"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 8: Por Da Pers Taym

3.9K 85 34
By sacchariferousdreams

Chapter 8: Por Da Pers Taym

Halos mapanganga ako sa narinig kong sinabi ni Virgo. Bakit naman magbabago sa akin si Ironic_Volvo? Hindi kaya..

“Tara na Margarette, sige Brad salamat sa paghatid!” nagapir sina Kuya Dustin at Virgo.

 

“Sige Brad, Margarette, bye.” Tumingin din sa akin si Virgo, tumango na lang ako.

“Bye Kuya!” sigaw nung apat na kamember ko sa KFC.

Hindi ko na tiningnan kung anong mga ginawa pa nila. Sumunod na ako kay Kuya Dustin na naglalakad na papasok sa eskinita. Narinig ko naman ang mga maiingay na paa nila Steven, tumatakbo sila. Huminto lang sila nung maabutan nila ako sa paglalakad.

“Bakit ganun yung sinabi nya Cha?” biglang kalabit sa akin ni Dave.

“Oo nga, kilala ba nya si Buwakaw?” dagdag na tanong naman ni PJ.

“Siguro naglalaro din yung lalaking yun ng TLC.” Komento ni Steven.

“Paa-” hindi na natapos ni Aaron ang sasabihin nya dahil biglang sumabat si Kuya Dustin.

“Kayong apat, magsiuwi na kayo. Gabi na, paniguradong nagaantay na ang mga magulang nyo sa bahay. Tara na Margarette.” Hindi na ako nakapalag kay Kuya, hawak nya ang braso ko papanik sa hagdan. Nasa tapat na pala kami ng bahay.

Kumaway na lang ako sa kanila, hindi ko na nagawa pang magsalita ng kahit na ano. Naguguluhan pa rin kasi ako sa mga sinabi ni Virgo. Kung ang mga kaibigan ko maraming tanong sa akin, hindi pa ata sapat ang mga tanong nilang yun para masabing ganun din ang nilalaman ng isipan ko. Ang dami-dami kong tanong pero paano naman kaya masasagot?

“Maglinis ka muna ng katawan bago matulog, sige na.” nasa loob na pala kami ng bahay.

Tinignan ko si Kuya Dustin, sinasara nya yung pintuan. Bigla tuloy akong may naisip.

“Kuya D..” mahina kong sabi.

“Oh bakit? Mauna ka na sa kubeta, bilisan mo lang kasi maglilinis din ako ng katawan bago matulog.” tanging likuran lang nya ang nakikita ko, hindi pa rin sya humaharap sa akin dahil sinasara nya lahat ng lock ng pinto.

“Kuya, si Kuya Virgo ba si Ironic_Volvo?” hindi ko na naman alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para masabi ang mga salitang yun. Tuloy-tuloy, walang kapreno-preno.

Ang bilis lang na napaharap sa akin si Kuya Dustin, yung mukha nya hindi mo maintindihan kung bakit ganun ang hitsura. Gulat sya na seryoso.

“Bakit mo naman itinanong yan?” naglakad si Kuya papunta sa kusina, sinundan ko naman sya.

“Eh kasi sabi nya baka sa susunod matalo ko na yung si Buwakaw. Hindi kaya magpatalo si Kuya Virgo para sa akin?” lumapit ako kay Kuya na kumuha ng isang pitsel ng tubig sa ref saka nagsalin sa baso.

Hindi muna nagsalita si Kuya D, ininom nya ng deretso ang tubig. Inilapag nya ang basa saka tumingin sa akin, pero sa pagkakataong ito nakangiti naman sya. Ang bilis ng kamay ni Kuya D, nasa ulo ko na ito sabay gulo sa buhok ko.

“Huwag kang ambisyosa Margarette! Si Ironic_Volvo, hindi kahit kailan magpapatalo. Kahit na babae pa yan o kahit na sino. Pero yung tanong mo kung si Virgo si Ironic_Volvo?” hindi tinuloy ni Kuya D ang sinasabi nya, bigla syang naglakad papalabas ng kusina.

