck nu