“Kuya!” sumigaw ako ng bahadya.

 

“Hindi ko alam Margarette. Hindi ko alam kung sino si Ironic_Volvo.” Ngumiti si Kuya sabay pasok sa kwarto nya at sinara ang pinto nito.

Naku naman! Mas lalong nagulo ang utak ko sa mga sinabi ni Kuya D! Mas nagiging palaisipan tuloy sa akin kung sino nga ba talaga ang Buwakaw na yun! Ugh!

______________________

 

“Cha! Isang round lang!” nakasalpak na sa tenga ko ang malalaking earphones.

Nasa computer shop na naman kami, tulad ng dating gawi. Maaga akong nakasalang ngayon, tinakasan ko kasi si Virgo. Hindi ako sa main gate lumabas, ayokong magpahatid sa kanya pauwi. Ewan ko, pero naiilang talaga ako sa kanya eh. Siguro nagtext na yun kay Kuya Dustin tungkol sa akin dahil hindi nya ako nakita sa paguwi ko. Bahala na sya, ang kulit naman kasi nya.

“Game na, game!” napasigaw naman ako dahilan para magtinginan ang mga nasa computer shop.

Sa hindi malamang dahilan, ewan ko kung bakit ganadong-ganado akong maglaro ngayon. Parang may kakaibang mangyayari sa gabing ito. Feeling ko tataas ang level ko ngayon at feeling ko may matatalo ako na mahirap kalaban.

“Login na, login na!” sige rin ang sigaw ni Steven, hyper!

“Oh eto na!” isa ring malakas na sigaw ang binitiwan ni Aaron.

“Chalstine, login!” bulyaw sa akin ng katabi kong si PJ.

“Ayan na! Pasok na ako!” sagot ko naman.

Halos puro sigawan na naming lima ang maririnig sa loob ng computer shop. Yung ilang nagrerent, naiinis na sa ingay namin kaya mas pinipili na lang na lumabas. Pero yung ibang alam ang larong TLC, heto at nakikinood sa aming lima.

“Online ang UFC!” halos hindi ko na narinig ang sinabi ni Dave, mas nauna pa kasing makita ng mata ang sinabi nya kaysa sa narinig ng tenga ko na binalita nya.

Oo nga, online sila at ang dami nang nasa clan nila ngayon. Kahit na limang members lang ang pwedeng pumasok sa bawat clash, nagtipon-tipon naman sa tribe nila yung mga members. Anong mayroon? Bakit ang dami ata nilang online ngayong gabi? Sayang lang, hindi naman naming makikita ang usapan nila. Makikita lang namin kung sinong online sa kanila. At tama ang hinala ko, online ang Buwakaw.

“Ano? Yayain natin ng clash?” napatingin ako kay Steven dahil bigla nya akong siniko.

“Oo tara!” malakas na sabi ni Aaron.

Sasang-ayon pa lang sana ako pero biglang may nag-pop up na message sa screen.

Ironic_Volvo: Game?

Aba! Nagaaya ang loko! Naku, mukhang ito na ang tagumpay na inaasam ko. Mayabang lang sya pero pinaghahandaan ko bawat clash namin sa kanila, tignan ko lang ngayon kung umubra sya sa akin. Maraming weapon na binigay sa akin si Kuya Dustin nung isang araw.

“Invite nyo na ng clash! Hanap tayo ng clear na room, bilis ngayon na! Nag-aaya yung mayabang, dali!” nagpipipindot pa lang ako para maghanap ng room ng biglang may nagappear ulit sa monitor.

[UFC is inviting you for a clash. Request invite by Ironic_Volvo]

 

Aba! Talaga ngang interesado sya sa clash!

 

“Huwag na pala kayong maghanap ng room, may invitation request si Buwakaw!” agad silang nagtinginan sa computer na gamit ko nung sabihin ko yun.

 

“Tang! Mukhang desidido ka na namang ratratin ni Buwakaw, Cha!” umapaw ang galak sa boses ni Dave, naiinintindihan ko naman sya. Sobrang saya ko din!

“Hahaha! Sige! Pasok na lang kayo sa room! Clash na!” isang malakas na pindot sa right click ng mouse!

Nakalogin na ako, pati yung apat sunod-sunod na ring nakapasok. Ayos naman at nakahalera na ang limang players nang UFC.

Honored_Mistress

ManouverChaser

Kraust_Vintage

Steel_Warrior

Ironic_Volvo

Si Kraust_Vintage, Steel_Warrior at Ironic_Volvo ang madalas na magkakasama sa mga clash ng UFC. Napapalitan lang yung dalawa nilang kasama. Ibig sabihin, sina Kraust_Vintage, Steel_Warrior at Ironic_Volvo ang tatlong kaibigan ni Kuya Dustin. Halata naman na silang tatlo yun lalo pa isa sa kanila si Buwakaw. Ang kailangan ko na lang malaman ngayon, sino-sino sila sa likod ng mga usernames na gamit nila?

“Baril!” bigla na lang akong natauhan sa pagsigaw ni Dave, sumusugod yung Chaser sa kanya.

 

“Taragis! Muntikan na akong matamaan nung isa!” reaksyon naman ni Steven.

Kapansin-pansin na lahat sila nakikipag-one on one na sa kalaban nila, pero ang madalas kong makalaban na si Ironic_Volvo, wala pa ring aksyon na ginagawa. Hindi man lang sya gumagalaw para atakihin ang character ko. Ang weird, bakit kaya?

Sugurin ko na kaya sya? Pero baka kapag ginawa ko yun bigla nya akong sugurin at patayin? Hindi kaya taktika nya lang na kunwari hindi sya gumagalaw pero yun pala may matindi syang armas na gagamitin kapag nakalapit na ako sa kanya? Sus! Akala nya sya lang ang matalino, buti na isip ko agad yun. Bahala sya! Sya dapat ang unang manugod, tutal magaling naman sya dun.

Ironic_Volvo: Hit me.

Ha? Bigla na lang syang nagchat, tapos sasabihin nya patamaan ko sya? Kakaiba sya ngayong gabi.

“Walang hiya! Ang galing nung Kraust! Bakit bigla syang gumaling?! Ito naman ang madalas kong kalaban pero ngayon hayop sa depensa!” narinig kong sinabi ni PJ.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, rereplyan ko na lang muna si Buwakaw.

Just_Chals_96: Bakit ko gagawin yun? Mga strategy mo ha! Sumugod ka na lang para matapos na, para mapatumba na kita! Hahahaha

Trashtalkin ko nga sya, akala nya ata mauuto nya ako. ASA sya!

Ironic_Volvo: I’m giving you this chance. Sige na, ikaw na ang sumugod, hindi ako lalaban.

Napatitig ako sa screen ng computer. Si Buwakaw ba talaga ang kachat ko? Hindi kaya namamalikmata lang ako?

Tiningnan ko ulit ang username na nagchat sa akin. Ironic_Volvo nga, pero ano kayang nakain nya para sabihing hindi sya lalaban? Bakit kaya?

Just_Chals_96: Ayoko nga! Walang kwenta kapag hindi lalaban ung kalaban, ano yun? Nanalo ako ng wala man lang kachallenge-challenge?

Ironic_Volvo: Eh di sige, ayaw mo ah.

Wala pang tatlong segundo, parang naramdaman ko kung gaano kasakit ang balang tumama sa character ko. Tignan mo ang taong ito, bigla na lang susugod, wala man lang pasabi! Ang daya!

Just_Chals_96: Ang daya! Hindi man lang nagpasabi! Pero sige, tapusin na natin ito!

Pagkatapos kong ienter ang reply ko, sinimulan ko na syang kalabanin.

Pinagpraktisan ko ng maigi kung paano ilalabas ang mga weapons ko ng hindi ako nauunahan matamaan ni Buwakaw. Sigurado akong sa pagkakataong ito, matatalo ko na sya gamit ang malalakas na armas ko. Hindi na ako basta-basta na lang, akala ata nya mahina pa rin akong kalaban. Pero nagkakamali sya, uuwi syang luhaan ngayon! Buwahahahaha!

Habang naglalaban kami, parang may kakaiba sa kanya. Hindi man lang sya nagpalit ng armas, simpleng baril lang ang gamit nya. Hindi rin sya gaanong umiiwas para hindi sya matamaan, sige lang ang tanggap nya sa mga balang tumatama sa kanya. Ang boring nya ngayong kalaban, hindi sya mukhang magaling sa gabing ito.

Sa loob ng isang minuto, talo sya. Ang weird, ang bilis ko syang natalo at wala pang kahirap-hirap. Masaya ako dahil natalo ko sya sa unang pagkakataon, pero bakit ganun? Parang naguguluhan ako sa nangyayari.

Naalala ko yung sinabi ni Virgo..

“Malay nyo naman, isang araw matalo na ni Margarette si Ironic_Volvo di ba?”

Hindi kaya, ito na yung araw na yun? So si Virgo si..

“Lakas mo Chalstine! Natalo mo yung mayabang!” sumingit bigla si Aaron. Nakatingin sya sa screen ng computer ko.

 

[ Just_Chals_96 Won Versus Ironic_Volvo]

Yan ang announcement na mababasa sa computer ko pagkatapos ng clash.

“Naks! Idol na kita Cha! Ano bang weapon ang ginamit mo? Bigyan mo naman ako!” kantyaw ni PJ.

“Por da pers taym, Cha! Nanalo ka rin dyan sa laging kumakawawa sa’yo!” isa pang pangasar na sinabi ni Dave.

Gusto ko sanang sabihin na baril at granada lang ang pinanlaban ko para matalo si Yabang, kaso paniguradong magtataka sila at hindi maniniwala. Pero totoo naman, ni hindi ko nagamit ang mga weapons na matagal ko nang tinago para sa araw na ito. Kaso hindi ko nagamit dahil sa madaling pagkatalo ni Buwakaw.

Wala man lang syang nilabas na ibang weapon. Ang kadalasang ikinatatalo ko sa kanya ay yung dami ng armas na pinanlalaban nya sa akin, saka fast hands pa sya kung magpalit ng weapon. Sa loob ng limang minuto na nakakaclash ko sya dati, hindi ko mabilang kung ilang beses syang magpalit ng armas. At lahat ng armas nyang yun, wala ako. Kaya laking palaisipan lang kung bakit kaya bigla na lang syang nagiba sa paglalaban namin kanina, por da pers taym este for the first time.

__________________________

Tatlong araw na ang lumipas, at pangatlong araw na rin na natatalo sa akin si Ironic_Volvo. Hindi ko na talaga maintindihan, malaking pagbabago ito para sa akin. Hindi ako sanay na ako ang nananalo sa clash kapag kaming dalawa ang magkalaban. Nakapagtataka na ganun kadali ko na lang syang matalo.

Pero kahit papaano masaya naman ako, natutuwa sa akin sina Steven dahil sa performance ko. Nadadagdagan ng points ang clan namin dahil natatalo ko ang pinakamagaling na player ng pinakamagaling na clan sa mundo ng TLC.

Nakwento ko na rin kay Kuya Dustin ang mga naging clash namin nung mga nakaraang araw namin nung mayabang nilang member. Mukha namang hindi nagtataka si Kuya D, pero may ibinilin sya sa akin.

“Huwag mong seryosohin ang TLC, may mga bagay sa mundo ng TLC na hindi dapat dinadala sa totoong buhay. Ang mundo ng TLC ay puno ng labanan, asaran at lamangan. Sa totoong buhay, dapat matuto kang harapin ang totoong laban, ‘wag kang basta papaasar at kahit kailan huwag na huwag kang papalamang. Margarette, iba ang mundo ng TLC sa mundo natin.”

 

Naguluhan lang ako sa mga sinabi ni Kuya D sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun kaseryoso ang mga salitang binitiwan nya. Para tuloy syang si Kuya Austin kung makapagsalita.

Gustuhin ko mang isipin pa ang mga sinabi ni Kuya D, hindi ko nagawa. Bigla na lang kasing nag-aya na lumabas sina Kuya Ivan na lumabas, dala nya ang kotse nya. Dahil nga nililigawan ako ni Virgo, ayun dala-dala din nya ang kotse nya, mukhang dun pa nya ako gustong pasakayin. Habang si Kuya Evo, nakiki-ride lang kay Kuya Ivan. Wala daw kasi ang kotse nya ngayon, pinapaayos pa sa casa.

Simula nung nililigawan na ako ni Virgo, lagi na akong napapasama sa lakad nilang apat. Kahit minsan ayoko namang sumama dahil ayoko nung mga lakad nila, napipilitan na lang ako. Ayaw daw kasi pumayag ni Kuya Dustin na kaming dalawa lang ni Virgo ang lumabas para sa ‘date’. Kaya pumayag na lang si Virgo na isama na lang ako sa mga lakad nila, kahit papaano sa ganoong paraan makasama daw nya ako. Pero kahit naman ako, ayokong sumama kay Virgo magisa. Ayoko na ulit, huli na yung sa arcade shop.

“Namiss kita Margarette!” isang malaking ngiti ang bitbit ni Kuya Ivan papalapit sa akin. Agad nya akong niyakap, mahigpit na mahigpit.

“Kuya Ivaaan! Hindi ako makahingaaa!” ang kulit talaga ni Kuya Ivan, cool!

 

“Ehem, Brad.” Bumitaw sa akin si Kuya Ivan, napatingin kaming dalawa kay Virgo na nasa harapan namin.

 

“Brad, hindi ko balak agawin sa iyo si Margarette ha! Close lang talaga kami, di ba? Di ba?” pinagtutulak ako ni Kuya Ivan sa braso, ang kulit talaga.

“Oo na! Kulit-kulit mo naman!” binawian ko rin sya ng hampas sa balikat.

“Nandyan na si Dustin.” Kung hindi pa nagsalita si Kuya Evo, hindi ko mamamalayan na kasama pala namin sya.

Bigla nyang binuksan ang pinto sa harapan ng kotse ni Kuya Ivan nang makita nyang pababa na ng hagdan si Kuya D. Seryoso ang mukha ni Kuya Evo nung mga oras na yun.

“Let’s go!” pagaaya ni Kuya Ivan.

Pumunta sya sa driver’s seat ng kotse nya. Si Virgo ganun din ang ginawa, lumapit sya sa kotse nya. Pati si Kuya Dustin duon din sa kotse ni Virgo lumapit. Pero ako? Gusto ko sanang sa kotse ni Kuya Ivan sumabay.

“Dito ka Margarette.” Tawag sa akin ni Kuya D.

Wala na akong nagawa, naglakad na ako papalapit sa kotse ni Virgo. Lumapit naman sya agad para pagbuksan ako ng pinto. Sinulyapan ko muna ang kotse ni Kuya Ivan, nakita kong dinilaan nya ako. Nangaasar pa sya, samantalang si Kuya Evo naman tipid ang ngiting pinakita sa akin.

Nakaramdam ako ng lungkot habang nasa byahe. Naiilang ako na kasama si Virgo, pakiramdam ko hindi ako makagalaw ng maayos lalo pa’t tingin sya ng tingin mula sa head mirror ng kotse. Hanggat maaari mas pinipili ko na lang na tumingin sa bintana para hindi magtagpo ang mga mata namin.

Pagkatapos ng halos kalahating oras na byahe, nakarating kami sa isang mall. Gagala lang daw kaming saglit, magsho-shopping daw si Kuya Ivan ng ilang gamit nya para sa condominium nya. May ilang gamit daw kasi syang ayaw na nyang gamitin kaya papalitan na nya.

“Brad, bibili ako ng bagong rice cooker na mas malaki! Si Evo kasi madalas dumaan sa condo, nauubos yung kanin ko! Hahaha!” pangaalaska ni Kuya Ivan sa kaibigan nya, napakamot na lang ng ulo si Kuya Evo.

“Eh di ba nasira ni Virgo yung microwave mo nung nakaraan? Napalitan mo na ba?” tanong ni Kuya Dustin.

Naglalakad kami ngayon sa loob ng isang appliance center sa loob ng mall. Ang daming gamit para sa bahay! May mga ilang gamit dito na wala kami, hindi naman kasi kami mayaman tulad nitong mga kaibigan ni Kuya Dustin.

“Ay oo nga pala! Tara samahan mo ko Virgo! Kunin natin yung microwave! Evo, pakuha na lang ako nung rice cooker, dun lang un sa susunod na shelf. Sunod ka na lang sa amin! Brad, yung malaki kaysa yung nasa condo ko ha?” biglang hinila ni Kuya Ivan si Virgo, tumakbo naman pasunod si Kuya D.

Akala ata nila sila lang ang marunong tumakbo ha! Tumakbo rin ako para sundan sila, pero naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking nagpapakita kung paano maghiwa ng mga gulay. Mayroon syang suot na mic habang naghihiwa ay nagpapaliwanag sya kung paano yun gawin. Ang galing nya at ang bilis ng kamay nya sa ginagawa nya.

Ilang minuto ang lumipas, naalala kong sinusundan ko nga pala sina Kuya Ivan kanina. Pero nilingon ko ang paligid, wala sila. Hindi ko na alam kung saan sila nagpunta. Sinubukan kong maglakad at hanapin sila, pero hindi ko makita kahit na isa sa kanilang apat. Saan na kaya sila?

Nagpatuloy ako sa paglalakad, lahat na lang ng puntahan ko sa loob ng appliance center, wala sila. Nagsisimula na tuloy akong kabahan, nagsisimula na akong makaramdam ng kaba. Paano ako uuwi kung hindi ko sila makikita?

Gusto ko mang pigilan pero hindi ko na nagawa, nangilid na ang luha ko sa aking mga mata sa sobrang takot.

Wala pang ilang sandali, naramdaman ko na ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko sa aking mga pisngi. Pinilit kong punasan agad dahil ayokong makita ng mga tao na umiiyak ako. Habang naglalakad ako sa loob ng center, nagsimula na akong manghina dahil sa takot pero kailangan ko pa rin silang makita. Hindi ako pwedeng maiwan dito magisa. Hanggang sa sobrang takot, huminto ako sa paglalakad. Napatayo na lang ako sa kinalulugaran ko.

“Margarette..” napalingon ako sa nagsalita ng pangalan ko sa likuran ko. Hindi ko napigilan na hindi sya yakapin.

“Kuya Evo!” Patuloy na lumuha ang mga mata ko habang yakap-yakap ko sya.

Humigpit ang yakap ko sa kanya, naisip ko na buti na lang at dumating sya, napanatag na ako. Naramdaman ko rin ang pagpatong ni Kuya Evo ng mga kamay nya sa balikat ko.

Ayoko pa sanang bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya hanggang sa may nagsalita.

“Evo!” isang malakas na boses ang nagpalingon sa amin ni Kuya Evo, hanggang sa bumitaw kami sa pagkakayakap.

Magkasalubong ang kilay ni Virgo habang nakatingin sa aming dalawa ni Kuya Evo.

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...